You are on page 1of 2

Pagpoproseso ng Impormasyon sa Komunikasyon

Maituturing na komplikadong gawain ang pagpili ng angkop na babasahin. Sa mga seminar-workshop ukol
sa pagbasa, karaniwan na ang pagpapalitan ng kuro tungkol sa mga gamit ng kraytirya sa pagpili ng artikulo.
Ilan sa mga kraytirya ay makikita sa kanilang talaan at ito’y isang magandang palatandaan para sa
magandang pagbuo ng pananaliksik (Adriano, et.,2008) Sapagkat ang pagbuo ng pananaliksik o anumang
impormasyon nan ais ipahayag o ibahagi sa iba ay nangangailangan ng patotoo, nararapat lamang na wasto
at balido ang mga datos na kakailanganin. Mahalaga sa mga gawaing nabanggit ang paghahanap ng tamang
batis (sources) ng impormasyon. Ang pananaliksik ay tapat at totoo na mga impormasyong sinusugan o
panagtitibay na mga kaisipan/impormasyong hinango sa
bibliograpiya.
Ang bibliograpiya ay listahan ng mga ginamit na sanggunian sa pagsasaliksik. Ito ay inihahanay ayon sa
Kronologikal na pagkakasunod-sunod batay sa apelyido ng awtor (Abueg.et al.,2012).

Ilan sa mga halimbawa na maaaring batis


 Aklat
 Pahayagan
 Dokumento ng pamahalaan Artikulo
 Internet
 Pananaliksik
 Anunsyo
 Panitikan
 Larawan
 Encyclopedia
 Dyornal
 Atbp.
Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay makakategorya sa tatlo:
primarya, sekondarya, tersyarya. (Ang pang-apat na tatalakayin ay hindi kategorya, kundi isang uri ng
lokasyon o midyum ng mga hanguan). Ang hangganan ng bawat kategorya ay hindi gaanong malinaw,
ngunit ang pagkilala sa bawat isa ay makatutulong sa pangangalap ng impormasyon o datos. Ganito ang
paglalarawan nina Booth, et al. (2008) sa mga nasabing batis ng impormasyon o hanguan:
Hanguang Primarya- ito ang mga hanguang pinagmumulan ng mga raw data, ‘ika nga. Sa Kasaysayan,
halimbawa, kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa panahon o taong pinapaksa, mga bagay- bagay,
mapa, maging kasuotan. Sa Literatura o Pilosopiya, ilan sa mga hanguang primarya ay ang tekstong pinag-
aaralan at ang mga datos ay ang mga salitang nakalimbag sa bawat pahina. Sa mga nabanggit na larangan,
bihirang-bihirang makasulat ng papel nang hindi gumagamit ng mga hanguang primarya.
Hanguang Sekondarya – Ang mga hanguang sekondarya ay mga ulat na gumamit ng mga datos mula sa
mga hanguang primarya. Sinulat ang mga ito para sa mga iskolarli at/o propesyonal na mambabasa.
Binabasa ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag-iwanan sa kani-kanilang larangan at upang magamit
ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o kaya ay pagpapabulaan. Maaari ring magamit ang mga
datos mula sa mga hanguang sekondarya upang suportahan ang mga argumento
Hanguang Tersyarya – Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat tungkol sa
mga naunang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. Ang mga aklat at artikulo sa ensayklopidya at
publikasyong para as sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa pamilyar sa paksa. Ngunit, kung gagamitin
ang mga datos mula sa mga hanguang tersyarya upang suportahan ang isang iskolarling argumento, maaari
iyong hindi mapanaligan
Hanguang Elektroniko – Dati-rati, hindi nagtitiwala ang mga mananaliksiik sa ano mang datos na
matatagpuan sa Internet. Hindi na ito totoo ngayon. Maging ang mga akademiko ay umaasa na ngayon sa
Internet upang maakses ang mga hanguang pang-aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang database, mga
tekstong primary amula sa reputableng tagapaglathala, pahayagan, maging iskolarling dyornal na abeylabok
online. Ang mga datos na ito ay magagamit at mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga nakalimbag na
counterpart.
Ang Internet ay maihahalintulad sa isang tagalimbag na walang editor, o sa isang laybrari na walang
laybraryan. Marami ang nagpo-post sa Internet tungkol sa ano mang paksang kanilang kinawiwilihan o
mapagkakakitaan nang walang nagwawasto ng kanilang katapatan o katumpakan. Dahil dito, totoong
maraming datos ang makukuha sa Internet. Ang problema, hindi lahat ng datos mula sa Internet ay
mapagkakatiwalaan. Kaya nga, ang payo nina Booth, et al. (2008): Gamitin ang Internet kung ang hanguan
ay primarya.

You might also like