You are on page 1of 32

Pamanahong Papel: Masusing Pagtalakay ng mga Bahagi

Ang Pamanahong Papel


Ang pamanahong papel ay isang uri ng papel pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga mag-aaral sa kolehiyo bilang kulminasyon ng mga pasulat na gawain sa isang kurso. Natatapos na ito sa loob ng isang semestre.

Ang Pamanahong Papel


Gaya ng isang karaniwang saliksik, lumulutas din ang pamanahong papel ng mga suliranin at tumutuklas ng bagong mga kaalaman na makakapagambag sa lalong ikayayaman ng isang larangan, o magpapabuti sa buhay ng tao.

Front Matters
Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel na walang anumang nakasulat. Nagbibigay ito ng karagdagang pormalidad sa presentasyon ng saliksik.

Front Matters
Pahina ng pamagat ang pahinang nagpapakilala ng unibersidad at kolehiyong pinapasukan ng mga mananaliksik, pamagat ng kanilang pamanahong papel, dahilan kung bakit ito ipinasa, sino-sinong mag-aaral ang nagsumite at kaninong propesor, at petsa kung kailan nakompleto ang pag-aaral.

Front Matters
Pasasalamat (Acknowledgment) tinutukoy rito ang mga indibidwal, pangkat o institusyong nakatulong nang malaki sa pagbuo ng saliksik na nais mapasalamatan ng mga magaaral.

Front Matters
Talaan ng nilalaman pahinang nagpapakita ng mga bahagi ng pamanahong papel at ng tiyak na pahinang katatagpuan ng mga ito. Fly Leaf 2 - isa na namang blangkong pahina bago ang aktuwal na nilalaman ng pamanahong papel.

Abstrak
Nilalaman nito ang lagom ng pananaliksik o ang birds eye view ng kabuuang nilalaman ng papel. Samakatuwid, may tig-iisa hanggang tatlong pangungusap na pagtalakay dapat tungkol sa pinakamahalagang nilalaman ng bawat bahagi (kunin ang pangunahing kaisipan o main idea ng bawat kabanata). Nasa isang hiwalay na papel ito.

Kabanata I: Panimula
Una, tinatalakay rito ang pahapyaw na kasaysayan ng paksa ng riserts, gayundin ang dahilan kung bakit naisipang magsaliksik tungkol dito.

Kabanata I: Panimula
Halimbawa, kung ang paksa ay ang Star City at ang pagsusuri ng siyam na haligi ng turismo (pillars o tourism) nito, magandang gawing panimula kung kailan nagsimula ang operasyon ng nasabing theme park, bakit ito naisipang itayo ng mga nagmamay-ari nito, bakit sa puso ng Maynila inilagay, gaano katagal na ba itong nagpapasaya ng mga turista, sino-sino ba ang karaniwang mga taong nagpupunta rito at ano-ano ang rides na kilala rito.

Kabanata I: Panimula
Pangalawa, inilalahad ang pangkalahatang mga layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Maaari rin itong ilahad sa anyo ng mga tanong na ninanais masagot sa pag-usad ng saliksik.

Kabanata I: Panimula
Pangatlo, tinatalakay ang kahalagahan ng pananaliksik ang maaaring maging pakinabang nito sa buhay ng tao, sa larangang kinabibilangan, sa pook na siyang paksa ng pag-aaral, sa lipunang ginagalawan, o sa bansa o daigdig na tinitirhan.

Kabanata I: Panimula
Pang-apat, kasama rin sa panimula ang saklaw at limitasyon na siyang nagtatakda ng mga hangganan ng saliksik. Ano-anong paksa lang ba ang sasaklawin nito? Ano-ano naman ang hindi?

Kabanata I: Panimula
Panlima, inilalahad din sa panimula ang depinisyon ng mga termino o ang mga salitang paulit-ulit na ginamit sa saliksik na nais bigyang-kahulugan. Maaaring maging konseptuwal ang depinisyon (talagang kahulugan ng salita, gaya ng nasa diksiyonariyo) o operasyonal (paano ito ginamit sa pamanahong-papel).

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Sa kabanatang ito, inilalahad ang buod ng mga pag-aaral (tesis, riserts, artikulo sa dyornal) at babasahing (aklat, artikulo sa diyaryo, magasin o internet) may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Tinutukoy rito ang may-akda ng mga ginamit na pag-aaral o literatura, disenyong ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral. Ang mga pag-aaral at literaturang tatalakayin dito ay iyong bago o naisulat sa nakalipas na 10 taon.

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Tiyakin din na ang mga materyal na gagamitin ay nagtataglay ng sumusunod na mga katangian: (a) obhetibo o walang pagliking, (b) relevant o nauugnay sa pag-aaral at (c) sapat ang dami.

Kabanata III: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


Sa bahaging ito inilalarawan ang kagamitan o instrumentong pangunahing ginamit sa pangangalap ng datos gaya ng pakikipanayam (sa pamamagitan ng mga tanong na maingat na inihanda na ang mga sagot ay nakatabi sa tape recorder) o pagsasagawa ng sarbey sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan.

Kabanata III: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


Kinikilala ang mga respondent na nakibahagi sa pag-aaral, gaya ng bilang nila at paraan ng pagkakapili sa kanila. Masusi ring tinatalakay rito ang sunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik. Bukod sa pakikipanayam o pagsasagawa ng sarbey, maaari ring mabanggit ang sumusunod na mga pamamaraan:

Kabanata III: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


1. Archival pamamaraan na pangunahing bumabatay sa mga nakalimbag na kaalaman, gaya ng nasa aklat, diyaryo, magasin, estadistikang natipon ng mga publiko o pribadong ahensya (hal., NSO, SWS, Pulse Asia).

Karagdagang impormasyon:
http://en.wikipedia.org/wiki/Archival_research

Kabanata III: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


2. Obserbasyon malapitang pagkilala sa mga katangian ng isang bagay sa pamamagitan ng limang pandama, gaya ng paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa at pandama. Karagdagang impormasyon:
http://en.wikipedia.org/wiki/Observation

Kabanata III: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


3. Ethnography pamamaraan na kinapapalooban ng aktuwal na pakikipamuhay sa isang pamayanan o lugar para makakuha ng first-hand na datos. Maaari rin itong kapalooban ng pakikipanayam, pagpapasagot ng talatanungan o pag-oobserba ngunit naiiba ito dahil tunay o natural na kapaligiran ang ginagalawan. Karagdagang impormasyon: http://en.wikipedia.org/wiki/Ethnography

Kabanata III: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


Sa tritment ng mga datos, inilalarawan ang paraang istatistikal na ginamit para makompyut ang mga datos. Dahil itoy isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsiyento o bahagdan matapos maitally ang kasagutan sa kwestyoner ng mga respondent.

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos


Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstuwal at tabular / grapikong presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

Kabanata V: Lagom, Kongklusyon, Rekomendasyon


Sa lagom, binubuod ang mga pangunahing resulta, datos o impormasyong nakalap ng mga mananaliksik. Sa kongklusyon, ibinibigay ang inferences, abstraksiyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.

Kabanata V: Lagom, Kongklusyon, Rekomendasyon


Sa rekomendasyon, iniisa-isa ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

Mga Panghuling Panghina


Ang talasanggunian ay isang kompletong tala ng lahat ng sources na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel. (Tingnan ang susunod na aralin tungkol sa dokumentasyon.)

Mga Panghuling Panghina


Sa apendiks nakapaloob ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkrip ng interbyu, sampol ng talatanungan, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping at iba pang suportang dokumentong ginamit sa pag-aaral.

Mga Karagdagang Paalala


Iwasan ang paggamit ng unang panauhan sa pamanahong-papel (ako, kami, amin, namin) sa halip ay gumamit ng ikatlong panauhan (ang mga mananaliksik, sila, nila) para higit na maging obhetibo ang pagtalakay. Isang paraan ito ng paghihiwalay ng pagkatao ng mananaliksik sa kanyang riserts.

Mga Karagdagang Paalala


May mga halimbawang pamanahongpapel sa aklat sa Filipino 2 (Kritikal na Pagbasa at Akademikong Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) na matatagpuan sa p. 262 304. May mga halimbawang pamanahong papel ding mahihiram at maipapa-photocopy mula sa mga nagawa noong nakaraang taon.

Mga Karagdagang Paalala


Bukod sa aktuwal na pamanahong-papel, magtatanghal din ng powerpoint presentation ang bawat grupo na tumatalakay sa mahahalagang laman ng kanilang saliksik. Nakatakda ito sa Pebrero 20, 22, 24 2012 para sa mga klaseng pang-M/W/F at Pebrero 21 at 23, 2012 para sa mga klaseng pangT/Th. Nakasuot ng corporate attire ang mga kasapi ng pangkat sa kanilang pag-uulat.

Mga Karagdagang Paalala


Isang pangkat ang hihiranging pinakamahusay na pamanahong-papel. Ibabatay ang ebalwasyon sa isang obhetibong rating sheet. Gagawaran sila ng eksempsyon sa Panghuling Eksaminasyon.

You might also like