You are on page 1of 3

ASIGNATURA: Komunikasyon

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Modyul 7

Kahulugan ng pananaliksik ayon sa mga iba’t ibang dalubhasa

a. Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na
suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.

b. Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya,
ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

c. Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng
pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa
isang syentipikong pamamaraan.

d. Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng
isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

e. Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang
makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap
ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon.

f. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong


proseso ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pagunawa at
pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay
isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.

g. Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at
kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon
sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga
hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa
mga umiiral na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang
na imbestigasyon ay nakaplano.

h. Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko,
mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto,
kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

i. Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang
komposisyon sa musika.

j. jAyon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena,


ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.

k. Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na


nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pagaaral,
maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa
at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik

1. Pagpili ng Mabuting Paksa – Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang
masusing pag-unawa sa paksa o suliranin. Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang
maging matagumpay ang isang sulating pananaliksik. Nararapat na pinag-iisipang mabuti at
dumaan sa isang maingat na pagsusuri ang paksa upang matiyak na makabubuo ng isang
makabuluhang sulatin.

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis – Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka na ng iyong


pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong
bubuoing pananaliksik.

Halimbawa:

Paksa – Mas pinipili ng tao ang mga coffee shops bilang lugar para sa pakikipag-usap o socialization
kumpara sa mga fastfood outlets, restaurants o mga karinderya.

Pahayag ng Tesis – Sa pagsikat ng mga coffee shops, sumabay ang imaheng ipinapakita nito sa madla
sa tulong na rin ng social media, bilang lugar na pinagkakakita-kitaan o pakikipagkilala na sinamahan
pa ng kakaiba nitong mga arkitektura at internal na disenyo ng lugar, dala na rin ng pagkilala at
pagrekomenda ng mga parokyano gamit ang social media nakikilala ng iba pang mga tao ang mga
coffee shops na naglipanan dito sa bansa.

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya – Sa pagpili mo ng iyong paksa, mahalagang


isaalang-alang ang iyong sanggunian. May sapat bang kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa
pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito? Mula sa iyong mga
nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya. Ito ay isang talaan ng iba’t
ibang sanggunian tulad ng aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, website at iba pang
nalathalang materyal na ginamit. Ito’y maaaring isang 3”x5” na index card na kakikitaan ng
sumusunod na mga impormasyon:

a. Pangalan ng Awtor
b. Pamagat ng kanyang isinulat
c. Impormasyon tungkol sa pagkakalathala
d. Mga naglimbag
e. Lugar at taon ng pagkalimbag
f. Pamagat ng aklat; at
g. Ilang mahahalagang tala tungkol sa nilalaman

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas – Mahalaga ito upang magbigay ng direksyon sa


pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangan hanapin.
Maaaring gamitin ang mga inihanda mong card ng bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng
iyong balangkas,

5. Pangangalap ng Tala o Note taking – Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga tala.
Gumamit ng index card na mas Malaki kaysa sa ginamit mo sa bibliyograpiya para mapag-iba ang
dalawa bukod sa mas marami kang maisusulat sa mas malaking card. Maari kang gumamit ng 3 uri
ng tala:
a. Tuwirang sipi – kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa
simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito
mababasa.
b. Buod – Ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto subalit nagtataglay ng lahat nang
mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto.
c. Hawig – Kung binago lamang ang mga pananalita subalit mananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline – Dito na susuriing mabuti ang inihandang
tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.

7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft – Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay
maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay
dapat magkaroon ng sumusunod:

a. Introduksiyon – kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin.


b. Katawan – kababasahan ng pinalawig o nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas.
c. Konklusyon – na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador – I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay
na kailangang iwasto sa iyong borador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap,
ang baybay, bantas, wastong gamit, pamamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote.
Maari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin, Ihanda ang pauang salita, talaan ng
nilalaman at pinal na bibliyograpiya.

9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik – Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang
naunang walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-
type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

Modyul 8 PAGBUO NG PAKSA PARA SA PANANALIKSIK

You might also like