You are on page 1of 11

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT PANITIKAN

YUNIT 1
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK


• Kahulugan ng Pananaliksik
• Mga Katangian ng Isang Mabuting Pananaliksik
• Ang Pananaliksik Bilang Isang Makaagham na Metodo
• Ang Pananaliksik Bilang Isang Masining na Larangan
• Mga Hakbang sa Pananaliksik.

Layunin:
1. Mabigyan ng kahulugan ang pananaliksik sa tulong ng mga akda at eksperto sa larangang ito.
2. Maisa-isa ang kahalagahan ng pananaliksik sa tulong ng mga paaralan, lipunan, pamayanan,
edukasyon, agham, sining, panitikan at kultura.
3. Maunawaan ang lagay at saysay ng pananaliksik sa buhay ng mga mag-aaral sa antas tersyarya at
graduwado.
4. Maisa-isa ang mga katangian ng mananaliksik at ng mabuting pananaliksik at;
5. Mapatunayan ang pananaliksik ay isang makaagham at masining na metodo.

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
Ayon kay Kerlinger (1972), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, imperikal, at kritikal na
pagsisiyasat sa mga proposisyong hipotetikal tungkol sa mga paniniwalang mga ugnayan ng mga likas
na phenomenon.
Ayon naman kay Quiton (2006) Ang matiim na pagtatangka ay nangangahulugang pagsunod sa
siyentipikong metodo upang makalap ang mga kinakailangang datos at impormasyon.
Ayon kay Atalia (2016) ang pananaliksik ay tumutukoy sa mga ginagawa kung ano ang layunin na
kinakailangan na ang pagtuklas ay “doable” at napapanahon sa isang mannaaliksik.
Ayon kay Astorga (2006), sa kanyang aklat na isinilang ang gawaing pananaliksik nang magsimulang
magtanong ang mga sinaunang tao hinging sa mga bagay-bagay at nang magsimulangmaghanap ng mga
kasagutan ang mga tao sa katanungang gumugulo sa kanilang kaisipan.
Halimbawa na lamang nang paniniwalang ang mundo ay lapad at sa dulo nito ay isang napakalaking
bangin na maaring mahulog ang tao.
Ayon naman kay Calderon at Gonzales 1993, ang pananaliksik ay isang malayuning sistematiko at
siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-uuri-uri, pagsasaayos, paglalahad at
interpretasyon ng mga datos at impormasyon upang makalutas ng mga suliranin upang makabuo ng
imbensyon, makadiskubre ng bagong kaalaman o maberipika ang isang umiiral na kaalaman.
Ayon kay Morong (2013), ipinahayag niya ang kahulugan ng pananaliksik ay isang karaniwang gawain
na hinihiling sa mga mag-aaral sa antas dalubhasaan na may kaakibat na masinsinang pangangalap,
pagkilala, pag-aaral, pagsusuri at pagpapatunay ng kaisipan at ito ay naglalaan ng pangunahing
konsiderasyon at pagpapahalaga sa mga teorya.

Mga Katangian ng Isang Mabuting Pananaliksik


1. Sistematiko
• Sistematiko ang pananaliksik sapagkat ito ay may sinusunod na proseso.
• Hindi ito nararapat na basta-basta lang ginagawa dahil gusto mo.
• Nangangailangan ng maayos na paghahanda, pagbabalangkas, pagpaplano at pagsasagawa upang ganap
na matamo ang inaasahang bunga ng pananaliksik.

2. Siyentipiko
• Ang Panananaliksik ay maituturing siyentipiko.
• Ito ay may hakbang na sinusunod mula sa pagtukoy ng suliranin hanggang sa paglalahad ng mga
kongklusyon.
• Siyentipiko rin ang pamimili ng mga respondente at sampol ng respondenteng kakapanayamin o bibigyan
ng talatanungan.

3. kontrolado
• Kontrolado ang pananaliksik sapagkat nasa kamay ng mananaliksik ang buong proseso.
• Siya ang nagkokontrol ng mga baryabol kung paano ito mamanipulahin o kaya naman ay kung paano
kakalkulahin ang mga numerical na datos at serye ng impormasyon.
• Ganun pa man, hindi dapat manipulahin ng mananaliksik ang resulta batay sa kaniyang sariling
kasagutan.
• Anuman ang lumabas ay dapat na lapatan ng angkop na interpretasyon at implikasyon.

4. Imperikal
• Imperikal ang pananaliksik sapagkat ang sangkot dito ay mga bagay o paksang nasusukat,
napagmamasdan, kayang i-quantify, at dumaan sa eksperimentasyon.
• Hindi maaring gawan ng pananaliksik ang mga di imperikal na konsepto kagaya ng mga supernatural na
bagay tulad ng multo, ang buhay pagkatapos ng kamatayan, at mga iniisip ng mga mentally retarded.

5. Lohiko
• Lohiko ang pananaliksik sapagkat bang mga layunin nito ay sadyang pinag-isipan.
• Layon ng pananaliksik na lumutas ng mga observable na mga suliranin kaya ang isang mananaliksik
ay nakapag-aambag ng mga bagong kaalaman, kagamitang panturo, mga teorya at praktikal sa kaniyang
propesyon.

6. Sayklikal
• Sayklikal ang pananaliksik sapagkat ito ay may siklo o cycle na sinusunod.
• Parang pabilog ang daloy ng mga proseso nito.
• Ang pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin at humahantong sa rekomendasyon kung saan
maaring humugot ng mga panibagong suliranin.

7. Analitikal
• Analitikal ang pananaliskik sapagkat kailangan ng matiim na pagsusuri at interpretasyon ang mga
malilikom na datos.
• Dito ay inilalahad at dumaraan sa pagsusuri ang mga numerikal na datos at serye ng mga kuwalitatibong
impormasyon na nalikom mula sa malawakang pangangalap o data gathering.

8. Kritikal
• Kritikal ang pananaliklsik sapagkat mula pa lamang sa pagtukoy ng suliranin hanggang sa puspusang
pagrerebyu ng literatura, pamimili ng paraang gagamitin, at pagsusuri ng datos, lahat ay dumaraan sa
matiim na pag-iisip.
• Hindi dapat manipulahin ang datos ayon sa kagustuhan ng mananaliksik na lumalabas sa pag-aaral.
• Kapag nagsinungaling o minanipula mo ang isang datos, maituturing na kasinungalingan ang buong
pag-aaral.

9. Metodohikal
• Metodohikal ang pananaliksik sapagkat may tiyak na metodo o hakbang itong sinusunod.
• Sakaling lampasan o hindi gawin ang isang hakbang ay maaring masakripisyo ang buong pananaliksik.

10. Replikabiliti
• Ang pananaliksik ay maaring ireplikeyt subalit hindi maaring kopyahin nang lubusan.
• Ang replikasyon ay maaring pagkakahawig lamang ng ilang baryabol ng pananaliksik.
Pananaliksik bilang isang masining na larangan
• Kagaya ng pagsulat ng anumang komposisyon, ito ay dapat na dumaan sa pormal na proseso ng
pagsulat.
• Nagsimula ang pannaaliksik sa pre-writing na Gawain kagaya ng nagpalano, pagbabalangkas,
pagmamasid at paglilinaw ng mga layunin.
• Ang Kasunod nito ay ang writing stage o ang pagsulat ng kabuan ng papel pananaliksik matapos na
makalap at mabuo ang mga datos o impormasyon,
• Ang pagdedepensa nito sa harap ng mga dalubhasang lupon ng tagasulit ay maaring ihanay sa editing
stage.
• Sa depensa kinikilatis ng lupon ng mga tagasulit ay nagbibigay ng mga konstraktib na mga kritisismo,
mga mungkahi at pagwawasto.
• Sa mga tesis at disertasyon, ang papel na dinepensa ay dapat pang dumaan sa tatlong uri ng editors
maliban sa lupon ng tagasulit at tagapayo. Ang mga editor ay kinabibilangan ng sumusunod:

Pananaliksik bilang isang masining na larangan


1. Editor ng Kontent
- tungkulin na ituwid ang kamalian sa nilalaman kagaya ng maling pormat, detalye, justification
literatura, pag-aaral, pagkakasunod-sunod ng mga ito, pagkakaayos ng balangkas konseptwal kung akma
ba ang pagkakasulat ng mga bilang, pati na ang nakalagay sa interpretasyon.

2. Editor ng Wika
- tungkulin na pagwawasto ng gramatika, gamit ng salita, kapitalisasyon, bantas, palugit at pasok
ng mga talata, estruktura, pahinasyon, at retorikal na pagwawasto.
3. Editor ng Istatistika
- tungkulin na tignan kung wasto ang kalkulasyon at datos at tama ba ang proseso ng
pagkokompyut.

Maliban sa mga hakbang sa pagsulat, bahagi rin ng kasiningan ng pananaliksik ang paggamit ng apat na
uri ng pagpapahayag sa pagsulat ng naratibo. Ginagamit sa pagsulat ng pananaliksik ang mga
sumusunod:

1. Paglalahad
- ginagamit sa pagsulat ng panimula, kaugnay na literatura at interpretasyon ng mga datos kung
saan ang mananaliksik ay tila nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.

2. Pagsasalaysay
- ginagamit sa mga pananaliksik na kuwantitatibo kagaya ng etnograpiya, penomenolohiya, aral-
kaso at Grounded Theory.
3. Paglalarawan
- naratibo ng isang kuwalitatibong pag-aaral. Inilalarawan ng mananaliksik maging ang sampol,
ang paligid ng minasdang komunidad, ang pamamarang ginamit maging ang uri o paran ng pagsagot ng
mga impormante.

4. Pangangatwiran
- ang pagtalakay ng kahalagahan ng pag-aaral. Sa pag-iisa-isa ng mga tao at institusyong
mabibinipisyuhan ng pananaliksik ay tila nangangatwiran ang mananaliksik. May himig pangangatwiran
din ang pagtalakay ng mga implikasyon ng mga nasuring datos.

Mga Hakbang sa Pananaliksik


• Pagtukoy sa Suliranin / Pag-alam ng mga • Aktuwal na pangangalap ng datos
Layunin ng pag-aaral • Paglilikom at tabyulasyon ng mga datos at
• Pagrerebyu ng kaugnay na literatura at pag-aaral impormasyon
• Pagbuo ng hinuha • Pagsusuri ng Datos na nalikom
• Pagtukoy ng respondente o impormante • Pagbuo ng kongklusyon at rekomendasyon
• Pagtukoy ng lawak ng populasyon o sampol • Diseminasyon ng Pananaliksik
• Paglikha o pangangalap ng Instrumento ng
Pananaliksik
YUNIT II
Ang Pamagat at ang mga Dahong Preliminari
LAYUNIN
1. Matukoy ang maaring pagmulan ng mga paksang pampananaliksik;
2. Makagawa ng paghahambing ng masaklaw at tiyak na paksang pampapanalisik.
3. Makabuo ng mga nilimitahang pamagat ng pananaliksik na hango sa masaklaw na paksa; at
4. Maisa-isa ang mga konsiderasyon sa pagpili ng paksang pampananaliksik.

Pagsulat ng pamagat ng pananaliksik ayon kay Bernales et.al (2016)


• Hindi dapat maligoy.
• Ang pamagat ay maikli lamang
• Bilang lamang ang salitang gagamitin sa pamagat (10-20)
• Hindi kasama sa bilang ang salitang pangkayarian kagay ng pangatnig, pantukoy, pang-ukol at
pangawing.
• Ang pamagat ay tiyak at hindi masaklaw
• Nakabilang ang lugar at kung ano ang respondente ng pag-aaral.

Mga Dahong Premilinari


1. Pabalat ng Aklat
- Inilalagay sa bahaging ito ang pamagat ng pananaliksik sa dakong itaas ng pabalat.
- Sa bahaging ibaba nito ay may-akda at ang institusyong pinagpasahan nito.
- Sa dulong ibaba inilalagay ang petsa ng pagsumite ng pananaliksik.
- Tandaang ang pamagat ay dapat nakalimbag nang mariin at sa malalaking titik.
- Ang pormat nito ay baligtad na piramide.

2. Fly-leaf 1
- Ito ay isang blangkong pahina na inilalagay bago ang pamagating pahina o dahoon ng pamagat.

3. Pamagating pahina
- Ang Bahaging ito ay kaiba sa pabalat na pahina, bagamat nakalagay pa rin ang pamagat ng pannaliksik
nang sumusunod sa kaprehong pormat, inilalagay din ang may akda, at ang kursong tinapos pati na ang
institusyong pinagpasahan ng papel.

4. Rekomendasyon sa Pasalitang Pagsusulit


- Ang bahaging ito ay para sa mga pananaliksik, tesis at disertasyon na idedepensa.
- Naglalaman ito ng rekomendasyon ng tagapayo para sa depensa ng mananaliksik.
- Nakatalarin sa bahaging ito ang pangalan ng lupon ng mga tagasulit.

5. Dahon ng pagpapatibay
- Sa bahaging ito ay naglalaman ng pagpapatibay ng mga kinauukulan sa pananaliksik na matagumpay
nang naidepensa. Nakalagay dito ang pangalan ng dekano, pangalawang pangulo sa gawaing
akademiko, at ang pangulo ng Pamantasan.

6. Pagkilala
- Sa Bahaging ito ay nailalahad ng mananaliksik ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng taong nagging
bahagi ng iktatagumpay ng kanyang isinagawang pag-aaral.
- Pinasasalamatan dito ang tagapayo, lupon ng tagasulit, mga kaguro, kaibigan, kapamilya, aswa, anak at
higit sa lahat ang panginoon.

7. Paghahandog
- Ito ay isang opsyunal na pahina.
- Inalalagay rito ng mananaliksik kung kanino niya iniaalay ang isinagawang pag-aaral.

8. Abstrak
- Ito ang pinakabuod ng pananaliksik.
- Dito niya inilalahad ang pamagat, maikling panimula, pamamaraan, buod ng natuklasan, at
kongklusyon.
- Karaniwang maikli lamang ito.
- May mga abstrak na umaabot lamang sa 300-350 salita.
- Naglalagay rin ng mga susing salita o keywords sa bahaging ito.

9. Nilalaman
- Ito ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng bahagi ng pananaliksik kasama na ang kinaroroonang pahina
nito.

10. Talaan ng Talahanayan


- Ito ang hiwalay na pahina para sa mga talahanayang nakapaloob sa pananaliksik pati na ang pahina ng
mga ito.

11. Talaan ng mga Pigura


- Ito ang hiwalay na pahina para sa mga pigurang nas naratibo ng pananaliksik pati na ang kinaroroonan
nitong pahina.

12. Fly Leaf 2


- Ito ay rig blangkong pahina bago ang unang kabanata ng pag-aaral.

Balangkas ng mga Bahagi ng Pananaliksik


KABANATA I : ANG SULIRANIN
• Kaligiran ng Pag-aaral
• Paglalahad ng Suliranin
• Haypotesis Kahalagahan ng Pag-aaral
• Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
• Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

KABANATA II :
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT MGA PAG-AARAL
• Mga Kaugnay na Literatura
• Mga Kaugnay na Pag-aaral
• Konseptwal na Balangkas
• Paradim ng Pag-aaral

KABANATA III : METODOLOHIYA


• Disenyo ng Pananaliksik
• Mga Respondente
• Instrumento
• Mga Hakbang sa Pangangalap ng Datos
• Pagtalakay sa mga Datos

KABANATA IV:
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

KABANATA V:
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
• Lagom
• Kongklusyon
• Rekomendasyon

BIBLIOGRAPI

A. Mga Aklat
B. Mga Dyornals
C. Di- Nailathala at Nailathalang Tesis
D. Sangguniang Elektroniko

APENDIKS AT KURIKULUM VITAE


Balangkas sa Pagbuo ng Panukalang Pananaliksik
• Pamagat ng Pananaliksik • Layunin ng Pag-aaral
• Mannaliksik / Mga Mananaliksik ng Pag-aaral • Metodolohiya
• Pangunahing Ahensya • Inaasahang Awput ng Pag-aaral
• Takdang Panahon ng Proyekto • Potensyal na Epekto ng Pag-aaral
• Kabuuang Badyet • Target na iskedyul ng Pag-aaral
• Rasyonale • Pangunahing Badyet

Halimbawa ng Panukalang Pananaliksik


Pamagat ng Pananaliksik: ANTAS NG KAKAYAHAN SA PAGSULAT NG TRADISYUNAL NA TULA
SA MGA
BATSILYER NG SEKUNDARYANG EDUKASYON MEDYOR SA FILIPINO SA
PANGASINAN STATE UNIVERSITY

Mananaliksik / Mga mananaliksik: MARK DARREL P. PARAYNO

Pangunahing Ahensiya: Pangasinan State University Urdaneta City, Pangasinan

Takdang Panahon ng Proyekto: January 2019 – December 2019

Kabuuang Badyet: Php 30500

Rasyonale ng Pag-aaral
Mula sa kasaysayan, napakahalagang bahagi ang pagsulat sa pakikipagtalastasan ng mga tapo sa ibat-
ibang dako man ng mundo.

Isang kakayahan na kinakailangang malinang sa bawat isa sa atin ang pagsulat upang ang saloobin at
damdaming hindi maisatinig ay maipahayag. Sa pamamagitan ng pagsulat ay naipapaalam natin ang
ating pansariling mga opinion, mithiin at damdamin. Sa katunayan, ayon kay Recuba (2003), ang
pagsulat ay nangangailangan ng disiplinang mental at mataas na kaalamang teknikal at pagkamalikhain
gayon din ang sapat na kasanayan.

Sanligan ng bawat makata ang paglikha ng isang tula. Dito nila malayang naisasakatuparan ang anumang
saloobin, nararamdaman o ideya man. Sa kasalukuyan, maraming mag-aaral na tulad namin o hindi man
ang may sapat na kakayahang makalikha ng mga tradisyunal na tula o makabagong tula.
Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang antas ng kakayahan sa pagsulat ng tradisyunal na tula sa mga
Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino sa Pangasinan Ptate University. Ang mga
sumusunod na tiyak na layunin ang nais mabigyang sagot sa pag-aaral na ito:

1. Ano ang profayl ng mga respondente ayon sa sumusunod:


a. kasarian;
b. mga babasahin sa bahay, mass media;
c. pinakamataas na edukasyong natapos ng magulang
d. buwanang pinansyal ng pamilya; at
e. marka ng mga respondent sa pangalawang semestre?

2. Ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tradisyunal na tula?

3. Ano ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tradisyunal na tula sa larangan ng:
a. sukat;
b. tugma;
c. talinghaga; at
d. larawang diwa
4. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
tradisyunal na tula batay sa kanilang profayl?

5. Ano ang mungkahing gawain na ipapanukala upang maging mahusay ang mga BSEd medyor sa Filipino sa
pagsulat ng tradisyunal na tula?
Metodolohiya ng Pag-aaral
Ang pag aaral na ito ay gagamit ng disenyong deskriptib sapagkat nilalarawan dito ang kakayahan ng mag
aaral na kabilang sa Batsilyer ng Sekondaryang Edukayon sa pagsulat ng isang tradisyunal na tula.

Ang deskriptib na pananaliksik ay sumasaklaw sa lahat ng pag aaral na naglalayong ilahad ang mga
katotohanan tungkol sa kalikasan at kalagayan ng anumang bagay, grupo ng mga tao, bilang ng mga
bagay , pangkat ng mga kondisyon, uri ng mga pangyayari at sistema ng pag iisip o anumang uri ng
pangyayari na nais pag aralan ng kahit sinuman.

Ayon kay San Chriz(1999), pangunahing layunin sa paggamit ng pamamaraang ito upang ilarawan ang
kalagayan ng isang sitwasyon na nangyari sa panahon ng pag aaral at upang mahanap ang mga dahilan
ng partikular na pangyayari(Travers,1978).

Inaasahang Awput ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay inaasahang:

1. Makilala ang profayl ng mga BSEd medyor sa Filipino sa Pangasinan State University;
2. Matukoy ang mga suliraning kinakaharap ng mga BSEd medyor sa Filipino sa pagsulat ng tradisyunal na
tula;
3. Madetermina ang antas ng pagsulat ng tradisunal na tula ng mga BSEd medyor sa Filipino;
4. Siyasatin ang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tradisyunal
na tula batay sa kanilang profayl; at
5. Magpanukala ng mungkahing gawain upang maging mahusay ang mga BSEd medyor sa Filipino sa pagsulat
ng tradisyunal na tula.
Potensyal na Epekto ng Pag-aaral
Inaasahan sa pag-aaral na ito na ang magiging bunga at resulta ng mga datos na nakalap ay upang
malaman ang antas sa pagsulat ng tradisyunal na tula ng mga BSEd medyor sa Filipino. Kaugnay ng
pag-aaral na ito ay inaasahang makabubuo ng mga planong gawain upang malinang ang kahusayan at
kasanayan sa pagsulat ng tradisyunal na tula ng mga BSEd medyor sa Filipino. Inaasahan din sa pag-
aaral na ito na ang magiging bunga at resulta ng mga datos na nakalap ay maging gabay para sa mga
susunod na mananalikisik na interesado at nagnanais magsagawa ng pag-aaral sa disiplinang ito.

Target na Iskedyul
Pangangailangang Badyet:

Quantitative Research in Different Areas of Knowledge

The term “quantitative” was derived from Medieval Latin Period (1580’s) “quantitativus” and this
term was stem in latin word “quantitas” which means “quantify”.
And in 1650’s the term “quantitative” is relate to the term “measurable”

• Is a research strategy that focuses in quantifying the collection and analysis of data.
• It is formed from a deductive approach where emphasis is place in testing of theory, shaped by
empiricist and positivist philosophies..
• The objective of quantitative research is to develop and employed mathematical models, theories
and hypothesis pertaining to phenomena

Characteristic of Quantitative Research

Methods or procedures of data gathering include items like age, gender, educational status, among
others, that call for measurable characteristics of the population.

Standardized instruments guides data collection, thus, ensuring the accuracy, reliability and validity of
data.

Quantitative Research puts emphasis on proof, rather than discovery.

The Importance of Quantitative Research in Architecture and Engineering


The quantitative research is very useful in engineering and architecture sector to adopt the it’s fast-
changing environment of the society.

How does the quantitative research change the architecture and Engineering sector?
By means of so-called INNOVATION.
What is Innovation?
Innovation is a process of innovating new methods of ideas or a product.
Meaning to say, innovation is the changes of old methods and techniques that is not working 100% or
those methods and techniques is very obsolete, and it is not appropriate anymore to the needs of
individual in the society specially in the architecture and engineering sector.
Computer-aided design (CAD)
is the use of computers to aid in the creation, modification, analysis, or optimization of a design. This
software is used to increase the productivity of the designer, improve the quality of design, improve
communications through documentation, and to create a database for manufacturing.
Building information modeling
is a process supported by various tools, technologies and contracts involving the generation and
management of digital representations of physical and functional characteristics of places.

Self-healing concrete
is a new type of concrete. It imitates the automatic healing of body wounds by the secretion of some
kind of material. To create self-healing concrete, some special materials (such as fibers or capsules),
which contain some adhesive liquids, are dispensed into the concrete mix.

The Importance of Quantitative Research in Business


Quantitative research is very important in business sector because it makes the flow of the business very
smooth. Using quantitative research, it can predict whether the sales is going to increase or decrease in
which it is very significant event in running a business.

It can also forecast the business opportunity in the future, and it is very beneficial so that it will get the
customer’s interest by means of advertisement

What are the needs and interest of the people in a product?


What are the thing’s they don’t like in a product?
What are the strategies and technique that the company will take into account so that their product will
be sold out?
Of course, these questions will be answer by means of INNOVATION.

Quantitative research is the primary activity so that the business sector will improve and develop their products
and services by means of innovation.

Quantitative research is very useful and relevant in the area of education because by means of INNOVATION
and modern technology it produce more highly competent and morally upright citizens of our nation and
a product that can help from the betterment of our nation.

The programs and activities of the Department of Education that is being implemented is well planned and
organized and it is based on critical study and research.

Education sector is not only implementing programs in designing new school curriculum, organizing and
beautification of school building and infrastructure, improvement of teaching pedagogy but they also
undergo with the process of innovation to go with the new trend in the system of education.

Quantitative research serves as a foundation to formulate such programs and projects that is being implemented
by the government for the betterment of the people and generally to the nation building. In other words,
whatever the programs and laws of the government it is based on research and study, and it is not based
by their decisions only.

Quantitative research is very powerful in government in terms of decision making specially when it comes to
the distribution of budget in the different sector in the government. Moreover, it is also important in data
gathering to describe the present state of the nation's economy.

You might also like