You are on page 1of 35

PANGKAT 5

Introduksyon sa
Iba’t ibang uri ng
Saliksik
Tagapagbalita: Pangkat 5
Ano ang Saliksik?

Ang saliksik ay ang sistematikong pagsisiyasat at

pag-aaral ng mga materyales at mga pinagkukunan

upang magtatag ng mga katotohanan at maabot ang

mga bagong konklusyon.


Ang mga Uri ng
Saliksik
1 IMRAD

I M R D
introduction Methodology Results Discussion
2 Critical Paper

Ang “critical paper” ay nilalaman ng mga


argumento na syang magpapatunay o
magbibigay ng mas malalim na dahilan sa
isang bagay o pangyayari.
3 Term Paper

Ang “term paper” ay kadalasang gamitin sa


kolehiyo kung saan sa pagtapos ng isang
semestro ginagawa upang makita kung ano
ang natutunan ng isang estudyante sa
kanyang mga napagaralan sa buong
semestro na nabanggit.
4 Policy Paper

Ang “Policy Paper” ay nilalaman ng mga


bagay na makapanghihikayat sa isang
grupo or makikinig upang sumang ayon o
mas maipakita ang kahalagahan ng isang
bagay at mga paraan kung paano ito
mapapahalagahan.
Iba’t- ibang uri ng
pananaliksik
Panimulang Pananaliksik (Basic Research)

- Ang layunin ng pananaliksik na Ito ay


magpaliwanag

- Ang pananaliksik na Ito ay binubuo ng teorya o


paliwanag tungkol sa isang phenomenon
(pangyayari)

- At Ito ay deskriptibo o paglalarawan


Pagkilos na Pananaliksik (Action Research)
- Ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng isang
tiyak na suliranin sa isang programa, organisasyon o ng isang
komunidad.
- Ang kaibahan nito sa pagtugong pananaliksik ay mas payak
ang suliranin nito at ang pangongolekta ng mga datos ay
impormal.
- Karaniwan ang mananaliksik ay bahagi o kasapi sa pinag-
aaralan
- Ang ganitomg uri ng pananaliksik ay mainam para sa mga
mag-aaral sa sekundaryo gaya din sa mga kolehiyo.
Pagtugong Pananaliksik (Applied Research)
- Ang layunin ng pananaliksik na Ito ay upang
magtulungan ang mga tao na maunawaan ang
kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay
magkaroon siya ng ideya kung paano kokontrolin ang
suliraning yaon.

- Sa magaling salita Ito ay may layunin na solusyonan


ang suliranin ng tao at mga suliraning umiiral sa
kaniyang kapaligiran.
Makaagham o Siyentipiko (Historical Research)
- Mahalagang aktuwal na makuha ang mga katunayan at
aktibong gumawa ng mga bagay-bagay na makakatulong sa
pagtuklas sa nais patunayan.

- Dito ay kailangang may haypotesis ang nananaliksik at


masinsinang magtrabaho at gumawa ng eksperimento
upang patunayan o pabulaanan Ito.

- Ang gagamiting pamamaraan ay pabuod o indaktibo.


Comparative
5
Research

Naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura


at, bagay, pangyayari at iba pa. Kadalasan ay ginagamitan
ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos.
Halimbawa: Ang pag-aaral sa bunga ng edukasyon sa mga
mag-aaral ng paaralang publiko at paaralang pribado.
6 Disenyong Eksploratori

Isinasagawa kung wala pang gaanong pag-aaral na


naisasagawa tungkol sa isang paksa o suliranin.
Metodolohiya
Sistematikong Pananaliksik Sistematikong kalipunan
ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng
imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos
sa isang pananaliksik.

Metodo - tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas


Metodolohiya - kalipunan at pagaayos ng mga
kaalaman
1.SARBEY

Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng


datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak
na populasyon o sampol ng pananaliksik.
2.Pakikipanayam o Interbyu

Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may


awtoridad o may personal na pagkaunawa sa paksa ng
pananaliksik.
Structured Interview

(nakabalangkas napakikipanayam) halos eksakto o


tiyak angpagtatanong gaya ng mga
nasatalatanungan na ginagamit sa sarbey.Pasalita
ang pamamaraan nito at binabasang mananaliksik
ang mga tanong.
Semi-structured Interview

(pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas) - mas


nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong
sa magiging daloy ng panayam. Ginagamitan ng mga
gabay na tanong upang maging maayos at
sistematiko ang daloy ng panayam, mahalaga ang
pagbuo ng follow-up question.
Unstructured o walang estruktura

layunin na galugarin ang nararamdaman ng


kalahok tungkol sa paksa ng panayam impormal
ang paraan ng pagtatanong, madalas na ginagamit
sa kuwalit at ibong pananaliksik
3.Dokumentaryong Pagsusuri

Ito ay isang pamamaraan sa pananaliksik na


ginagamit upang kumalap ng impormasyon na
susuporta at magpapatibay sa mga datos ng
pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na
pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at
mga dokumento upang malutas ang mga suliranin.
4.Nakabalangkas na Obserbasyon at
Pakikisalamuhang Obserbasyona.

A.Nakabalangkas na Obserbasyon -Pagmamasid ng


mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng paga-aral
habang sistematikong itinatala ang kanilang
pagkilos at interaksiyon.
b. Pakikisalamuhang Obserbasyon - Pag-aaral sa
kilos, paguugali at interaksyon ng mga kalahok sa
isang likas na kapaligiran
Disenyong Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang
estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-
samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa
maayos at lohikal na paraan. Ito ang nagtitiyak na
masagot ng pananaliksikang suliranin at matutupad ang
layunin na itinakda nito.
KUWANTITATIBONG PANANALIKSIK

Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at


empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong
panlipunan sa pamamagitan ng matematikal- estadistikal- at mga
teknik na pamamaraan na gumagamit ng komputasyon,
kadalasang ginagamitan din ito ng mga nasusukat at
nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey-
eksperimentasyon- at pagsusuring estadistikal.
KWALITATIBONG PANANALIKSIK

Ang kwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng


mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain
ang paguugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na
gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng
paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa
mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga
panlipunang realidad gaya ng kultura- institusyon- at
ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGPILI NG
PAKSA
1. Paksang marami kang nalalaman.
2. Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman.
3. Paksang napapanahon-
4.Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at
hindikapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo-
5.May mapagkukunan ng sapat at malawak
naimpormasyon.
6. Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan.
Mga Hakbang sa pagpili
ng Paksa
1.Alamin kung ano ang inaasahan o
layunin ng susulatin

Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay


mahalagang malaman mo muna ang layunin sa
pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o
maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga
gagawin.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging
paksa para sa sulating pananaliksik

Ang pagtatala ng mga ideyang maaring pagmulan ng


paksa para sa sulating pananaliksik ay makatutulong
upang magkaroon ka ng listahan ng mga posible
mong maging paksa.
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya

Balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong


ideya. Suriing mabuti ang bawat isa gamit ang
sumusunod na mga tanong:
Mga halimbawang tanong:

Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling


gawin o saliksikin para sa iyo?
Bakit ka interesado rito?
Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag
naihanap ito ng kasagutan?
Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo
pang lalong makilala o mapalawak ang iyong
kaalaman?
Mga halimbawang tanong:
Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang
pagkukunan ng impormasyon?
Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan
ng pananaliksik?
Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang
sakop?
Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin
mong tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa

Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay


matutukoy mo kung alin sa mga nakatala sa iyong
papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong
sulating pananaliksik.
5. Paglilimita sa paksa

Sa paglilimita sa iyong paksa, iwasang maging lubha


naman itong limitado na halos wala ka nang
pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating
pananaliksik.
Maraming Salamat sa
Pakikinig!

You might also like