You are on page 1of 11

Karylle P.

Tubban
Grade11 (STEM-1 Prudence)

Ang Sulating Pananaliksik


Sa unang apat na taon mo sa high school ay tiyak na napakarami nang iba’t ibang
uri ng sulatin ang naituro at naipabuo sa iyo ng iyong mga guro. Nariyan ang ibat
ibang uri ng ulat o report, mga sanaysay, suating pormal at iba’t ibang uri ng
teksto,
Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang
paksa. Hindi lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa
iba’t ibang primarya at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi
taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong
kanyang nakalap.
 Ayon kina Constantino at Zafra (2010) –ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay , tao, isyu , at iba
pang ibig bigyang-linang , patunayan , o pasubalian.
 Ayon naman kay Galero-Tajero (2011)- ang pananaliksik ay may tatlong
mahahalagang layunin: (1) isinasagawa ito upang makahanap ng isang
teoryang; (2) mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang
katotohanan sa teoryang ito;(3) isinasagawa ang pananaliksik upang makuha
ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.

Pananaliksik
isang sistematikong proseso ng pangangalap, pagaanalisa at pagbibigay kahulugan sa mga datos mula sa
mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang
makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.

PAGKAKAIBA ng SULATING PANANALIKSIK sa ORDINARYONG ULAT


Ang pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi basta katulad lang ng pagbuo
ng isang ulat kung saan ang manunulat ay mangangalap din ng impormasyong
patungkol sa paksang isusulat at saka ilalahad ang tungkol sa mga nakalap na
impormasyon . Higit na malawak ang pokus ng ulat at iba pangkaraniwang teksto
samantalang ang pokus naman ng sulating pananaliksik ay mas limitado .
Inaasahan kasing susuriin, hihimayin, palalalimin at bibigyang-interpretasyon ng
mananaliksik ang pagsasagawa ng kaalamang ilalahad patungkol sa paksa.
Mahalaga ang mga prosesong ito upang ang maibabahagi niya ay hindi lang sarili
niyang opinyon kundi pagpapatunay na dumaan ang kanyang sulatin sa masusing
pag-aaral at may maka-agham na basehan.
Ang isa pang malaking pagkakaiba ng dalawang uri ng sulating nabanggit ay
ang dami o lawak ng kagamitan o sanggunian. Ngayon pa lang, bago pa man ang
unang hakbang para sa gagawin mong pananaliksik ay nararapat mo nang ihanda
ang sarili mo dahil ang iyong magiging sanggunian ay hindi lamang limitado sa
mga nasa aklatan ng iyong paaralan o kaya’y sa Internat. Ito kasi ang mga
nakasanayan mong takbuhan sa pagbuo na mga nagdaang ulat at mga tekstong
ipinagawa ng iyong guro, hindi ba? Sa suating pananaliksik ay maaaring
kailanganin mong lumabas, magsagawa ng obserbasyon, makipanayam o mag-
sarbey at pumunta sa palengke, sa mga paradahan ng traysike, mga museo,
makasaysayang pook.

KATANGIAN NG PANANALIKSIK
Upang higit pang mapagtibay ang iyong kaalaman ukol sa pananaliksik ay
kailangang kilalanin mo ang mga katangian nito. Ang pananaliksik ay:

 Obhetibo- Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon


o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na
maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri.
 Sistematiko- Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso
patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
 Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan- Nakabatay sa kasalukuyang
panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay
ng kasalukuyan at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa
desisyon pangkasalukuyan.
 Empirikal- Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa
tunay na naranasan at/o na-obserbahan ng mananaliksik.
 Kritikal- Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang
proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang
paghahabi at paghahatol ng manana liksik.
 Masinop, Malinis , at Tumutugon sa Pamantayan- Nararapat itong
sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop
at malinis sa kabuoan.
 Dokumentado- Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at
datos.Binibigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.

Dahil sa kakanyahang ito, ang isang mananaliksik kung gayon ay may mga bagay
na dapat laging isaisip. Ayon sa mga propesor na sina Constantino at Zafra (2010),
ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng sumusunod na mga katangian:
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan
ng sandigan.
2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa
kredibilidad ng pinagkukunan; sa pagsisiguro sa lahat ng panig ng
pagsisiyasat; at sa pagbibigay ng mga kongklusyon, interpretasyon,
komento, at rekomendasyon.
4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at
mga kaugnay nito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon at
rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang
pinag-aralan; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago,
iniiwasan, ipinnagkakaila, nang waang pagkilala at permiso
kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
7. Responsible sa ;paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o
institusyong pinagkunan ng mga ito at pagtiyak na maayos at
mahusay anng mabubuong pananaliksik mula sa format hangganng
sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan.
Gayundin naman, ang isang mananaliksik ay dapat maging mapagmasid
o mapag-obserba,
curious, at sensitibo sa mga isyung panlipunang maaaring mahagip ng
pagsasaliksik na ginagawa, maingat sa mga terminong ginangamit sa pananaliksik,
at sinisigurong tama ang paggamit sa mga ito.
Mga Uri ng Pananaliksik
May iba’t ibang uri ngpananaiksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa
tatlong kategorya: (1) basic, (2) action. at (3) applied na pananaliksik.

Ang resulta ng tinatawag na basic research ay agarabg nagagamitpara sa


layunin nito. makakatuong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang
impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasaukuyan. Ang sumusunod ay
halimbawa ng basic research:

 pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa


paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kaniang paligid.
 pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mg vandals sa Metro Manila
 pananaiksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga
kabataan sa isanng barangay

Ang action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga


espesipikong problema
o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman
sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng
bagay na siyang paksa ng pananaliksik. Ang mga haimbawa nito ay ang sumusunod:

 panaliksik sa pinala-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang


gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o
nakikibahagi at natututo sa mga gawain
 pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga
gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance
 pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto
ng mga estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong paaraan.

Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng


popuasyon. Ang
mga halimbawa nit ay ang sumusunod:
 pananaliksik kung paano nagaganap ang bulyng sa isang paaralan
 pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral
sa isang baitang sa isang paaralan
 pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang
komunidad.
Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa

Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral ng ideyang tinatalakay sa isang sulating


pananaliksik. Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na suating
pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na pinag-isipang paksa.
Mahabang panahon ang ginugugol sa pangangalap sa datos kaya naman,
makabubuting napag-isipang mabuti ang paksang tatalakayin bago pa magkaroon
ng pinal na desisyon.

Mababasa sa ibaba ang ilang mahahalagang gabay sa pagpili ng


pinakaangkop sa paksa:

 Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo. Mahaba at


mabusisi ang proseso ng pagbuo, ng sulating pananaliksik. Kakain
ito ng maraming oras mo at magiging mahalagang bahagi ng
sumusunod na mga na araw, linggo, at buwan sa iyong buhay. Kaya
naman, mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang
pipiliin mo upang mananatili ang interes at pagpupunyagi mong
matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin. Kapag
sinabing malapit sa puso mo o gusto mo, maaaring mapabilang ito
sa ainman sa sumusunod:

 Paksang marami ka nang kaalaman- May mga kabutihan


ang pagpili ng paksang may malawak ka nang kaalaman
sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga gamit na
kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad saan ka kukuha ng
mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad ng
mga aklat, datos, o mga taong ekspertp sa nasabing paksa
bago mo pa man simulan ang pagsasaliksik.
 Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman-
Madalas may mga tao kang higit na gusto pang makita o
mga bagay na hindi gaanong aam at gustong-gusto mo
sananghigit pang malaman o makilala.
 Paksang napapanahon- Maraming kabutihang maidudulot
ang pagpili ng mga paksang napapanahon.
 Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho
ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo. Malaking bagay kung
bago o naiiba ang napili mong paksa para maging kapaki-
pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong
mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang sa kung
anuman ang natuklasan ng ibang mananaliksik, Isa pa, kung may
limampung mag-aaral sa inyong antas at ang bubuoin mo ay
katulad lang ng bubuoin din ng sampu o higit pa sa kanila.
 May mapagkukunan ng sapat at malawak na
impormasyon. Tulad ng naunang nabanggit, sa pagbuo ng
suating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at sa Internet
lang mangalap ng kagamitan at impormasyon.
 Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan.
Gaano man kaganda ang paksang napili mo kung hindi
naman ito matatapos sa takdang panahon ay mawawalan
din ng kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik ang
haba ng panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at
saka niya ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang
matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa
takdang araw ng pagpasa.

Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa

1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin


Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman mo
muna ang layunin sa pagbuo ng salating pananaliksik para maihanay o maiugnay
mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin.
Halimbawa’y ito ang layuning sasabihin ng inyong guro:
 Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas mo ang kasanayan sa
pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin ,
gamit , metodo, at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo ng
sulating pananaliksik patungkol sa mga paksang napapanahong magagamit
ng mga guro at administrador ng paaralan sa pagpaplano at pagpapabuti ng
mga programa at serbisyo ng paaralan para sa mga mag-aaral.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga
mag-aaral. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin. Kung sakaling walang
ibibigay na paksang pagpipilian ang guro at ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong pumili
ng sarili mong paksa, isa itong maganda subalit mapanghamong gawain.
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya.
Suriing mabuti ang bawat isa gamit ang sumusunod na mga tanong:
 Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikan para sa
iyo?
 Bakit ka interesado rito?
 Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naiharap ito ng kasagutan?
 Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o
mapalawak ang iyong kaalaman?
 Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng
impormasyon?
 Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?
 Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
 Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang
panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa
mga nakatala saiyong papel ang maaaring mong ipusige bilang paksa ng iyong sulating
pananaliksik.
5. Paglilimita sa paksa
Maaaring na una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t kakailanganin
mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik.

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


-Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
-Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang
Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
-Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa
Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang
Epekto Nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


-Persepsiyon sa mga taong may tatto sa katawan
Nilimitahang Paksa:
-Persepsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
-Persepsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan

Pangangalap ng Paunang Impormasyon


Sa unang aralin ng yunit na ito ay natuto kang pumili at maglimita ng paksa para
sa iyong sulating pananaliksik. Mula sa nabanggit na unang gawain ay isusunod
mo ang ikalawang mahalagang hakbang, ang pagbuo ng pahayag ng tesis na
tinatawag sa Ingles na thesis statement hango sa iyong paksa. Ang mga paunang
impormasyong tinatawag sa Ingles na background information ay magbibigay ng
ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling paksa at
gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa bubuoing pahayag ng tesis.

Pagpili ng Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan


ng Paunang Impormasyon

Bagama’t ilang impormasyon o kaalaman lang muna ang kakailanganin mo at


hindi pa ito ang malawakan at malalimang pangangalap ng datos at impormasyon
ay mahalagang maipaalala sa iyo ngayon pa lang na maghanap ka sa
mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon. Kung sa Internet ka
maghahanap sa search engine tulad ng Google. May mga web site na maituturing
na higit na mapagkakatiwalaan kaysa sa iba tulad ng mga may domain extension
na nagtatapos sa .edu (educational institution), .gov (government), o .org
( nonprofit organization).

Mga Uri ng Datos


Bawat uri ng pananaliksik ay nangangailangan ng naaangkop na datos
upang makamit ang layunin ng mga ito. At upang makuha ang
kinakaiangang datos, ang mananaliksik ay nangangailangang gumamit
ng tamang metodo.
Depende sa layunin ng isang pananaliksik, maaaring ang datos na
kinakailangan mo ay iyong nagsasalaysay o naglalarawan o pareho. Ang
mga datos na may ganitong kalikasan ay tinatawag na datos kalidad o
qualitative data. Qualitative data ex. kulay, tekstura, lasa, damdamin,
mga pangyayari, at sasagot sa mga tanong ng paano at bakit. Kung
minsan, maging ang mga sagot sa mga tanong na ano, sino, kailan, at
saan ay maari ding ikonsiderang datos ng kalidad depende sa tanong at/o
sagot ng respondents.

Halimbawa:
 Ano ginagawa mo noong kasagsagan ng bagong
Ondoy?
 Sino si Jose Rizal para sa iyo?
 Kailan mo masasabing handa ka nang pumasok sa
isang seryosong relasyon?

Datos na numerikal ginagamit ng mga operasyon matematikal. Datos ng


kailanan o quantitative data. ( taas,bigat, edad, o grado).

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement


Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng
sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa
pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na
handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos
at ebidensiya.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis


Sa pagbuo ng mahusay na pahayag ng tesis ay mahalagang
magsimula sa paunang pangangalap ng impormasyon o datos.
Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang makita mo ang
kaugnayan ng bawat isa sa iyong paksa. Mula rito’y magkakaroon
ka ng ideya kung sapat na ab ang impormasyong nakalap at maaari
ka nang makabuo ng isang mahusay na pahayag ng tesis o
kailangan mo pang magsaliksik upang higit pa itong mapagtibay.
Maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuo mong
pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod:

 Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?


 Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
 Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
 Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa
pamamagitan ng pananaliksik?

Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis


Hindi lang iisa ang paraan ng paglalahad sa panukulang pahayag. Ayon
kay Samuels (2004), maaari itong isagawa sa alin man sa sumusunod na
mga paraan:
- Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang
iyong opinyon o posisyon
- Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o
suliranin at maghinuha kung paano ito maaaring malutas.
- Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin
- Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo
o pananaw
- Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon
kung nangyari/hindi nangyari ang mga bagay bagay sa
nakalipas
- Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at
bigyan ang mga ito ng marka
- Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong
naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito naging ganito o
ganoon (musika, sining, politika).

Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng paksa at ang pahayag ng tesis


na nabuo mula rito.

Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting
isinalin sa ibang lengguwahe
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung
naisahan ang ideya ng orihinal na awit nang hindi hinahabol o
isinisiksik ang titik ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng
orihinal na awit.

Paksa:
Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa
telebisyon at pelikula
Tesis:
Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng
mga manonood ng telebisyon at pelikula kaya suportado o
tinatangkilik nila ito.

You might also like