You are on page 1of 3

Jcynth M.

Talaue KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

11- GAS AM1

1. Ano ang pananaliksik?

Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na


humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang
nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa
mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong
mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan
(obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa
ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa
isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ang isang sistematiko, kontrolado, empiriko, at
kritikal na pag- imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o
ugnayan ng mga natural na phenomenon. Idinagdag nina Atienza (1996), ang pananaliksik
ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral tungkol
sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan. (Lartec
2011)
Ipinahayag ni Sauco (1998) na ang pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal
at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga
at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos
ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.
Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi
pa nalalaman.
Ayon naman kay Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya,
pagsubok sa teorya o paglutas sa isang suliranin.
2. Kumalap ng halimbawa ng isang pananaliksik o research.

3. Kahulugan ng plagyarismo.

Ang plagyarismo ay isang uri ng akademikong krimen kung saan tahasang kinopya ng isang
manunulat ang isang akda o ang isang parte ng isang sulatin para sa kn\anyang sariling
paggamit. Ang pagkopya din na ito ay walang paalam mula sa orihinal na gumawa ng akda.

4. Mga isyung may kinalaman sa plagyarismo. Isa hanggang dalawa.

5. Kahalagahan ng pananaliksik.
(Lartec, et al., 2011)
Benepisyong Edukasyonal - Ang pananaliksik ay nakautulong sa guro upnang magsilbing
gabay ang natuklasan at nang sa gayon ay mapagtagumpayan niya ang epektibong pagtuturo
sa kanyang mga mag- aaral.
Para naman sa mga mag- aaral, natututo sila sa mga isyu, metodolohiya at kaalaman sa
napili nilang larangan. Gayundin, kung nagsasagawa sila ng pananaliksik o nakababasa ng
mga resulta ng mga isinagawang pananaliksik, naisasabuhay nila ang mga natutuhang
konsepto at nahahasa ang kanilang kasanayan sa paglutas ng suliranin dahil ang
pananaliksik ay pawang paghahanap ng solusyon sa mga suliranin.
Benepisyong Propesyonal - Ang mag –aaral nakapaggagalugad at nakapaghahanda para
sa kanyang pinapasok na karera dahil sa nasasanay na siyang magbasa at mag-analisa ng
mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa kanyang propesyon.
Benepisyong Personal - Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad ng isang mag-aaral ang
kritikal at analitikal na pag-iisip na magbubunga ng kanyang pagiging matatag sa buhay.
Nakakaya niyang tumayong mag-isa, at masanay na siya sa paghahanap ng mga datos
bilang tugon sa paglutas ng mga suliranin at sa mga pagsubok sa buhay.
Benepisyong Pambansa - Sa pamamagitan ng pananliksik, natatamo ang pag-unlad ng
bansa at nakatutlong sa pagkakaroon ng matatg na lipunan tungo sa mabuting pamumuhay
para sa lahat. Maging desisyon n gating mga pinuno hinggil sa kapakanang pambansa ay
batay sa resulta ng mga isinagawang pananaliksik.

Nagpapayaman ng kaisipan – lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa alang


humpay na pagbasa, nag –iisip , nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.
Lumalawak ang karansan – nagpapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa
mundo ng pananaliksik dahil sa marami nsiyang nakasalamuha sa pagkalap ng
mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literature.
Nalilinang ang tiwala sa sarili – tumas ang repeto at tiwala sa sarili kung maayos
matagumpay na naisakatupran ang alinmang pag – aaral na isinagawa.
Nadaragdagan ang kaalaman – ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman
kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

6. Katangiang taglay ng isang mananaliksik.

Masipag
 Kailangang maging masipag sa pangangalap ng datos at pagsisiyasat sa lahat ng
anggulo at panig ng pinapaksa ng pananaliksik.
 Hindi maaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik.
 Mahahalata kung nagging tamad siya- kakulangan sa datos, katibayan, at mga hindi
mapangatwiranang konkulsyon.
Matiyaga
 Kakambal ng sipag ang tiyaga.
 Sa pangangalap ng datos, maaaring imungkahi parin ng kanyang guro o tagapayo ang
pagdaragdag sa naunang mga nakalap na datos.
 Kailangang maging pasensyoso ang isang mananliksik.
 Kailangan niyang [agtiyagaan ang pangangalap ng mga datos mula sa iba’t ibang
hanguan.
Maingat
 Sa paghihimay – himay ng mga datos, kailangang maging maingat.
 Dokumentasyon o sapagkilala sa pinagmulan ng anumang ideya. Ang pag iingat ay
kailangan upang maging kapani – paniwala ang mga resulta ng pananaliksik.
 Kailangan upang maging kapani paniwala ang mga resulta sa pananaliksik.
 Maingat na tiyakin ang iba’t ibang panig ng pagkasang sinisiyasat at mag ingat na
tiyaking may sapat na katibayan o balidasyon.
Sistematik
 Ang pananliksik ay isang sistematikong gawain.
 Kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa pagkakasunod
– sunod.
Kritikal o mapanuri
 Ang pananaliksik is ang iskolarling Gawain.
 Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
 Kailangang maging kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag ieksamen ng mga
impormasyon, datos, ideya, o opinion upang matukoy kung amg mga ito’y valid,
mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan.
 Kailangan niyang timbang timbangin ang katwiran ng mga impormasyon upang kanyang
mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ng kanyang mapakikinabangan sa kanyang
pananaliksik.

You might also like