You are on page 1of 48

FILDIS: KABANATA III

BATAYANG
KAALAMAN SA
PANANALIKSIK
ANG PANANALIKSIK
• Ang pananaliksik ay bunga ng pagbabago at pag-
BATAYANG
unlad ng lipunan.
• Sa anumang disiplina gaya ng komersyo, edukasyon,
pamamalakad, teknolohiya, siyensya, at sa lahat ng
KAALAMAN SA
bahagi ng pamumuhay, masasabing napakalaki ng
tulong ng pananaliksik.
PANANALIKSIK
• Maaaring sa mga paksang ukol sa pagsasagawa ng
bagong instrumento, gamot, istratehiya sa pagtuturo
pagdebelop ng mga sanayang aklat o modyul, mga
paghahambing ng mga pangsitwasyunal na kaso,
kalagayan ng kapaligiran, at marami pang iba.
ANG PANANALIKSIK
• Ang pananaliksik ay pagsubok, pagtuklas, pagbibigay-
BATAYANG
linaw sa isang Isyu, pagsiyasat sa isang katotohanang
tinanggap at pagbalido ng mga kaisipan at gawain. Isa
KAALAMAN SA
rin itong sistematikong paghahanap se mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o
PANANALIKSIK
suliranin. Ito
ANG PANANALIKSIK
Iba't ibang Kahulugan ng Pananaliksik
• - Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay isang
maingat at sistematikong paghahanap ng datos sa
BATAYANG
tiyak na paksang pag-aaralan.
• -Ipinahayag naman nina Manuel at Madel na ang
KAALAMAN SA
pananaliksik ay isang proseso ng paglikom ng mga
datos o impormasyon para malutas ang isang

PANANALIKSIK
partikular no tiyak na suliranin sa isang siyentipikong
paraan.
• -Ayon naman kay Perel (Sanchez, 1980) ay nag bibigay
ng kahulugan sa pananaliksik sistematikong pag-aaral
o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na
ginawa ng mananaliksik.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

1. Nakakapag palawak ng kaalaman


• Nakakapag palawak ng kaalaman ang
mananalisik dahil sa walang humpay na
pagbasa, panunuri, pagiisip, at
paglalahad.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

2. Nagdudulot ng bagong karanasan


• Napapalawak ang eksperyensa ng isang
manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil
sa marami siyang nakakasalamuha sa
pagkalap ng mahahalagang datos,
pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay
na literatura.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

3. Nagtutulak na sinuman upang mag-isip,


magtanong, magsuri, bumuo ng konklusyon.
• Ang pananaliksik ay naglalayong ang mga
sumusulat nito ay magkaron ng kaisipan at
nagiging dahilan ng kanilang pagtatanong dahil
sa mga problema at isyu sa kanilang madalas na
nararanasan.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
4. Humuhubog ng kasanayan sa
pakikisalamuha, pamumuno,
pakikipag-usap, pamamahala, pagbuo
at pagiisip.
• Ang pananaliksik ay nagiging daan
upang ang tao ay magka-isa at
makasilamuha sa iba’t ibang tao sa
lipunan.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

5. Humahasa sa sinuman na
humarap at lumutas ng suliranin na
bahagi ng pananalisik
• Ang pananaliksik ay isa sa mahirap na
gawain, at sa pamamagitan nito
lumalawak ang kaalaman ng
makababasa at makasusulat nito.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

1. Makatuklas ng mga impormasyon


• Nagbibigay ng bagong sigla at
kasiyahan ang makatuklas ng bagong
impormasyong hindi alam bago pa
gumawa ng pananaliksik.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa


mga dating kaisipan o ideya
• Magbigay ng bagong interpretasyon sa
lumang ideya. Pwedeng tingnan ang isang
ideya mula sa ibang anggulo, perspektiba
at pananaw kaysa dati ng paraan ng
pagtingin ng iba rito.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

3. Patunayan and isang ideya, palagay,


interpretasyon, at paniniwala.
• Balido o totoo ang isang ideya kung ito'y
mapapatunayan o mapasubalian ng mga
makakatotohanang datos.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

4. Bigyang linaw ang isang pinagtatalunang


isyu.
• Maraming bagay ang pinagtatalunan,
pinag-uusapan at pinagkakainteresansa
komunidad, sa mga institusyon, at sa
bansa.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

5. Bigyang katwiran ang isang tinanggap na


katotohanan.
• Ang ganitong paksa ng mga pananaliksik ay
naghahamon sa mga tinatanggap at
ipinapalagay na totoong ideya at siyang
interes ngayon ng mga mananaliksik. May
malaking kahalagahan ang pananaliksik sa
tao.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
Walang kinikilingan
• Kinakailangan ang mga interpretasyon
ay maingat na inihahanay, tinataya at
sinusuri.
Batay sa sistematikong pamamaraan
• Kinakailangan ang makatwirang pag-
aaral upang makabuo ng katanggap-
tanggap na konklusyon.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

Napapanahon o Maiuugnay sa
kasalukuyan
• Nakabatay sa kasalukuyang panahon
(tukoy nito ang petsa at taon),
nakasasagot sa suliraning kaugnay ng
kasalukuyan, at ang kalabasan ay
maaaring maging basehan sa desisyong
pangkasalukuyan.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

Batay sa karanasan o pagmamasid


• Ang mga datos o impormasyon ay bunga
ng matiyagang paghahanap ng
mananaliksik at hindi lamang hango sa
mga teorya.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

Nagpapakita ng maingat at wastong


paghatol
• Kinakailangan na makapagbigay ng mga
kaalaman bunga ng maingat na pag-
aaral upang maging kapani-paniwala at
katanggap-tanggap ang mga ito
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

Panimula
• Taglay nito ang rasyunal na dahilan
kung bakit isinasagawa ang
pananaliksik.
Katawan o Nilalaman
• Dito inilalahad ang mga natuklasan sa
pagsasaliksik.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Wakas o Konklusyon
• Gagawin dito and paglalagom ng resulta
ng pag-aaral at tinatapos sa paglalahat
o pagbibigay ng konklusyo at
rekomendasyon ukol sa maaari pang
gawin kaugnay ng pag-aaral, gaya ng
pag-aaral para malinawan pa ang ilang
isyu na hindi lubhang nalutas sa pag
aaral na ito.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Ang Bibliograpi
• Ito'y talaan ng mga libro, magasin,
peryodiko at Angang sanggunian na
ginagamit sa pag-aaral, Nararapat
lamang iba pang ang nagsaliksik ang
pasasalatulong sa ginawa nyang pal iba
pang sangguniang ginamit at
nakatulong sa ginawa nyang pag-aaral.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo ng pananaliksik ay isang plano o


balangkas para sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Maaari itong gamitin upang buuin ang isang buong
proyekto ng pananaliksik o pag-aaral, o maaari itong
gamitin upang magdisenyo ng isang partikular na
paraan o pamamaraan ng pananaliksik.
Mayroong iba’t ibang uri ng mga disenyo ng
pananaliksik, na maaaring uriin ayon sa kanilang
pamamaraan, layunin, at pokus. Narito ang ilan sa uri
ng disenyo ng pananaliksik.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

1. Kwantitatibong Pananaliksik - tumutukoy sa


sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't
ibang paksa at penomenong panlipunan sa
pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga
teknik na pamamaraan na gumagamit ng
komputasyon. Kadalasang ginagamitan din ito ng
mga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan
sa pananaliksik gaya ng sarbey,
eksperimentasyon, at pagsusuring estadistikal.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

2. Kuwalitatibong Pananaliksik - kinapapalooban


ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay
malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng
mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang
disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang
ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas
malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at
ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura,
institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring
mabilang o masukat.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

3. Deskriptibong Pananaliksik - pinag-aaralan


sa mga palarawang pananaliksik ang
pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at
kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga
tanong na sino, ano, kailan, saan- at paano na
may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

4. Disenyong Action Research - Inilalarawan at


tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak
na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisya,
at iba pa. Ito ay angkop na gamitin ito sa
larangan ng edukasyon at ito rin ay kailangang
makabuluhan at napapanahon.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

5. Historikal - Ito ay gumagamit ng iba’t ibang


pamamaraan ng pangangalap ng datos upang
makabuo ng mga konklusyon hinggil sa
nakaraan. Mabuting gamitin ang historikal na
disenyo upang maglatag ng konteksto ng
isang tiyak na bagay o pangyayari. Ginagamit
sa pagsusuri ng kalakaran o trend analysis.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

6. Pag- aaral ng Isang Kaso/ Karanasan (Case


Study) - Ang mga pananaliksik na nasa
ganitong disenyo ay naglalayong malalimang
unawain ang isang partikular na kaso kaysa
magbigay ng pangkalahatang konklusyon sa
iba’t ibang paksa ng pag- aaral. Ginagamit ito
upang paliitin, maging mas ispesipiko, o kaya
ay pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa
mula sa malawak na paksa.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

7. Komparatibong Pananaliksik - Ito ay


naglalayong maghambing ng anumang
konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at
iba pa. Madalas na gamitin sa cross-
national na pag-aaral. Ang hamon na
nararanasan ng mga mananaliksik dito
ay ang pagtatakda ng parametron ng
pananaliksik.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

8. Pamamaraang Nakabatay sa
Pamantayan (Normative Studies) -
Madalas na inihahanay sa deskriptibong
uri ng pananaliksik. Madalas na bahagi
ng rekomendasyon ng ganitong
pananaliksik ang proyekto at
pagpaplano.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

9. Etnograpikong Pag-aaral - Ito ay isang uri ng


pananaliksik sa agham panlipunan na
nagiimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba’t
ibang gawi ng isang komunidad sa pakikisalamuha
rito. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang
panlipunang konteksto. Nangangailangan ito ng
matapat na pag-uulat ng naranasan o
naobserbahan ng isang mananaliksik na
ginagamitan ng participant observation.
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK

10. Disenyong Eksploratori - Isinasagawa ito


kung wala pang gaanong pag-aaral na
naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin.
Ang pokus nito ay upang magkaroon ng mas
malawak na kaalaman sa isang paksa na
maaaring magbigay-daan sa mas malawak at
komprehensibong pananaliksik. Layunin
nitong makapaglatag ng mga bagong ideya at
palagay o makabuo ng mga tentatibong
teorya.
ANG PROSESO NG PAGSULAT NG TESIS

Ang pagsulat ng
pananaliksik sa anyong
tesis at disertasyon ay
nahahati sa limang bahagi.
Narito ang mga bahagi at
ilang mahahalagang
sangkap sa bawat bahagi.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
A.Panimula
Ito ang panimulang bahagi ng pag-aaral na
nagtataglay ng kaalaman tungkol sa kung ano
ang suliranin. Nagbibigay ito ng kabuuang
pananaw at pagpapaliwanag ukol sa pag-aaral
ng paksa. Ang kabuuang kahulugan ng
pangunahing problema ay siyang tinatalakay.
B. Paglalahad ng Suliranin

Ito ay ang mga katanungang


bubuo sa sagot ng isang
pananaliksik. Ipinapahayag dito ang
mga tiyak o tuwirang pakay sa
pananaliksik na nasusukat,
nakakamit, naoobserbahan at
tinaguriang makatotohanan.
C.Pagbuo ng Palagay o Haypotesis
Ang mga suliranin ng pag-aaral ay
karaniwang ibinibigay nang patanong at
malimit ay bilang haypotesis. Ito ay
isang prediksyon kung ano ang
maaaring maging bunga ng pag-aaral o
ang kalalabasan ng mga sagot sa isang
pag-aaral.
D. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ito ay nagsasaad kung saan makakakuha ng
sapat na impormasyon at ang lugar na
pagdarausan, kasama rin ang magiging kalahok.

E. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang bahaging ito ay kinapapalooban ng mga
kahalagahan kung paano mapakikinabangan ang
pananaliksik at kung sino ang makikinabanang
dito.
F.Kahulugan ng mga Termino
Ito ang huling bahagi ng unang
kabanata kung saan inilalahad dito ang
termino na ginamit sa pag-aaral na
dapat mabigyan ng kahulugan. Ang
pagbibigay kahulugan ay may dalawang
paraan, maaaring konseptwal at
operasyonal.
Kabanata 2: Rebyu ng mga Kaugnay na
Literatura at Pag-aaral

A.Kaugnayan na Literatura
Makikita sa bahaging ito ang mga nahanap na
sanggunian na may kaugnayan sa ginagawang pag-
aaral. Maaaring ito ay mga aklat, dokumento, artikulo at
iba pang sanggunian. Isinusulat muna ang nakuhang
pahayag ng awtor at isunusulat sa katapusan ng
pahayag ang apelyido awtor at taon ng pagkakalathala
nito.
B.Kaugnayan na Pag-aaral
Ito naman ay hango sa mga tesis at
disertasyon na may kaugnay sa isinasagawang
pag-aaral. Sa bawat pahayag na kinuha,
isinusulat ang apelyido ng mananaliksik at ang
taon ng pagkakagawa ng pag-aaral, maaari ring
isama ang titulo ng pananaliksik na sinangguni.
Kailangang paghiwalayin ang mga impormasyon
na hinango sa mga lokal at banyagang pag-aaral
C.Balangkas Konseptwal
Ito ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng
mananaliksik ayon sa isinasagawang pag-aaral. Binubuo
ito ng pagpapaliwanag sa paradigma na binubuo ng
tatlong bahagi: input, proseso at awtput.

D.Batayang Teoretikal
Ito ay nagpapaliwanag ng mga kadahilanan kung bakit
kinakailangang humanap ng mga panibagong datos ang
mananaliksik na kaniyang susuriin, ipaliliwanag at
lalagumin. Tinatalakay sa bahaging ito ang teorya na may
kahalagahan sa pag-aaral.
B.Kaugnayan na Pag-aaral
Ito naman ay hango sa mga tesis at
disertasyon na may kaugnay sa isinasagawang
pag-aaral. Sa bawat pahayag na kinuha,
isinusulat ang apelyido ng mananaliksik at ang
taon ng pagkakagawa ng pag-aaral, maaari ring
isama ang titulo ng pananaliksik na sinangguni.
Kailangang paghiwalayin ang mga impormasyon
na hinango sa mga lokal at banyagang pag-aaral
Kabanata 3: Pamamaran o Metodolohiya
A.Disenyo ng Pananaliksik
Sa bahaging ito tinatalakay kung anong disenyo o paraan ng
pananaliksik ang gagamitin sa isinasagawang pag-aaral.
B.Lugar ng Pag-aaral
Tumutukoy ito sa pook na pinagdarausan ng pag-aaral na
kinakailangang ilarawan sa ginagawang pananaliksik.
C.Kalahok sa Pag-aaral
Tumutukoy ito sa mga taong naging tagasagot sa mga
panayam, sa talatanungan at sa iba pang paraan.
D.Instrumento ng Pananaliksik
Dito isinasaad ang intrumentong gagamitin sa pangangalap ng
mga datos na kakailanganin sa pag-aaral.

E.Paraan sa pagkalap at pag aanalisa ng datos


Isinasalaysay sa bahaging ito ang ginawa ng mananaliksik sa
pagkalap ng iba't ibang mahalagang impormasyon na
magagamit sa pagbuo ng pag-aaral, at ang mga paraan ng
pagbabalideyt sa mga makukuhang datos.

F.Statistical tools na ginamit


Inilalahad sa bahaging ito ang paraan ng istatistika na gagamitin
F.Statistical tools na ginamit
Inilalahad sa bahaging ito ang paraan ng
istatistika na gagamitin sa pag-aaral. Ang anyo
ng at disenyo ng suliranin ay ang batayan sa
pagpili ng istatistikal metod na gagamitin.
Kinakailangang sumangguni sa isang
istatistisyan bago isagawa ang pagpapasagot sa
talatanungan upang makasiguro na tama at
angkop ang mga tanong na nabuo.
Kabanata 4: Paglalahad, Pagsusuri, at
Interpretasyon ng mga Datos
Sa bahaging ito makikita ang mga talahanayan o
grap na ginamit na siyang magpapaliwanag sa
bawat nailahad na katanungan sa unang bahagi
ng pag-aaral. Sa bahaging ito, nangangailangan
ng isang eksperto sa pagkalkula ng mga bilang
ng populasyon o ng mga taong sangkot sa pag-
aaral.
Kabanata 5: Lagom, Konklusyon, at
Rekomendasyon
Ito ang bahaging magbibigay kasagutan sa suliranin ng pananaliksik.
• Sa paglalagom ng resulta, ipakita ang pinakamahalagang resulta
na nakita sa pag-aaral. Ibase ang lagom sa layunin ng pag-aaral at
ang konklusyon naman sa nakitang mga resulta sa pag-aaral.
• Ang konklusyon ay ang kabuuang pahayag na maaaring
makapagbigay ng kasagutan sa suliranin ng pananaliksik.
• Ang rekomendasyon ay ang mga planong dapat bigyan ng
aksyon na maaaring sariling pananaw at kaisipan ng mananaliksik
tungkol sa ikabubuti at ikauunlad ng pag-aaral
Sanggunian:
https://pdfcoffee.com/5-disenyo-at-pamamaraan-ng-pananaliksik-pdf-
free.html
https://www.sanaysay.ph/disenyo-ng-pananaliksik/

You might also like