You are on page 1of 6

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pangalan: _______________ Lebel: ______________


Seksiyon: _______________ Petsa: ______________

Gawaing Pagkatuto
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA
Panimula
Isang komprehensibong Gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng organisado at sistematikong pagmamasid
at pagsasagawa upang makatuklas ng mga bagong impormasyon na magagamit sa buhay ng isang mag aaral o
indibiduwal.
URI NG PANANALIKSIK

1. EMPIRIKAL O MALA-SIYENTIPIKO

Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ebidensiya at aktuwal na mga datos. Ito’y nailalarawan,
naihahambing, at ntutuos upang makita ang relasyon ng hipotesis sa panukalang tesis o disertasyon na
siang trabahong siyentipiko.
2. APPLIED RESEARCH

Gumamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kongklusyon at estadistika. Karaniwang ito’y bunga ng


madaling pagsasagawa ayon sa hinihinging pahahon. Ang isang mahusay na halimbawa nito’y sa panahon
ng eleksiyon. Gumagamit ito ng prediksyon na nagkakatotoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim
ng adbertisment. Ang mabisang resulta nito ay depende sa sarbey at mga napiling sampling.

3. PURE RESEARCH

Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang bagay na gumugulo sa
kaniyang isipan. Maaari naman itong ayon sa hilig ng mananaliksik.

MGA PARAAN NG PANANALIKSIK

A. PALARAWAN ( Descriptive Method )


Ito’y idinisenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best
(1963) na ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-
kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay may kinalaman sa mga kondisyon ng mga ugnayang
nagaganap, mga gawaing umiiral, paniniwala at prosesong nagaganap, mga epektibong nararamdaman,
o mga kalakarang nalinang.

Uri ng Palarawang Paraan

1. Pag- aaral ng Kaso ( Case Study)


Ang paraang ito ay detalyadong pag – aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.

2. Sarbey
Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi
nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa, o pangyayari.
LAWAK NG SARBEY
2.1 Sensus – Isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.
2.2 Sarbey – Isang bahagi lamang ng populasyon.

3. Mga pag – aaral na Debelopmental

Sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol


sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

4. Mga Pasubaybay na Pag – aaral ( Follow- up Studies )

Ginagamit ito kung ibig masubaybayan ang isang tiyak na prediksyon. Ang pasubaybay na pag –
aaral ay kailangan kung ibig tiyakin ang maaaring bunga ng isang pag – aaral
5. Dokumentaryong Pagsusuri ( Documentary Analysis)

Nangangailangan ng pagkalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga


nakasulat na record at mga dokumentaryo upang malutas ang suliranin
6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis )

Isang popular na paraan ng palarawang pag – aaral na tinatawag din ng iba na feasibility study.
Ginagamit na datos sa pag-aaral an ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.

7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral ( Correlational Studies )

Isang palarawang pag – aaral na idinisenyo para alamin ang iba’t ibang baryabol na
magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa ta target na populasyon

B. EKSPERIMENTAL NA PARAAN

Sinabi ni Gay (1976) na ito ang pamaraan ng pananaliksik na tunay na makakasubok sa


palagay hipotesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.

Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), an ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na


pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hipotesis.

Mga Hakabang sa Pananaliksik


1. Pagpili at paglilimita ng Paksa
2. Pagbuo ng Konseptong Papel
3. Pagbuo ng Balangkas
4. Paggamit ng iba’t ibang Sistema ng Dokumentasyon
5. Pagkuha, Paggamit, at Pagsasaayos ng mga Datos
6. Pagsulat ng Burador
7. Pagsulat ng Pinal na Sipi

ISAISIP MO
LAGOM NG HAKBANG SA PAGBUO NG PANANALIKSIK
Isang proseso ng pag – aaral at pagsisiyasat ang pananaliksik upang matuklasan ang
mga katotohanan tungkol sa paksa n maaring may kinalaman sa lipunan, panitikan,
kasaysayan, kabuhayan, agham, at iba pang larangan.

Tunghayan ang lagom ng hakbang sa pagbuo ng pananaliksik.

1. Piliin ang paksang gagawan ng pananaliksik, maraming materyales na magagamit.


2. Tiyakin ang pamamaraang gagamitin tulad ng pakikipanayam, paggamit ng mga aklat,
magasin, at iba pang babasahin, paggamit ng internet, pangangalap ng impormasyon at
pagtatanong sa mga taong may alam sa paksa.
3. Gumawa gn balangkas na magiging gabay sa maayos na pananliksik.
4. Sa pangangalap ng datos, maghanda ng talaan ng sanggunian o mga aklat na gagamitin.
Tiyakin lamang na maisusulat ang pamagat ng aklat at pahinang pinagkunan ng datos upang
may patunay sa isinagawang pananaliksik.
5. Maaaring gumamit ng index card upang madaling maisaayos ang mga ideyang nakalap sa
pananaliksik.

PAGSASANAY

SIMULAN MO

Paliwanag sa mga Terminolohiyang Maaaring Gamitin sa Pananaliksik

Gaya nga ng nabanggit na, isang akademikong gawain ang pananaliksik. Karaniwan na
ang mga terminolohiyang gamit dito ay teknikal. Kailangan ang paliwanag kung paano
ito ginagamit sa pananaliksik.

Maaaring gamitin ang depenisyong konseptuwal at depinisyong operasyonal.


Ang depinisyong konseptuwal ay tumutukoy sa kahulugan na matatagpuan sa
diksiyonaryo. Ito’y akademiko o unibersal na kahulugan na ibinigay na salita o grupo ng
mga salita. Ito’y kahulugan na nauunawaan ng maraming tao at karaniwang mas abstrak
o mahirap kaysa sa depinisyong operasyonal. Depinisyon operasyonal naman ang
tumutukoy sa tiyak na paraan o kahulugang ginamit sa pag - aaral. Kung gumagamit ka
sa pag -aaral ng instrument na susukat sa interes, ang depinisyon ng interes ay ibabatay
sa kung ano ang sinusukat ng pananaliksik. Kung gayon, ang depinisyon ang mag-
ooperayt o gumagalaw sap ag- aaral.

A. Ipaliwanag ang ilang terminolohiyang maaaring gamitin sa pananaliksik.

1. Akademikong Gawain 6. Konseptong Papel


2. Teorya 7. Kaugnay na Literatura
3. Suliranin 8. Metodolohiya
4. Rasyonal 9. Lagom
5. Batayang Konseptuwal 10. Kongklusyon

B. Bakit mahalagang maipaliwanag ang mga terminolohiyang maaaring gamitin sa pananaliksik?


Isulat sa isang buong papel ang sagot.

IPALIWANG MO
Penomenang Kultural at Panlipunan
Tinatawag ding kalinangan ang kultura. Kapag sinabing kultura,binubuo ito ng tradisyon, paniniwala, paraan ng
pamumuhay,paraan ng pananamit, wika, at relihiyon. Mula sa kultura umusbong ang kabihasnan o tinatawag na
sibilisasyon.

Bawat pangkat ng tao sa daigdig ay may kinagisnang kultura. Maaring may mga pagkakatulad ang ilan at may hindi
naman pangkaraniwan. Kung sinabing hindi pangkaraniwan, maituturing itong pambihira o phenomenal.

Halimbawa, ang pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino sa Itim na Nazareno. Tunay na kakaiba lalo na
kapag dumarating ang traslacion o paglilipat nito tuwing Enero 9, taon-taon. Milyon- milyong Pilipino and
dumadalo rito upang magpakita ng marubdob na pananampalataya. Ang nasabing pagdiriwang ay nasasaksihan sa
buong mundo.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
ILAPAT
A. Pumili ng isang paksa mula sa anumang rehiyon sa bans ana magpapakita ng penomenang kultural at
panlipunan ng ating bansa. Isulat ang mga hakbang sa gagawin sa panimulang pananaliksik. Itala rin ang
mga dapat gawin sa bawat hakbang na magiging gabay sa panimulang pananaliksik. Gawin sa sagutang
papel.

1. Paksa
2. Hakbang sa Pananaliksik

B. Magkaroon ng sariling pagtataya sa ginawang pagpili ng paksa na gagamitin sa panimulang pananaliksik


gayundin ang mga hakbang na gagawin para sa nasabing pananaliksik. Gawin sa sagutang papel.

Kraytirya Oo Hindi

1. Naging tiyak baa ko sa pagpili ng paksang gagamitin sa


pananaliksik?

2. Nagkaroon baa ko ng batayan sa piniling paksa?

3. Nagplano b muna ako bago isapinal ang paksang gagamitin


sa pananaliksik?

4. Gumawa b ako ng hakbang na gagamitin kong gabay sa


pananaliksik?

5. Naging maayos ba ang aking mga hakbang sa ginawa?


C. Isulat sa papel ang paliwanag sa ginawang pagtataya

SINTESIS
Isulat ang sintesis ng aralin gamit agn Reflection Sheet. Gawin sa kuwaderno.

Dapat kong malaman ang tungkol sa mga ___________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

Dapat kong maunawaan ang tungkol sa_____________________________________________

_____________________________________________________________________________

________________________________________________________________

Dapat kong maisagawa ang______________________________________________________

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pangwakas
Napakagandang matuto ng mga dapat para sa isang pananaliksik. Magkaugnay na paksa at wika
at kultura para sa isang pananaliksik. Bilang mag- aaral, tanggaping isang hamon ang gawaing
pananaliksik.

Mga Sanggunian
Panganiban, Jose et. al. Panitikan ng Pilipinas (Binagong Edisyon), Quezon City: Rex Book Store, 1998
Maglaya, Elda M. Filipino sa Nagbabagong Panahon: Batayang Aklat sa Sining ng Komunikason Para sa
Kolehiyo . Quezon City: New Day, 2003.
Pagsusuri
Suriin kung akma ang mga naitalang sagot

Inihanda ni

JOBELLE V. MANALANG

You might also like