You are on page 1of 3

1|Page KOM UNIKAS YON AT P ANANALIKS IK S A WIK A AT KULTUR ANG P ILIP INO

Ang Pagbuo ng Konseptong Papel


Kung nakapagpasya na ng paksang sasaliksikin, maaari nang buuin ang sulating pananaliksik.

Sa tulong ng konseptong papel, na magsilbing isang proposal, maihahanda na ang binabalak na pananaliksik.

Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang gawaing balangkas o framework ng paksang
bubuin.

Ang framework ay ang pinaka-istruktura at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa nais patunayan, linawin at tukuyin.

Katangian at Simulain sa Pagbuo ng Konseptong Papel

Bago ang aktwal na pananaliksik, inaasahan munang makapagsumite ang mananaliksik mg isang konseptong paplel. Ang
konseptong papel ang magsisilbing proposal o plano sa isasagawang pananaliksik. Iyo ay ihaharap niya sa panel upang ulahad at
linawin ang kanyang mga balikin hinggil sa paksa, mga layunin, mga paraan, panahong gugugulin, at iba pang bagay- bagay na may
kaugnayan sa gagawing riserts.

Makatutulong ang mga sumusunod na simulain o mga mungkahing hakbang sa pagbuo ng isang mahusay na konseptong
papel:

1. Dapat itong nagtataglay ng malinaw na paksa tesis,


Ang tesis ang siyang nagsisilbing paksa ng gagawing pananaliksik. Ang tesis ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian:
a. Ito ay isang pangungusap lamang;
b. Mayroon itong nais patunayan;
c. May ilang taong tiyak na sasalungat nito;
d. Inilalahad ang punong sugnay ang nais patunayan.

Halimbawa:

“ Ang mga lalaki ay mabilis tumanda kaysa sa mga lalaki.”

2. Dapat maging malinaw ang paglalahag ng mga layunin;


3. Dapat angkop ang metodolohiyang gagamitin sa pagsusuri ng datos.
4. Dapat may makukuhang sapat na datos o impormasyon.
5. Dapat maipakita ang kapakinabangan ng isasagawang pananaliksik.
6. Dapat ding isaalang- alang ang panahong gugugulin at kabuuang halagang gagastusin sa paggawa ng pananaliksik.

Mga Bahagi ng Konseptong Papel

Ang konseptong papel ay binubuo ng apat na bahagi;

1. RASYONAL- Nilalaman nito ang kahalagahan at kapakinabangang idudulot ng paksa ng pananaliksik. Nakapalood din dito
ang maikling kasaysayan ng pagkakapili ng paksa at ang mga salik o mga dahilang nag- udyok sa mananaliksik upang pag-
aralan ang naturang paksa.
Halimbawa

2. LAYUNIN- inilalahad dito ang pangkalahatang layunin at mga kaugnay na mga layunin ng mga gawain ng gagawaing
pananaliksik. Ang mga kaugnay na layunin ay maaaring batayn ng mga datos na lilikumin. Ang layunin ng pag- aaral ay
maaari ring isulat sa paraang patanong.

3. KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Ang konseptwal na balangkas ang tumatayong anatomika na halimbawa ng kabuuang papel ng pag- aaral. Ang ulo o
ituktok ng balangkas ay nagpapakita ng pangunahing konsepto na daraan sa deduksyon pababa sa pinakaresulta ng
sistematikong pagkakasunod- sunod ng pananaliksik. Isa sa mahalang salik sa pagbuo ng nito ang pagiging organisado at
payak.

4. METODOLOHIYA- matutunghayan sa bahaging ito ang iba’t ibang pamamaraan sa pangangalap ng mga datos at pagsusuri
sa mga ito. Ilan sa mga paraan ng pangangalap ng mga datos ay obserbasyon, pakikipanayam, paggamit ng questionnaire-
checklist, sarbey, pagbabasa ng iba’t ibang aklat- sanggunian, at paggamit ng internet.
Samantala, sa pagsusuri ng mga datos, makatutulong din ang semiotics ( pagsusuri ng kahulugan ), discourse
analysis ( Pagsusuri ng mga pahayag at usapan, interpretasyong istatistikal, paghahambing, paglalarawang-
pagsusuri, at iba pa).

5. RESULTA O OUTPUT- dahil ang konsseptong paple ay paglalahad lamang ng mga balakin sa isasagawang pananaliksik,
hindi pa maibibigay rito ang tiyak na resulta ng pananaliksik. Gayunpaman, maaari na ring magsagawa ng inisyal na pag-
aaral ang mananaliksik para matukoy ang feasible o may posibilidad na makapagsagawa ng ganoong pananaliksik dahil sa
sumusunod na mga dahilan:
a. May pagkukunang datos tungkol dito;
2|Page KOM UNIKAS YON AT P ANANALIKS IK S A WIK A AT KULTUR ANG P ILIP INO

b. Matatapos ito sa tiyak o itinakdang panahon;


c. May kapakinabangang maidudulot ito sa iba’t ibang sector ng lipunan at sa larangan ng pananaliksik; at
d. Maaaring may kaugnay na pag- aaral na tungkol dito.

BATAYAN NG PAGPILI NG PAKSA

Mahalagang malaman ng sumusulat ng sulating pananaliksik na mailimita ang paksa. Hindi dapat masyadong masaklaw ang sakop ng
paksa. Maaaring magamit ang batayan sa paglilimita ng paksa ang:

1. Sakop ng Panahon

Ang pagtiyak sa sakop na panahon ng paksa ay nakapagpapadali sa isinasagawang pag- aaral.

Hal.

Pangkalatang Paksa: Ang Kalagayan ng Industriya ng Drama sa Radyo sa Panahon ng Martial Law

Nilimitang paksa: Ang kalagayan ng industriya ng Drama sa radyo noong dekada ‘70

Higit pang nilimitahang paksa: Ang kalagayan ng indrustriya ng Drama sa Radyo:1972-1986

2. Sakop na Edad

Higit na makatawag pansin ang paksa natutukoy agad ng edad o kaya’y ayon sa partikular ng gulang mismong.

Hal:

Pangkalahatang paksa: Ang kalagayan ng mga Batang Maagang nagtatrabaho at ang kanilang magiging kinabukasan sa Hinaharap

Nilimitang Paksa: Ang kalagayan at Kahihinatnan ng mga Batang Maagang Pinagtrabaho

Higit pang Nilimitang Paksa: Ang Pagtatrabaho ng mga Batang Nasa Edad 10-15 Kalagayan at Kahihinatnan

3. Sakop ng Kasarian

Ang tiyak na kasarian ay higit na malinaw kaysa sa masaklaw na paglalarawan.

Hal.

Pangkalahatang Paksa: Mga tungkulin at Gawain ng mga Katipunero sa Tagumpay ng Katipunan

Nilimitang Paksa: Ang mga naging tungkulin at Gampanin ng mga Babaeng Katipunero sa Tagumpay ng Kilusang K.K.K.

4. Sakop ng Propesyon o Grupong KInabibilangan

Maaaring maging batayan sa paglilimita ang mga trabaho o grupong sosyal,etnolinggwistiko o pampropesyonal.

Hal:

Pangkalahatang Paksa: Ang mga Wikang Ginagamit ng mga “Third Sex”

Nilimitang Paksa:Pag-aaral sa Wikang Gamit ng mga “Third Sex”

Higit pang nilimitahang Paksa: Pag aaral sa Wikang Gamit ng mga “Third Sex”sa Larangan ng Showbiz

5. Sakop ng Lugar

Magagamit sa paglilimita ng paksa ang partikular na lugar o sa mas malawak na lugar.

Pangkalahatang Paksa: Ang Saloobin ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo Hinggil sa Pag- aaral ng Filipino 1 at 2
Nilimitang Paksa: Ang Saloobin ng mga Mag-aaral na inhinyero sa kolehiyo ukol sa Pag- aaral ng Filipino 1 at 2 sa New Era
University

Higit pang Nilimitang Paksa: Ang Saloobin ng mga Mag- aaral na Inhinyero sa New Era University Ukol sa Pag- aaral ng
Filipino 1 at 2: Antas Tersyaryo

6. Pumili ng Paksang malapit sa sariling Karanasan- Sinasabing mas madaling magsulat ng isang bagay na pamilyar sa
mananaliksik.
7. Pumili ng Paksang Napapanahon- Maging bago at kawili- wili ang isang pananaliksik na tumatalakay ng paksang pinag-
uusapan o pinagtatalunan ng mga tao sa lipunan sa kasalukuyan.
8. Pumili ng paksang may sapat na malilikom na impormasyon- Dapat tiyakin din na may magandang pagkukunan ng sapat
na datos ang piniling paksa.
3|Page KOM UNIKAS YON AT P ANANALIKS IK S A WIK A AT KULTUR ANG P ILIP INO

MGA INSTRUMENTO
- Inilalahad sa bahaging ito ang mga instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos .
Upang makalikom ng mga datos na kinakailangan sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga sumusunod na
instrumento:
A. SARBEY - Kadalasang ginagamitan ng payak na o questionnaire na hinahayaang sagutan ng mga kalahok.
- Tukuyin din ang pagiging kompidensyal ng anumang impormasyong ibabahagi ng mga kalahok.
- Isang metodo an ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na
populasyon o sampol ng pananaliksik.
B. PAKIKIPANAYAM O INTERBYU- Naglalayon ito na kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula sa
taong kakapanayamin.
 STRUCTURED INTERVIEW O NAKABALANGKAS NA PAKIKIPANAYAM - Eksakto o tiyak ang
pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan, ang kaibahan lamang ay pasalita ang pamamaraan
nito.
 SEMI- STRUCTURED O PAKIKIPANAYAM NA BAHAGYANG NAKABALANGKAS- Ginagamitan lamang ito
ng mga gabay na tanong upang ,maging maayos at sistematiko ang panayam ngunit hindi istrikto.
 UNSTRUCTURED O WALANG ESTRAKTURA- Layuning galugain ang nararamdaman ng kalahok
tungkol sa paksa ng panayam. Impormal ang paraan ng pagtatanong sa ganitong uri ng panayam.
C. DOKUMENTARYONG PAGSUSURI- Gigamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay
sa mga datos ng pananaliksik.
 Ang mga uri ng dokumento na maaaring pagmulan ng pagsusuri ay ang mga pampublikong tala, iba’t
ibang uri ng media, biograpiya, katitikan ng mga pulong o tala ng pangyayari sa isang komprensya o
kongreso at iba pa.
D. OBSERBASYON
 NAKABALANGKAS NA OBSERBASYON - Ang nakabalangkas na obserbasyon ay pagmamasid ng mga
mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng pag- aaral habang sistematikong tinatala ang kanilang
pagkilos.
 PAKIKISALAMUHANG OBSERBASYON - Ang pakikisalamuhang obserbasyon naman ay pag- aaral sa
kilos, pag- uugali at interaksyon sa mga kalahok sa isang likas na kapaligiran.

TRITMENT NG MGA DATOS

Istatistikal Tritment na Ginamit


- Inilalahad ang mga matematikal- istatistikal na gagamitin sa tritment ng mga nakalap na datos.
- Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Ang istatistikal
ngtritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagkuha ng mean at percentage upang makuha
ang ninanais na detalye at impormasyon. Ang mga ito ay itinuos sa pamamagitan ng sumusunod:

TRITMENT NG MGA DATOS


1. SEMIOTICS- (PAGSUSURI NG KAHULUGAN)
2. DICOURSE ANALYSIS (- PAGSUSURI NG MGA PAHAYAG AT USAPAN,
3. INTERPRETASYONG ISTATISTIKAL,
4. PAGHAHAMBING

You might also like