You are on page 1of 9

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG

PILIPINO
I. KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
 Binibigyang daan ang malawakang pagdaloy ng kaisipan tungo sa paksa at layunin ng
pananaliksik.
 Dito tinatalakay ang tanong na Ano at Bakit?
-Ano ba ang tungkol sa pinag-aaralang paksa?
-Bakit kailangan pa itong pag-aralan?
 Kinapapalooban ng mga impormasyon, mahahalagang isyu, suliranin o ideya hinggil sa
paksa.

II. LAYUNIN NG PANANALIKSIK


 Pokus o sentro ng pag-aaral.
 Dito nakasaad ang gustong malaman o matuklasan sa pananaliksik. Inilalahad ang
pangkalahatan at ispesipikong layunin na nais makamit ng pananaliksik.

III. BALANGKAS NG PANANALIKSIK

Ayon kay Arogante, Ang balangkas ay sistema ng maayos na paghahati-hati ng kaisipan


ayon sa taluntuning lohikal na pagkasunod sunod bago ganapin ang pag-unlad ng pananaliksik.

Ito ay nakatuon sa paraan sa kung paano isasagawa ang pananaliksik. Ito ang
magsisilbing gabay sa pagsasagawa ng pananaliksik . Sa pagsulat ng balangkas ay sa
pamamagitan ng patalata.

Ang patalata ay binubuo ng pangungusap na nagsasabuod sa mga gagawing talata o


pinagsusunod lamang ang mga talata at hindi nangangailangang ng detalye. Nagkakaroon ng
sistematikong pagtalakay.

IV. PAGKUHA AT PAGTATALA NG DATOS


 Sa bahaging ito nangyayari ang produksyon ng bagong datos na pagbabatayan ng
kalalabasan ng pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop, matiyaga at
matapat ang mananaliksik.
 Isinasagawa na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon o pagsusuri ng dokumento
depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral.
1. Isa sa mga popular na paraan sa pangangalap ng datos ang pagsasagawa ng interbyu.
Inilatag ni Denscombe ang ilang paraan sa paghahanda sa interbyu.
1. Angkop ba ang pagsasagawa ng interbyu kung pag-uusapan ang:
a. Paksa ng pananaliksik
b. Pangangailangan sa detelyadong impormasyon.
c. Akses sa kakapanayamin
d. Kasapatan sa oras at salapi
2. Nakapagsangguni at nakakuha na ba ako ng pahintulot sa awtoridad para sa
gagawing interbyu.

Nagbigay din sina Constatntino at zafra ng mga hakbang na nararapat bigyang


pansin bago isagawa, habang isinasagawa at pagkatapos isagawa ang interbyu.

Bago ang Interbyu


1. Makipag-ugnayan sa iinterbyuhin at itakda ang petsa at lugar ng interbyuhin
nang may malinaw na konsiderasyon sa taong iinterbyuhin.
2. Maghanda ng mga gabay na tanong. Mahalagang umangkop ang tanong sa
daloy ng usapan.
3. Ihanda ang mga teknikal na kagamitan para sa interbyu gaya ng digital
recorder, panulat at sulatan.

Habang nag-iinterbyu
1. Magpakilalang muli sa iinterbyuhin at talakayin sa kaniya ang kaligiran ng
paksa at layunin sa isasagawang interbyu.
2. Isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng epektibong pagtatanong. Ibig
sabihin mahalagang lumikha ng iba’t ibang uri ng katanungan na may
layuning magbukas sa paksa, manghingi ng opinyon, magpalalim ng
ideya.

Pagkatapos ng Interbyu

Gawan ng transkripsyon ang interbyu.

Paano ang daloy nito sa pagtalakayu sa Pagkuha at Pagtatala ng Datos.?

Ang pamaraan na gagamitin ng mga mananaliksik ay sa pamamagitan ng


pakikipanayam. Angkop na gagamitin ito upang maipakita ang nais tunguhin
ng pananaliksik. Magtatakda ng oras at lugar ang mga mananaliksik sa
pakikipanayam. Gagamit ng gabay na tanong kalakip ang digital recorder,
panulat at sulatan sa pagsasagawa ng pakikipanayam. Pagkatapos mangalap
ng datos, isinasaayos at ihahanda ng mananaliksik ang datos para sa
presentasyon at pagsusuri.

V. PAGTALAKAY
 Bago ang pagtalakay ng datos, mahalagang gawin muna ang proseso ng pagsasaayos ng
impormasyong nakalap.
 Pangunahing hakbang ditto ang paglikom ng mga bumalik na datos mula sa
ipinamahagging talatanungan, transkripsyon ng naganap na pakikipanayam o
pagsasaayos ng mga tala mula sa obserbasyon.
 Sa pagtalakay maaaring gumamit ng graph, talahanayan o chart sa mga datos sa
isinagawang pananaliksik.
 Kapag naisaayos na ang mga datos at nakabuo ng mahalagang impormasyon sa
pamamagitan ng sistematikong presentasyon, tutuloy na ang proseso sa interpretasyon ng
datos.
 Sa bahaging ito binibigyang-diin ng mananaliksik ang mahalagang impormasyon na
ipinakikita ng mga ebidensyang nakalap at ipinapaliwanag ang mga pagkakaugnay nito.
Kailangang ipaliwanag ang sinasabi ng datos.
 Mahalaga ang cross-referencing o pag-uugnay –ugnay ng mga resulta mula sa iba’t ibang
bahagi ng pagtalakay.

VI. PAGLALAGOM
 Kinapapalooban ng buod ng mga pangunahing ideyang nabuo sa katawan ng saliksik.
 Tiyaking matamo ang full circle effect: ibig sabihin malinaw ang:
a. Koordinasyon ng Estruktura, na natatamo sa pamamagitan ng mga pangunahing
ideyang pinanday sa loob ng saliksik.

VII. SANGGUNIAN
 Mahalagang kasanayang nararapat matutuhan sa pananaliksik ang karampatang pagkilala
sa sanggunian. Ang hindi pagtukoy sa mga sinangguniang libro, artikulo at iba ay
malinaw na anyo ng plagiarism na lumalabag sa pagiging matapat ng isang mananaliksik.
 Ayon kay Evasco etal, 2011, Ang mga estilong MLA, APA at CMS-Turibian ang mga
nangungunang paraan ng dokumentasyon sa mga pananaliksiksa larangan ng agham,
panitikan at sining.
 Depende sa larangang kinapapalooban
 MLA- (Modern Language Association)- ang pinakapopular na estilo ng dokumentasyon
sa larangan ng malayang sining at humanidades gaya ng wika, literature, kasaysayan at
Pilosopiya

Sa estilong ito, ipinapaloob sa panaklong o parenthesis ang pagkilala sa may-akda at


inilalagay sa loob mismo ng teksto matapos ng salita o ideyang hinalaw.

Hal.
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (Constantino 127)

Maaaridin naming nakapaloob na sa pangungusap ang pangalan ng may-akda at ang


pahina na lang ng libro ang nasa panaklong.
Hal.

Ayon kay Constantino, ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang


pinakakomplikado kung ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia
(127)

Ito ay nararapat tumugma sasangguniang nasa likod ng saliksik.

Hal.
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: karanasan ng
Malaysia , Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng wikang Filipino, 1991.
Print.
 APA (American Psychological Association)-pinakaginagamit na paraan ng
dokumentasyon sa larangan ng agham panlipunan gaya ng sikolohiya,
sosyolohiya, antropolohiya, kasaysayan, agham pampolitika, heograpiya, at
ekonomiks
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa ikaanim na edisyon
ng Publication Manual Of the American Psychological Association.

 CMS (Chicago Manual of Style) at estilong Turabian- pinakamatandang


nangungunang pamantayan ng dokumentasyon na unang inilabas ng University of
Chicago Press nonng 1906 at sa kasalukuyan ay nasa ikalabing-anim nitong
edisyon. Hango sa estilong ito ang estilong Turabian na inilathala rin ng UCP. Si
Kate Larimore Turibian (1893-1987). Para sa karagdagang impormasyon
maaaring sumangguni sa A manual for Writers Of research Paper Thesis and
Dissertation.

Maaaring gamitin ang aklat ng KWF na Manwal sa Masinop na Pagsulat


Ikalawang edisyon.
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
I. KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
 Binibigyang daan ang malawakang pagdaloy ng kaisipan tungo sa paksa at layunin ng
pananaliksik.
 Dito tinatalakay ang tanong na Ano at Bakit?
-Ano ba ang tungkol sa pinag-aaralang paksa?
-Bakit kailangan pa itong pag-aralan?
 Kinapapalooban ng mga impormasyon, mahahalagang isyu, suliranin o ideya hinggil sa
paksa.

II. LAYUNIN NG PANANALIKSIK


 Dito ang pokus o sentro ng pag-aaral.
 Dito nakasaad ang gustong malaman o matuklasan sa pananaliksik. Inilalahad ang
pangkalahatan at ispesipikong layunin na nais makamit ng pananaliksik.

III. BALANGKAS NG PANANALIKSIK

Teoretikal na Gabay-mga teoryang nabuo. Ito ang magsisilbing gabay o batayan upang
mapatibay ang pananaliksik. Mahalagang maglahad ng mga teorya bilang suporta sa
pagsasagawa ng pananaliksik.

Konseptwal na Gabay- Magsisilbing gabay sa pagbuo ng pananaliksik.

Datos Empirikal-Ipinakikita rito na kapag lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga
ebidensya ay mapatunayan o mapasinungalingan. Magsisilbing batayan ng konklusyon.

Sa madaling salita, Sa antas na ito ay kinakailangang matukoy ng mananaliksik ang tiyak


na suliranin upang malapatan ng tiyak na disenyo, Sa bahaging ito inaakda nan g mananaliksik
ang teoretikal na gabay ng pananaliksik na resulta ng unang nabasa. Pagkatapos ay bubuuin ang
konseptwal na balangkas na maglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng
magiging pagsusuri.

IV.METODO NG PANANALIKSIK

A. PAGKUHA AT PAGTATALA NG DATOS


 Sa bahaging ito nangyayari ang produksyon ng bagong datos na pagbabatayan ng
kalalabasan ng pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop, matiyaga at
matapat ang mananaliksik.
 Isinasagawa na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon o pagsusuri ng dokumento
depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral.
 Pagkatapos mangalap ng datos mula sa mga nabanggit na pamamaraan, isinasaayos at
ihahanda ng mananaliksik ang datos para sa presentasyon at pagsusuri.

B. Etika ng Pananaliksik
Sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang ito ay
pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalagasa katapatan ng mananaliksik.

Gabay sa Etikal na Pananaliksik ng Americal Psychological association (2003) at Center


for Research Methods (2006)
 Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik-Mahalaga ang
pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik o iskolar na naging tuntungan at
pundasyon ng iyong pananaliksik.
Plagiarism- Ayon sa Purdue University Online Writing Lab 2014, ang plagiarism
ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang
kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Tinukoy ng Plagiarism
Org(2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng:
1. Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba
2. Hindi paglagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag.
3. Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag.
4. Ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan
na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang
pinagmulan.
 Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok- Kinakailangang hindi pinilit ang
sinomang kalahok sa pagbibigay ng impormasyon o anumang partisipasyon sa
pananaliksik.
 Pagiging Kumpidensiyal at pagkubli sa Pagkakakilanlan ng kalahok-
Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon na
magmumula sa kalahok sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng
pananaliksik. Dapat pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang
pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may
sensitibong paksa. Sa pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng
pananaliksik, kailangang ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga tagasagot na
pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.
 Pagbabalik at Paggamit sa resulta ng Pananaliksik-Ibahagi sa mga kalahokang
kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya
o iba pang mahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung
ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o
kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

V.PAGTALAKAY

 Bago ang pagtalakay ng datos, mahalagang gawin muna ang proseso ng pagsasaayos ng
impormasyong nakalap.
 Pangunahing hakbang ditto ang paglikom ng mga bumalik na datos mula sa
ipinamahagging talatanungan, transkripsyon ng naganap na pakikipanayam o
pagsasaayos ng mga tala mula sa obserbasyon.
 Sa pagtalakay maaaring gumamit ng graph, talahanayan o chart sa mga datos sa
isinagawang pananaliksik.
 Sa kabilang banda, ang pagtalakay ay sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan.
Upang mas sistematiko ang paglalahad ng resulta, inoorganisa ang pagtalakay sa
pamamagitan ng paulit-ulit na mga tema o paksang lumalabas mula sadatos.
 Kapag naisaayos na ang mga datos at nakabuo ng mahalagang impormasyon sa
pamamagitan ng sistematikong presentasyon, tutuloy na ang proseso sa interpretasyon ng
datos.
 Sa bahaging ito binibigyang-diin ng mananaliksik ang mahalagang impormasyon na
ipinakikita ng mga ebidensyang nakalap at ipinapaliwanag ang mga pagkakaugnay nito.
Kailangang ipaliwanag ang sinasabi ng datos.
 Mahalaga ang cross-referencing o pag-uugnay –ugnay ng mga resulta mula sa iba’t ibang
bahagi ng pagtalakay.

VI. KONKLUSYON

 Bunga o resulta ng kinalabasan ng isinagawang pananaliksik at kinakailangang


pagtibayin ang mga dahilan sa isinagawang pananaliksik.

VII.SANGGUNIAN

 Mahalagang kasanayang nararapat matutuhan sa pananaliksik ang karampatang pagkilala


sa sanggunian. Ang hindi pagtukoy sa mga sinangguniang libro, artikulo at iba ay
malinaw na anyo ng plagiarism na lumalabag sa pagiging matapat ng isang mananaliksik.
 Ayon kay Evasco etal, 2011, Ang mga estilong MLA, APA at CMS-Turibian ang mga
nangungunang paraan ng dokumentasyon sa mga pananaliksiksa larangan ng agham,
panitikan at sining.
 Depende sa larangang kinapapalooban
 MLA- (Modern Language Association)- ang pinakapopular na estilo ng dokumentasyon
sa larangan ng malayang sining at humanidades gaya ng wika, literature, kasaysayan at
Pilosopiya
Sa estilong ito, ipinapaloob sa panaklong o parenthesis ang pagkilala sa may-akda at
inilalagay sa loob mismo ng teksto matapos ng salita o ideyang hinalaw.
Hal.
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (Constantino 127)

Maaaridin naming nakapaloob na sa pangungusap ang pangalan ng may-akda at ang


pahina na lang ng libro ang nasa panaklong.

Hal.

Ayon kay Constantino, ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang


pinakakomplikado kung ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia
(127)

Ito ay nararapat tumugma sasangguniang nasa likod ng saliksik.

Hal.
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: karanasan ng
Malaysia , Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng wikang Filipino, 1991.
Print.
 APA (American Psychological Association)-pinakaginagamit na paraan ng
dokumentasyon sa larangan ng agham panlipunan gaya ng sikolohiya,
sosyolohiya, antropolohiya, kasaysayan, agham pampolitika, heograpiya, at
ekonomiks
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa ikaanim na edisyon
ng Publication Manual Of the American Psychological Association.

 CMS (Chicago Manual of Style) at estilong Turabian- pinakamatandang


nangungunang pamantayan ng dokumentasyon na unang inilabas ng University of
Chicago Press nonng 1906 at sa kasalukuyan ay nasa ikalabing-anim nitong
edisyon. Hango sa estilong ito ang estilong Turabian na inilathala rin ng UCP. Si
Kate Larimore Turibian (1893-1987). Para sa karagdagang impormasyon
maaaring sumangguni sa A manual for Writers Of research Paper Thesis and
Dissertation.

Maaaring gamitin ang aklat ng KWF na Manwal sa Masinop na Pagsulat


Ikalawang edisyon.
Inihanda ni:

REYNOLD B. BARTOLOME
FB: Reiyn Bhart
Gmail: rheiynbhart05071992@gmail.com

You might also like