You are on page 1of 21

Pananaliksi

k sa Filipino
Inihanda ni: FERNANDO S. LAYSON
Maka-Pilipinong
Pananaliksik:
• Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga particular na katanungan ng tao
tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran. Sa patuloy
na pag-unawa ng tao sa mga pagbabago na nangyayari
sa kanyang paligid tumutuklas ito ng iba’t ibang paraan
kung paanong mapapabuti ang kaniyang pamumuhay
sa pamamagitan ng iba’ ibang imbensyon.
(Neuman,Susan B. 1997)
Kahulugan at Kabuluhan ng Pananaliksik
• Layunin ng pananaliksik na tumuklas ng mga makabagong
pamamaraan ba nagagamit ng tao, Malaki rin pakinabang ng
pananaliksik mula sa mismong proseso ng pagtuklas
• Sa pamamagitan ng pananaliksik, lumalawak at lumalalim ang
karanasan ng tao hindi lang sa isang particular na paksang
pinag-aaralan kundi sa lipunang nagsisilbing konteksto ng
kanyang pananaliksik. Nabibigyang bisa ng pananaliksik na
mapabuti hindi lamang ng kanyang sarili kundi maging iba.
Mga Gabay sa Pamimili ng Paksa at
Pagbuo ng Suliranin sa Pananaliksik
• May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?
• Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang
saklaw?
• Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa
pipiliing paksa?
• Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot
ang tanong
Konseptong Papel ng Pananaliksik
1.Gamitin ang obserbasyon o pagsusuri batay sa isang nakikitang suliranin
2. Magtala ng isang imbestigasyon batay sa problema o suliranin na
maaaring maging batayan ng paksa.
3. Pagkatapos matukoy ang paksa, gumawa ng isang konseptong papel na
naglalaman ng ss:
a. Pangkalahatang Paksa at Ispesipikong suliranin ng pag-aaral.
- tumutukoy sa pangkalahatang paksa na nais palalimin.
b. Kaligiran at Rayunal ng Pag-aaral
-Tinutukoy ang lugar at panahon kung kalian isasagawa ang
pananaliksik. Maaari ring tukuyin kung sino ang pinaplanong maging
tagasagot ng pag-aaral. Sinasagot din sa bahaging ito kung bakit magiging
mahalaga ang pananaliksik para sa mga taong magiging kasangkot ng
pananaliksik.
c. Layunin ng Pag-aaral
- Ilalagay ang pangkalahatang ispesipikong layunin na nais
makamit ang pag-aaral
d. Inaasahang Awtput ng Pag-aaral
-Nakasaad dito ang inaasahang porma at nilalaman ng pag-
aaral.
Etikal na Pananaliksik at Responsibilidad
ng Pananaliksik
• Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid,
makatarungan, matapat at mapagpahalaga sa kapwa ng isang
tao. Mahihinuha na sa pagiging etikal sa larangang ito sa
pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa
katapatan, kabutihan at pagpapanguna sa kapakanan ng kapwa.
Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik
Pagkilala sa mga pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik
Mahalaga ang pagkilala at pagbanggit sa mga mananaliksik at iskolar na nagging
tutungan ng pundasyon ng pananaliksik.
Boluntaryong Partisipasyon ng mga kalahok
kailangan hindi pinilit ang mga kalahok
Pagiging Kumpidensyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan
Kailangan ipaunawa na ang mga impormasyon ng mga kalahok na magmumula sa
kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng isang pananaliksik at ito ay nakakubli sa
mga may sensitibong paksa
Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik
Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
Kailangan ipaalam sa mga kalahok ang naging resulta o kinalabasan
ng pag-aaral. Upang maiwasan ang ang pagkakaroon ng maling pang-unawa
na ginagamit lamang ang mga kalahok ng mga mananaliksik sa pagkuha ng
datos kinakailangan na bigyang ng paliwanag ang naging resulta ng
pananaliksik sa mga kalahok
Plagiarism at ang mga responsibilidad ng
Mananaliksik
Ayon kay Purdue University Online Writing Lab(2014), ang plagiarism ay ang
tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at ideya ng walang kaukulang
paggamit at pagkilala sa pinagmulan nito.
• Pag-angkin ng gawa, produkto o ideya at iba pa;
• Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
• Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
• Pagpapalit ng mga salita o pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya nang
walang sapat na pagkilala.
Mga Bahagi ng at Proseso ng Pananaliksik
Kabanata I
a. Rasyunal at Kaligiran ng Pag-aaral
b. Paglalahad ng Suliranin
c. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
d. Rebyu ng mga Kaugnay na literatura at Pag-aaral
e. Teoretikal na Gabay at Konseptwal na Balangkas
f. Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral
g. Daloy ng Pag-aaral
Mga Bahagi ng at Proseso ng Pananaliksik
Kabanata II
a. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
b. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
c. Kasangkapan sa paglikom ng Datos
d. Paraan sa Paglikom ng Datos
e. Paraan sa Pagsusuri ng Datos/ Pag-aanalisa ng Datos
Mga Bahagi ng at Proseso ng Pananaliksik

Kabanata III
Resulta at Diskusyon
Kabanata IV
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Paglathala ng Pananaliksik bilang
artikulo sa Journal
Mga bahagi
a. Rayunal at Kaligiran ng Pag-aaral
b. Metodolohiya
c. Resulta at Diskusyon
d. Kongklusyon at Rekomendasyon
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatan estatehiya na pinipili ng mga
mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa
maayos at lohikal na paraan.
• Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangatwiwiranan
ang pagpili nito.
• Nadaling makabubuo ng rebuy at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman
sa paksa
• Malinaw at tiyak na matutukoy ang haypotesis na pinakasentral sa pag-aaral.
• Maipaliliwanag kung paanong makakalap ang mga datos
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
• Kwantitatibo-Tumutukoy sa sistematiko at empirical na imbestigasyon.
Kadalasang ginagamit sa mga pamamaraan gaya ng sarbey, eksperimentasyon,
pagsusuring estadistikal.
• Kwalitatibo- Kinapalolooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay
malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan ng mga
gumagabay rito. Ginagamitan ito ng pakikisalamuhang obserbasyon,
pakikipanayam, pagsusuri sa nilalaman.
• Deskriptibo- Palarawang pananaliksik, nagbibigay ng tugon sa mga tanong na
sino, ano,kalian, saan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
• Disenyong Action Research- Kaiba sa deskriptibong pananaliksik,
inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na
kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito
sa mas epektibong pamamaraan.
• Historikal- Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng
datos upang makabuo ng mga konklusyon hinggil sa nakaraan. Kung
paano at bakit nangyari ang mga bagau-bagay sa nakaraan at ang mga
pinagdaanang proseso kung paano ang nakaraan ay nagging kasalukuyan.
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
• Pag-aaral ng isang Kaso/Karanasan (Case Study)-
Halimbawa:Kahirapan sa Pagkatuto ng Ikalawang Wika: Kaso ng
Ilang Mag-aaral ng UST na may dalawang Pagkamamamayan
• Komparatibong Pananaliksik- Paghahambing sa Konsepto, kultura, bagay,
pangyayari at iba pa. Nagiging hamon ang pagtatakda ng parametro ng pananaliksik
sapagkat maaaring hindi gumamit ng magkatulad na kategorya ang dalawang lipunan o
kulturang pinaghahambing.
Hal. Komparatibong Pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga
Tagalog at Bisaya
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
• Etnograpikong Pag-aaral- Isang pananaliksik sa agham panlipunan na
mag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang
komunidad.
Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos
• Sarbey- sistematikong pamamaraan sa pagkalap ng datos sa iang tiyak na
sampol o populasyon ng pananaliksik. Hal. Talatanungan
• Pakikipanayam o interview- Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok
na may awtoridad o may personal na pagkaunawa sa paksa.
• Dokumentaryong Pagsusuri- Ginamitan ito ng analitika na pagbasa sa
mga naksulat na komunikasyon at mga dokumento bilang susuporta at
magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik.
Presentasyon sa Ginawang Pananaliksik
batay sa Action Research Format

You might also like