You are on page 1of 5

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto tungo sa Pananaliksik

Aralin para sa final exam

Kahulugan ng pananaliksik
Ayon naman kay Susan B. Nueman (1997) sa aklat na Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham
Panlipunan, Panitikan at Sining, “ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan at
mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran. Patuloy ang
pananaliksik sa iba’t ibang paksa o phenomenon dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mga
pangyayari at pagbabago sa paligid.

Maka-Pilipinong pananaliksik
1. Ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.
2. Gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa
mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mamamayan.
3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.

• Gullas Bill 4701 (pero sa modyul 4710, pero 4701 talaga) o mas kilala bilang English Bill ay
maituturing na pagbabalewala sa wikang Filipino sa patakarang pangwika ng edukasyon.
• CHED Memorandum Order no. 20, series of 2013 - inalis bilang batayang asignatura ang
anim hanggang siyam nay unit ng Filipino

Etikal na pananaliksik
Sa etikal na pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang pag-iingat sa deklarasyon at paglalahad
ng pananaliksik na kinasasangkutan ng mga taong kalahok at mga gabay sa etikal na publikasyon.

Plagiarismo
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit
at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa
pinagmulan nito.

Pamanahong Papel (term paper)


Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na may layuning magpuno ng kaalaman sa nabuong
katanungan.
Mga bahagi ng pamanahong papel
a. Pahina ng Pamagat - Nakatala ang pamagat, pangalan ng mga mananaliksik, afilyasyon
(unibersidad, antas o kolehiyo), gurong patnubay at ang petsa o taon ng pagpapasa.
b. Abstrak -Nakatala ang pamagat, pangalan ng mga mananaliksik, afilyasyon (unibersidad,
antas o kolehiyo), gurong patnubay at ang petsa o taon ng pagpapasa.
I. Panimula o Introduksiyon - inilalagay ng mananaliksik ang kanyang intensiyon bakit binuo
ang papel at kalakip nito ang batayang teoretikal.
• Paglalahad ng Suliranin at Layunin ng Pag-aaral- Tumutukoy sa mga tanong na
dapat sagutin ng pag-aaral.
• Batayang Konseptuwal - binabanggit ang mga konsepto sa pag-aaral mula sa
nabasang sandigan na magsasakatuparan upang makabuo ng output ang
mananaliksik
• Kahalagahan ng Pag-aaral- Ipinapakita ang pagpapatibay kung paano
makatutulong ang pananaliksik. Tiyak na binabanggit dito ang magiging bagong
ambag ng pag-aaral sa karunungan ng daigdig.
• Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral- Tinitiyak kung hanggan saan ang sakop ng pag-
aaral.
• Katuturan ng mga Katawagan- Inihahanay nang paalpabeto ang terminong
ginamit sa pananaliksik.
II. Mga Kagamitan at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos
• Mga instrumento sa pangangalap ng datos
i. Sarbey o survey - Ginagamit ito upang malaman ang opinyon, paniniwala,
kaugalian, persepsiyon, impresiyon, deskripsyon sa mga bagay, at saloobin
ng mamamayan.
ii. Panayam o interview- isang paraan ng pagtatanong upang makakuha ng
datos gamit ang pakikipag-usap
1. structured interview o nakabalangkas na pakikipanayam na halos
eksato o tiyak ang pagtatanong na gaya ng mga nasa talatanungang
ginagamit sa sarbey, samantala
2. semi-structured interview o pakikipanayam na bahagyang
nakabalangkas ay nagbibigay kontrol sa mananaliksik na
tagatanong sa magiging daloy ng panayam
3. mananaliksik na tagatanong sa magiging daloy ng panayam
• Mga disenyo ng pananaliksik
i. Kuwantitatibo (Quantitative)- tumutukoy sa sistematiko at empirikal na
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa
pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan
na gumagamit ng mga kompyutasyon.
ii. Kuwalitatibo (Qualitative)- kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na
ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at pag-uugnayan ng
mga tao at mga dahilan na gymagabay rito.
iii. Deskriptibo- pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang
pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan.
iv. Deskriptibo- pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang
pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan.
v. Historikal na disenyo- gumagamit ng iba’t ibang mga pamamaraan sa
pananaliksik upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan.
vi. Case Study- naglalayon ang ganitong disenyo na malalimang unawain ang
isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang konklusyon sa
iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
vii. Etnograpikong pag-aaral- Isang uri ng saliksik sa agham panlipunan na nag-
iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba’t ibang gawi ng isang
komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.
viii. Disenyong eksploratori- isinasagawa ito kung wala pang gaanong pag-aaral
na naisasagawa tungkol sa isang paksa
• To compute the sample size, gamitin ang link:
i. http://www.raosoft.com/samplesize.html
ii. Subukan ito:
1. Si Jayson ay nangangailangan ng mga kalahok mula sa HSU. Ginamit
niya ang Raosoft na aplikasyon at mayroong 2000 na kabuuang
populasyon ng mga estudyante ang departamento. Ginamit niya
ang margin of error na limang porsyento (5%) at confidence level
na 95%. Ilan ang magiging kalahok ni Jayson sa kanyang pag-aaral?
Sagot: 323
2. Si Manuel ay nangangailangan ng mga kalahok mula sa HSU.
Ginamit niya ang Raosoft na aplikasyon at mayroong 1500 na
kabuuang populasyon ng mga estudyante ang departamento.
Ginamit niya ang margin of error na limang porsyento (10%) at
confidence level na 99%. Ilan ang magiging kalahok ni Jayson sa
kanyang pag-aaral?
Sagot: 150
III. Resulta ng Pag-aaral
IV. Pagtalakay
V. Kongklusyon - Ito ay nagpapaliwanag sa mga kasagutan sa suliranin ng pag-aaral at isa-
isang sasagutin ang mga inilahad na suliranin gamit ang mga datos ng saliksik.
• Lagom - Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ideyang batay sa naging resulta ng
mga datos. Inilalahad dito ang lahat ng mahahalagang detalyeng nasuri ng
mananaliksik sa malinaw, tuwiran, at maikling pananalita.
• Rekomendasyon - Ito ay naglalaman ng mga mungkahi upang mapabuti ang
pananaliksik. Organisadong inihahanay ang mga mungkahi ukol sa napakitang
kahinaan at kakulangan sa nilalaman at proseso ng pag-aaral sa lahat ng
pagkakataon.
VI. Mga Sanggunian
Apendiks (opsyonal)

Mga batayang papel sa pananaliksik


• Saliksik aklatan
- Akademikong aklatan- ito ang aklatan ng mga unibersidad at kolehiyo.
- Aklatan ng Paaralan- akalatan ng paaralan na para sa mga kinder,
elementarya, at sekondarya.
- Publikong aklatan- matatagpuan sa mga lalawigan, bayan at barangay at
pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan.
- tatanging aklatan- ito ang aklatan na may tiyak na pinaglilingkurang
mambabasa dahil ang mga aklat na matatagpuan rito ay para sa tanging
layunin at tiyak na paksa.
- Aklatang Mobile- tinatawag itong bookmobile, biliobus, bucherbus. Ito ay
isang sasakyan na naglalaman ng mga sanggunian at materyales

• Lokal na Sanggunian at/o Pag-aaral- kung ito ay nailathala sa Pilipinas


• Banyagang Sanggunian at/o Pag-aaral- kung ito ay nailathala sa ibang bansa at
maaaring nailathala rin sa mga internasyonal na mga kumperensiya o dyornal.

• Mga kaugnay na literatura


- Sipi ng batas o mismong konstitusyon
- Ulat sa mga seminar at iba pang kumperensiya
- Rekord ng paaralan sa mga ulat ng programa at mga gawain
- Artikulo sa mga magasin, peryodiko, at iba pang publikasyon
- Lahat ng opisyal na ulat ng pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan
- Aklat, ensayklopidya, almanak at iba pang mga kahawig na sanggunian
• Mga kaugnay nap ag-aaral
- Mga tesis at disertasyon
- Mga pananaliksik sa Iba’t ibang dyornal

Pagsisipi ng impormasyon
• American Psychological Association o APA- Larang ng edukasyon (education),
sikolohiya (psychology), at mga agham (sciences).
• Modern Language Association o MLA- Humanidades (humanities)
• Chicago/Turabian Style ay ginagamit sa larang ng pagnenegosyo (business),
kasaysayan (history) at fine arts.

Mga halimbawa:
• Pagsisipi ng aklat gamit ang APA 7th edition
Almario, V. S. (2018). Introduksiyon sa Pananaliksik. Komisyon sa Wikang Filipino.
Maynila.
• Website
Bologna, C. (2019, October 31). Why some people with anxiety love watching
horror movies. HuffPost. https://www.huffpost.com/entry/anxietylove-watching-
horrormovies_l_5d277587e4b02a5a5d57b59e
• Electronic journal
Grady, J. S., Her, M., Moreno, G., Perez, C., & Yelinek, J. (2019). Emotions in
storybooks: A comparison of storybooks that represent ethnic and racial groups in
the United States. Psychology of Popular Media Culture, 8(3), 207– 217.
https://doi.org/10.1037/ppm0000185

Tuwiran at di tuwirang sipi


• Tuwirang sipi
Pagkuha sa eksaktong sinasabi ng mayakda. Halimbawa: Ang wika kasi ang una at
pangunahing pamanang pangkultura ng sangkatauhan (Almario, 2019).
• Di-tuwirang sipi
Pagbabago ng estruktura ng pagsulat o pagpapahayag ng kaisipan ngunit hindi ang
kahulugan. Halimbawa: Ayon kay Villanueva (2018), ang kurikulum ang puso ng
pagtuturo na siyang pintig ng edukasyon.

You might also like