You are on page 1of 9

ARALIN 8

INTRODUKSIYON SA
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURA

-Isang komprehensibong Gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng


organisado at sistematikong pagmamasid at pagsasagawa upang
makatuklas ng mga bagong impormasyon na magagamit sa buhay ng
isang mag-aaral o indibidwal.
-Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, lalong naging masidhi ang
pagsasagawa ng pananaliksik. Naging magkakapit-kamay ang teknolohiya
at mga paksang ibig bigyan ngb kalutasan na tutugunan ng pananaliksik.
-Sa bawat galaw ng mag-aaral o indibidwal, saan man siya bumaling,tila
naka-ngiting nag-aanyaya ang kaniyang kapaligiran upang magsagawa ng
pananaliksik.
-Napakagandang matuto ng mga dapat para sa isang pananlaiksik.
Magkaugnay na paksa ang wika at kultura para sa isang pananaliksik.
Bilang mag-aaral, tanggaping isang hamon ang gawaing pananaliksik.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
-Naisusulat ang isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang
kultural at panlipunan sa bansa.
MGA PAKSANG TATALAKAYIN
-Ang pananamit ng mga Bontoc Igorot. Ang wika ay nakasandign sa kultura
mga hakbang sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik at iba pang
batayang kaalaman.

GRAMATIKA
-Paggamit ng angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay
ugnay ang mga ideya sa isang sulatan.

PAGSULAT
-Pagsusuri ng ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kultura.

PANANALIKSIK
-Pagsulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural
at panlipunan sa bansa.

 Ang pananamit ng mga Bontoc Igorot


Ang mga lalaki ay nagsusuot ngh wanes o mahabang guhitang
tela na hinabi sa kamay may dalawang uri ito ang CHINAGTA at
ang FINALILING. Hinabi sa magaspang na putting sinulid na
bulak. Ang CHINAGTA ito ang karaniwang suot ng mga lalaking
namatay gayong ginagamit din ito ng ilang buhay na lalaki.Ang
FINALILING naman ay isang espesyal na uri ng binurdang wanes
na isinusuot kapag may mga pagdiriwang.
Para sa mga babaeng patay, may isa pang uri ng LUFID ang
kayin isang hinabing tela na kulay matingkad na asul-marino.Ito
ay ikinakabit sa baywang na makapal at malapad na hinabing
sinturon na tinatawag na wakes.Ang iniwan na para sa pang –
araw-araw na gamit at ang palasan na para sa espesyal na
okasyon.
Napanatili ng mga Bontoc Igorot ang kanilang tradisyonal na
pananamit, na patuloy namang umaakit ng pansin at paghanga
hindi lamang ng mga kapuwa nila Pilipino kundi maging ng mga
dayuhan.

-mula sa magasing sariling atin,2000

LINANGIN
Mga hakbang sa pananaliksik at iba pang batayang kaalaman

-Isang akademikong Gawain ang pananaliksik nabibigyan ng


pagkakataon ang mag-aaral na mapalawak ang karanasan,
maragdagan ang mga kaalaman, at higit sa lahat maging kapaki-
pakinabang sa kaniyang sariling pag-unlad ang naibibigay ng
pananaliksik.

KATUTURAN NG PANANALIKSIK
-Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ang paraan ng
paghahanap ng teorya, pagsubok ng teorya, o paglutas ng isang
suliranin.
-Ayon kay Fred Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang
sistematikong,kontrolado, empirical, at kritikal na imbestigasyon
ng mga proposisyon haypotetikal tungkol sa mga natural na
pangyayari.
-Ang pananaliksikm ay isang sining maraming paraan ang
maaaring gamitin sa pananaliksik.
-Pagtuklas sa mga teorya na gamit na komprehensibong pag-
aaral.
-Mula sa depinisyon na ilahad at iba pang iskema maaaring
ganito mabigyan ng lagom angb mahalagang konsepto na dapat
tandaan sa pananaliksik.

KATANGIAN NG PANANALIKSIK
1.Obhetibo
2.Mayaman sa ginagamit na mga datos
3.May angkop na pamamaraan o metolohiya
4.Maayos ang dokumentasyon
5.May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat
6.Kritikal

MGA LAYUNIN SA PAGSASAGAWA NG


PANANALIKSIK
-Makatuklas ng mga bagong impormasyon,ideya,at konsepto.
-Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon
sa dati nang ideya.
-Mabigyang-linaw ang isang mahalagang isyu o paksa.
-Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa suliranin.
-Makapagtotoo o makapangatuwiran sa tulong ng mga
mapananaligang materyales sa dokumento tungkol sa mga
paksang nangangailangan ng paglilinaw.
-Makapagbigay ng mga ideya o mungkahi batay sa
pangkasaysayang perspektibo para sa isang pangyayari o
senaryo.

RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK
1.Pagkamatiyayaga
2.Pagkamaparaan
3.Pagkamasistema sa Gawain
4.Pagkamaingat
5.Pagkamapanuri o kritikal
6.Pagkamatapat
7.Pagiging responsable

URI NG PANANALIKSIK
1.Empirikal o mala-siyentipiko
-Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ebidensiya at
aktuwal na mga datos.
2.Applied Research
-Gumagamit ng sopistikasyon, sapagka’t ito’y kongklusyon at
estadistika karaniwang ito’y bunga ng madaling pagsasagawa
ayon sa hinihinging panahon.
3.Pure Research
-Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang
maunawaan ang isang bagay na gumugulo sa kaniyang isipan.

URI NG PALARAWANG PARAAN


1.Pag-aaral ng kaso [case study]
-Ang paraang ito ay detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o
yunit sa loob ng sapat na panahon.
2.Sarbey
-2.1 Sensus-isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na
populasyon.
-2.2 Sarbey-isang bahagi lamang ng populasyon.
3.Mga pag-aaral na debelopmental
-Sa paraang debelopmental,nagtatakda at kumukuha ng
mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga
tao sa loob ng mahabang panahon.
3.1 Longitudinal o mahabang panahong paraan
-Sa paraang ito, pinag-aaralan ang prosesong sampol ng mga
kalahok sa loob ng mahabang panahon.
3.2 Kros-seksiyonal na paraan [Cross Sectional Method]
-Tungkol ito sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t-ibang
gulang at iba pang mga katangian.
4.Mga pasubaybay na pag-aaral [Follow-up studies]
-Ibig tiyakin ng mananaliksik kuing paano makakatulong ang
gamit ng wikang Filipino sa mga subject na nasa disiplinang
agham panlipunan.
5.Dokumentaryong pagsusuri [Documentary analysis]
-Nangangailangan ng pagkalap ng mga impormasyon sa
pamamagitan ng pagsusuri ng mga nakasulat na record at mga
dokumento upang malutas ang suliranin.
6.Patakarang pagsusuri [Trend analysis]
-Isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag
din ng iba na feasibility study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na
ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.
7.Mga pag-uugnay na pag-aaral [Correlational studies]
-Isang palarawang pag-aaral na idinisenyo para alamin ang iba’t
ibang baryabol na mag kakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa
target na populasyon.

Sa pagpili ng paksa/suliranin ng sulating pananaliksik, hindi dapat


maging masyadong masaklaw ang sakop nito.

Narito ang ilang batayan na maaaring magamit sa paglilimita ng


paksa/suliranin.
SAKOP NG PANAHON
-Ang pagtiyak sa sakop ng panahon ng paksa ay
nakapagpapadali at nakapapapabilis sa isinagawang pag-aaral.

SAKOP NG EDAD
-Nakakatawag-pansin ang paksang natutukoy agad ang edad a
kaya’y ayon sa particular na gulang.

SAKOP NG KASARIAN
-Ang tiyak na kasarian ay higit na malinaw kaysa sa masaklaw na
paglalarawan.

SAKOP NG PROPESYON O PANGKAT NA


KINABIBILANGAN
-Maaaring maging batayan sa paglilimita ang mga trabaho o
grupong sosyal, etnolingguwitiko, o pampropresyonal.

SAKOP NG ANYO O URI


-Maaaring gamitin ang anyo, kalagayan sa lipunan,pigura, o
estruktura.

SAKOP NG LUGAR
-Nagagamit sa paglilimita ng paksa ang particular na lugar o sa
mas malawak na lugar.
FORTPOLIO SA
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
ZAIRA MORETE
CHRIS ANN MAE
BIGCAS
KYLE ANGELA
CUENTAS

You might also like