You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY


The Premier University in Zamboanga del Norte
Main Campus, Dapitan City
Registration No. 62Q17082
INSTITUTIONAL LEVEL

FILIPINO
SA IBA’T IBANG
DISIPLINA

YUNIT 4

BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA


PANANALIKSIK-PANLIPUNAN

MGA LAYUNIN
1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan, at kapaki-pakinabang na sanggunian sa
pananaliksik.
2. Malikhain at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang piling makabuluhang konsepto at teoryang
lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
3. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
4. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos at iba pa. mula sa mga
babasahing nakasulat sa Filipino sa iba't ibang larangan
5. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik at iba pa, na makapag-aambag sa patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
6. Makapagsaliksik hinggil sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning lokal at nasyonal gamit ang
tradisyonal at modernong mga sanggunian.
7. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong
midyang akma sa kontekstong Pilipino.
8. Makagawa ng malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma
sa iba't ibang konteksto.
9. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa iba't ibang larangan.
10. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at pananaliksik na
nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
11. Makabuo ng papel o artikulo na maaaring ibahagi sa isang forum o kumperensya at/o ilathala sa
isang akademikong journal.
12. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba't ibang larangan
13. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.
14. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
15. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na
antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na
nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.

Gawain 1. Pagsunod-sunurin ang mga bagay o proseso na kailangan mong gawin/ pagdaanan upang
makatapos ng pag-aaral. Isulat ito sa mga kahon.

Ano Metodolohiya?

Ang metodolohiya ay tumutukoy sa sistematikong paglutas sa mga suliranin tanong layunin ng


pananaliksik o mga paraan na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri ng datos/ impormasyon. Ayon naman kay
Walliman (2011). isa sa pinakakilalang manunulat hinggil sa praktika ng pananaliksik, ang mga metodo ng
pananaliksik ay tumutukoy sa mga tiyak na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang makabuo ng mga
konklusyong mapaninindigan (reliable). Samakatwid, ito ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik na
kailangang itakda sa pasimula pa lamang ng pag-iisip ng paksa.
Walong proseso na maaaring isagawa sa pananaliksik
(namaaaring pagsama-samahin sa alinmang pananaliksik batay sa
suliranin/tanong/layuninng pananaliksik)
ni Walliman 2011

1. Pagkakategorya o Kategorisasyon – Tumutukoy sa pagbubuo ng tipolohiya o set ng mga pangalan o


pagpapangkat pangkat ng mga bagay, pangyayari, konsepto at iba pa. Kapaki-pakinabang ito sa
pagpapaliwanag kung ano ano o sino-sino ang magkakasama sa isang kategorya, at bakit o paano sila
naging magkakasama sa
isang kategoryang iyon.

2. Paglarawan o Deskripsyon – Tumutukoy sa pagtitipon ng datos na nakabatay sa mga obserbasyon.

3. Pagpapaliwanag – Tumutukoy sa prosesong higit pa sa simpleng paglalahad lamang ng datos o


impormasyon, upang bigyang-linaw ang kabuluhan ng nito sa konteksto ng iba't ibang aspektong kultural,
politikal, ekonomiko at iba pa.

4. Pagtataya o Ebalwasyon – Tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay, pangyayari at iba pa.

5. Paghahambing o Pagkukumpura – Tumutukoy sa pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng


dalawa o higit pang bagay at iba pa. tungo sa mas malinaw na pag unawa sa isang penomenon.

6. Paglalahad Tagpapakitang Ugnayan Relasyon o Korelasyon – Tumutukoy sa pag iimbestiga para makita
kung nakakaimpluwensya ba ang isang penomenon sa isa pa, at kung nakakaimpluwensya nga ay sa
anong paraan o paano?

7. Paglalahad/ Pagbibigay ng prediksyon – Tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng mangyari sa isang


bagay, penomenon atbp. batay sa matibay na korelasyon ng mga penomenon sinuri pinaghambing.

8. Pagtatakda ng control – Tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan upang ang isa o higit pang bagay
(gaya ng \ teknolohiya) ay maisasailalim sa kontrol ng mga tao mananaliksik tungo sa mas epektibo atio
mas ligtas na paggamit nito.

Bukod sa mga nasabing proseso, tinukoy ni Walliman (2011) ang 10 disenyo ng pananaliksik gaya
ng historical, deskriptibo, korelasyon, komparatibo, eksperimental, simulasyon, ebalwasyon, aksyon,
etnolohikal, at kultural.

GAWAIN II.

Panuto: Pagsunod-sunorin ang Walong proseso na maaaring isagawa sa pananaliksik (na


maaaring pagsama-samahin sa alinmang pananaliksik batay sa suliranin/tanong/layuninng pananaliksik) ni
Walliman 2011 at isulat ang kahalagan ng bawat isa sa kahon.

1. Pagkakategorya o Kategorisasyon
- Mahalaga ang
pagkakategorya o kategoryasyon
sapagkat….
METODO NG PANANALIKSIK
SA FILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN

1. ETNOGRAPIYA
 Ang etonograpya ayon kay Gonzuk (2003) ay nakasancig sa "malapitan, personal na karanasan ta posibleng
partisipasyon, hindi lamang cbserbasyon ng mga mananaliksik” na karaniwang nagsasagawa ng pag aaral sa
mga pangkat na multidisiplinari.
 Karaniwang pokus ng enograpya ang intensibo o maruddob na pag-aaral sa wika at kultura, isang larangan o
domneyn, al pagsasama-sama ng paraang historikal obserbasyon, interbyu at pagtitipon ng mga dokumento,
tungo sa pagkakaroon ng datos gaya ng mga siniping pahayag (“quotations"), paglalarawan o deskripsyon, at
mga siniping bahagi ng dokumento (“excerpts") na karaniwang ibinabahagi sa paraang naratibo o pasalaysay,
Para sa lingguwistikong etnograpiya, maaaring sipatin ang manwal na “Mga hakbang sa Lingguwistikong
Ernograpiya" na inilabas rg Komisyon sa Wikang Filipino (c.2005).

SA PAGTATAGPO NG BATA AT LANSANGAN SA SANGANDAAN:


ETNOGRAPIYANG BISWAL SA MUNDO NG MGA BATANG CROSSING
ni Carlota B. Francisco sa Kalipunan (2017)

Abstrak. Nakatuon ang pananaliksik sa pagsusuri ng pakikisangkot ng mga Batang Crossing sa pagbuo ng
kanilang reyalidad at identidad bilang mga bata sa isa sa mahahalagang sangandaan ng Kalakhang
Maynila, ang Crossing. Gamit ang lente ng Sosyolohiya ng Bata, partikular na tinutukan ng pag-aaral ang
paglagi at paggamit ng naturang mga bata sa mga bahagi ng nasabing lansangan. Sa pamamagitan ng
etnograpiyang biswal, naisagawa ng mag-aaral ang paghahayag, di lamang sa kalagayan ng mga ito bilang
mga batang Crossing, kundi ang pagbagtas nila sa mga nagkawing na espasyo ng lansangan, karalitaan sa
lungsod at kabataan. Sa pagtuon ng pansin sa mga naturang bata, natunghayan ang Crossing bilang isa
pang espasyo ng kabataan/kamusmusan-ng mararalitang bata sa lungsod, sa Crossing.

2. PAG-OOBSERBA, PAKIKIPAMUHAY, PARTICIPANT OBSERVATION O NAKIKIUGALING


PAGMAMASID

 Ang paginamasid ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga makabuluhang pagmamasid ng


mananaliksik sa mga pinapaksa ng pananaliksik, sa natural na kapaligiran o setting ng kaniyang buhay at/o
trabaho. Halimbawa, maaari itong gamitin upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng kultura at pamumuhay
ng mga lumad, o kaya'y ang kalagayan ng mga working student na binubuno ang pag-aaral habang
nagtatrabaho.

 Sa pakikipamuhay, ang mananaliksik ay aktwal na “nakikiranas” sa pang-araw-araw na buhay ng mga taong


kaniyang pinapaksa. Sa pamamagitan nito ay higit na makikita at mararamdaman ng mananaliksik ang sitwasyon
ng kaniyang paksa.

 Ang participant observation naman ay isang uri ng etnograpiya na karaniwang ginagamit sa larangan ng
antropolohiya at sosyolohiya. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsisikhay pagsisikap ng mananaliksik na
makapasok at maging tanggap sa isang komunidad upang makapagtamasa ng mas komprehensibong pag-
unawa sa lipunan/paraan ng pamumuhay ngnasabing komunidad.

 Ayon naman sa modyul ng University of California, Davis (c.2003), ang participant observation ay isinasagawa sa
pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad sa komunidad na kaniyang pinag aaralan, kaya
ang mananaliksik ay hindi lamang isang simpleng tagamasid o observer, kundi isa ring aktibong kalahok o
participant.

 Para kay Bennagen, mahalaga sa nakikiugaling pagmamasid ang pagyakap sa pag-uugali at paraan ng
pamumuhay ng pinag-aaralang komunidad, at ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip na nakahandang
unawainn ang komunidad na iyon.

ANG DAMI-DAMI KONG PERA, ATBP.:


MGA METAPORA NG MGA MIGRANTENG PILIPINANG INA SA AUSTRALIA
ni Pia Anna Perfecto-Ramos (2009)

Abstrak: Sa pag-aaral na ito, ipinakita ang mga metaporang nagpapatunay na ang


pangingibang bansa ng mga Pilipinang ina at ang kani-kanilang mga pamilya ay nakapagbibigay
sa kanila ng panibagong siglang pansarili (enhanced well being). Sa kwalitatibong pag-aaral na
3. PAG-IINTERBYU, FOCUS GROUP DISCUSSION (FGD), AT PAGTATANONG-TANONG

 Ang pag iinterbyu ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong paksa ng pananaliksik o kaya sa mga
eksperto rito. Ang interbyu ay maaaring structured o non-structured.
 Structured ang interbyu kung ibinigay na kaagad ang mga tanong bago pa ang interbyu, at halos walang follow-
up na tanong sa mismong interview.

 Non-structured naman kung higit na impormal ang interbyu at karaniwang maraming follow-up na tanong.
Karaniwang inirerekord ang buong interbyu, at isinasama sa appendix ng pananaliksik ang buong transcript nito.
Gayunman, batay sa hiling ng mga kinakapanayam o batay sa opinyon ng mananaliksik ay maaaring may mga
sensitibong impormasyon na hindi naisama sa transcript. Ang mga quote o siniping pahayag mula sa interbyu ay
maaaring isama sa paglalahad ng datos ng pananaliksik.

Ang Focus Group Discussion ay katulad din ng pag-iinterbyu, kung sa interbyu ay isa ang kinakapanayam
sa bawat pagkakataon, sa FGD ay dalawa o higit pa ang kinakapanayam. Isinasagawa ito upang higit na maging
swabe at magaan ang interbyu, sapagkat karaniwang mas nakapagpapahayag ng saloobin ang mga tao kung
may mga kasama sila na mula sa kanilang pangkat at kagaya rin nila sa karanasan at iba pang aspekto.

PAMAHIIN NILA NOON, BUHAY PA RA NGAYON?:


PAGSUSURI SA MGA PAMAHIING NANANATILI MULA NOON HANGGANG NGAYON
ni Reshel Madel Lopez, et al. (c.2015)

Abstrak: Tumatalakay ang pag-aaral na ito tungkol sa konsepto ng pamahiin. Ang mga pamahiin ay ang
mga paniniwalang walang batayan hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang kinalaman sa isa't isa
ngunit mayroon itong malaking epekto sa pang-araw-araw nating pamumuhay. May 120 na kalahok ang
pag-aaral na ito na hinati sa tatlong henerasyon (X, Y at Z). Layunin nito na alamin: (1) ang mga pamahiin
na patuloy na nananatili; (2) ang bilang ng mga kalahok na tumatanggap at sumusunod sa pamahiin sa
bawat henerasyon, gayon din anghindi tumatanggap at hindi sumusunod; (3) ang mga dahilan ng mga
kalahok sa (a) pagtanggap o hindi pagtanggap na tumutukoy sa paniniwala sa pamahiin at (b) pagsunod o
hindi pagsunod sa pamahiin; (4) sa paanong paraan nagiging bahagi at naaapektuhan ng pamahiin ang
pang araw-araw na pamumuhay ng mga kalahok.
4. VIDEO DOCUMENTATION

Ang dokumentasyon sa pamamagitan ng video ay isinasagawa sa pagrerekord ng mga imahe at tunog


gamit ang video recorder. Karaniwang ginagamit ito sa pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan.
Maaari itong lapatan ng pagsasalaysay o narration, at ng musika. Pinakakaraniwang porma nito ang bidyong
dokumentaryo o dokyu.

LILA: A DOCUMENTARY ON A MOTHER RAISING A CHILD WITH AUTISM


ni C.S. Ustaris (2014)

Abstrak: This study examined the perspective of a mother raising a child with autism. The subject of this
inquiry is the researcher-filmmaker herself, who is a mother of a 19-year old autistic boy. It employs the
ethnographic approach through personal narratives as she made sense of her experiences in raising this
child. A documentary was created to visually translate the findings in the research, particularly the
personal narratives. It specifically employed the performative mode for the purpose of drawing from her
audience an involvement that invites them to feel and see her world from a perspective of a woman and
mother caring for a special child. The documentary utilizes the researcher-filmmaker's home videos, which
span nearly 20 years of her life with her child. The study is guided by the social constructivist framework,
socialist feminism, and the narrative theory in understanding an experience.
5. WHITE PAPER O PANUKALA

Ang white paper ay tumutukoy sa isang saliksik o ulat mula sa isang ahensya ng gobyerno, opisyal ng
gobyerno, think tank, akademikong departamento, o eksperto na naglalahad ng makabuluhang impormasyon at/o
mga panukala kaugnay ng isang napapanahong isyu na nakakaapekto sa maraming mamamayan o sa isang
partikular na komunidad.

ANG UGNAYAN NG WIKA, PANANALIKSIK, AT INTERNASYONALISASYONG AKADEMIKO


ni Feorillo Demeterio Ill at Joshua Mariz B. Felicilda sa Malay (2015)

Abstrak:Tinatalakaysapapelnaitoangugnayanngwika, pananaliksikatinternasyonalisasyong akademiko sa


konteksto ng hindi kaaya-ayang mga markang natamo ng mga institusyong Pilipiro sa mataas na
edukasyon sa ilang Asyano at pandaigdigangranking ng mga pamantasan. Ang papel na ito ay may apat
na bahagi: 1) tungkol sa kahulugan ng internasyonalisasyong akademiko, 2) tungkol sa halaga ng
pananaliksik sa internasyonalisasyong akademiko, 3) tungkol sa kahusayan sa pananaliksik at konsepto
ng pamantasang pansaliksik (research university), at 4) tungkol sa pananaliksik at ilang usapin kaugnay
ng wikang Filipino. Hangad ng papel na ito na maipakita ang malaking maiaambag ng wikang Filipino sa
pagpapayaman ng kultura ng pananaliksik sa loob ng mga institusyong Pilipino sa mataas na edukasyon,
na sa kalaunan ay mag-aangat sa kanilang katayuan sa ilang Asyano at pandaigdigang ranking ng mga
pamantasan.

6. DESKRIPTIBONG PANANALIKSIK

Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paglalahad ng mga katangian ng isang tao, grupo, sitwasyon,
bagay, penomenon, at iba pa na sinusuri/pinag-aaralan. Nasa ibaba ang halimbawa ng mga ganitong pananaliksik at
isang mungkahing paksa para sa metodong ito.

PANANAW NG MGA KALALAKIHAN SA KONSEPTO NG SEENZONE


nina Jethro Laput at Ma. Fatima Bullecer sa The Bedan Journal of Psychology (2016)

Abstrak: Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral na kalalakihan ng Veritas
Parochial School sa konsepto ng "Seenzone" bilang "motivation" o "drive". Sa kabuuan, ang mananaliksik
ay nakapanayam ng labing tatlong mag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paraan ng
pananaliksik partikular ang pagtatanung-tanong at pakikipagkwentuhan upang makuha ng mananaliksik
ang tunay na nararamdaman ng mga kalahok at ito ay mas naaayon sa kamalayang Pilipino. Ang layunin
ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng henerasyon ngayon kung ano ang konsepto ng "Seenzone",
ano ang naging bunga at epekto nito sa mga kalahok at kung paano ito nakaapekto sa kanilang buhay.
Ang problema sa pag-aaral na ito ay kung bakit may mga lalaki na hanggang sa pampribadong
pagmemensahe na lang sila nakikipag-usap sa kababaihan sa kadahilanang nga ba na natotorpe sila sa
halip na tanggapin ang mga dagok sa pagmama
sa ganoon ay makuha nila ang kanilang kagustuhan, lisa at positibo ang mga dal
7.
KOMPARATIBONG PANANALIKSIK
Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon at iba pa.

KOMPARATIBONG ANALISIS NG AKTUWAL NA GAMIT NG WIKA AT MGA PILING PAMANTAYAN


SA GRAMATIKA AT ORTOGRAPIYA SA FILIPINO, SEBWANO-BISAYA,
AT ILOKANO: LAPIT BATAY SA KORPUS
ni Joel P. Ilao sa Daluyan (2012)

Abstrak: Ang implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) ay


nangangailangan ng tiyak na tuntunin para sa ortograpiya at gramatika. Bagaman mayroon nang
ganoong tuntunin sa ilang wika sa Pilipinas, kailangang matukoy ang mga pinagkasunduan at hindi
pagkakatugma ng mga tuntunin at paggamit upang maiwasan ang pagkalito. Ang pag- aaral na ito ay
gumagawa ng obhetibong analisis sa mga lebel ng kasunduan, sa mga tuntunin sa gramatika at
ortograpiya, sa pagitan ng mga sangguniang aklat at sa aktuwal na paggamit sa tatlong pangunahing
wika sa Pilipinas-Filipino, Sebwano-Bisaya at Ilokano na makikita sa web-mined text corpora. Isang
listahan ng mga tuntunin ng wika sa gramatika at ortograpiya ang pinili mula sa pamantayan ng mga
sangguniang aklat para sa bawat wikang nabanggit. Tinukoy ang iba't ibang anyo ng paggamit sa
bawat napiling tuntunin ng wika at binilang ang dalas ng paggamit ng mga ito para sa komparatibong
analisis ng mga tuntuning itinakda ng mga pamantayan na sangguniang aklat at ng aktuwal na
paggamit ng wika. Ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral ay mahalaga sa edukasyon ng wika,
upang matukoy ang lawak ng mga baryasyon ng paggamit ng wika sa aspekto ng gramatika at
ortograpiya.

Mungkahing paksa: "Komparatibong Pagsusuri sa Namamayaning Gamit ng Wikang


Filipino sa Lungsod ng Cebu at Tacloban"

8. CASE STUDY
Tumutukoy ito sa detalyadong paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao, bagay, lugar, pangyayari,
phenomenon, at iba pa. bilang potensyal na lunsaran ng mga susunod pang pag- aaral sa mga kahawig na
kaso.

ISANG KRITIKAL NA PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG MALAWAKANG PAGPAPALIT-GAMIT


NG LUPA SA KITA AT PANG EKONOMIKONG KASIGURUHAN NG MGA PESANTE
SA BARANGAY SANTIAGO NG GENERAL TRIAS, CAVITE
ni Kaye Melody M. Reyes (2010)

Abstrak: Hanggang sa kasalukuyan, laganap pa rin ang mga pagpapalit-gamit ng lupa sa Pilipinas at
isa ang probinsya ng Cavite sa dumadanas nito. Bagamat mayroon nang mga pag- aaral ang nagawa
ukol sa pagpapalit-gamit ng lupa sa ibang bahagi ng Cavite, napag-iiwanan ang munisipalidad ng
General Trias pagdating sa usaping ito. Tiningnan ng pag-aaral na ito ang epekto ng pagpapalit-gamit
ng lupa sa General Trias partikular na sa barangay Santiago. Upang malaman ang mga epekto ng
pagpapalit-gamit ng lupa, gumamit ng sariling questionnaire ang mananaliksik at ipinasagot sa 50
pesante. Nakipanayam din ng mga kinatawan ng isang pangmasang organisasyon--
KAMAGSASAKA-KA, at isang kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ang mananaliksik upang mas
maintindihan pa ang pagpapalit-gamit ng lupa sa lugar. Epekto sa kita, pang-ekonomikong
kasiguruhan (economic security), at pangangamkam ng lupa ang sentro ng pag-aaral. Ipinakita sa
resulta na marami sa mga pesante (38%) ang nanatili sa dati ang kinikita matapos ang pagpapalit-
gamit ng iupa bagaman dumami ang bilang ng pesanteng tiyak na mas mababa pa sa minimum wage
ang kita (mula 22% tungong 52%). Sa kabila ng pagpapalit-gamit ng lupa, marami sa kanila ang
nanatiling magsasaka (36%). Ipinakita se resulta na maraming pesante ang naniniwalang hindi
pangmatagalan ang mabuting dulot ng pagpapalitgamit ng lupa(65%). Dahil dito, nagkaroon sila ng
impermanence syndrome o kawalan ng kumpyansa sa katatagan at pangmatagalang silbi ng
pagsasaka kaya ang kanilang naipon ay ipinundar nila sa ibang pagkakakitaan(28.66%). Walang
naiulat na pangangamkam ng lupa sa barangay Santiago bagaman 62% sa mga nagsagot ay walang
sariling lupa. Mungkahing paksa: Mahusay na Taktika at Praktika sa Kampanyang Elektoral mula
Porma Hanggang Piataporma: Case Study ng mga Partylist sa ilalim ng Koalisyong Makabayan.
9. PAGSUSURING TEMATIKO AT PAGSUSURI NG NILALAMAN

Ang pagsusuring tematiko ay pamamaraan ng pagtukoy, pagsusuri at pagtatala sa mga tema o padron ng
naratibo sa loob ng isang teksto. Malapit sa paraang ito ang pagsusuri ng nilalaman o content analysis na tumutukoy
naman sa paglalarawan at/o pagsusuri sa nilalaman ng isang teksto.

MGA PILING TALUMPATI NG IBA'T IBANG PANGULO NG PILIPINAS: ISANG PAGSUSURI


ni Rechelle Almendral, et al. (2013)

Abstrak: Nilalayon ng pag-aaral na mabatid ang mga nilalaman ng mga pilingTalumpati sa


Kalagayan ng Bansa o State of the Nation Address (pinaikling SONA) nina dating Pangulong Corazon C.
Aquino, Fidel V.Ramos, Joseph E. Estrada, Gloria M. Arroyo, at kasalukuyang Pangulong Benigno
Simeon C. Aquino III; ito ay ang kani-kanilang saloobin, pagpapahalaga sa ating pagka-Pilipino, pakikipag-
ugnayang pangmasa, pagkamakabansa at pamamahala sa ating bansa. Gayundin, nilalayon ng pag aaral
na malaman ang mga pamamaraang ginamit ng mga pangulong nabanggit tungo sa iba't ibang layunin ng
paghahatid ng mensahe, mabatid ang mga paksang karaniwang binigyang-diin, matuklasan ang
kaugnayan ng buhay ng mga pangulo sa mga talumpating kanilang ipinahayag at makapagmungkahi ng
mga gawaing makapupukaw sa halayang panlipunan ng mga mag-aaral tungo sa pagbabago ng bansa.
(May kasunod)

(pagpapatuloy)
Gumamit ang mga naliksik ng kuwalitatibo o qualitative napalarawan (descriptive) at pasuring (analytical)
pananaliksik sa isinagawang pag-aaral. Sinuri ang mga talumpati batay sa pagsusuring pangnilalaman o
content analysis. Mga mungkahing paksa: "Retorika at Realidad mula Loob Hanggang labas: Pagsusuri sa
Nilalaman ng Piling Talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte Hinggil sa mga Isyung kaugnay ng Patakarang
Panlabas (Foreign Policy)"
"Kwento, kwenta, at kwentahan: Pagsusuring Tematiko sa istorya ng Mga Pelikula sa Metro
Manila Film Festival (2008-2018)”

10. SECONDARY DATA ANALYSIS

Tumutukoy ito sa pagsusuri at pag uugnay ugnay sa mga uniiral na datos at estadistika, tungo sa layuning
sagutin ang mga panibagong tanong at/o makabuo ng mga bagong konklusyon na angkop sa kasalukuyang
sitwasyon.

COUNTRY ANALYSIS OF AIDS IN THE PHILIPPINES: GENDER AND AGE SITUATION


AND RESPONSE NG NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY/NEDA
AT UNITED NATIONS CHILDREN'S FUND/UNICEF (2011)

Abstrak: This study is aimed at conducting a country analysis on the gender- and age- responsiveness of
policies, guidelines and key documents. Specifically, this seeks to develop gender and age-sensitive
AIDS monitoring and evaluation indicators, and to prepare a report on the Country Analysis of AIDS in the
Philippines - Gender and Age Situation and Response, including policy and programmatic
recommendations. The assessment was done using secondary data analysis, focus group discussions
(FGDs), key informant interviews (Kils) and workshops. The secondary data analysis looked at existing
data, policies and programme intervention reports in terms of gender and age-sensitive provisions. A
listing and analysis of the data available were part of this assessment process. Mungkahing paksa:
Pangkalahatang Pagsusuri sa Potensyal na Bisa ng Programang Kto12 sa Pilipinas Batay sa karanasan
ng Mga Bansa sa Asya-Pasipiko Gamit Batay sa mga opisyal na Estadistika at Dokumento.
11. PAGBUBUO NG GLOSARYO/PANANALIKSIK NA LEKSIKOGRAPIKO

Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon ng mga termino alinsunod sa
kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang partikular na larangan.

GLOSARYO NG MGA TERMINO SA PANITIKAN


ni David Michael San Juan (2010)

Ahstrok Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ang makabuo ng isang glosaryo ng mga piling termino
sa panitikan. Partikular na nais isakatuparan ng pananaliksik ang mga sumusunod: 1. Makapangalap at
makapagtala ng mga termino sa pagtuturo ng panitikan sa antas sekundarva tersvarya; 2. Makapagsalin o
makabuo ng mga panumbas sa salitang lahok; 3. Makapagsalin makahalaw ng depinisyon ng mga termino
sa panitikan; at 4. Masuri/malapatan ng balidasyon ang binuong glosaryo sa panitikan.

Mungkahing paksa: "Glosaryo ng Mga Termino sa Araling Pangkaunlaran (Development Studies)"

12. PAGBUBUO AT BALIDASYON NG MATERYALES NA PANTURO

Tumutukoy sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at iba pa.
materyales na panturo na kaiba sa karaniwang umiiral o kaya'y naka angkla sa panibagong pamamaraan o dulog sa
pagtuturo.

DEBELOPMENT AT BALIDASYON NG MODYUL SA FILIPINO I


PARA SA MGA DAYUHANG MAG-AARAL SA ANTAS TERSYARYA
ni Arlene M. Soliman (2007)

Abstrak: Ang pag-aaral na ito ay naglayong makapaghanda ng mga modyul sa Filipino 1 para sa mga
dayuhang mag-aaral sa antas tersyarya at mabalideyt ang mga ito. Partikular na nais isakatuparan ng
pananaliksik ang mga sumusunod: 1. Makabuo ng modyul sa Filipino na lumilinang sa komunikatibong
kakayahan at kasanayan ng mga dayuhang mag-aaral sa dntas tersyarya: 2. Mabalideyt ang
kaangkupan at kalinawan ng modyul na naihanda; 3. Makagawa ng kaukulang rebisyon sa mga modyul
batay sa balidasyon. Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pag-aaral na kinapapalooban ng apat
na yugto sa pagdebelop ng mga kagamitang panturo: pagpaplano, pagdebelop ng mga modyul,
pagbalideyt at pagrebisa.

Mungkahing paksa: "Pagbubuo at Balidasyon ng Kompletong Modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang


Serbisyong Pangkalusugan sa Mga Komunidad Community Health Service) sa

13. PAGSUSURI SA DISKURSO

Tumutukoy sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at/o mensaheng nangingibabaw sa teksto, awit,


video, pelikula, at iba pang materyales.

www.ang espasyong_bakla_sa_cyberspace.com:
ISANG PAGSUSURI NG DISKURSO NG USAPANG BAKLA SA MGA CHATROOM
ni Rowell D. Madula sa Malay (2010)

Abstrak: Maraming hiwaga ang binubuo at inilalantad nang sabay ng makabagong teknolohiya sa
kasalukuyang panahon. Ang lawak ng teritoryo sa kamalayan na sinasakop ng cyberspace sa pagbuo ng
kaakuhan ng mga bayan at maging ng mga subkultural na grupo ay patuloy na nararamdaman at
nasasaksihan. Masalimuot ang pagbibigay-kahulugan at pag-unawa sa pagiging bakla. Mula sa
kaangkupan ng terminolohiyang gagamiting pantukoy sa mga "bakla" hanggang sa usapin ng kalayaan at
karapatan ng mga ito ay patuloy na isang diskursong itinuturing na walang katiyakan at hangganan. . Ang
14. SWOT ANALYSIS

Tumutukoy ito sa pagsusuri sa kalakasan (strengths) at kahinaan (weaknesses) ng isang programa/plano,


at mga oportunidad (Opportunities) o bagay na makatutulong sa implementasyon at mga banta (threat) o bagay na
maaaring makahadlang sa implementasyon ng programa/plano.

ASPIRATIONS AND CHALLENGES FOR ECONOMIC


AND SOCIAL DEVELOPMENT IN THE PHILIPPINES TOWARDS 2030
nina Josef T. Yap and Ruperto P. Majuca (2013)

Abstrak: The Philippines continues to demonstrate a development puzzle. Despite abundant natural and
human resources, its development record pales in comparison with its neighbors in East Asia. This study
presents a SWOT analysis to explain the economic development of the Philippines. To overcome the threats
and weaknesses, the Philippines should aspire for BRISK development: balanced, rapid, inclusive,
sustainable and capital-intensive economic growth. Policy recommendations include standard reforms related
to expanding fiscal and improving infrastructure. However, Philippine history requires that special attention be
given to strengthening institutions and weakening the grip of oligarchs. The rapid rise of China
and India establishment of the ASEAN Economic Community provide an opportunity to attract more foreign
direct investment, diversify the productions base, and expand the role of small and medium sized enterprises.

Mungkahing pamagat: "SWOT Analysis ng Programang MTB MLE sa Piling Paaralan sa Capiz"

15. KRITIKAL NA PAGSUSURING PANGKURIKULUM/PAMPROGRAMA


Tumutukoy sa pagsusuri sa mga negatibong aspekto ng isang kurikulum/programa tungo sa layuning
baguhin/linangin pa ito.

REVIEW OF PHILIPPINE MIGRATION LAWS AND REGULATIONS: GAINS, GAPS, PROSPECTS


nina Julyn S. Ambito and Melissa Suzette L. Banzen (2011)

Abstrak. The Philippines has often been cited as the global model in managing international labor migration.
Despite the complexity of our management infrastructure, however, some gaps still remain. This paper reviews the
Philippine legal and administrative framework governing the recruitment, documentation and deployment of
Filipino workers abroad. The study finds that although the provisions of the landmark legislation RA 8042, as
amended by RA 9422 and 10022, are laudable, some of the key provisions are not absolute. Furthermore, the
study finds the need to further strengthen policy implementation, as well as the implementing capacity of
government agencies.

16. PAGSUSURING ETIMOLOHIKAL

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pinagmulan ng kahulugan ng mga salita orihinal na konteksto at iba
pang kaugnay na cletalye na mahalaga sa pag unawa sa kasalukuyang gamit at konteksto nito.

ISANG PAGSUSURI NG TOPONOMIYA SA BAYAN NG LUCBAN, QUEZON


ni Cyril Jude M. Cornelio et al. (2016)

Abstrak: Ang papel na ito ay isang sarbey at pagsusuring toponomiya sa isang komunidad, para ipakita at
makipag-ugnay ang sitwasyon ng Pilipinas, sa isang maliit na tagpo, Ipapakita rin ng mga mag-aaral ang
relasyon ng mga pangalan ng lugar sa kultura ng isang pook. Mungkahing paksa: "Pagsusuri sa Toponomiya ng
Mga Bayan at Lungsod sa Bohol"
17. ACTION RESEARCH

Pananaliksik na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid-aralan, o kaya'y kaugnay ng


proseso ng pagkatuto sa isang partikular na sitwasyon.

APPLE O ATIS: ISANG PAG-AARAL SA K-12


ni Eleanor Eme E. Hermosa sa Alipato (2006)

Abstrak: Ang pananaliksik na ito ay pinaikling research report na pinamagatang "Filipino Bilang Wikang Panturo
sa K-2" ni Patrocinia M. Abanto et al. Tinalakay sa pananaliksik ang bias ng Filipino bilang wikang panturo mula
Kinder hanggang Grade 2.

Mungkahing paksa: "Sitwasyon ng kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Elementarya ng Paaralang


Andres Bonifacio: Gabay sa Pagbuo ng Bagong Programa sa Mas Mabisang Paglinang ng Pagbasa"

18. PAGSASAGAWA NG SARBEY

Ang sarbey ay isinasagawa sa pamamamagitan ng questionnaire sa mga taong magkapagbibigay ng


saloobin, opinion o impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik. Epektibo ito sa paglalahad ng impormasyon o
datos na mulasa isang malaking pangkat na hindi magagawang kapanayamin sa pamamagitan ng FGD.
Halimabawa, maaaring magsagawa ng sarbey hinggli sa saloobin ng mga kabataang Pilipino sa kahalagahan ng
sama-samang pagkain ng hapunan na hindi na gaanong naisasagawa ng maraming pamilya dahil sa mga trabahong
iba-iba ang schedule, matagal na oras ng pagbyahe mula trabaho pauwi, at iba pa.

MAY PERANG DUMADAAN LANG SA PALAD, MERONG PADALA, AT MAY PADULAS


DIN: PANINIWALA'T PANANAW SA PERA AT PALAGAY SA PANDAIGDIGANG KRISIS
PAMPINANSIYA
ni Roberto Javier Jr. sa Malay (2011)

Abstrak: Inalam sa pag-aaral na ito ang mga paniniwala't pananaw sa pera pati ang palagay sa
pandaigdigang krisis pampinansiya ng mga manggagawa sa mga pangunahing sentrong urban sa Filipinas.
Sa mga lungsod ng Cebu at Manila isinagawa ang sarbey sapagkat sentro ang mga ito ng malalaking
populasyon at migrasyon para sa trabaho.Gamit ang paraang sarbey, pinasagutan ang talatanungan sa
mga may hustong gulang na may hanap-buhay at ang sahod ay ayon sa itinatakda ng batas na 'minimum
wage' o kaunting kita. Naging kalahok ang mga manggagawa sa pabrika ng gatas sa Metro Manila at mga
trahabador naman sa shipping line sa Cebu. Hango ang datos mula sa pinasagutang talatanungan na may
bahaging kwantitatibo at kwalitatiho. Ginawan ng deskriptibong istadistika ang kwantitatibong datos at
bumuo ng mga kategorya para sa mga klaster ng sagot na kwalitatibo. Sa bahaging kwantitatibo ng
kwestiyuner, sinang-ayunan ng mga kalahok ang mga tanong tungkol sa rason, resulta, pati posibleng pag-
responde sa pandaigdigang krisis pampinansiya. Sa kwalitatibong bahagi naman, tinukoy ang prioridad
para sa paggasta sa pera tulad ng pagkain, pambili ng gamot, at pambayad ng mga upa lalo pa't sila'y nasa
siyudad kung saan ang lahat binibili. Ayon sa kanila ang pera ay kinikita sa trabaho kaya kailangan ng sipag
at tiyaga. Ang perang kinita anila ay panlaan sa pangangailangan at panustos sa mga gastos para sa
pamumuhay sa siyudad. Di kasing-kahulugan ng pamumuhay ang buhay kaya anila nga’y may higit na
mahalaga sa pagkita ng pera gaya ng paggawa, pamilya't pagmamahal. May mataas din silang
pamantayan pera sapagkat kaugnay anila ito ng dangal ng paggawa. Nawawalan ng bisa ang halaga ng
pera, dagdag pa nila, sa katiwalian dahil nakataya dito mismo ang pagkatao. Hindi mahihigitan ng may puri’t
dangal.

Mungkahing paksa: "Perspektiba ng Mga Visayas Hinggil sa Isyu ng Pederalismo : Datos batay sa
Malawakng sarbey”
19. REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Tumutukoy ito sa pagkalap ng at nagsusuri sa impormasyon haggil sa paksa ng pananaliksik, mula sa mga
umiiral na sanggunian at pananaliksik Halimbawa, maaaring suriin ang mga umiiral na pananaliksik hinggil sa mga
festival sa Pilipinas, o kaya ang mga pananaliksik hinggil sa mga komunidad ng mga Pilipino sa ibang bansa. Sa
ganitong ng pananaliksik, ibinubuod ang mga impormasyong nakalap ng mga simuring pananaliksik at inilalahad ang
mga bagay na maaari pang saliksikin sapagkat hindi gaanong napagtuunang pansin ng mga mananaliksik. Maaari
rin itong isagawa upang patunayan ang isang makabuluhang assumption o pakiwari ng mananaliksik na hindi
sumasang ayon sa karaniwang opinyon o sa opinyon ng mga namamayaning pananaliksik.

WEB USABILITY: A LITERATURE REVIEW


nina Giselle Joy Esmeria at Rosemary R. Seva (2017)

Abstrak: The continuing growth in the use of internet has transformed the world into a virtual marketplace. The
dependability of several web applications has become more important to the users. The fast growth of online
applications available in the internet drives the user interface designers to become more competitively
creative. Websites are expected to provide the users a satisfying experience at the least. There have been
numerous research studies conducted focusing on the design of usability heuristics to evaluate the websites.
However, few studies apoly a methodology that would actually provide a deeper meaning to the results of
usability evaluation. Usability evaluation can be meaningless without looking at
the relationships between usability metrics and deriving its usability index. The results of the literature review
show that there is no standard usability index that is derived to evaluate the usability of websites. This
usability index is an important measure to determine the impact of the usability evaluation results to the
management. This paper therefore aims to highlight the future research direction in the area of web usability
measurements that would provide a meaningful standard score for all the usability metrics.

20. DOCUMENTARY O TEXT ANALYSIS

Kung ang mga primaryang sanggunian gaya ng pahayagan dokumentong historikal, mga talumpati, mga
epiko, at iba pa ang pag aaralan, maaaring gamitin ang metodong documentary o textual analysis. Tumutukoy ito sa
paghihimay himay sa nilalaman, konteksto, at kabuluhan ng tekstong sinusuri. Halimbawa, maaaring lapatan ng
textual analysis ang mga tulang naisulat noong panahon ng Batas Militar sa Pilipinas, o kaya ang mga awiting
pampag-ibig na namayagpag noong dekadla 90 hanggang sa kasalukuyan. Maaari ding ituring na "teksto ang mga
audio-visual tulad ng mga music video ng mga kantang may kabuluhang panlipunan o kaya ang mga episode ng
teleserye at maging ng sumikat na Kalyeseryeng AlDub.

PAGPAPABIDA SA KONTRABIDA: ISANG PAGHAHANAP AT PAGSUSURI SA KONSTRUKSIYON AT DISKURSO


NG KONTRABIDA SA TELESERYENG WALANG HANGGAN
ni Louise Anne Oblena (2014)

Abstrak: Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paghahanap ng itinuturing na kontrabida sa telebisyon sa Pilipinas.
Upang mapagtagumpayan, ito ay dumaan sa proseso ng konstruksiyon at kategorisasyon ng arketipong kontrabida sa
dramatikong programang pantelebisyon. Sa pagtungo sa daan sa pagtukias, partikular na sinubaybayan ang
teleseryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN. Sa pamamagitan ng textual analysis, sinuri sa programang ito ang mga
katauhan at naratibo ng mga karakter. Upang makapagtakda ng linya sa pagitan ng bida at kontrabida ay nagkaroon
ng pag-uugat sa kanilang pagkakaiba at pagtutunggalian. Sa pagtutukoy ng itinuturing na kontrabida ay sunod na
pinagsama-sama ang mga elementong magbubuo rito upang ganap nang makabuo ng mga kategorya mula sa niga
konstruksiyon. Mula rito, anim na kategorya ang natukoy: kontrabidang donya, bida-kontrabidang-bidang naghihiganti,
kontrabidang puta, kontrabidang baliw, kontrabidang masamang tupa, at kontrabidang demonyo. Ang mga
kategorisasyon ay hinabi patungo sa isang konstruksiyon na bumubuo ng istruktura ng kontrabida. Sa pag-aaral ng
ideolohiya at mito ng kontrabida, natuklasan na ang kontrabida ay isang tauhan na ipinapaskil bilang hindi dapat
tularan sapagkat ito ay tauhang walang pag-ibig. Sa paghahanap na ito, ginamit na mapang gabay ang istrukturalismo
para matagpuan ang mga konstruksiyon ng kontrabida.
21. EKSPERIMENTASYON

Pananaliksik na nakatuon sa pag eeksperimento o proseso ng paghahambing sa resulta ng pagmanipula ng


variable na kasangkot ang dalawang grupo o mga subject ng pananaliksik. Ang unang grupo ay grupong kontrolado
(control group) na hindi nilalapatan ng pagmanipula sa variable, habang ang ikalawang grupo naman ang nilalapatan
ng pagmanipula sa variable. Halimbawa, sa pag-iimbestiga sa bisa ng lagundi syrup sa paggamot ng ubo ay
sinusukat sa paghahambing sa paggaling ng grupo na hindi pinaiinom ng lagundi syrup at
ng grupo na pinaiinom naman ng lagundi syrup.

ANG ANTAS NG MAUNAWANG PAGBASA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL


NG BAITANG 9 NG ATENEO DE DAVAO HIGH SCHOOL
nina Evangeline D. Algabre et al. (2016)

Abstrak: Ang pag-aaral na "Ang Antas ng Maunawang Pagbasa sa Filipino ng mga Mag- aaral ng Baitang 9 ng Ateneo
de Davao High School" ay nabuo mula sa mithiing magkaroon ng dagdag na kasanayan ang mga mag-aaral sa
paggamit ng iba't ibang estratehiya tungo sa higit na mau-nawang pagbasa sa Filipino, na isang paraan upang
mapaunlad ang Programa sa Pagbasa ng paaralan. Napiling tagatugon sa pag-aaral na ito ang tatlong daan at
tatlumpu't walong mag-aaral mula sa Baitang 9 ng Ateneo de Davao High School ng taong panuruan 2014 - 2015.
Eksperimental ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik na ito. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito, gumamit
ang mga mananaliksik ng mga talatanungan para sa panimula at pangwakas na pagtataya at modyul sa maunawang
pagbasa ukol sa mga sumusunod na estratehiya: pagtukoy ng pangunahing kaisipan; pagtukoy sa layunin ng may-akda;
paggamit ng mga pahiwatig na kontekstwal; pagbuo ng hinuha o prediksyon; at pagbuo ng konklusyon.

Mungkahing paksa: Pepino Bilang Posibleng Pampababa ng Presyon ng Dugo at Kolesteroi: Isang Eksperimental na
Pananaliksik

22. PAGTUKOY SA SANHI AT BUNGA

Pananaliksik na nakatuon sa pagtukoy sa mga sanhi at bunga ng isang pangyayari, penomenon,


programa/proyekto, patakaran, at iba pa.

DESKRIPTIBONG PAG-AARAL SA SANHI AT EPEKTO NG STRESS SA MGA MAG-AARALA


SAIKAAPAT NA ANTAS NG HRM SA PAMANTASANG DE LA SALLE-DASMARIÑAS
ni Gizelle Vergara et al. (2013)

Abstrak: Ang pangkahalatang layunin ng pag-aaral na ito ay pag-alam sa sanhi at epekto ng stress sa mga mag-
aaral ng ika-apat na antas ng HRM sa Pamantasang De La Salle -Dasmariñas. Saklaw nito ang limangpung
estudyante mula sa Dalubhasaan ng Pamamahalang Panturismo at Pakikitungo, partikular na yaong nasa ika-apat
na taon ng HRM.

Mungkahing paksa: Sanhi at Bunga ng kahirapan sa Piling komunidad sa CAMANAVA Batay sa Mga Interbyu sa
Mga Mamamayan.

23. HISTORIKAL NA PANANALIKSIK


Pananaliksik ito na nakatuon sa pagtukoy sa pinagmulan/kasaysayan/mga makabuluhang pangyayari
kaugnay ng isang penomenon, programa/proyekto, patakaran, at iba pa. Isang uri rin nito ang kasaysayang pasalita
o oral history na nakapokus naman sa mga testamento o salaysay ng mga impormante na aktwal na naging bahagi o
nakasaksi sa makasaysayang pangyayari at iba pa.

KASARIAN AT KABUHAYAN: ILANG TALA SA KASAYSAYANG DEMOGRAPIKAL NG PAGGAWA AT PASAHOD SA


PILIPINAS, 1903-1948
ni Francis Gealogo sa Philippine Social Sciences Review (1995)

Abstrak: This paper describes the significance of gender issues in the discussion of the conditions of work during the first
half of the twentieth century. Specifically, it discusses the changes in the conditions of gender-based participation in work
and employment over the years. Issues such as wage differentials and gender bias in specific types ofn work are discussed
in detail to give emphasis to the evolution of work and gender relations in the Philippines. The historical perspective is
utilized by the author to provide an opportunity to look at work and gender as issues in the development of society's past.
Utilizing historical demographic data, the article attempted to analyze the historical experience of Philippine society in the
are of gender and work. Towards the end, the paper attempts to present and agenda for social historical research focusing
on a more detailed analysis of gender and work in historical perspective.

24. TRANSLATION PROCESS STUDIES

Nakapokus ang ganitong pananaliksik sipagtalakay sa mga obserbasyon, natutuhan praktikal na aral at iba
pa na nakuha o nakalap ng mananaliksik habang nagsasalin ng isang akda.

PATIKIM SA MALINAMNAM NA PANULAAN NG TINAPAY:


MGA TALA SA PAGSASALIN SA FILIPINO MULA INGLES
NG ILANG PILING TULA NI PABLO NERUDA
ni David Michael M. San Juan (2008)

Abstrak: Sa layuning makapag-ambag sa intelektwalisasyon ng Filipino, makakatulong sa pagsusulong ng


pagsasalin bilang estratehiyang pedagohikal, at maipakilala ang ilang dakilang mga "pamana ng sibilisasyon"
sa mga Pilipino, tinangka ng mananaliksik na isalin ang ilang tula ni Pablo Neruda sa Filipino, mula sa Ingles.
Ibinahagi ng mananaliksik sa papel ang mga teksto ng salin at ang proseso ng pagsasalin ng mga tula.

Mungkahing paksa: "Mga Tala sa Proseso ng Pagsasalin sa Filipino ng Piling Tula ni Emily Dickinson:
Mungkahing Gabay sa Pagsasalin ng Maiikling Tula"

25. CULTURAL MAPPING

Ayon sa mga mananaliksik sa araling pangkultura na sina Moore at Borrup (2008). ang cultural mapping ay
"proseso ng pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang pangkultura na nasa isang tiyak na lugar o rehiyong
heograpiko, sa paraang pasulat o biswal na imbentaryo." Sa konteksto ng mga pananaliksik sa Pilipinas, ang
pagmamapa ay saklaw na rin sa pagtalakay sa koneksyon ng aspektong kultural, politikal, historikal ekonomiko sa
isang partikular na espasyo, lugar o rehiyon.

PAGMAMAPA NG PAGBAA PAGBABAGONG HEOGRAPIKAL, HISTORIKAL


AT KULTURAL NG QUIAPO
ni Jema Pamintuan sa Plaridel Journal (2006)

Abstrak: Tinatalakay sa sanaysay na ito ang historikal at heograpikal na pagbabago sa Quiapo, gamit ang
pantubig na halamang "kiyapo" bilang metapor. Ang huli ay makahulugan at magpakita ng sitwasyon sa Quiapo
na noon ay sentro ng negosyo at kultura noon ay tirahan na ng mga nasa impormal na sektor tulad ng mga
nagbebenta ng mga kinopyang pelikula at musika. Sinusuri ng sanaysay na ito kung paanong ang isang lugar
26. TREND STUDIES O IMBENTARYO NG MGA PANANALIKSIK

Tumutukoy ito sa pananaliksik na nag-iimbentaryo o nagsusuri sa trend ng mga pananaliksik sa isang


larangan, bilang gabay sa mga susunod pang mananaliksik

PHILIPPINE STUDIES/ARALING PILIPINO/ PILIPINOLOHIYA SA WIKANG FILIPINO:


PAGPOPOOK AT PAGDADALUMAT SA LOOB NG KAPANTASANG PILIPINO
ni Mary Jane B. Rodriguez-Tatel sa Humanities Diliman (2015)

Abstrak: Since its inception as an area studies program instituted by the United States after World War II,
Philippine Studies in the University of the Philippines has undergone a radical transformation. From being a
neo-colonial program designed to create a venue for the Americans to perpetuate their hegemony in
Philippine scholarship, it has become a springboard from which some progressive Filipino intellectuals
particularly in the 1970's formally launched the indigenization (read: Filipinization) movement in the
Philippine academic community. Recontextualized and reconceptualized as part of the nationalist project,
the program, since then, would become a site of engagement of Filipino scholars in the development of our
own scholarly tradition. It would take on significant epistemological and methodological shift emphasizing
the vital role of Filipino language as primary tool of knowledge production. To map out the extent of this
paradigm shift, knowledge production in Filipino both at the undergraduate and graduate levels of the
Philippine Studies program is analyzed. Two general directions based on Virgilio Enriquez's SP construct
are discernible along this line: (a) "indigenization from within" or the development of our own analytical tool
and conceptual framework using our indigenous language and culture as source; and (b) "indigenization
from without" or appropriation/ adaptation of foreign formulations to local realities. Such production is
viewed in the larger context of the development of a "Philippine studies" envisioned by Rizal in the 19th
century and carried on by Filipino scholars over the last five decades in their efforts to construct a more
meaningful framework for understanding Filipino psyche, culture and society. It is hoped that a fully-
developed Filipino academic discourse shall be our significant contribution to a truly universal scientific
tradition.
27. PANANALIKSIK SA ARKIBO/ARCHIVAL RESEARCH

Isa itong porma ng pananaliksik na historical na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo
(archives) gaya ng mga lumang manuskrito, dyaryo, at iba pa.

JOURNALISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910-1913):


PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG PILIPINAS
ni Nicanor Tiongson sa Plaridel (2013)

Abstrak: Ang journalismong Tagalog sa pahayagang Renacimiento Filipino (1910-1913) ay maituturing na


isa sa mga panimulang pagpupunla ng makabayang sanaysay sa panitikan ng Pilipinas. Ang dalawampu't
walong sanaysay nina Francisco Laksamana, Faustino Aguilar, Carlos Ronquillo, Precioso Palma, Julian C.
Balmaseda, Iñigo Ed. Regalado, Dionisio S. Agustin, at iba pang sinuri sa pag-aaral ay kumakatawan sa
saloobin ng mga mamamayan sa pagbubuwag ng mga moog ng mga baluktot na kamalayang pinamayani
kapwa ng katatapos na pananakop ng mga Español at ng nanghihimasok na mga Amerikano. May apat na
pananaw na tinukoy ang pag-aaral na siyang binatikos ng mga sanaysay sa Renacimiento Filipino. Ang una
ay tungkol sa mga bagay o pangyayaring itinalaga raw ng Diyos. Ang ikalawa ay ang sadya raw na hindi
pagkakapantay-pantay ng mga tao. Ikatlo ay ang likas daw na katamaran ng mga Filipino na siyang isa sa
mga sanhi ng kahirapan ng mga mamamayan. At ikaapat ay ang pagtanggap ng mga Filipino na ang
Estados Unidos ang tagapagligtas ng Pilipinas.

Mungkahing paksa. Panimulang Pagsipat sa Mga Bahaging Tagalog ng Mga Edisyon ng La Redención del
obrero ni Isabelo De Los Reyes Batay sa Pambansang Arkibong Digital ng Espanya.

GAWAIN III.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Maaari bang magsama-sama sa isang pananliksik ang iba’t ibang pamamaraan? Ipaliwanag.
.
.
.
.

2. Bakit mahalaga sa pananaliksik ang pagkakaroon ng akmang pamamaraan?


.
.
.
.
3. May mga proseso ka pa bang maidaragdag sa mga prosesong konektado sa pananaliksik na inisa-isa ni
Walliman? Ipaliwanag.
.
.
.
.

4. Sa iyong opinion, ano ang mas mainan, ang mamili ng isang pammaraan lamang o ang magsabalikat ng
kombinasyon ng pamamaraan? Ipaliwanag.
.
.
.
.

5. Paano ginagamit ang video bilang uri ng pananaliksik?


.
.
.
.
.

GAWAIN IV

Panuto: Gamitin ang Venn Diagram upang maitala ang pagkakatulad ang pagkakaiba ng deskriptibong
pananaliksik at komparatibong pananaliksik.
GAWAIN V (Ang gawaing ito ay para sa hindi nakapag-ulat. Kung nakapagtalakay na, isulat ang pamagat
ng tinalakay na paksa bilang entry sa Gawain 5 )

Ikaw ay gagawa ng sariling pananaliksik, isulat sa kahon ang uri/ mga uri ng pananaliksik na iyong
gagamatin, pati na kahalagahan ng uri ng pananaliksik na iyong napili. (magbigay ng dalawa (2))

Mga Uri ng Pananaliksik na Kahalagahan ng Uri ng pananaliksik


nais kong gamitin na akin napili

1.

2.

You might also like