You are on page 1of 36

EKSPERIMENT

O
Sa konteksto ng agham panlipunan,
ang eksperimento ay isang
kuwantitatibong disenyo ng
pananaliksik kung saan sinusukat ang
epekt ng independent variable, na
nagsisilbing interbensiyon, sa
dependent variable, na tinatablan ng
interbensiyon.
Halimbawa:
Ano ang epekto ng paggamit ng
bernakular sa pagtuturo sa klase
(independent variable) sa antas ng
kaalaman ng mga mag aaral hinggil
sa isang paksa sa agham (dependent
vaiable)?
Madalas ginagamitan ito ng kontrol at
ekspiremental na mga pangkat ng
kalahok para mapagkumpara ang
resulta sa pagitan ng pangkat na hindi
ginamitan ng interbensyon
(kontrol) at sa pangkat na ginamitan
nito (eksperimental).
Limitado ang gamit ng
eksperimento sa agham panlipunan
at nahaharap ito sa mga maraming
banta sa katumpakan (Baxter &
Babbie, 2004).
Survey
Ginagamit sa mga deskriptibo at
kuwantitatibong pag-aaral ng
malalaking populasyon para sukatin
ang kaalaman, persepsiyon,
disposisyon, nararamdaman, kilos,
gawain, at katangian ng mga tao.
Interbyu
Interbyu o Panayam ay isang
interaksyon sa pagitan ng
mananaliksik bilang tagapagtanong at
tagapakinig, at ng tagapagbatid na
siyang tagapagbahagi ng
impormasyon (Baxter & Babbie,
2004)
Estrukturadong interbyu
Gumagamit ang mananaliksik ng
gabay na tanong na ang
pagkakasunod sunod ay mahalaga
upang matiyak ang konsistensi ng
lahat ng tagapagbatid.
Semi-estrukturadong interbyu
Mayroon ding gabay na mga tanong
ang mananaliksik, subalit pwede
niyang baguhin ang pagkakaayos nito
depende sa takbo ng interbyu at
maaari rin niyang dagdagan kung
mayroon siyang mga follow-up na
tanong.
Di-estrukturdong interbyu
Hindi kahingian ang mga gabay ma
tanong upang hindi kahingian ang mga
gabay na tanong upang mas maging
natural ang daloy ng usapan, subalit
makabubuti na kahit paano’y laging
tinatandaan ang mananaliksik sa layon
at paksa na para sinisiyasat habang
nag-iinterbyu para magabayan siya sa
mga dapat itanong at malaman.
Focus Group Discussion (FGD)
isang semi-estrukturadong
talakayanna binubuo ng
tagapagpadaloy, na kadalasa’y
ginagampanan ng mananaliksik, at
anim hanggang sampung kalahok.
Ilan sa mga bentahe ng FGD ang mga
sumusunod:
1. naitatama, napapasubalian, o
nabeberipika ng mga kalahok ang
impormasyong ibinabahagi;
2. may naiisip, nababanggit at
napagtatanto ang mga kalahok kapag
sila’y magkakasamang nag-uusap (na
maaaring di lumabas sa indibidwal na
interbyu);
3. Maraming aspekto at anggulo ng
isang paksa ang lumalabas at napapag-
usapan sa isang pagtitipon.
Kahinaan naman ng FGD kapag:
1. may dominante sa grupo;
2. may nag-aagam-agam na
sumasalungat sa kasama o itama ang
impormasyong ibinibigay ng iba;
3. may lihim o hayag na hidwaan
ang mga kalahok; at
4. May ayaw magbahagi ng saloobin
dahi nahihiyang magkamali, mapuna
o matsismis. Sa mga ganitong
pagkakataon, kailangang magaling at
maparaan ang tagapagpadaloy upang
maging organisado, mahinahon,
masigla, at kawili-wili ang talakayan.
Pakikisangkot habang pakapa-
kapa
Ang pakikisangkot sa buhay ng
mga tagapagbatid sa pamamagitan ng
pagtira sa kanilang mga kounidad sa
loob ng tatlong buwan. Nakikilahok
sa mga pang-araw-araw na gawain
habang isinisingit ang
pakikipanayam.
Hindi nagbasa ng mga sanggunian
hinggil sa paksa bago ang fieldwork.
Ang pakapa-kapa ay isang
eksplorasyon hinggil sa isang paksasa
kontekst ng pamumuhay ng mga tao
sa isang komunidad.
Pagtatanong-tanong
Marami sa mga mananaliksik ang
gumagamit ng pagtatanong-tanong sa
pagkalap ng mga datos. Ang
pagtatanong-tanong ay mainam sa
sumusunod na pagkakataon:
1. kung ang impormasyong
sinisiyasat ay makukuha sa higit sa
isang tagapagbatid
2. Kung hindi tuwirang matatanong
ang mga taong may direktang
karanasan sa paksang sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang
may kaalaman o karanasan hinggil sa
paksa; at
4. kung nais maberipika ang mga
impormasyong nakuha mula sa
inbbang tagapagbatid (Gonzales,
1982).
Nagtatanong-tanong din ang
mananaliksk kung hindi niya
masyadong gamay o wala siyang
gaanong alam pa sa paksang
sinisiyasat. Impormal at bernakular na
wka ang ginagamit para madaling
magkaintindihan ang nagtatanong at
ang tinatanong (Gonzales, 1982).
Sa ganitong pamamaraan, may mga
mananaliksik hinggil sa katangian ng
tagapagsiyasat, pook ng pagtatanong-
tanong, at ang panahon ng
pagsasagawa nito (Gonzales, 1982).
Pakikikikipagkwentuhan
ito ay ginamit ni De Vera (1982)
upang pag aralan ang pakikiapid ng
isang baryo sa Camarines Norte. Ito
ay di-estrukturado at impormal na
usapan ng mananaliksik at mga
tagapagbatid hinggil sa isa o higit
pang mga paksa kung saan ang
mananaliksik ay walang ginagamit
na tiyak na mga tanong at hindi niya
pinipilit igiya ang daloy sa isang
direksiyon.
Ang pagiging “malaya” ng mga
kalahok na “magpahayag ng anumang
opinyon o karanasan” at magbigay ng
berbal at di berbal na ekspresyon nang
walang takot o pag aanlinlangan na
“ang binitawan niyang salita ay
magagamit laban sa kaniya sa
hinaharap” (De Vera, 1982)
Pagdalaw-dalaw
Ang pagdalaw dalaw ay ang
pagpunta punta at pakikipag-usap ng
mananaliksik sa tagapagbatid upang
sila ay magkakilala. At makuha ang
loob ng isa’t isa, mas maluwag na sa
kalooban ng tagapagbatid na ilabas sa
usapan “ang mga nais niyang sabihin
bagama’t maaaring may ilan pang
pagpipigil”.
Pakikipanuluyan
Para makakuha ng datos sa
pamamaraang ito, dumalaw-dalaw muna
si Nicdao-Henson sa barangay hanggang
sa nanirahan na siya ng tatlong buwan
dito para sa kanyang pag-aaral.
Nakikisalamuha sa mga tao at
nakikisangkot sa mga aktibidad gaya ng
pagkukwentuhan sa umpukan,
pangangapitbahay at pagdalo sa iba’t-
ibang pagtitipon.
Pagbabahay-bahay
Hindi lamang pumupunta sa bahay
ng tagapagbatid ang mananaliksik,
nagmamasid, nagtatanong-tanong, at
nakikipagkwentuhan o
nakikipagpanayam din
siya.Ginagamit ito sa pagsasagawa ng
survey.
Pagmamasid
Maaaring magamit hindi lamang sa
paglikom ng datos mua kapwa-tao
kundi pati na rin sa mga bagay, lugar,
pangyayari at iba pang penomeno.
Ito ay pag-oobserba gamit ang
mata, taynga, ilong, at pandama sa
tao, lipunan, at kapaligiran.
Kung kaakibat ng pakkiramdam,
ang pagmamasid ay maaaring gamitin
para matantiya ng mananaliksik kung
“maaari siyang magpatuloy o hindi sa
mga susunod na hakbangin” sa
pananaliksik (Gonzales, 1982).
Apat na uri ng papel ng
tagapagmasid ayon kay Gold (1958)
- Complete observer (ganap na
tagapagmasid
- Complete participant (ganap na
kalahok)
- Observer as participant (tagamasid
bilang kalahok)
- Participant as observer (kalahok
bilang tagamasid)
Instrumento sa pagkalap ng datos
mula sa Kapwa-Tao
Ilan sa instrumentong ginagamit sa
pagkalap ng datos mediado man o
harapan ay:
a. Talatanungan o gabay na katanungan
b. Pagsusulit o eksaminasyon
c. Talaan sa Fieldwork
d. Rekorder
Pangangalap ng Impormasyon
mula sa mga Aklatan
Ang bawat aklatan ay puno ng mga
midya tulad ng libro, journal,
magasin, diyaryo, tesis at disertasyon,
encyclopedia, diksiyonaryo, globo, at
marami pang iba.
Ilang paalala sa paghahanap ng
batis ng impormasyon
1. Alamin kung saang aklatan
matatagpuan ang mga batis ng
impormasyon na natukoy sa isang
pananaliksik.
2. Gumawa at magpadla ng sulat sa
kinauukulan ng aklatan.
Magtanong-tanong sa protokol at
patakarang pinaiiral.
3. Alamin ang kahingian bago
makapasok at makagamit ng pasilidad
ang mga resources sa aklatang
bibisitahin.
4. Rebyuhin ang sistemang Dewey
Decimal System at sistemang Library
of Congress dahil ang mga ito ang
batayan ng klasipikasyon ng aklat ng
pangkalahatang karunungan.
5. Tandaan ang ipinagbabawal na
pagpapa-photocopy.
6. Gamitin ang OPAC (Online Public
Access Catalog).
7. Huwag kakalimutang halughugin
ang pinagkukunan na online na
aklatan.
Pangangalap ng Impormasyon
mula sa mga Onlinbe na Material
Sa pagpili ng batis ng impormasyon
para sa pananaliksik, bigyang
prayoridad ang online new sites na:
1. Walang hayag na kinikilingang
tao, grupo o institusyon dahil
naglalathala ng mga artikulong
may iba’t-ibang panig.
2. Pumupuna sa sarili o umaamin ng
pagkakamali sa pamamagitan ng
komento.
3. Hindi naglalabas ng mga
propagandang nagpapabago sa
pangalan ng isang tao, grupo o
institusyon habang tahasang
bumabatikos sa mga kalaban nito.
Pangangalap ng Impormasyon
mula sa pangmadlang midya
Mas mabutingirekord para mabalik-
balikan.
Pagbabasa ng Impormasyon
1. Basahin ng ilang beses at
unawaing mabuti ng teksto.
2. Maging matalas ang isipan sa
mga pahiwatig ng teksto.

You might also like