You are on page 1of 11

Ang Kaligiran ng Kultura at ang Dinamiko Nito

Lumalaganap at nangingibabaw ang kultura kung


kaya’t hindi maiwasan ng ibang tao na mamangha, magtaka o
kaya naman ay mag-isip na kakaiba ang gawi at pagkilos ng
ibang tao, kung ikukumpara sa sariling gawi at pagkilos sa
iba. Subalit minsan hindi rin naiisip na baka naman ganun
din ang nakikita ng ibang tao. Ang mga paaralan, bilang
institusyon ng pagkatuto at pakikipagkapwa, ay mga
kinatawan ng isang tiyak ng kultura. Ang kultura, bagamat
hindi aktwal na nakikita ay nakaiimpluwensiya sa
instruksyon,polisiya, at pagkatuto sa mga
paaralan.Tinatanggap ng mga kasapi ng akademikong
institusyon ang organisasyon, mga estilo sa pagtuturo at
pagkatuto, at ang kurikulum ng mga paaralan bilang tama at
totoo.
At ang mga paaralan ay tama at totoo sa mga kasapi ng komunidad na
lumikha rito. Subalit sa mga kabataan o mag-aaral na hindi kabilang sa
nangingibabaw at naghaharing kultura sa loob ng paaralan ay maaaring
makita ang organisasyon , estilo ng pagtuturo at pagkatuto, at
kurikulum bilang banyaga , di-maunawaan, at naghihiwalay sa kanila
tungo sa iba pang kasapi ng komunidad.
Bilang panimulang hakbang sa pagkatuto at pag-unawa sa
kompleksidad ng kultura bilang lunsaran ng diskursong Filipino, at
kung paanong ang kultura na nakapaloob sa paaralan ay nakaaapekto
sa iba’t ibang mag-aaral, ang sumusunod na seksyon ay susuri sa
kalikasan ng kultura at mga isyung nagaganap kapag ang mga
kulturang ito ay nagkakaroon ng ugnayan sa isa’t isa. Ang kaalaman sa
mas malalim na mga elementong kultura at higit sa paimbabaw na mga
aspekto gaya ng pagkain, pananamit, pista at mga pagdiriwang ang
magbibigay sa guro ng panibagong pananaw kaugnay sa iba’t ibang
kultura na maaari niyang magamit upang maturuan ang mga mag-aaral
sa pinakamataas na posibilidad ng pagkatuto na maaari nilang matamo.
Ang pinakamalalim na elementong ito ay
pagpapahalaga, Sistema ng paniniwala,
istruktura ng pamilya, mga gawi sa
pagpapalaki ng mga bata, wika-kasama na
ang mga berbal at di-berbal na uri ng
komunikasyon , mga inaasahan, pael ng
kasarian sa lipunan, mga pagkiling. Lahat
ng mga saligang batayan ng buhay na
nakaaapekto ng pagkatuto.
Ang Kultura ang ang Kalikasan Nito
Pagsilang ng isang bata, alam na ba niya kung ano
ang relihiyong aaniban niya? O kaya naman, alam
na ba niya kung ano ang gusto niyang maging sa
kanyang paglaki? Alam na ba niya ang sarili niyang
kultura? Ang sagot, siyempre ay hindi pa. Sabi nga,
wala pa siyang muwang sa kung anong sino at
magiging ano siya sa hinaharap. Maraming elemento
ang huhubog at magpapaunlad sa “kakanyahan”
niya bilang mag-aaral. Responsibilidad ng bawat
guro na tulungang maipasa ang kabatirang kultural
sa pamamagitan ng proseso ng edukasyon.
Kahulugan ng Kultura
Ang salitang kultura ay nagamit na sa napakaraming
pamamaraan. Ito ay maaaring tungkol sa mga gawain na
may kinalaman sa sining, dula, isang klasikal sa sayaw
gaya ng ballet, musika, iba’t ibang anyo ng aliwang pang
media, o kaya ay mga aklat. Ito ay maaari ring gamitin
para sa mga natatanging grupo ng lipunan, kultura ng
mga nagdadalaga at nagbibinatang sector ng lipunan.
Maaari ring gamitin para sa pangkalahatang termino ng
lipunan, Kulturang Pilipino. Subalit, hindi sapat na ang
mga nabanggit lamang ang maging kahulugan ng
salitang kultura. Bilang isang larangan ng pag-aaral, ang
kultura ay binigyang kaisipan gaya ng sumusunod:
Ang kultura ay lantad at di-lantad na
padron ng pamumuhay, ang dinamikong
Sistema ng mga napagkasunduang simbolo,
at kahulugan, kaalaman, paniniwala, sining,
aral, batas, kaugalian, kilos o asal, tradisyon
at/o mga gawi na pinagsasaluhan at
bumubuo sa paraan ng pamumuhay ng tao,
na napagkasunduan sa proseso ng paglikha
ng tao ng personal na pagkakakilanlan.
Ang mahalagang ideya na dapat tandaan,
ang kultura ay kapwa nagtataglay ng mga
nakikitang kilos o asal at mga di-nakikitang
elemento gaya ng paniniwala at
pagpapahalaga, ritmo, batas at gampanin.
Ilan pang mga kahulugan:
Ang kabuoang paraan ng pamumuhay ng tao;
padron ng mga karanasan ng mga indibidwal
bilang normal na paraan ng pagkilos, pagdama,
at pagiging nilalang.
Hall (1959)
Ang masalimuot na kabuoan na
kinapapalooban ng kaalaman, paniniwala,
sining, aral, batas, gawi at kaugalian, at ng
iba pang kakayahang natamo ng mga tao
bilang kasapi ng lipunan.
Tylor (kay Pearson, 1974)
Dinamikong sistema ng mga simbolo at
kahulugan na nasasangkot sa mga
kasalukuyang usapin kung saan ang mga
nakalipas na mga karanasan ay
nakaaapekto sa kahulugan, at sa hinaharap
na karanasan, na nagpapatuloy pa.

Robinson (1985)
Ang paraan kung paanong ang komunidad
ay nagtatalastasan…ang karaniwang
napagkasunduang hanay ng mga kahulugan
sa pakikisalamuha sa isa’t isa.
Steele (1990)
Ang kalagayang taglay ng bawat
indibidwal (pagkakakilanlan, kasarian,
etnisidad,relihiyon) na inangkin at ginawang
pansarili, na namamasid sa interaksyon nito
sa iba pang tao.

Smith, Paige, & Steglitz (1998)

You might also like