You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

BAAO COMMUNITY COLLEGE


Baao, Camarines Sur
Tel. No.: 871-6522
Email: baaocommunitycollege@gmail

“Epektibong Pamamaraan sa Paggamit ng Wikang Filipino bilang Pagtamo sa


Kasanayang ng Linggwistika”

Isang pananaliksik na iniharap para kay


Ginoong Andrei D. Cronico

Bilang pagtupad sa pambahaging pangangailangan sa Asignaturang Partcipation


and Teaching Assistantship

Nina:

Celestial, Noriel L.
Marpuri, Rowena D.
Reario, Rochelle Anne P.
Republic of the Philippines
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Tel. No.: 871-6522
Email: baaocommunitycollege@gmail

Kabanata I

Introduksiyon

Ang Wikang Filipino ang pambansang wikang ating bansa. Wikang Filipino
ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wikang komunikasyon
ng mga Etnikong grupo. Ito ang ginagamit bilang pangunahing lengguwaheng mga
Pilipino. Ito ay isang paraan na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon upang
magkaunawaan ang bawat isa. Sumisimbolo ito sa kultura nating mga Pilipino sa
kung sino at kung ano tayo. Katulad ng iba pang wikang buhay ang Filipino ay
dumaraan sa proseso sa paglinang sa pamamagitan ng pagbabago o ebolusyon ng
iba’tibang barayti ng wika para sa iba’t-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na
may iba’t-ibang sanligang sosyal, para sa paksang talakayan at malayang
pagpapahayag. Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na
ginagamit upang maiparating ang mga nasa sa loob na idea at damdaming isang
tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kung hindi ginagamit
din ito sa pagbabahagi ng iba’t ibang opinyon at kaisipan. Kahit nasa anumang anyo,
sa pamamagitan man ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang
paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili ang madaling hakbang ng
pagpapahayag.

Ang pag-aaral na ito ay upang malaman ang mga salik na nakakaapekto sa


epektibong paraan sa pagtamo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa paglinang ng
kanilang kasanayan sa pagaamit ng wikang Filipino sa larangan ng pasulat at
pagsassalita. Mahalagang matamo ang kasanayang ito dahil bilang isang Pilipino
tungkulin natin na maging makabayan at mas payabungin pa ang ating wika
sapagkat ito ay sariling atin, sarili na hindi maaagaw sa atin kahit ninuman dahil ito
ay nasa ating puso at isip na maaaring ibahagi pero hindi maaangkin ng kahit
ninuman. Marapat lamang na mas tangkilikin natin ang ating wika dahil sa panahon
ngayon ng kasalukuyan umuusbong ang mga bagong salita at lengguwahe na
maituturing natin na mapapabilang sa makabagong panahon, bagamat nagagamit
Republic of the Philippines
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Tel. No.: 871-6522
Email: baaocommunitycollege@gmail

natin ang wika hindi natin ito napapayabong sapagkat nahahadlangan ito ng mga
salita na nalilikha ng mag makabagong henerasyon, gumagamit tayo ng iba’t ibang
paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang
halimbawa sa nagiging hadlang nito ay pagpapaikli ng mga salita na maaaring
makapagpalawak ng bokabularyo subalit nakakaligtaan na natin ang tamang
paggamit ng tamang mga salita na naayon sa tamang paggamit nito.

Kaugnay na Literatura

Teoritikal o KonseptwalnaSandigan

Angkonseptwalngpag-aaralnaito ay
Republic of the Philippines
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Tel. No.: 871-6522
Email: baaocommunitycollege@gmail

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang mga espisipikong


layunin o sliranin ng pagsususlit;

1. Anong estratehiya ang kinakailangan upang matamo ang epektibong


pamamaraan sa pagtuturo ng linggwistika?
2. Paano magiging epektibo ang paggamit ng wikang Filipino
bilangpagtamosakasanayannglinggwistika?
3. Ano-ano ang nakahahadlang sa pagtamo ng mahusay na kasanayang
linggwistika sa wikang Filipino?
4. Anong pamamaraan ang maaaring gamitin upang mas mapaunlad ang
wikang Filipino?

Mga Hinuha

Ang mga mananaliksik ay nakapokus sa ilang mga hinuha ng pagsususri;


1. Malinang ang kasanayan ng mag-aaral sa larangan ng pagsasalita sa
paggamit ng ating wika.
2. Magkaroon ng mas malawak na kaalaman bilang pangunahing paraan
upang maging matagumpay sa layuning na nais na matamo.
Republic of the Philippines
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Tel. No.: 871-6522
Email: baaocommunitycollege@gmail

3. Makabuo ng ilang interbensyon at rekomendasyon na maaaing


magamit bilang Pamamaraan sa epektibong p aggamit ng Wikang
Filipino bilang Pagtamo sa Kasanayang ng Linggwistika.

Hipotesis

Sakop, Saklaw at LimitasyonngPag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layon na magsiyasat sa pangkat ng mga mag-aaral na


nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino sa paaralan ng Baao Community
College taong panuruan 2022-2023. Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay
gagamit ng kompetensing pangwika. Layunin nitong matamo ang mataas na antas
ng paggamit ng ating sariling wika. Pokus din ng pag-aaral na ito na malaman ang
iba pang maaaring magamit na pagsasanay upang maging mabisa ang pagtamo ng
kahusayan sa ating wikang Filipino.

Samakatuwid, saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang masuri ang maaari pang
maging karagdagang kagamitan sa pagsasanay ng kompetensing pangwika ng
Filipino.
Republic of the Philippines
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Tel. No.: 871-6522
Email: baaocommunitycollege@gmail

Depinisyonngmgasalitangginamit

Metodolohiya

Inilahad sa kabanatang ito ang disenyo at pamamaraang ginamit sa pag-aaral sa


kaangkupan at kabisaan ng pagsasalita ng wikang Filipino sa pagkatuto ng mga
mag-aaral sa larangan ng pagsalita at pakikipagtalastasan. Ang kabanatang ito ay
naglalaman ng pagtalakay ng metodolohiya ng pag-aaral, saklaw a
ng disenyo ng pananaliksik, pagpili ng respondent, pamamaraan ng pangangalap ng
datos, at instrumento ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pagtukoy ng mga kasanayan na gamit ng mga mananaliksik na may paksang


Epektibong Pamamaraan sa Paggamit ng Wikang Filipino bilang Pagtamo sa
Kasanayang ng Linggwistika, ang pag-aaral ay gagamit ng deskriptibo o
naglalarawang pananaliksik (Descriptive Research) bilang disenyo ng pag-aaral. Ito
ay naglalarawan sa mga katangian ng populasyon o phenomena na pinag-aralan.
Ang pamamaraang ito ay higit na nakatuon sa kung ano ang paksa ng pananaliksik
ang naglalarawan ng mga kalinangan sa kasanayang pagbas na nakabatay sa
karanasan ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino.
Bilang mananaliksik naniniwala kami na angkop ang disenyong ito para mas
mapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondent.

Mga Kalahok o Respondent

Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na kumuha ng


kursong Secondary Educaton medyor sa asignaturang Filipino sa baitang 4 ng
kolehiyo sa Baao Community College na may bilang na 26 na mag-aaral. Sa pagpili
Republic of the Philippines
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Tel. No.: 871-6522
Email: baaocommunitycollege@gmail

ng mga mag-aaral naging batayan namin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa


pagsasalita.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Instrument ng Aksiyon Research

Upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-


aaral ang mga mananaliksik mismo ang nangalap ng mga impormasyon upang
matiyak ang kalidad ng ipepresentang datos. Nagging madali ang pagl;iko naming
ng mga datos sa paggamit naming ng talatanungan
Republic of the Philippines
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Tel. No.: 871-6522
Email: baaocommunitycollege@gmail
Republic of the Philippines
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Tel. No.: 871-6522
Email: baaocommunitycollege@gmail

Kabanata II

MGA KAUGNAY SA PAG-AARAL AT LITERATURA

You might also like