You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

ISO 9001:2015 QMS CERTIFIED

APPLICATION FOR TOPIC PRESENTATION


Part I. (to be filled by the applicant)

Name of Applicant: Kenneth Mae M. Berdida


Rica L. Alvez
Program Enrolled: Bachelor of Secondary Education
Specialization: Major in Filipino
Contact Number/s: 09105864182
09268705013
Email Address: berdidak@gmail.com
alvezricah@gmail.com

Proposed Titles

1. LAWAK NG PAGPAPAHALAGA NG MGA ESTUDYANTE SA


ASIGNATURANG FILIPINO KAUGNAY NG KANILANG AKADEMIK
PERFORMANS
2. ESTADO NG KASANAYANG PASALITA SA BAITANG 4-6 NG SABANG
ELEMENTARY SCHOOL
3. ANTAS NG KAKAYAHAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY NG MGA MAG-
AARAL SA BSED 2C FILIPINO TAONG PANURUAN 2022-2023 GAMIT ANG
TEKNOLOHIYA

Part II. (to be filled by the Research Instructor)

Date of Defense: September 28, 2022 Time: 2:00 P.M.

Review Committee:
Mark Christian Almazan, LPT
Jeson V. Viñas, LPT
Approved title:
Estado ng Kasanayang Pasalita sa Baitang 4-6 ng Sabang
Elementary School

GRACE L. CONCEPCION, EdD MARIBEL N. ZIPAGAN, PhD


BSED Chairperson School Dean of STED
CONCEPT 1

PAGSASALIKSIK: LAWAK NG PAGPAPAHALAGA NG MGA


ESTUDYANTE SA ASIGNATURANG FILIPINO KAUGNAY NG
KANILANG AKADEMIK PERFORMANS

PANIMULA
Malinaw na nakasaad at itinadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas taong1987,
sa Artikulo XIV, Sek. 6-9 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Alinsunod
sa 1987 ng Saligang Batas, ipinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing ng
Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos
sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa alinmang antas ng pagtuturo
mapapribado man o pampublikong paaralan kaalinsabay ng wikang Ingles. Ang tanging
layunin ng batas na ito ay mapalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi;
paglinang at pagpapayabong ng wikang Filipino bilang linggwistikong sagisag ng
pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan at patuloy na intelektwalisasyon ng wikang
Filipino (Badayos, et. al., 75-76). Totoong sa tulong ng mga guro sa paaralan
matutuhan ng bagong henerasyon ang pagmamahal, pagtangkilik, pagpapahalaga at
higit sa lahat pagpepreserba sa katas ng wika at kulturang Pilipino na minsan nang
ninakaw at niyurakan ng mga banyaga sa mga nakalipas na dantaon.
Ang panahon ng globalisasyon ay isang malaking hamon para sa mga gurong
nagtuturo ng asignaturang Filipino na maikintal sa isipan ng mga estudyante ang mga
konseptong napapaloob sa Filipino lalong-lalo na ang pagpapahalaga nito. Hindi
madaling tanggapin, tangkilikin at gamitin ng kahit sinuman ang isang wika at kultura
kung hindi niya ito lubos na nauunawaan at hindi rin lubos na nagagamit.Ang
pagpaunawa sa kahalagahan at gamit ng wika ay nakasandig sabalikat ng mga guro
mula sa elementarya hanggang tersarya. Subalit,nakalulungkot isipin na sa
kasalukuyan ay iilan lamang ang mga estudyante na may marubdob na pagpapahalaga
sa wikang Filipino. Kadalasan mong marinig mula sa umpukan ng mga estudyante na
kapag “Filipino” salitang-ugat agad ang mamumutawi sa kanilang bibig. Hindi lamang
kabataan ang nagpakita ng negatibong impresyon sa wikang pambansa maging ang
iilang mga propesyunal din. Kapag ganito ang sitwasyon mahihinuha na maaapektuhan
din ang kanilangpagpapahalaga sa asignatura pati na ang kanilang performans.
Batay sa pag-aaral na ginawa ni Calisang sa kanyang tesis kaugnay sa “Lawak
ng Paggamitng mga Estudyante sa Wikang Filipino”, napatunayan niya na kalimitang
ginamit lamang ang wikang Filipino sa silid-aralan kung saan Filipino ang itinuturo at
kung nakapagsalita man nahihirapan pa rin sa paglalahad ng mga kahulugan samga
mahihirap na termino. Sa sitwasyon naman sa paggamit ng wika sa loob ng paaralan,
hindi pinapansin ng kapwa guro at estudyante ang bawat isa kapag wikang Filipino ang
ginamit sa pakikipagtalastasan at may halo pa itong pangungutya (Calisang 59).Batay
sa napatunayan ni Calisang isang mahalagang aral ang napulot napatatagin at
palawakin pang lalo ang paggamit ng wikang Filipino bilang daan sa totoong
pagpapahalaga sa pagkakataong ituturo ito. Ang mananaliksik ay naniniwalang hindi
problema ang malawakang pagpapaunlad at pagpapaangat sa antas ng paggamit ng
wikang Filipino upang maipakita ang taos-pusong pagpapahalaga nito. Ang tanging
kailangan lamang ay pagsikapan ng mga gurong nagtuturo na maikintal at maituro nila
nang maayos sa bawat estudyante ang kaepektibo ng paggamit ng wika sa
pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa isang makahulugang pagkatuto.Layunin ng
mananaliksik na malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa
asignaturang Filipino at masuri kung nakaaapekto ba ito sakanilang
pakikipagtalastasan, performans at pagkatuto sa klase.

KALIGIRAN
Sa pag-aaral na isasagawa sa loob ng Unibersidad ng Biliran Province State
University. Ang BiPSU ay may hayskul at tersarya. Partikular na isinagawa ang pag-
aaral na ito sa antas tersarya. Ang asignaturang Filipino ay kasalukuyang nasa
pamamahala ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ang Filipino 11/21 o Komunikasyon sa
Akademikong Filipino ay kabilang sa “General Education Subjects” kaya, ang lahat ng
mga estudyante na nasa antas tersarya ay kumukuha ng asignaturang ito. Samakatwid,
ang pag-aaral ay gagawin para sa lahat ng mga estudyante mula sa iba’t ibang taon sa
kolehiyo ng unibersidad na kumukuha ng asignaturang Filipino sa Taong Panuruan
2023-2023.

GAP
Mula sa mga napatunayan sa pag-aaral ni Felipe B. Sullero Jr. ay malugod na
iminungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod:
 Nararapat na magkarooon ng mabisang pagsasanay ang mga guro sapaggamit
ng mga makabagong teknolohiya nang sa gayon magagamitnila ito sa kanilang
epektibong pagtuturo.
 Nararapat na panatilihin ng mga guro ang pagkakaroon nang maayosna
katauhan sa loob ng klase dahil nakatutulong ito sa lawak ng kawilihan at
pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignatura.
 Mainam din na bihasa ang mga guro sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa
pagtuturo upang mas kawili-wili ang mga talakayan.

LAYUNIN
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng
mga estudyante sa asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang akademik performans.
THEORY
Nakaangkla ang pag-aaral na ito sa Teoryang Connectionism ni Edward Lee
Throndike at Operant Conditioning ni Skinner. Ang teoryang Connectionism ni Edward
Lee Thorndike ay kinapapalooban ng dalawang magkaugnay na elemento sa
pagkatuto, ang pampasigla (stimulus)at ang tugon (response). Ang pagkakaugnay ng
dalawa ay nagiging isang gawi at maaaring palakasin o pahinain depende sa kalikasan
o uri at dalas ngpagtatambal ng stimulus at response. Ibig sabihin na ang pagkatuto at
ang pag-uugali ay mabubuo kung makahahanap ng isang epektibong
pamapasigla(stimulus) na magpatatag ng koneksyon sa pamamagitan ng pagtugon sa
pangangailangan ng estudyante upang magkaroon ng isang makahulugang karanasan
sa pagkatuto. Isa itong angkop na palatandaan na ang pagpapahalaga ng estudyante
hinggil sa isang asignatura ay mas mapapayabong sa pamamagitan ng paggamit ng
guro ng mga pangganyak o pampasigla sa pag-aaral bilang tugon sa pagpapahalaga
nila sa asignaturang kinukuha (Corpuz et. al, 93).

SANGGUNIAN
Aklat Badayos, Paquito B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika, Mga Teorya,
Simulain at Istratehiya.
Makati City: Grandwater Publications and Research Corporations, 2008. 75-77.
Print Corpuz, Brenda B. at Lucas, Maria Rita D. Facilitating Learning: A Meta-
Cognitive Process. Quezon City: Lorimar Publishing Inc, 2007. 93-94. Print
Badayos, Paquito B. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Aklat saFilipino 1
– Antas Tersarya). Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2009. 39-41.
PrintB. Mga Hindi Nailathalang Publikasyon Bantayao, Lorna C. “Lawak/antas ng
Kamalian ng mga Estudyante saPagsulat ng Komposisyon sa Filipino
Kaugnayan sa Performans.” Thesis: Unibersidad ng Foundation, Siyudad ng
Dumaguete, 2009. Print Calisang, Cristina P. “Lawak ng Paggamit ng Wikang
Filipino ng mga Estudyante at ng mga Guro sa Unibersidad ng Foundation.”
Thesis: Unibersidad ng Foundation, Siyudad ng Dumague
CONCEPT 2

PAGSASALIKSIK: ESTADO NG KASANAYANG PASALITA SA


BAITANG 4-6 NG SABANG ELEMENTARY SCHOOL

PANIMULA
Lahat ng wika ay sinasalita ng tao bago sinulat at binasa. Dahil dito, lubhang
mahalaga ang wasto at mabisang pagsasalita. Ang pagsulong ng kabihasnan ay naging
mabilis at makatotohanan sa pamamagitan ng pagsasalita. Samakatuwid, kailangan ng
isang indibidwal na matuto at masanay sa mga gawaing pagsasalita.
Sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon siya ng pagkakataong
makipagpalitan ng kuro-kuro, maisalaysay ang kaniyang mga karanasan at
magpamana ng karunungan. Hindi mapapawi ang katotohanang ang pagsasalita ang
pinakamadali at pinakamabisang paraan ng pakikipagtalastasan (Sauco, 2001).
Madaling makakuha ng kaibigan at kapalagayang-loob ang isang taong mahusay
magsalita. Saan mang sektor ng ating lipunan, sa kalakalan, pulitika at relihiyon ay
nakakalamang at may higit na oportunidad ang isang taong sanay magsalita.
Kung kaya ang konsepto na ito ay makatutulong upang malaman ang estado ng
kasanayang pasalita ng mga mag-aaral mula sa elementarya. Dito nasusukat ang
kanilang mga kasanayang nakabatay sa konseptwalisadong paraan. Gamit ang
pananaliksik na ito ay nabibigyan ng positibong tugon ang estadong kinabibilangan ng
kanilang kasanayan sa pagsasalita kaakibat ang usaping pang-gramatika. Ito ay
maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng cluster sampling,
dokumentasyon at pagkalap ng record sa mga guro na nagtuturo sa elementarya
partikular sa baitang 4-6.

KALIGIRAN
Isa sa mga kailangang matutunan ng bawat mag-aaral ay ang sining ng
pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsasalita. Ang kakayahan ng bawat isa na
maipapahayag nang lubos ang sariling damdamin, maisalaysay ang mga karanasan at
maisalin ang sariling kaalaman sa pinakamadali at pinakatiyak na paraan ay matatamo
sa pagsasalita. Ito`y kanilang magagamit sa pakikipag-usap, pagkukwento o
pagsasalaysay, pakikipagtalakayan. Higit na nabibigyang katuparan ng isang indibidwal
ang kanyang mga hangarin sapagkat naipahayag nang lubos ang damdamin,
naisalaysay ang kanyang mga karanasan at nasabi ang kaalaman sa paraang
pagsalita. Makikita rin ang kasanayan sa pagsasalita ng isang tao kung nagpamalas ito
ng matatag na damdamin, malawak na kaisipan at kasanayan sa wika, retorika at
balarila (Macaraig, 2000).
Ang kasanayan sa pagsasalita ay isang mabisang paraan upang matamo ang
matagumpay na pagtuturo. Sa matagal na panahon, ang kasanayan sa pagsasalita ay
isang pagsubok sa ginawang pagtuturo ng mga guro. Dito nasusukat ang kakayahan ng
mga guro sa tungkuling maturuan ang mga mag-aaral sa mabuting pakikipagtalastasan
o makipag-unawaan sa kanyang kapwa. Ito`y kawakasan ng sunod-sunod at
binabalangkas ng mga aralin mula sa pagpapayaman ng talasalitaan hanggang sa
malikhaing pagsasalita (Tanawan, 2002).
Kaya naman, ang konseptong ito ay nakatuon sa paggalugad sa estado ng
kasanayang pasalita sa elementarya bilang instrumento sa mahusay na
pakikipagtalastasan sa ibang tao.

GAP
Ayon sa ginawang pananaliksik ng American Journal of Humanities and Social
Sciences Research (AJHSSR) ay lumalabas na walang makabuluhang kaugnayan ang
akademikong performans sa kakayahan sa pagsusuri ng gramatikong Filipino ng mga
mag-aaral.
Kung kaya, ang kadahilanang ito ang nagtulak sa mananaliksik na pag-ibayuhin
ng mga guro sa Filipino na maging mapamaraan at malikhain sa pagtuturo ng wasto at
angkop na gamit ng salita sa loob ng pangungusap upang malinang sa kanila ang
kawastuhan sa gramatikang Filipino nang magamit nila ito ng maayos sa kanilang
kasanayang pasalita.

LAYUNIN
Layunin ng pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita
ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon hanggang sa ikaanim na taong baitang sa
elementarya sa paaralan ng Sabang Elementary Scool. Tinugunan ng isinagawang
pag-aaral ang sumusunod na mga tiyak na tanong:
1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga
sumusunod na sining pantanghalan?
1.1. Pasalitang Pagkukwento
1.2. Pagtatalumpating Impromptu
1.3. Pagtatalumpating Ekstemporenyo
2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral?
2.1. Pagkukwento vs. Impromptu
2.2. Pagkukwento vs. Ekstemporenyo
2.3. Impromptu vs. Ekstemporenyo
3. Alin sa mga sining ng pangtanghalan ang madali at mahirap na isagawa?

THEORY
Sa kasanayan sa pagsasalita, pinag-uusapan ang teorya ni Chomsky na
nagpapahayag tungkol sa kakayahan ng isang taong makipagtalastasan. Ang teorya ng
Linguistic Competence ni Chomsky ay nagpapakita ng pagkadalubhasa ng nakikinig at
nagsasalita sa mga tuntuning nakapaloob sa sariling wika upang makabuo ng iba`t
ibang ayos nang pangungusap sa gramatika bukod sa kanyang abilidad na kumilala ng
mga salita o pangungusap na taliwas sa nasabing tuntunin.

SANGGUNIAN
https.//www.scribd.com/doc/99800732/Kasanayan-Sa-Pagsasalita-Ng-Mga
1215105868-with-cover-page-v2.pdf
CONCEPT 3

Pananaliksik: ANTAS NG KAKAYAHAN SA PAGSULAT NG


SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL SA BSED 2C FILIPINO
TAONG PANURUAN 2022-2023 GAMIT ANG TEKNOLOHIYA

PANIMULA

Napakahalaga ang papel na ginagampanan ng teknolohiya sa kasalukuyan, ito


ang nagiging kasangkapan tungo sa kapayapaan ng bansang Filipinas at siya ring isa
sa daluyan na nakapagpapabilis sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao sa loob at
labas ng bansa. Bukod pa rito ay napapadali rin nito ang pamumuhay ng tao tungo sa
kaunlaran. Bawat henerasyon maraming kahalagahan ang naiambag ng teknolohiya sa
pang-araw-araw na Gawain ng mga tao lalong-lalo na ang pagpapadali at pagpapabilis
sa pagkalat o paghatid ng impormasyon sa isang bansa, at sa komunidad.
Sa pag-aaral ni Gamboa sa kanyang pag-aaral na “Paggamit ng Milenyong Wika
sa Pagsulat ng kathang Sanaysay”. Lumabas na gamit ang teknolohiya ay nagkakaroon
ng mga bagong salita tulad na lamang ng wikang milenyo at pinoyslang (sumibol o
umusbong na salita) ang kadalasang bukambibig at ginagamit sa kanilang kathang
sanaysay, ang mga ito ay bae, werpa, petmalu, lodi, bes, pabebe, vaklang too, arat,
beast mode, ninja moves, walwalan, eme-eme, poreber, e di wow, havey at waley.
Natuklasan rin sa isinagawang pag-aaral na may mga ilang mag-aaral ang gumagamit
ng Taglish (pinaghalong Tagalog at English) sa kanilang kathang sanaysay upang
mailahad ang kanilang matinding ekspresyon.
Dahil dito nagkaroon ng ideya at pagnanais ang mananaliksik na saliksikin at
alamin ang ilan sa mga antas na epekto ng teknolohiya sa
akademikong pasulat ng sanaysay ng mga Senior High School nang sa gayon ay
mabawasan at maiwasan nila ang mga ganitong suliranin na
kanilang nararanasan.

KALIGIRAN
 

Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng


mga magaaral  sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer ,
at projectors. at sa pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong
impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang
mga kailangang impormasyon. sa madaling sabi ang teknolohiya ay nakatutulong sa
atin dahil napapabilis nito ang iba’t ibang gawain ng tao sa kanilang araw-araw na
pamumuhay.            
Ayon kina Purcell, Buchanan, and Friedrich na nagsagawa ng survey sa 2, 462
Advanced Placement ang National Writing Project. Binanggit sa pag-aaral na mayroon
positibong resulta na naidudulot ang paggamit ng digital tools sa kasanayang pagsulat
ng mga mag-aaral. Ang mga guro ay nagsabi na ang internet at digital technologies
tulad ng social networking sites, cellphones at texting ay nakatutulong sa sariling
pagpapahayag at pagkamalikhain tungo sa pagpapalawig ng kanilang kasanayan sa
pagsulat.
Para naman kay Abadilla, isang Filipinong mananaysay, ang salitang sanaysay
ay isang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito ay nagmula sa
salita na sanay at pagsasalaysay. Ito ay isang panitikang tuluyan na naglalahad ng
opinyon, kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, at iba pang manunulat hinggil
saisang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong paksa o isyu.

GAP

Batay sa mga kinalabasan at kongklusyon ng pag-aaral, iminumungkahi ang


mga sumusunod na rekomendasyon upang magkaroon pa ng mas lalong mabisang
pagkatuto, pag-unlad, at pagpapalawak ng kaalaman gamit ang teknolohiya at ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay.
 Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin nang wasto ang teknolohiya sa kanilang
pag-aaral at hindi lang sa pakikipagkomunikasyon.
 Magkaroon ng patimpalak sa paaralan ukol sa pagsusulat ng mga akdang
pampanitikan gaya ng sanaysay nang mas lalo pang mahikayat ang mga mag-
aaral na gawing kahiligan ang pagsusulat at mabigyan rin ng pansin ang
kalahagahan ng pagsusulat.
 Ang mga administrador ngpaaralan ay kinakailangang magbigay ng suporta sa
planong gawain na iminungkahi upang mapataaspang lalo ang kasanayan ng
mga mag-aaral sapagsulat ng sanaysay.
 Magkaroon pa ngmga pagsulat na gawain na lilinang sa kakayahang
pagpapahayag ng kaisipan ng mga mag-aaral.
 Hikayatin pa ang mga guro na lumahok sa mga palihan na may kaugnayan sa
paglinang ng kakayahan nila sa pagsulat.

LAYUNIN
Layunin ng pag-aaral na ito na kumalap ng impormasyong kinakailangan para
tuklasin ang antas ng kakayahan sa pagsulat ng sanaysay gamit ang teknolohiya ng
mga ika-labindalawang baiting (grade 12) Senior High School ng Biliran Province State
University sa Panuruang Taon 2022-2023. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin
ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral batay sa Edad, Kasarian, Strand/Kurso,
Gadyet na madalas ginagamit, dalas sa paggamit ng teknolohiya, Apps na kadalasang
binubuksan gamit ang teknolohiya, at dahilan sa paggamit ng teknolohiya. inilarawan
ang antas ng kakayahan sa pagsulat ng sanaysay ng mga Senior High School gamit
ang teknolohiya ayon sa elemento ng sanaysay (Anyo/Estruktura, Kaisipan, Tema,
Larawang Diwa, at Mekaniks.

THEORY
Batayan sa pag-aaral na ito ang teorya ni Francisco (1996), na naglalahad sa
herarkiya ng sining ng wika, ang pagsulat ng komposisyon o sulatin ay maituturing na
pinakamataas at pinakatampok na kasanayang nararapat linangin sa mga mag-aaral.
Sa teoryang ito ipinamalas ang kahalagahan ng paglinang nang husto sa kasanayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral. Kaya batay sa teorya, susuriin sa pag-aaral ang lubos na
kaalaman ng mga respondente sa kayarian ng wika, sa mga sangkap sa pagsulat, sa
paggamit ng mga angkop na salita at pangungusap. Lubos ding bigyan ng pansin ang
kasanayan sa pagsasama-sama ng mga kaisipang bubuuin at ang pagpapahayag nang
malawak na pananaw sa paksang susulatin o tatalakayin.

SANGGUNIAN
Gamboa, Jonalyn R. (2018). “Paggamit ng Milenyong Wika sa Pagsulat ng
Kathang Sanaysay”. Pangasinan State University, Uradenta City, Pangasinan.
Abadilla, Alejandro G. (2006). Komunikasyon sa Filipino 105 Engineering Road,
Araneta University Village, Potero, Malabon City: Mutya Publishing House Inc. Purcell,
K., Buchanan, J., & Friedrich, L (2013).
The Impact of Digital Tools on Student Writing is Taught in Schools. National
Writing Project. Retrieved September 20, 2015. From

You might also like