You are on page 1of 2

Publications

BAWAT BATA BUMABASA

by:
Roschelle G. Hernandez
Teacher III, Mountain View Elementary School

Pagharap sa hamon ng Kagawaran ng Edukasyon upang malampasan ang mga


suliranin ang mga mag-aaral sa pagbabasa. Ito ay mas pinaigting na kampanya upang
mapabasa nang may pang unawa ang bawat bata.

Ayon kay Under Secretary for Curriculum and Instruction, Diosdado San Antonio,
“Yung mga bagong reading programs ang siyang pangunahing programa ngayon ng
DepEd na ang pokus ay globalizing the quality of basic education sa Pilipinas.

Bilang guro nagsisilbi din itong hamon na dapat tayong tumalima at ang
pinakauna nating dapat gawin ay mapatuto ang mga batang magbasa dahil hindi natin
makakamit ang tinatawag na dekalidad na edukasyon kung hindi marunong magbasa
ang mga bata. Sapagkat pangunahing kasangkapan ito sa panghabangbuhay nilang
kaalaman. Isa sa pinakamahalagang sangkap ng pagkatao ng isang bata ay ang wastong
kasanayan niya sa pagbabasa. At pag napatuto na nating magbasa ang ating mag-aaral,
lahat ay kasunod at mabilis na niyang matutunan ang iba pa.

Sa tulong ng mga innovations nating mga guro, pasiglahin natin ang pagmamahal
at pagmamalasakit ng mga bata sa aklat sa siyang magdadala sa kanila sa iba’t ibang
dimensyon sa tulong ng mga kuwentong kanilang matutunghayan sa bawat pahina ng
aklat. Magsama sama tayong pag alabin ang puso ng mga bata na uhaw sa mga karakter
na mga bida-kontrabida sa bawat kasaysayang kanilang makakaharap sa mga estorya.
Guro, kapwa ko guro, magkapit-bisig tayo para sa ikatatagumpay ng programang ito.

20 December 2019
Publications

References:

https://www.deped.gov.ph/2019/11/28/bawat-bata-bumabasa-a-priority-in-depeds-
quest-for-quality-education/?fbclid=IwAR1t3honHvl91PWg8DDzrxMQ5eNDHd5-
ZBN8woFO8XoHBwhXgDmhNAuWS1I

20 December 2019

You might also like