You are on page 1of 3

School Division Office

School District XV
DIOSDADO P. MACAPAGAL ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City , Metro Manila
Petsa : Hulyo 23,2019
Araw: Martes
Minuto : 50
Banghay Aralin sa Matematika
( 3:20- 4:10)
I.Layunin
 Napagsusunod –sunod ang mga pangkat o set ng bagay mula sa pinakakaunti
hanggang sa pinakamarami
( MINS-LC-7 )
 Naiguguhit ang set upang ipakita ang wastong pagkakasunod –sunod
mula sa pinakakaunti hanggang sa pinakamarami .
 Nakakalahok ng masigla sa pangkatang gawain.
II. Paksa
A. Aralin : Pagkakasunod –sunod ng mga pangkat ng bagay mula sa pinakakaunti
Hanggang sa pinakamarami.
B. Sanggunian:
1.Gabay sa Pagtuturo pah. 75
2. Gabay ng Mag-aaral pahina 47- 50
Lesson Guide in Elementary Mathematics I pp. 58-61
C. Kagamitan: kuwento , tunay na bagay , larawan ng mga bagay ,
worksheets at drillboards .
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:
Pagsasaayos ng set mula sa pinakakaunti hanggang sa pinakamarami .
E.Pagpapahalaga : Pagtitipid ng kagamitan sa pag-aaral.
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Awit :
2. Drill
Pagbigkas ng salitang bilang na katumbas ng simbolo o tambilang .
20 – dalawampu
3.Balik –aral
Paghambingin ang 2 sets o pangkat ng mga bagay na ipakikita ng guro .
Gamitin ang mas marami , mas kaunti at magkasindami .

A B

A B

A B
B. Paglalahad: at Pagmomodelo
1. Iparinig ang maikling kwento.
(Gumamit ng larawan ng bata at cut-out ng mga bagay na nabanggit)
Isang araw, pumunta si Mark sa isang tindahan. upang bumili ng mga lapis. Kumuha
siya ng 3 puting lapis, 5 pulang lapis, at isang dilaw na lapis. Tuwang-tuwa si Mark sa mga
binili niyang gamit sa paaralan nang siya ay umuwi. Kaagad niya itong ipinagmalaki sa mga
kapatid niya.
2. Magkaroon ng tanugan sa kuwento
Sino ang bata sa kuwento?
Ano ang kanyang binili ?
Saan niya ito binili?
Paano mo natitipid ang paggamit ng iyong lapis?
Ano –ano ang kulay ng lapis na kanyang binili ?
Ilang lapis ang binili niya sa bawat kulay ?
3. Pagsasagawa ng Gawain:
Ipakita ang larawan .

Ano ang napansin ninyo sa bilang ng bawat lapis?


Ihambing ang dilaw at pulang lapis , ang puti at pulang lapis .
Paghambingin ang tatlong set ng lapis .
Iaayos ang mga set..
Ang pagkakasunod –sunod ay dilaw , puti , pula .
Magbibigay ng iba pang halimbawa .
4.Pagproseo sa Gawain
Paano natin iniayos ang mga set ng bagay ?
Iniayos natin ang bilang ng lapis mula sa pinakaunti hanggang sa
pinakmaraming bilang ng lapis .
C. .Pagpapatibay ng konsepto at Kasanayan
Magpapakita ng sets ng mga bagay . Isusulat ng mga bata ang pangalan ng set
ayon sa pinakakaunti hanggang sa pinakamarami .
Gamit ang drillboard .

A B. C.

2. Ginabayang Pagsasanay
a. Pangkatang Gawain
b. Pagbibigay ng Pamantayan sa Paggawa
Pangkat Pinya at Mansanas - Lagyan ng tsek ang set na nakaayos mula
pinakakaunti hanggang sa pinakamarami .
Pangkat pakwan at ubas - Gumuhit ng bagay sa loob ng kahon para
Para ipakita ang pinakamarami hanggang pinakaunti.
Pangkat saging at manga - Iaayos ang ibinigay na set mula sa
mula sa pinakaunti hanggang sa pinakamarami .

Pangkat strawberry at dalandan - Iaayos ang set mula sa pinakaunti


hanggang sa pinakmarami . Isulat ang pangalan ng mga set .
3. Paglalahat
Paano inaayos ang mga set ng bagay ?
Ang set o pangkat ng bagay ay maaring iaayos ayon sa pagkakasunod-
mula sa pinakaunti bagay hanggang sa pinakamaraming bagay .
D. Malayang Pagsasanay
Panuto : Iguhit ang set na nawawala upang ipakita ang wastong pagkakasuno-sunod
mula sa pinakakaunti hanggang sa pinakamarami .
A B C

1.

2.

3.

4.

5.

IV.Takdang Aralin
Sagutin ang mga tanong sa pahina_____ ng inyong aklat sa Mathematics .
Isulat lamang ang sagot sa kuwaderno .

Bahagdan ng Pagkatuto : _______ bilang ng mag-aaral na nagpakita ng Pagkatuto .


_______ bilang ng mag-aaral na nangangailang ng Panlunas
na aralin.

You might also like