You are on page 1of 2

Lesson 3

A Sample Lesson Plan In Content- Based Integration Filipino


Banghay Aralin
Pinagsanib na Aralin sa Filipino at Sibika at Kultura
Baitang III
I.

Layunin:

Natutukoy at napag-uuri ang pangngalan ayon sa pantangi o pambalana

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong nabasa


Pagpapahalaga: Pagsunod sa panuto
Pagkilala sa mga Bayaning Pilipino
II. Paksang Aralin
Tangi at Karaniwang Ngalan
Kagamitan: Larawan ng mga bayani
Ref. PELC- Pakikinig at Pagsasalita TX
Kayumanggi 3 Wika- pp. 49-61
III. Pamaraan:
A. Magpakita ng larawan ng mga bayani at pag-usapan ang mga ito.
- Itanong sa mga mag-aaral kung sino-sino ngayon ang maituturing natin mga
bayani.
- Pagbigayin sila ng mga lider- Pilipino na nakatutulong sa ating bansa.
B. Pag-usapan ang mga dapat gawin kung may nagbabasa.
- Alamin ang kahulugan ng mahihirap na salita sa babasahing kuwento.
(malaya, kilusan, bantog, kongregasyon, kawanggawa)
- Ipabasa ang kwento tungkol sa bayaning Pilipino at ipasagot ang mga tanong
tungkol sa
binasang kuwento.
Tangi at Karaniwang Ngalan
Sa ating malayang bayan ay may demokrasya. Pantay-pantay ang karapatan ng lahat,
lalaki man o babae. Marami tayong mga dakilang tao at bayaning babae na ang iba ay hindi
gaanong kilala. Balikan natin ang dakong ito ng kasaysayan. Nariyan si Melchora Aquino na
lalong kilala sa taguring Tandang Sora. Siya ang kinilalang Ina ng mga Katipunero. Napakalaki ng
kanyang naitulong sa kilusang katipunan noong panahon ng Himagsikan laban sa pamahalaang
Kastila.
Mababanggit din si Marcela Agoncillo na tumahi ng unang bandilang Pilipino.
Si Librada Avelino naman ay ina ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Si
Margarita Roxas de Ayala ay nakilala sa larangang pagkakawanggawa at industriya.
Si Mother Ignacia del Espiritu Santo ang nagtatag ng unang Kongregasyon panrelihiyon
para sa kababaihang Pilipina. Si Patrocinio Gamboa ay isa ring bayani mula sa bayan ng Jaro,
Iloilo. Si Gregoria de Jesus ay tinaguriang Lakambini ng Katipunan. Si Trinidad Tecson ay
napabantog sa taguriang Ina ng Biyak na Bato noong panahon ng Himagsikan.
At di makakalimutang banggitin si dating Presidente Corazon Cojuangco Aquino. Maganda
rito sa ating bansa. Ang lahat ay may karapatang tumalino, umunlad, at maghawak ng tungkulin.
Halimbawa:
1. Anu-ano ang mga kabutihang nagagawa ng mga babaeng lider sa pag-unlad ng bansa?
2. Gusto mo bang maging tulad nila? Bakit?
- Pag-usapan ang naging kontribusyon ng mga bayani sa kuwentong binasa.
Halimbawa:
Marcela Agoncillo- tumahi ng unang bandilang Pilipino
Mother Ignacia del Espiritu Santo- nagtatag ng Unang Kongrgasyong panrelihiyon para sa
kababaing Pilipina.
- Talakayin o pag-usapan ang mga pangngalang ginamit sa kuwento.

Halimbawa: Dr. Jose Rizal, Marcela Agoncillo, bansa, bayan,atbp.


- pangkatin ang mga pangngalan na nagsisimula sa malaki at maliit na titik.
Halimbawa:
Nagsisimula sa malaking titik
Maliit na titik
1. Melchora Aquino
1. bayani
2. Teodora Alonzo
2. bansa
3. Librada Avelino
3. bandila
4. Patrocinio Gamboa
4. babae
C. Talakayin kung ano ang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana sa pamamagitan
ng mga tanong
na ito.
a. Saan nagsisimula ang mga ngalan ng tao, bagay, lugar at pangyayari?
b. B. Anu-ano ang mga panandang ginamit sa pangngalang pantangi at pangngalang
pambalana?
Uri ng pangngalan: Pantangi at Pambalana
Pantangi- tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari. Ito ay nagsisimula
sa malaking
titik.
Pambalana- karaniwang tawag sa tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.
Nagsisimula sa maliit na titik.
D. Paglalapat
Balik-aralan ang mga dapat gawin kapag may
pagsusulit.
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang mga pangngalan at isulat kung itoy
pantangi o
pambalana.
Pantangi
Pambalana
1. Sina Dan at Nene ay naligo sa beach.
2. Ang mga bata ay may dalang meryenda.
3. Nagdala rin sila ng salbabida.
4. Si Bb. Reyes ang guro ng mga bata.
5. Ang mga bata ay masayang umuwi sa kanilang mga tahanan.
IV. Asignatura:
6. Gumawa ng tatlong pangungusap na may pangngalang pantangi at pambalana. Lagyan
ng isang linya ang pantangi at dalawang linya ang pambalana.

You might also like