You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Nueva Ecija
CUYAPO NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulala, Cuyapo, Nueva Ecija

Mala-Detalyadong Banghay-Aralin
Filipino Baitang-8

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga paraan ng pagpapahayag na ginagamit upang maging mabisa ang isang sanaysay o
anumang komposisyong susulatin.
b. Nakabubuo ng sariling komposisyon batay sa layuning nais ipahayag.
c. Napahahalagahan ang kasanayan ng masining na pagpapahayag sa wika at panitikang Pilipino.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Aralin 2.2.1: Wika at Gramatika
Mga Paraan ng Pagpapahayag
Yugto ng Pagkatuto: Pagnilayan at Unawain
Sanggunian: Curriculum Guide at Teaching Guide sa Filipino Baitang 8, pp. 314-316
Mga Kagamitan: sipi ng teksto, telebisyon at laptop, video ng awit, slide presentation ng aralin, yeso,
pisara at sagutang-papel

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtatala ng mga mag-aaral na pumasok/lumiban sa klase
4. Pamumulot ng kalat at pagsasaayos ng mga upuan
B. Pagbabalik-aral
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang sanaysay at paano ito naiiba sa iba pang panitikan?
C. Pagganyak
●Panonood ng video/ Pag-awit ng may aksiyon sa awiting “Ako’y isang Pinoy” ni Florante.
D. Pagtalakay
●Pangkatang pagbasa sa talataan ng lunsarang teksto na “Ako ay Ikaw” ni Hans Roemar Salum.
●Pagsusuri sa layunin ng mga piling pangungusap sa akdang binasa.
●Paglalahad sa aralin gamit ang slide presentation : MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
1. Pagsasalaysay
2. Paglalahad
3. Paglalarawan
4. Pangangatwiran
●Pagsusuri sa mga pangungusap/ talata/ mga pahayag batay sa layunin at paraang ginamit sa
pagpapahayag
E. Paglalahat
●Ano-anong paraan ng pagpapahayag ang ginagamit upang maging mabisa ang isang sanaysay o
komposisyon?
F. Paglalapat
●Pangkatang-gawain: Pagsulat ng isang talata batay sa larawang ipakikita ng guro na gagamitan
ng alinman sa mga paraan ng pagpapahayag

IV. Pagtataya
●Presentasyon ng gawain ng pangkat
●Pagbibigay ng feedback at karagdagang input ng guro
●Pagmamarka

V. Takdang-aralin
●GAWAIN: Balita Mo, Isusulat Ko
Sumulat ng sariling sanaysay na maaaring sa anyong pormal o pamilyar mula sa napanood na bagong
balita sa telebisyon o sa mga balitang dokumentaryo. Gamitin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.
Malaya kang pumili ng anumang paksa sa napanood.

Inihanda ni: Namasid: Natunghayan:

ELIZABETH S. LOZANO ZORAIDA D. AGPALO ANGELITA L. DELA FUENTE


Guro I Ulongguro III Punongguro IV

You might also like