You are on page 1of 6

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Ikalawang Markahan
Paaralan Gulayon Integrated School Baitang/Antas 10
Guro Robert P. Lumanao Asignatura Filipino
Linggo 2 Araw 4
I. Layunin

A. Pangkabatiran
Naipamamalas ang pag-unawa sa dagli na pinamagatang “Ako Po’y pitong taong Gulang.
B. Pandamdamin
Naipapahahayag ang iba’t ibang damdaming nakapaloob sa binasang dagli.
C. Saykomotor
Naisasagawa ang pagsasaayos ng mga salita ayon sa pormalidad nito.

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa akdang
pampanitikan ng bansang kanluranin.
B. PAMANTAYANG PAGGANAP
Pagsulat ng reaksiyon
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
1. Nabibigyang-kahulugan ang pinangkat na mga salita ayon sa pormalidad ng
gamit nito.
II. NILALAMAN
Panitikan: Ako Po’y Pitong Taong Gulang
Dagli mula sa Rehiyon ng Isa sa mga Isla ng Caribbean
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro pp. 59-66
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral pp. 142-148
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo
III. PAMAMARAAN

MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimula
A1.Paghahanda

Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.


Pangunahan mo Angel. (nagsitayoang lahat)
(sabay-sabay na nanalangin)
Pagbati

Isang napakagandang Umaga sa lahat.


Magandang Umaga po Sir!
Bago paman kayo umupo, ay iayos muna ang mga
upuan sa wastong hanay at ligpit narin ang mga (niligpit ang mga kagamitan na hindikakailanganin)
kagamitang hindi angkop sa ating magiging
talakayan. At umupo na nang maayos.
(umupo sila nang maayos.)
Kamusta naman kayo sa umagang ito?
Mabuti naman kung ganoon. “Mabuti naman po!”
Ngayon batid kong bubuti pa ang inyong umaga sa
pagkat mayroon na naman tayong bagong
paksang tatalakayin at bagong paksang
matutunan.
“Opo !”
Handa na ba kayong lahat?
(tumayo ang sekratarya )
Checking of Attendance Wala pong liban sa klase sir!
Gusto kung tumayo si ginoong sekratarya, upang e
ulat sa atin kung ilan ang liban sa mga babae at
maging sa mga kalalakihan.

Paalala
Ngayon bago paman ang lahat ay magtatakda
tayo ng mga batas sa ating klase, na dapat nating
sundin, upang maging maayos ang daloy ng ating
talakayan.
Ano nga ba ang dapat gawain ng mabuting mag- “Makinig ng mabuti”
aaral kapag ang guro ay nagsasalita sa harapan? “Huwag makipagdaldalan sa katabi at makibahagi sa
Tama! Ano pa? talakayan.”
Magaling! “Itaas lamang po ang kanang kamay at sumagot po nang
At kung nais niyo namang sumagot o magtanong maayos
, ano naman ang inyong gagawin?”
Mahusay!
At higit sa lahat magbigay kooperasyon at
dahil asignaturang Filipino ito, kaya magsalita ng
wikang Filipino.
Ang lahat ng inyung tinuran ay ating magiging
kasunduan sa umagang ito.

A2. Pagpasa ngTakdang-aralin “wala po sir!”


Mayroon ba akong ibinigay sa inyo na
Takdang aralin?

A3. Pagbabalik-Aral

Ngayon, sino sa inyo ang makapagsasabi kung


ano ang huling paksang ating tinalakay sa
nakaraang pagkikita? Tungkol po sa Dagli sir.

Ano nga ba ang Dagli? Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na
maikling maikling kuwento.
Magaling! Bigyan natin ng palakpak.
Ngayon batid kong lubusan na ninyong
naunawaan ang kabanatang ito, kaya sa sandaling
ito ay dadako na tayo sa panibago nating paksang
tatalakayin.

A4. Pagpapakita ng Layunin


. Layunin
Ngunit bago ang lahat, ay basahin muna
A. Pangkabatiran
natin ang ating mga magiging gabay sa ating
Naipamamalas ang pag-unawa sa dagli na
talakayan at ito ay ang ating layunin.
pinamagatang “Ako Po’y pitong taong Gulang.
(Ipapakita ang Layunin)
B. Pandamdamin
Naipapahahayag ang iba’t ibang damdaming
nakapaloob sa binasang dagli.
“Mahusay! Ang lahat ng iyan ay ating magiging
C. Saykomotor
gabay sa umagang ito at makakamit lamang natin
Naisasagawa ang pagsasaayos ng mga salita ayon sa
ito ,kapag tayo ay nagtutulungan.
pormalidad nito.
“Maaasahan ko ba kayo klas?

Ngayon para hindi maging boring ang ating “Opo sir!”


talakayan ay gagawin natin itong isang
paligsahan, kung saan meron ako ritong
inihandang talahanayan na merong mga gawain Pangkat Concept Paghi-hinuha Bring me. Pangkatang Total/Rank
na nakahanay . Ang bawat gawain ay may map Gawain
kaakibat na puntos, kung sino yung pangkat na 20 20 20 40 100

maunang matapos at makagawa ng tama ay I


siyang magkakaroon ng pinakamataas na puntos.
II

A.5 Pagganyak III


Magpapanood mg isang video clip tungkol sa child
labor o mga batang nagtatrabaho sa murang (tahimik na nanunuod ang mga mag-aaral.)
edad.
Gabay na tanong:
1. Anong ipinakitang pangyayari sa inyong
Gabay na tanong:
napanood?
3. Anong ipinakitang pangyayari sa inyong napanood?
2. Sang-ayon ba kayo sa child labor? Bakit?
4. Sang-ayon ba kayo sa child labor? Bakit?
B. Paglalahad
Batay sa Video inyong napanood saan “Tungkol sa Child Labor”
nga ba napatungkol ang paksang ating
tatalakayin?
Magaling!
Meron ako ditong concept map , kung saan sa Child
gitna nito ay may nakasulat na salitang Child
labor.
abor

(Ipapakita ang graphic map.)


Ngayon mag-uunahan na naman kayo sa (nag-unahan sa paggawa ng Gawain ang mga mag-aaral)
pagbibigay ng salita na maiuugnay ninyo sa (Ipinaliwanag nila kung anong kaaugnayan ng mga salitang
salitang salitang Child labor. kanilang sinulat sa child labor)
Ang ating bagong paksa ngayon ay
pinamagatang “ Ako Po’y pitong Taong
Gulang” (Ipapakita ng guro ang pamagat ng
kwento.)
Batay sa pamagat ng kwento, ano ba
ang gusto ninyong malaman sa kabanatang
ito?
Ang inyong mga katanungan ay isusulat ninyo
dito sa istripong ibibigay ko sa inyo. Lagi Bakit pinamagatang “Ako po’y pitong taong gulang”?
ninyong tandaaan na ito ay paligsahan pa rin.” Sino ang Pangunahing Tauhan?
(Binigay ang istripong pagsusulatan ng Sino ang biktima ng Child Labor?
katanungan.)
Sa ngayon ay iiwan muna natin ang mga
katanungan iyan. Babalikan natin matapos
nating basahin ang akda.

C. Paglinang ng talasalitaan
Sa ating pagbabasa mamaya ay may
makakatagpo tayong mga mahihirap na salita,
kung saan ito’y magiging sagabal sa ating
pagbabasa. Bago paman natin himay-himayin
ang kabanatang ito. Gusto kong alamin muna
natin ang mga salitang ito at bigyan ng sariling
pagpapakahulugan at paggamit nito sa ating
sariling pangungusap
Sa pamamagitan parin ng isang paligsahan,
kung saan “mag lalaro tayo ng bring me”narito
ang mechaniks.
Mag-uunahan ang bawat pangkat na ibigay sa
guro ang anumang bagay na sasabihin nito at
ang unang pangkat na makakapagbibigay ng
bagay iyon ay sila ang sasagot sa ating
talasalitaan.
Syempre paligsahan ito so paramihan kayo ng
mga puntos.

Panuto: Suriin at ayusin ang mga sumusunod


na mga salita ayon sa pormalidad nito.
Halimbawa Inaasahang Kasagutan:
Mayabang, hambog, mahangin.

1. busabos,mahirap, yagit 1. busabos, yagit,mahirap


2. madatung, mayaman,mapera 2. madatung, mapera,mayaman
3. edad, gulang, taon 3. edad, taon, gulang
4. galit, banas, suklam 4. banas, suklam,galit
5. magsunog ng kilay, magpakadalubhasa, mag- 5. mag-aral nang mabuti, magsunog ng kilay,
aaral nang mabuti magpakadalubhasa
Bakit mahalagang matutuhan ninyo ang
Talagang mahalagang matutuhan ang paggamit ng
paggamit ng mga salita ayon sa pormalidad
pormalidad ng mga salita.
nito?
E.Pagtatalakay
Ngayon, babasahin na natin ang nilalaman
ng Dagling ito.” Ako Po’y Pitong Taong Gulang
Magtatalaga ng isang batang babae upang basahin
nang madamdamin ang dagli sa harap ng klase. Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa
isang isla sa Caribbean. Ako po’y pitong taong gulang. Noon
po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang
mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.

Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw,


gumigising po ako ng alas singko

ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa


amin. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga
sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal
at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran. Medyo
nahuli nga po akong ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po
ako ng aking amo ng sinturon.

Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang


limang taong gulang na anak na lalaki. Sumunod po,
tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian
ng pamilya. Kung hindi pa po oras ng pagkain, kailangan ko
pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos
nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang
mga damit at hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina.
Hinihugasan ko rin po ang mga paa ng aking among babae.
Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya
ako dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya galit bukas.

Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas


mabuti naman po ito kaysa giniling na mais na kinain ko po
kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit at wala akong
sapatos. Hindi po ako kailanman pinayagan ng aking mga
amo na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa pamilya. Kagabi
po ay sa labas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog
nila ako sa sahig sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin
na hindi ako ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila kasi
akong payagang mag-aral.

Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia

Ipapasuri ang nilalaman ng dagli Inaasahang Kasagutan:


1. 1.Ang tauhan ay nakatuon kay Amelia sa bahay ng
Mga Katanungan kanyang amo kung saan ay nakaranas siya ng
1. 1.Suriin ang tauhan, tagpuan at mga pagmamalupit.
pangyayari sa binasang dagli. 2. May mga pangyayaring nakakaiyak at nakakalungkot
dahil sa ibinigay sa Amelia ng kanyang mga magulang.
2. Ipahayag ang iba’t ibang damdamin Mayroon ding nakakainis dahil sa masamang ugali ng
nakapaloob sa akda. amo ni Amelia.
3. 3.Higit na nakatuon ang dagli sa tauhan dahil sa
pagsasalaysay nito ng kanyang pagkatao at ang
nagging karanasan niya (Amelia) sa buhay.
3. 3.Saan higit nakatuon ang dagli?
4. Hindi po, dahil bata papo siya hindi Gawain ng isang
pitong taong gulang ang gumagawa ng lahat ng
4. Angkop ba sa edad ni Amelia ang kanyang
gawaing bahay at mag-silbi sa isang pamilya.
gawain?Naranasan niyo rin ba ito?
5. Hindi rin po, dapat pinag-aral siya para maipaglaban
5. Tama ba na hindi siya pinayagang mag-aral?
din niya ang sarili niya sa mga umaapi sa kanya.

E. Paglalapat Pamantayan Kayo na! Pwede na! Kulang pa!


(10pts) (8pts) (5pts)
Maraming inilahad Sapat ang mga Hindi sapat ang
Upang mas lumalim pa ang ating kaalaman
Nilalaman na makabulohang impormasyong mga
sa paksa ay magkaroon muna tayo ng pangkatang impormnasyon inilahad impormasyon
Gawain inilahad
Presentasyon Maayos ang Hindi gaanong Magulo ang
presentasyon maayos ang presentsyon
Ngunit bago paman ang lahat ay pansinin muna natin presentasyon
ang magiging pamantayan natin sa paggawa. Kitang-kita sa May Hindi nagkaisa
Pagkakaisa presentasyong ilangmiyembroang ang myembro
ng mga lahat mga tumulong
kasapi myembor ay may
ginawa
Tinig o Boses Malakas ang Boses di-gaanong Mahina ang
ng Nag-uulat ng nag-uulat at malakas ang boses boses ng taga-
o nagsasalita nagsasalita sa ng taga pag-ulat pagulat at
harap gayundin ang tagapagsalita.
nagsasalita sa
harap

Unang Pangkat

Gamit ang Caterpillar technique: Suriin angmga


sumusunod: tauhan, Tagpuan, pangyayari 1,2 at 3.

Pangyayari
Pangyayari 3
1
Tauhan Pangyayari
Tagpuan
Ako po’y 2
Pitong
taong
Gulang”?
Pangalawang pangkat

Isadula ang mahahalagang pangyayari at ipahayag


ang mga damdaming nakapaloob sa akda.

Pangatlong Pangkat
Kung ikaw si Amelia, ano ang iyong gagawin kung Ipaglalaban ko ang aking karapatan. Isusumbong ko sila sa
pinagmamalupitan ka sa iyong amo? mga kinauukulan.

Ano ang pagkakaiba ng dagli sa maikling kwento? Ang dagli ang pinagmulan ng maikling kuwento. Ito ay mas
maikli pa sa maikling kuwento.

IV. Pagtataya ng Aralin

Sumulat ng maikling reaksiyon tungkol sa nilalaman Hindi magandang ibibigay lang ng mga magulang ang
ng dagli.(Ibinigay si Amelia ng kanyang mga kanilang anak. Lalong hindi makatao ang ginawa ng mga amo
magulang, ang pakikitungo ng amo ni Amelia sa ni Amelia sa kaniya.
kanya).

V. Takdang-Aralin

Paano nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag Naipapahayag ang damdamin ng akda at naisasalaysay nang
ng damdamin at pangyayari sa pagsulat ng sariling maayos ang pangyayari.
dagli?

You might also like