You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY


Corner M.J. Cuenco Ave., & R. Palma St. Cebu City, Philippines
Tel. No.; (032) 402-4060 loc. 1108
GRADUATE SCHOOL

FT. 601

Pangalan: Richard B. Magalzo Taon/Kurso: Ma.Ed Fil Abril 22, 2021


Propesor: Dr. Fe Varona

MUNGKAHING GAWAIN SA MAKRONG KASANAYAN SA PANOOD SA ISANG


DAYUHANG ESTUDYANTE

I. PANIMULA:
Ito ay mungkahing gawain sa isang dayuhang estudyante na susubok sa
kakayahan ng mag-aaral sa isa sa apat na makrong kasanayan ito ay ang
PANONOOD. Ang Panonood ay isang proseso na sumusuporta sa pagbigkas (oracy)
at literasi, at bahagi ng isang integratibong programa ng sining pangwika. Kasama nito
ang pagbibigay interpretasyon sa mga imahe na kumakatawan sa mga salita at pag-
uugnay ng mga imaheng biswal sa video, computer program at websites kasama ang
mga salitang pasulat o pasalita. Sa tulong ng iba’t ibang gawain at pagsasanay,
nalilinang ng mag-aaral ang kakayahan sa panonood.

II. PAGGANYAK:
PANUTO: Apat na Larawan – Isang Salita (4 Pics – 1 Word). Suriing mabuti
ang bawat larawan at tukuyin ang isang salitang kilos na ipinapahayag ng apat na
larawan sa tulong ng mga titik (clues) sa ibaba. Ang unang kahon ay ang katumbas
sa Filipino ang ikalawang kahon ay katumbas sa English. (4 Pics – 1 Word. Analyze
each image carefully and Identify the one-word-action that depicts on the picture. The
first box is the Filipino term and the second one is the English word.
III. TALAKAYAN:
Ang PANDIWA ay salitang nagpapahayag ng kilos, aksiyon, o gawa, proseso
o pangyayaring karaniwang sadya, di sadya, likas o di likas. karanasan o damdamin.
Ang mga pandiwa sa Filipino ay nababanghay ayon sa aspekto. Ang
ASPEKTO ay katangian ng pandiwang nagsasaad kung kailan mangyayari,
nangyayari, mangyayari o isasagawa pa lamang ang kilos.
ASPEKTONG NAGANAP O PERPEKTIBO. Ito ay nagsasaaad na tapos
nang gawin ang kilos.
ASPEKTONG KATATAPOS. Nangangahuluhan itong katatapos pa lamang
ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at
pag-uulit ng unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong
perpektibo.
ASPEKTONG NAGAGANAP O IMPERPEKTIBO. Ito ay nagsaaad na ang
inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
ASPEKTONG MAGAGANAP O KONTEMPLATIBO. Ang kilos ay hindi pa
nauumpisahan at gagawin pa lamang.
IV. PAGGANAP:
PANUTO: Panoorin ang maikling pelikulang pinamagatang “Munting Kahon
ng Pangarap” ni Resty Concenpcion Jr. Itala sa loob ng kahon ang mga salitang
nagsasaad ng kilos/pandiwa sa pelikula at tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa
ito. (Watch the short film entitled “The Small Box of Dream” by Resty Concepcion. List
down the words that expresses actions and identify the aspect of the verb.

Munting Kahon ng Pangarap


MGA SALITANG NAGSASAAD NG ASPEKTO NG PANDIWA
KILOS/PANDIWA (Aspect of the Verb)
(Action words/Verbs)
Halimbawa: hahanap ng trabaho Kontemplatibo

V. EBALWASYON:
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan mula sa napanood na
maikling pelikula. (Answer the following questions from what you have seen on the
short film).
1. Bakit hahanap ng trabaho ang ama sa labas ng bansa? (Why did the father wanted to
look for job outside the country?
2. Paano nabago ng bata ang desisyon ng ama? (How did the child changed the father’s
decision?)
3. Kung ikaw ang bata, pipigilan mo rin ba ang iyong amang mangibang-bansa? (If you
were the child, will you allow your father to work outside the country?

You might also like