You are on page 1of 1

RICHARD B.

MAGALZO

DAKILANG ILAW

Isang Bukang Liwayway Ang Aking Nasilayan


Sa Pagmulat Ng Damdamin At Pagtanto Ng Isipan,
Maamo Mong Mukha Ang Aking Nasulyapan
Dama Ang Wagas Na Pagmamahal At Busilak Na Kalooban

Sa Mga Braso Mo Dama Ko Ang Nag-Aapoy Mong Damdamin


Di Alintana Ang Pagod, Puyat Ay Titiisin,
Sa Bawat Kalong Mo, Rinig Ko Ang Malamyos Mong Awitin
Pagpapahalaga Sa Iyo Inay Iyo Sana’Y Dinggin

Nang Ako’Y Nilangkapan Ng Damdamin At Isipan,


Hayaan Mo Inay, Di Kita Pababayaaan,
Magsusunog Ako Ng Kilay At Hahasain Ang Kaalaman,
Makamit Lang Ang Buhay Na Karangyaan

Lahat Ng Sakripisyo At Paghihirap Sayo Lamang Iaalay


Tutumbasan Ko Ang Pagmamahal Mong Walang Humpay
Ngayong Malapit Na Akong Magtapos At Makamit Ang Tagumpay
Ako Naman Ang Magkakayod-Kalabaw Gumanda Lang Ang Ating
Buhay

Ngayon Ay Dumating Ka Na Sa Iyong Bukang-Liwaway,


Hayaan Mo Inay, Ako Ang Iyong Magsisilbing Gabay
Salamat Sa Pagmamahal At Ang Buhay Ko’Y Nagkakulay
Dakila Ka Inay At Sa Mundo Ay Walang Kapantay!

You might also like