You are on page 1of 6

NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL

QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9

ARALIN 3:
SANAYSAY
Targeted Most Essential Learning Competencies (MELCS)
 Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap
 Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o opinyon sa isang
talumpati
 Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na
paninindigan
 Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang Asya
 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi
Lesson Objectives
 Natatalakay at nasusuri ang nilalaman ng isang sanaysay (Ako si Jia Li, Isang ABC)
 Nabibigyang – kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan
 Natutukoy ang dalawang uri ng sanaysay( pormal at pamilyar)
 Natatalakay ang wastong gamit ng angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling opinyon / pananaw

Aralin 3.1 Ako si Jia Li, Isang ABC

SUBUKIN (INITIAL TASK) Sagutin ang gawain sa sagutang papel.


Bago pa man dumating ang mga mananakop na Tsino sa ating bansa ay nakipagkalakalan na sila sa ating mga ninuno
at hanggang ngayon, ang kanilang impluwensiya ay damang-dama pa rin sa iba’t ibang aspekto ng ating buhay. Maglahad ng limang
impluwensiyang Tsino sa ating pamumuhay.

TALAKAYAN (DISCUSSION)
Alam Mo Ba?

Ang Tsina ay ang bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Umaabot na ang populasyon nito sa
1.35 bilyong katao. Samantalang ang populasyon ng buong mundo ay umaabot sa humigit-kumulang 6.7 bilyon. Ibig sabihin,
ang halos 20% ng mga tao sa buong mundo ay mga Tsino, at nangangahulugang ang isa sa bawat limang taong nabubuhay
sa mundo ay mula sa bansang Tsina.

Kung pagsasama-samahin ang lahat ng variation ng wikang Mandarin Chines, ito rin ang wikang mandarin Chines,
ito rin ang wikang may pinakamaraming nagsasalita na umaabot sa halos isang bilyong tao. Hindi kataka-taka kung gayon na
ang impluwensiyang Tsino ay lumaganap sa iba’t ibang panig ng mundo hindi lang dahil sa kanilang dahil sa kanilang mga
kalakal na ini0export kundi dala rin ito ng mga Tsinong nangingibang bayan upang doon na manirahan. Ito ang paksang
talakayin ng sanaysay ng iyong matutunghayan.

Ako si Jia li, Isang ABC

Ako si Jia Li, labinlimang taong gulang at isang ABC. Mahuhulaan mob a kung ano ang ABC? Ang ABC ay American Born
Chinese, ang karaniwang katawagan sa mga tulad kong may magulang na Tsino subalit ipinanganak at lumaki rito sa America .
America- Chineses ang tawag sa akin ng nakararami ipinanganak at lumaki ako rito sa Los Angeles, California subalit parehong Tsino
mula sa Bejing , China ang aking magulang. Paano nga ba ang buhay ng isag ABC? Naku, masasabing mapalad ako dahil nararanasan
ko ang kultura ng dalawang bansa. Unang-una, mahusay ako a wikang Ingles at ito ang ginagamit ko kapag nasa bahay ako, higit na
nangingibabaw ang kulturang Tsino sa paraan ng pagpapalaki sa aming magkakapatid. Kapag nasa loob na ako ng bahay ay Mandarin
Chinese na ang salitang ginagamit di ng iba pang miyembro ng aking pamilya.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 1
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
Ang Pamilya Wang sa Los Angeles, California

Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Hindi tulad ng mga kaibigan kong purong Amerikano ba gustong mabuhay
agad nang mag-isa pagsapit nila sa tamang edad, kami ay hnidi basta bumubukod sa aming magulamg kahit pa nga nag-asawa at
may mga anak na. Pangkaraniwan na lang sa aming mga Tsino na magkakasama sa isang tirahan ang pamilya, hanggang sa ikaapat
na henerasyon. Katunayan, dito sa aming bahay nga ay kasama naming ang Wai po o lola ko na pinetisyon ni Mama noong ako ay
limang taong gulang pa lang. mula pa noong bata ako ay si Wai po na ang lagi kong kasa-kasama pa rin naming siya. Ngayon ay may
asawa na ang aking gege o kuya ko pero kasama pa rin naming siya sa bahay gayundin ang asawa niya at ang kanilang mag-iisang
tataong anak na si Sheng. Inaalagaan naming ni Wai po si Sheng kapag wala ang kanyang magulang. Ang aking Jie Jie o ate a ditto
pa rin nakatira kahit na siya’y tapos nang mag-aral at may tarbaho na.

Si Wai Po at Ako

Kami ng aking Wai po, ang pinakamalapit sa isa’t isa. Marami siyang nanaiturong kultura at tradisyong Tsina sa akin. Isa sa mga
ito ay ang kalagayan ng kababihan sa tradisyong n kulturang Tsina kung saan ang mga lalaki ay itinuturing na nakatataas kaysa sa
mga babae. Tulad ng sinasabin sa aklat na The Mother of Mencius, ang ang katungkulan ng isang babe ay manatili sa bahay para
magluto, mag-init ng alak, mag-alaga sa kantang mga biyenan, manahi ng mga kasuotan, at wala na! kailangan niya ring sundin ang
tatlong pagsunod tulad ng unang pangsunod: kapag siya’y bata pa, kailanagn niyang sumunod sa magulang; ikalawang
pagsunod: kapag siya’y may- asawa na ay dapat siyang sumunod sa kanyang asawa; at ang ikatlong pagsunod: kapag siya’y
nabalo na at kailangan sumunod sa kanyang anak na lalaki. Dahil daw dito, maraming kababaihan sa Tsina ang ni hindi nakapipili ng
kanilang mapapangsawa dahil ang magulang ang pumipili at nakikipagkasundo sa mapapangasawa ng kanilang anak na babae.

Ilang Paniniwala at Tradisyong Tsino

Maraming iba pang bagay na naibahagi ang aking Wai po tungkol sa kanyang minamahal na bansa. Mayaman ang Tsina sa
paniniwala at tradisyong nagmula pa noong unang panahon at patuoy na isinasagawa hanggang sa kasalukuyan. Katunayan, ang
marami rito ay sinusunod pa rin ng aming pamilya kahit pa matagal na kaming naninirahan dito sa Amerika. Sinabi ni Wai po na
maraming Tsino ang sumusunod sa mga feng shui dahil ito raw ay gabay para maisaayos ang pamumuhay nang naaayon sa limang
elemento ng kalikasan:ang kahoy, apoy, lupa, metal, at tubig. Makatutulong daw ito sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan,
kaligayahan, at kaayusan sa buhay. Kaya naman bago pa sinulan ang pagtatayo ng aming tahanan ay kumonsukta na ang aking
magulang sa isang eksperto sa feng shui para malaman kung saan pinakamasuwerteng ilagay ang mga bahagi ng bahay. Maliban dito
ay marami pang pamahiin at paniniwala kaming sinusunod tulang halimbawa ng posisyon ng chopstick kapag kumaik. Bata pa ako ay
lagi nang ipinaaalala sa akin ni Wai po na hinding-hindi ko dapat itusok nang patayo sa gitna ng kanin ang aking mga chopstick dahil
ito raw ay nangangahulugan ng kamatayan. Marami pang ibang paniniwal ang sinusunod naming sa mga okasyong tulad ng kapag
may ikakasal, sa mga paglilibing, sa pagdiriwang ng Bagong Taon, at iba pa.

Subalit hindi lang si Wai po ang nagtuturo sa akin. Siya man ay tinuturuan ko rin ng kulturang amerikan. Isinasama ko siya
minsan sa panood ng football at pagkatapos ay kumakain kami ng hotdog, humburger, at iba pang pagkaing Amerikano. Sinesermunan
nga lang ako ni Mama ahil mamantika raw ang mga ito at baka makasama san kalusugan ni Wai po. Ako rin ang nagturo sa kanyang
mag-Ingles. Nakakatuwa dahil pagkalipas ng sampung taon niyang pagtira rito sa Amerika ay may marami-rami na siyang alam na
salitang Ingles. Pumayag naman siyang matuto dahil kapag lumalabas kami at napahiwalay siya ay baka hindi na siya makauwi sa
bahay kung hindi siya makapagsasalita nang kahit basic English man lang. At di tulad ng ibang matatandang Amerikano na sa mga
home care kapag hindi na kayang mag-isa sa bahay, hinding- hindi naming papayagang malayo sa amin si Wai po. Tiyak na
malulungkot siya roon at malulungkot din ako dahil kaming dalawa nag magkasama sa silid.

Ang Kainan sa Pamilya

Tulad ng karaniwang pamilyang Tsino, ang aming pamilya ay nagbubuklod sa iisang hilig- ang kumain. Sabay-sabay kaming
kumakain sa aming pabilog na mesa. Sa kaugalian naming ay dapat una munang pauupuin ang mga nakatatanda at mga bisita (kung
mayroon) bilang pagpapakita ng paggalang kasunod ang pinakabat tulad ni Sheng , tapos, kami naman. Hindi nawawalan ng noodles,
wanton soup, lugaw, iba’t ibang uri ng dumplings, kanin, at mga ulam tulad ng sweet and sour pork, breaded fish fillet, at lumpia sa
aming hapag bagama’t ang mga pagkaing mamantika ay iniluluto lamang ni Mama par sa aming mga bata. Mas gusto nilang mga
nakatatanda ang pahkaing pinasingawan o steamed kaysa piniprito o nilalagyan ng mantika. Sa paghahanda ng pagkain, ang higit na
binibigyang-pansin ng mga Tsinong tulad main ay ang lasa, kulay, amoy, at itsura. Hindi gaanong inihahain ang matatamis na
pagkaing amrikano tulad ng cookies, cakes, pies, at ice cream. Ang mga ito’y inihhaanda lamang kapag may espesyal na okasyon. Ang
karaniwang panghmagas naming ay red bean soup, sweet lotu’s sweet white lotus’s seed soup, o steamed papaya sopu, o kaya’y
prutas.

Ang Piging sa Aming Pamilya

Kapag may ipinagdirawang kaming espesyal na okasyon tuiad ng Chinse New Year, kasalan, graduation, kaarawan o kapag may
bisita kami ay nagiging abala ang lahat sa paghahanda mula sampu hanggang labindalawang putahe. Karaniwang nagsisimula ang
Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.
For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 2
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
ganitong mga handaan sa mga pampagana tulad ng jellyfish salad, tokwa’t baboy, at sabaw tula ng shark’s fin o bird’s nest. Ang mga
ulam naman ay kinabibilangan ng mga espesyal na mga resipe ng pamilya para sa pagluluto ng alimango, sugpo, malaking isda, hipon,
itik, tupa, baka, manok, at gulay. Hindi rin mawawala ang mga sariwang prurtas. Ang mga okasyong ito ay espesyal dahil pagkakataon
din ito para magkita-kita at magbalitaan, magkuwentuhan, at magtawanan kaya naman piging o bangkete ang inihahandaat hindi
pangkaraniwang mga pagkain lang. sa ganitong mga pagkakataon nailalabas ang pinakanamagagandang gamit sa kainan at may
tamang pagkakasunod-sunod sa paghahain ng mga putahe.

Proud ABC

Iyan ang mga dahilan kung bakit ipinagmamalaki kong ako’y isang ABC o American Born Chinese. Sabi nga ng kaibigan kong si
Lian, “We have the best of both worlds.” Natuto akong gumalang at maging higit na bukas sa pagkakaiba-iba ng mga tao at lahi,
tanggapin ang makabubuti at iwaksi ang makasasama. Ipinagmamalaki kong dala-dala ko ang pagiging episyetne, maunlad, at modern
ng bansang sinilangan ko, ang Amerika, subalit taglay ko rin ang ganda at halina ng makulay at mahabang tradisyon at kultura ng
bansang sinilangan ng aking magulang, ang bansang Tsina.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Sagutin ang gawain sa sagutang papel.
1. Ilarawan ang mga katangian ni Jia Li bilang isang ABC. Totoo nga kaya ang paniniwala nila ng kaibigan niyang si Lian na
“They have the best of both worlds”? Ipaliwanag.
2. Ano-anong kaugalian at tradisyong Tsino ang nakilala at nangibabaw sa sanaysay?
3. Paano napatunayan ni Jia Li na siya ay isang mabuti at mapagmahal na anak at apo?

GAWAIN (Learning Activity) Mula sa Aralin 3.1 Sagutin ang gawain sa


sagutang papel.
Minsan, ang ilang salita ay may di lantad na kahulugan o iyong ang kahulugan ay nasa pagitan ng hanay ng mga salita.
Subuking tukuyin kung anong kahulugan ang ipinahihiwatig ng sumusunod. Piliin ang titik na ang pahiwatig na kahulugang maiuugnay
sa bawat pahayag. Gawing gabay ang mga salitang nakasulat nang madiin.

1. Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Kaming mga anak ay hindi basta bumubukod sa aming magulang kahit pa
may sariling pamilya na. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na . . .
a. malapit ang mga pamilyang Tsino sa isa’t isa
b. independent o mas gusting mamuhay nang mag-isa ang mga Tsino
c. hindi mabubuhay nang mag-isa ang mga Tsino
2. Subalit kapag nasa bahay ako, higit na nagngingibabaw ang kulturang Tsino sa paraan ng pagpapalaki sa aming
magkakapatid. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na . . .
a. mahigpit sa mga anak ang magulang ng nagsasalaysay
b. hindi nahahawa ng ibang impluwensiyang Tsino ang mga Tsino
c. malakas ang impuwensiyang Tsino sa kanyang mga mamamayan
3. Mula pa noong bata ako ay si Wai po na ang lagi kong kasa-kasama kapag nasa trabaho ang aking magulang at ang
dalawang nakatatanda kong kapatid. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na . . .
a. ang lola ang naging tagapag-alaga ng bata sa pamilya
b. hindi- mapag-aruga ang magulang ng bata
c. alagain ang bata dahil sa espesyal niyang pangangailangan
4. Hinding-hindi naming papayagang malayo sa amin si Wai po. Tiyak na malulungkot siya roon at malulungkot din ako dahil
kaming dalawa ang magkasama sa silid. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na . . .
a. napapaalam na ang kanyang Wai po upang lumapit ng tirahan
b. mahal na mahal ng bata ang kanyang Wai po
c. mahirap sa pamilyang mawala ang matandang tagapag-alaga nila ng anak
5. Bata pa ako ay lagi nang ipinaaalala sa akin ni Wai po na hinding-hindi ko dapat itusok sa gitna ng kanin ang aking chopstick
dahil ito raw ay nangangahulugan ng kamatayan. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na . . .
a. Hindi naniniwala sa pamahiin ang bata
b. Makaluma ang pamilya
c. Mapahiin ang mga Tsino

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 3
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9

Aralin 3.2 Ang Sanaysay

TALAKAYAN (DISCUSSION)
Ang sanaysay ay isang uri ng napanitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapakasa tungkol sa mga kaisipan
at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. Sa uring ito ng panitikan, mabibilang ang mga
sulating pampahayagan- artikulo, natatanging pitak o lathalain, tudling; ang mga dalub-aral – tesis, disertasyon, diskurso; at gayundin
ang mga panunuring pampanitikan at mga akdang pampananaliksik.

Pormal o Maanyong Sanaysay Pamilyar o Personal na Sanaysay


Paksa o Tema  Naghahatid o nagbibigay ng  Mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan
mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng pagtalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-
pamamagitan ng makaagham at lohikal araw-araw, at personal
na pagsasaayos ng impormasyon
Gamit ng Salita  Maingat na pinipili ang pananalita kaya  Ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang
mabigat basahin na parang usapan lamang ng magkakaibigan
Pananaw ng  Mapitagan at gumagamit ng ikatlong  Ang may-akda ang tagapagsalita at ang
Pagsulat panauhan o pananaw sa paglalahad mambabasa ang tagapakinig, kaya magaan at
madaling maintindihan
Nilalaman  Maanyo kung turingan sapagkat ito’y  Idinidiin ditto ang mga bagay-bagay, mga
talagang pinag-aaralan, makahulugan, karanasan, at mga isyung bukod sa kababakasan
matalinghaga, at matayutay ng personalidad ng may-akda ay maaaring maka-
relate o makisangkot ang mambabasang madla
Tono  Ang tono nito ay seryoso,  Palakaibigan ang tono kaya pamilyar ang tono
paintelektuwal, at walang halong dahil ang panauhang ginagamit ay unang
pagbibiro panauhan.
Obhetibo o  Obhetibo o di-kumikiling sa damdamin  Subhetibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin
Subhetibo ng may-akda. at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

Ang dalawang uring ito ng sanaysay sa panlahat na pahayag ay parehong naglalayong magbigay-kaalaman at magdulot ng
aliw. Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Ang pormal na sanaysay ay nagnanasang magpaliwanag,
manghikayat, at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip, moral, at hilagyo ng mga mambabsa. Samantalang ang pamilyar na sanaysay ay
nagmimithing mangganyak, magpatawa, o kaya’y manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng mga saloobin at kondisyong pansikolohikal
ng mga mambabasa.

Aralin 3.3 Pagagamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon/


Pananaw

TALAKAYAN (DISCUSSION)
Tandaan ang sumusunod sa paglalahad ng opinyon o pananaw:

 Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pa salungat ang iyong pananaw sa pananaw ng iba. Sabi nga ng isang
kasabihang Ingles, “You can disagree without being disagreeable.”
 Making nang mabuti sa sinasabi ng kausap kung sakaling hindi man kayo pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting
maipahayag mo rin ang iyong pinaniniwalaan.
 Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa
kasalungat ng iyong pananaw.
 Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung sakaling kailangan mo naming sumalungat.
 Makabubuti kung ang iyong ipahahayag ay nakabase sa katotohanan o kaya’y sinusuportahan ng datos.
 Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw. Kung
sakaling magpapahayag ng opinyon sa isang pormal na okasyon , gumamit ka rin ng pormal na pananalita at huwag mong
kalilimutang gumamit ng katagang “po” at “opo.”
 Makikita sa ibaba ang ilang angkop na pahayag na maaari mong gamiting panimula sa pagpapahayag ng iyong opinyon o
pananaw.
- Sa aking palagay . . . - Sa tingin ko ay . . .
- Para sa akin . . . - Kung ako ang tatanungin . . .
Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.
For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 4
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
- Ang paniniwala ko ay . . . - Ayon sa nabasa kong datos. . .
- Ayon sa nabasa kong datos . . . - Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil . . .
- Mahusay ang sinasabi mo at ako man ay . . .
- Nasa iyo ‘yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit . . .
- Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
- Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?

GAWAIN (Learning Activity) Mula sa Aralin 3.3 Sagutin ang gawain sa


sagutang papel.
Ikaw naman ngayon ang magbigay ng sarili mong opinyon o pananaw tungkol sa paksang pinag-usapan nina Jia Li at
Nina. Basahin mo munang mabuti ang teksto at saka ilahad ang iyong pananaw.

Ang bansang Tsina ay sinasabing isa sa mga pinakamatandang sibilisasyon. Dahil dito, taglay rin nito ang mahaba at makulay
na tradisyong hindi lang namamayani sa bansang Tsina kundi nakaimpluwensiya na rin sa iba’t iba pang panig ng mundo. Makikita rin sa
paniniwala ng ibang mga bansa ang mga pamahiing nagmula sa Tsina. Nadadala ito ng mga Tsinong nandarayuhan sa ibang bansa tulad
ng Pilipinas. Sa ngayon, ang mga pamahiing tulad ng mga nasa ibaba ay pinaniniwalaan na rin ng mga Pilipino.

 Ipinagbabawal sa mga babaeng ikakasal ng pagsusukat ng kanyang damit pangkasal dahil maaaring dahil dito’y hindi matuloy
ng kasalan.
 Pinaiiwas ang babaeng bunti sa pagtingin, pananakit, o pagkagalit sa mga hayop na hindi maayos ang itsura sapagkat maaaring
makuha ng kanyang ipinagbubuntis ang ganoong itsura
 Kapag bumisita sa isang lamay ay pumunta muna kung saan sa halip na dumiretso agad sa bahay para maiwasang sa tahanan
ang kaluluwa ng yumao.
 Pinaiiwas ang magnobyong malapit nang ikasal ang paglalakbay sa malalayong lugar sapagkat malapit daw sila sa aksidente.

1. Sa aking palagay
2. Para sa akin, ang mga pamahiin ay
3. Ayon sa aking karanasan,
4. Ang paniniwala ko ay
5. Hindi ako sumang-ayon na

REPLEKSYON: Sagutin ito sa sagutang papel.

1. Bakit mahalagang tanggapin, igalang, at matuto sa pagkakaiba-iba ng kultura’t tradisyon ng iba’t ibang tao at lahi?
2. Bakit mahalagang matutong sumulat ng sanaysay ang isang mag-aaral? Sa ano-anong pagkakataon magiging
kapakipakinabang ang kaalamang ito? Paano ito maiuugnay sa mission at vision ng paaralan?

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 5
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER II OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
SAGUTANG PAPEL PARA SA ARALIN 3
PANGALAN:_______________________________________
ISKOR:____________BAITANG:_____________

SUBUKIN (INITIAL TASK) Maglahad ng limang impluwensiyang Tsino sa ating pamumuhay.

1.

2.

3.

4.

5.

Mga gabay na tanong

1.

2.

3.

GAWAIN (Learning Activity) Mula sa Aralin 3.1

1.

2.

3.

4.

5.

GAWAIN (Learning Activity) Mula sa Aralin 3.3

1. Sa aking palagay

2. Para sa akin, ang mga pamahiin ay

3. Ayon sa aking karanasan,

4. Ang paniniwala ko ay

5. Hindi ako sumang-ayon na

SAGUTIN ANG REPLEKSIYON SA LIKOD NG SAGUTANG PAPEL:

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 6

You might also like