You are on page 1of 3

Batas Pambansa 9262

“Batas laban sa karahasan sa kababaihan at sa kanilang mga anak”

Anti-VAWC

Ano ang R.A 9262?


1. Ano ang R.A. 9262?

Ang R.A. 9262 ay pinasa sa kongreso noong Pebrero 2004 at pinirmahan ng Pangulong Gloria
Macapagal- Arroyo noong Marso 8, 2004 at naging Epektibo noong Marso 23, 2004. 15 araw
matapos itong pirmahan

Sino ang pinoprotektahan ng batas na ito?

a. Babaeng asawa o dating asawa


b. Babaeng karelasyon o dating karelasyon (live-in Partner)
c. Dati o Kasalukuyang boyfriend
d. Dati o Kasalukuyang Dine-date
e. Anak ng babae lehitimo man o hindi

Mga uri ng pang-aabuso

a. Karahasang pisikal

Pananampal, Panununtok, panggugulpi at paninipa.

b. Karahasang sekswal

Rape, Sexual Harassment, pambabastos, pamimilit na manood ng x rated na pelikula at


pambubugaw ng asawa o anak

c. Karahasang sikolohikal

Pananakot, pamamahiya sa publiko, madalas na pagmumura at iba pang berbal na pang-


aabuso, paninira ng gamit, pangangaliwa at panunutok ng baril o nakakamatay na armas

d. Abusong pampinansyal

Hindi pagbibigay ng suporta, pagpipigil sa paghahanap – buhay, pagkuha o pagkontrol ng


kita ng babae, paninira ng gamit at/o ari- arian

Sino ang maaring makasuhan sa paglabag sa R.A. 9262?

Kahit sino. Lalaki man o Babae

Ano ang maaaring kaparusahan?

a. Pagkakakulong
b. Pagbabayad ng ng di bababa sa halagang 100,000 piso at di tataas sa 300,000 piso
Sasailalim sa sikolohikal na pagpapayo o pagpapagamot.

Ano ang protection Order?


sa ilalim ng batas, maaaring bigyan ng Protection Order PO) ang babae bilang pansamantala o
permanenteng proteksyon laban sa patuloy na pang-abuso ng kanyang karelasyon

Utos upang supilin ang karahasan laban sa kababaihan o sa kanyang mga anak

3 klase ng Protection Order

a. Barangay Protection Order

Protection Order na inisyu ng barangay laban sa nang-abuso na inuutusan siyang itigil


ang anumang pisikal na pananakit o pagbabanta sa babae o sa kanyang anak. May bisa
ng 15 araw na maaring I-renew at may bisa sa loob ng barangay o kung wala ang
Punong Barangay sa sitwasyong ito, dapat may kalakip ang BPO na attestation ng
Kagawad na nagsasabing wala ang PB.

Gawain ng Barangay Officials

- Tangapin ang daing ng biktima sa Punong Barangay


- Pairalin ang Protection Order
- Tulungan ang biktima sa pagkuha ng kanyang gamit o pagtalaga muli sa kanyang
tirahan
-Iwasan ang Pag-areglo sa mga kasong VAWC
-Tungkulin rin ng barangay na arestuhin ang nang-abuso kahit walang warrant kung
kinakailangan

b. Temporary Protection Order

Protection order na kaagad inisyu ng korte matapos ang paghingi nito, kung sa palagay
ng korte ay dapat itong ibigay. Hindi nito kailangan ng pagdinig May buhay ng 30 araw

c. Permanent Protection Order


Protection order na iniisyu ng korte matapos ang pagdinig nito May buhay hanga’t di
binabawi ng korte at may bisa saan man sa Pilipinas

Sino ang puwedeng mag file ng Protection Orders?

-biktima
-magulang
-malapit na kamag-anak
-Social Workers

-Punong Barangay o Kagawad


-Police in charged sa women and children protection
-2 concerned citizen (with knowledge re:the case)
Paano mag-apply ng Protection order?
Paki lagyan na lng po.. hehe..

You might also like