You are on page 1of 20

Republic Act No.

9262
Anti-Violence Against Women and
their Children Act of 2004
Ano ang VAWC?

•V- violence
•A- against
•W- women
•C- children
Ano ang VAWC?
• Ito ay isang diskriminasyon na
ipinahihiwatig na ang babae ay
mababa na uri lamang ng tao.

• Tumutugon sa pag aabuso sa


mga kababaihan at mga anak
ng kanilang dati o kasalukuyang
asawa, o ka live-in partner o
karelasyon.
Mga Uri ng Karahasan
PISIKAL NA PANG AABUSO (Physical
Abuse)
Halimbawa:
Pambubugbog, pananakit, pananampal, panununtok,
pangugulpi, paninipa, pag-untog, na maaring magdulot
ng sakit at sugat pisikal sa isang babae.
SEKSWAL NA PANG AABUSO (Sexual
Abuse)
Halimbawa:
Pamimilit gumawa ng mga sekswal na bagay,
pamboboso, pambabastos, panghahalay, pamimilit
manood ng mga x-rated na pelikula, pambubugaw sa
asawa.
EMOSYONAL O SIKOLOHIKAL NA
PANG AABUSO (Emotional and
Psychological Abuse).
Halimbawa:
Pananakot na pagpapakamatay,
pinapahiya, sobrang pang iinsulto,
madalas na pag mumura, stalking,
paninigaw at iba pang pang aabuso
pananalita na makakasakit sa damdamin
ng isang babae, paninira ng gamit,
panunutok ng baril, pagkukulong sa
bahay, pag babanta o aktwal na pagkakait
sa babae ng kanyang anak o pagbabanta
na sasaktan ang anak o magulang.
• EKONOMIK O PINANSYAL NA PANG
AABUSO (Economic or Financial Abuse)

Halimbawa:
Hindi pinapayagan mag trabaho ang babae
ng walang sapat na dahilan; hindi
sinusuportahan pinansyal ang babae at mga
anak.
SINO ANG BIKTIMA SA ILALIM
NG R.A 9262?
Ang biktima ay:
Babae na maaaring
-Asawa (kasal man o hindi)
-Dating asawa
-karelasyon o kasintahan
-Dating karelasyon
-May anak sa biktima
Babae na karelasyon o dating karelasyon ng biktima.
Sino ang dapat
magreklamo?

• Ang VAWC ay isang public crime


kaya’t hindi lang ang biktima ang
pwedeng mag kaso.
• Ang Social Worker, Pulis,
Barangay Kagawad, Abogado,
Kamag-anak, kaibigan, Kapit
bahay, o sino man na may
kaalaman sa krimen.
Ano ang mga akto na pinarurusahan ng R.A 9262?
1. Pananakit sa biktimang babae o anak.
2. Pagbabanta na saktan ang biktima.
3. Pagtatangka na saktan ang biktima.
4. Paglalagay sa takot na saktan o gawan ng pisikal na pananakit ang biktima.
5. Pag pwersa o tangkang pag pwersahin ang biktima na gawin ang isang bagay na labag sa
kalooban.
6. Paglimita o pagtangkang limitahan ang galaw ng biktima.
7. Pananakit sa sarili o banta na sasaktan ang sarili upang kontrolin ang kilos o disisyon ng biktima.
(emotional blackmail).
8. Pag pwersa o pagtangka na pwersahen ang biktima na gumawa ng sekswal na akto (na hindi
papasok sa dipinisyon ng Rape).
9. Paggawa ng anuman na sadya o walang taros na kilos na nag dudulot ng alarma o matinding
emosyonal o sikolohikal na pagkabahala sa biktima.
10. Pagdulot ng emosyonal o mental na hinagpis o pananakit o pahihiya sa biktima.
SINO ANG PWEDENG
MAKASUHAN?

Case Profile
Si Ruby ay 30 taong gulang, may asawa, may
tatlong anak, 1, 3, 5 taong gulang. Madalas syang
bugbugin nag asawa na walang trabaho (tambay) at
lasinggero. Si Ruby ang tanging nag tatrabaho sa
pamilya bilang isang labandera. Isang gabi bugbog
sarado na naman si Ruby. Tumakbo sya sa kanyang
Nanay dahil kailangan nya ng humingi ng tulong.
Ano ang mga hakbang
na maaaring gawin?

• Medical Assistance
• Counseling
• Legal Assistance
Anong proteksyon ang maaaring hingin ng
babaeng nakakaranas ng karahasan?

• Sa ilalim ng RA 9262 (2004), maaring humingi


ng protection order upang itigil ang karahasang
nararanasan ng babae o kaniyang anak.  Dagdag dito,
marami pang maaring makuha sa pamamagitan ng
protection order kasama ang sustento, pagpapalayo sa
nananakit, at iba pa.
Saan makakakuha ng Protection Order?
• Maaring makakuha sa mga Korte gaya ng Regional Trial
Court o Municipal Trial Court kung saan nakatira ang
nais humiling.
Maari ring kumuha sa Barangay ng Barangay Protection
Order o BPO. Ito ay may bisa sa loob lamang ng
barangay at hanggang 15 araw lamang.
Sino ang maaring humiling ng Protection Order?

Marami ang maaring tulumong sa babaeng nakakaranas ng Violence Against


Women o VAW.  Ang mga sumusunod ay maaring humiling ng Protection Order:

a.    Ang nakakaranas ng karahasan;


b.    Mga magulang o tagapangalaga ng nakaranas ng karahasan;
c.    Ninuno, inapo, o kamag-anak hanggang sa ikaapat na antas-sibil (sa dugo
o sa kasal);
d.    Mga opisyal o social worker ng DSWD o ng mga LGU;
e.    Mga pulis, lalo na ang mga nakatalaga sa mga women’s at children’s desk;
f.     Punong barangay o barangay kagawad;
g.    Abogado, tagapayo, therapist o healthcare provider ng nakaranas ng
karahasan; o
h.    Dalawa o higit pang responsable at nagmamalasakit na mamamayan sa
lungsod o munisipyo kung saan nangyari ang karahasan, na mayroong
personal na kaalaman ukol sa nangyaring krimen.
• In addition to imprisonment, the perpetrator shall (a) pay a
fine in the amount of not less than one hundred thousand
pesos (P100,000.00) but not more than three hundred
thousand pesos (300,000.00); (b) undergo mandatory
psychological counseling or psychiatric treatment and shall
report compliance to the court (Section 6, R.A. 9262).
• Offenders proven in court to be guilty of the crime shall be
penalized with: imprisonment ranging from 1 month and 1
day to 20 years payment of P100,000 to P300,000 in
damages mandatory psychological counseling or
psychiatric treatment.
(BPO) o Barangay Protection Order

Ayon sa RA No. 9262 o Anti-Violence Against Women and


Their Children Act, ang barangay ay maaaring mag-isyu ng barangay
protection order o BPO. Ito ay may bisa sa loob ng 15 araw - ngunit
hindi ipinagbabawal ang pag renew dito.  May bisa lang ang BPO sa
loob ng barangay kung saan ito inisyu.

Ang barangay protection order o BPO ay isang utos galing sa


barangay na naglalayong pigilan ang patuloy na karahasan o banta ng
karahasan laban sa isang babae at/o sa kanyang anak.  Libre ito at
walang halaga o pera ang kailangan upang makakuha ng BPO.

Sa pamamagitan ng isang BPO, mapagbabawalan ang taong


nanakit o nagtangkang manakit na ipagpatuloy ang kanyang
karahasan. Pagbabawalan din siyang i-harass, inisin, tawagan sa
telepono o kausapin sa anumang paraan – direkta man o hindi – ang
babae o batang victim-survivor. 
Paano mag-apply ng TPO (Temporary Protection Order)?
Mag-file ng isang nakasulat, pirmado, at sinumpaang application para sa protection order. 
Maaari itong i-file bilang hiwalay na kaso o kalakip na remedyo sa kahit anong sibil o kriminal
na kaso kung saan isyu ang karahasan na inilalarawan sa ilalim ng batas na ito, halimbawa ay
legal separation.
Kung ang nag-aapply ng protection order ay hindi ang biktima, ano ang
kinakailangan?
Affidavit ng aplikante na nagpapatotoo sa salaysay ng karahasan na pinagdaanan ng
biktima.

Patotoo ng pagsang-ayon o di pagsang-ayon ng biktima sa pag-a--apply para sa Protection


Order.
Saan maaaring mag-file ng petisyon para sa TPO/PPO?
Ang Petition para sa TPO/PPO ay kasong sibil na maaaring isampa sa itinakdang Family
Court o Regional Trial Court sa lugar kung saan nakatira ang biktima o di kaya’y
pansamantalang namamalagi. Kung walang RTC ay maari rin itong ilagak sa  MeTC, MTC,
MCTC o MTCC na may sakop sa tirahan ng biktima. Maaari itong gawin kahit walang abogado
at maaari ring gawin ng libre kung walang kakayahang magbayad ang nagsasampa ng kaso.

Maaari itong ibigay ng korte sa araw ng pag-file ng application kung totoong may
pangangailangan ayon sa petisyon. Ito ay may bisang 30 araw at maaaring ma-renew.

Ang PPO naman ay ipinagkakaloob ng korte pagtapos ng abiso at pagdinig, may bisa saan
man sa Pilipimas at hangga’t hindi binabawi ng korte.
Anu-ano ang mga tulong o remedyo na maaaring ibigay sa biktima sa
pamamagitan ng PPO?
•Ang mga sumusunod ang maaring tulong ng PPO:

1.     Pagbabawal sa respondent na gawin muli ang anumang akto ng karahasan laban sa petisyoner at sa kanyang
mga anak

2.     Pagbabawal sa respondent na guluhin, takutin, tawagan o makipag-ugnayan sa respondent nang labag sa batas

1.     Pagtanggal sa respondent sa pamamahay ng petisyoner, sinuman ang may-ari ng bahay, pansamantala man o
permanente

2.     Utusan ang respondent na layuan ang petisyoner at ang kanyang pamilya, bahay, paaralan, lugar ng trabaho, o
kahit anong lugar na madalas pinupuntahan ng petisyoner at ng kanyang pamilya.

3.     Pagbibigay sa petisyoner ng gamit ng sasakyan at iba pang kailangang kagamitan, sinuman ang may-ari, at pag-
direkta sa tamang ahensya na nagpapatupad ng batas na samahan ang petisyoner para siguraduhin na makuha niya
ang sasakyan at ibang kagamitan.

4.     Pagbibigay ng panandalian o permanenteng pangangalaga ng mga anak sa petisyoner

5.     Pagdirekta sa respondent na suportahan ang petisyoner at kanyang anak. Maaaring iutos ng korte na parte ng
sweldo ng respondent ay regular na ibigay sa petisyoner.

6.     Pagbabawal sa respondent sa paggamit o paghawak ng kahit anong nakakamatay na sandata, at pag-uutos sa
kanya na isuko ang mga sandatang sa korte.

7.     Pagbabayad ng respondent sa pinsalang dulot ng karahasan, kasama ang pagkasira sa mga ari-arian, gastusing
medikal, gastusin sa pag-alaga ng bata, at kawalan ng sweldo

Pagdirekta sa DSWD o iba pang ahensya na bigyan ang petisyoner ng anumang tulong na kailangan niya
Ano ang "Battered Woman Syndrome?"
Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng mga sikolohikal na sintomas na nakikita sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso at
may medikal o siyentipikong patunay, na kadalasa’y sanhi ng matagal na kasaysayan ng karahasang dinaranas ng
isang biktima sa  loob ng mapang-abusong relasyon.
Bakit kailangang tulungan
ang isang babaeng biktima
ng karahasan?
• Kahit sino ay walang sapat na dahilan upang
mang bugbog ng babae.
• Ang tunay na pag-iibigan ay naka batay sa
pag respeto, pag kalinga, at pantay na pag
turing sa isang relasyon.
• Ang pag aabuso ay hindi pribadong usapin
kundi isang krimen. Ito ay paglabag sa
karapatang pantao ng babae.
• Sa tulong ng pamilya at komunidad maaring
makawala ang isang mula sa mapang aping
relasyon.
Thank you & God Bless us all!

You might also like