You are on page 1of 29

Republic Act No.

9262 O
Anti-Violence Against Women
and their Children Act of 2004
Presentation by: Kgd. Vivian Catolico
(Committee On VAWC)
Ano ang VAWC?
Violence

Against

Women
Children
Ano ang VAWC?
● Isang diskriminasyon, ipinahihiwatig na ang mga babae ay mababang uri
lamang ng tao.
● Tumutugon sa pang-aabuso sa mga kababaihan at mga anak ng kanilang
dati o kasalukuyang asawa o ka-live in partner o ka-relasyon.
Mga Uri ng Karahasan
PISIKAL na Pang-aabuso

Halimbawa:
● Pambubugbog
● Pananakit
● Pananampal
● Panununtok
● Panggugulpi
● Paninipa
● Paguntog
Mga Uri ng Karahasan
SEKSWAL na Pang-aabuso

Halimbawa:
● Pamimilit gumawa ng mga sekswal na bagay
● Pamboboso
● Panghahalay
● Panununtok
● Pamimilit manood ng mga x-rated na pelikula
● Pambubugaw sa asawa
Mga Uri ng Karahasan
EMOSYONAL O SIKOLOHIKAL na Pang-aabuso

Halimbawa:
● Pananakot ng pagpapakamatay
● Pinapahiya
● Sobrang pang-iinsulto
● Madalas na pagmumura
● Stalking
● Paninigaw at iba pang mapang-abusong pananalita
● Paninira ng gamit
● Panunutok ng baril
● Pagkukulong sa bahay
● Pagbabanta na sasaktan ang anak o magulang
● Pananakot
Mga Uri ng Karahasan
EKONOMIK O PINANSYAL na Pang-aabuso

Halimbawa:
● Di pinapayagang magtrabaho ang babae ng walang sapat na dahilan
● Di sinusuportahan ang babae at anak
Sino ang biktima sa ilalim ng RA9262?
Ang biktima ay:

● Babae na maaring
- Asawa (Kasal man o Hindi)
- Dating asawa
- Karelasyon/Boyfriend
- Dating Karelasyon/Boyfriend
- May anak sa biktima
● Babae na karelasyon o dating karelasyon ng biktima
Sino ang dapat magreklamo?
● Ang VAWC ay isang “public crime” kaya’t
hindi lang ang biktima ang pwedeng
magsampa ng kaso.

● Ang Social Worker , Pulis,


Barangay Kagawad, Abogado,
Kamag-anakan, KAibigan, Kapit-bahay
o sino mang may kaalaman sa krimen.
Ano ang mga akto na pinarurusahan ng
RA 9262?
1. Pananakit sa biktimang babae o anak.
2. Pagbabanta na saktan ang biktima.
3. Pagtatangka na saktan ang biktima.
4. Paglalagay sa takot na saktan o gawan ng pisikal na pananakit ang biktima.
5. Pagpwersa o tangkang pwersahin ang biktima na gawin ang isang bagay na
labag sa kalooban.
6. Paglimita o pagtangkang limitahan ang galaw ng biktima.
Ano ang mga akto na pinarurusahan ng
RA 9262?
7. Pananakit ng sarili o banta na sasaktan ang sarili upang kontrolin ang kilos o desisyon
ng biktima (emotional blackmail).
8. Pagpwersa o pagtangka sa pwersahin ang biktima na gumawa ng sekswal na akto
(na hindi papasok sa depinisyon ng rape).
9. Paggawa ng anumang sadya o walang taros na kilos (reckless) na nagdulot ng
alarma o matinding emosyonal o sikolohikal na pagkabahala ng biktima.
10. Pagdulot ng mental o emosyonal na hinagpis o pananakit o pagpahiya sa biktima.
Mga senyales na nakakaranas na ng
Domestic Violence
PHYSICAL MARKS
● Pagkakaroon ng pasa, sugat at
iba pa dahil sa pananakit.

CHANGE IN BEHAVIOR
● Pagdanas ng confusion, hopelessness,
helplessness at pakiramdam na hindi na
makakaalis sa sitwasyon.
● Posibleng pagdanas ng Post Traumatic
Stress Disorder
Ano ang mga hakbang ang maaring
gawin?
MEDICAL ASSISTANCE LEGAL ASSISTANCE

COUNSELING
Ano ang mga Protection Order?
Ang Protection Order ay ibinibigay para maiwasan ang ano pa mang
karahasan sa babae o bata na nakararanas nito. Ito ay nakatala sa Sekyon 7 ng
Implementing Rules and Regulations na sumasagot sa iba pang
pangangailangan ng mga biktima.
Ano ang mga Protection Order?
Ito ay isang kautusan na galing sa Punong Barangay (o Kagawad kung may
atestasyon na wala ang Punong Barangay) na nagsasaad ng mga sumusunod:

● Bawal ituloy ang pisikal na pananakit sa biktima.


● Bawal ituloy ang pananakot sa biktima ng pisikal na kapahamakan.
● Bawal makipag-ugnayan sa biktima.
Sino ang maaaring kumuha ng
PROTECTION ORDER sa barangay o sa
hukuman?
Ang maaring kumuha ng Protection Order (PO)
ay ang mga biktima, magulang o kamag-anak,
Social Workers of Kagawad ng barangay
na may kinalaman sa karahasan.
Ano ang mga pangkaraniwang aksyon
sa Domestic Violence?
Ang biktima ay maaaring humingi ng proteksyon:

Barangay Protection Order (BPO)


Temporary Protection Order (TPO)
Permanent Protection Order (PPO)
Gaano katagal ang bisa ng BPO?
Ang bisa ng BPO ay 15 araw.

Ano ang gagawin kung tapos na ang


bisa ng BPO?
Maaaring dumulog sa Hukuman upang mag-apply ng TPO o PPO.
Paano kumuha ng BPO?
● Pumunta sa tanggapan ng Punong Barangay o Kagawad.

● Magdala ng isang sulat at pinanumpaang


salaysay ng biktima bilang patunay na totoo ang
reklamo.

● Ibibigay ng PB o kagawad ang BPO sa araw


na nagsampa ng reklamo ang biktima
Paano kung walang pera o kakayahang
kumuha ng sariling abogado ang mga
biktima? Paano siya magsampa ng
aplikasyon ng TPO at PPO sa hukuman?
Maaring dumulog sa Public Attorney’s Office (PAO)
o sa sinumang opisyal ng DOJ para sa serbisyong legal.
Ano ang TEMPORARY PROTECTION
ORDER (TPO)?
Isang kautusan na nagmumula sa hukuman
na inilabas/inisyu para sa proteksyon at kapakanan
ng biktima. Ito ay may bisa ng 30 araw.
Ano ang PERMANENT PROTECTION
ORDER (TPO)?
Isang kautusan na nagmumula sa hukuman
na man bisa hanggat hindi binabawi
o binabago ng Hukuman.
Paano kung tapos na ang bisa ng TPO
ngunit wala pa ring inilalabas na PPO
ang hukuman?
Mapapahaba ng hukuman ng 30 araw
ang bisa ng TPO, maaari itong i-extend
Ng panibagong 30 araw hanggat walang
PPO na inilalabas.
Ano ang iba pang magagawa ng biktima
ng karahasan?

Meron man o walang BPO ang mga biktima


ay maaaring mag-apply ng TPO sa kahit
anumang hukuman na malapit sa kanilang
Barangay.
Saan maaring magsampa ng kaso?

Ang mga kagawad ng barangay ay maaring samahan ang biktima na magsampa


ng kaso sa kahit saang Family Court na malapit sa Barangay.
Maari bang mamagitan ang Barangay
upang magka-ayos ang biktima at ang
akusado?
Hindi ito pinapayagan ng batas.

Ayon sa Local Government Code, walang kapangyarihan ang Punong Barangay


na mamagitan sa mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak.
Bakit kailangang tulungan ang isang
babaeng binugbog?
Kahit sino ay walang sapat na dahilan
upang mambugbog ng babae.

Ang tunay na pag-iibigan ay nakabatay


sa pagrespeto, pagkalinga at pantay na
paturing sa isang karelasyon.
Ang pang-aabuso ay hindi pribadong usapin kundi isang
KRIMEN.Ito ay paglabag sa karapatang pantao ng
babae.

Sa tulong ng pamilya at komunidad, maaring makawala


ang isang mula sa MAPANG-APING relasyon.
SANA AY MAMULAT TAYO AT MANINDIGAN SA ATING MGA
KARAPATAN.

IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA


BATA AT KABABAIHAN.

MARAMING SALAMAT PO!

You might also like