You are on page 1of 29

1.

: CHILD SENSTIVITY

1.1. Pagkakaiba ng bata sa adult


• Ang bata ay iba sa adults
⁃ Sa pisikal na anyo at pangangatawan
⁃ Sa sikolohikal na kaunlaran
⁃ Sa maturity
⁃ Sa karanasan
• Dahil sa mas marami na ang karanasan ng isang adult, higit na pinag-iisipan ng
isang adult ang kanyang mga desisyon, kumpara sa isang bata na napakapusok
• Ang mga bata ay masasabi nating nangangailangan pa ng suporta mula sa adult
upang siya ay mabuhay, umunlad at maprotektahan.
• Responsibilidad ng mga adult na gabayan ang mga kabataan upang sila ay
maging kapakipakinabang na mamamayan.

1.2. Ang United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC) at
ang Juvenile Justice and Welfare System

1.2.1. Ano ang UNCRC


• Ang UNCRC ay ang unang kasunduang pandaigdig na naglalahad ng iba't ibang
mga karapatang pantao tulad ng civil, cultural, economic, political at social rights.
• Ang UNCRC ay isang kasunduan ng halos lahat ng bansa sa buong mundo
(isang bansa na lang ang hindi nag-ratify ng UNCRC) kung saan sila ay
nagkasundo na ang bata ay may karapatan.
• Dahil halos lahat ng bansa ay lumagda sa UNCRC, masasabi nating katanggap
tanggap sa buong mundo ang mga probisyon na nakapaloob sa UNCRC
• Ang Pilipinas ay lumagda sa kasunduang ito.
• Dahil ito ay may legal na puwersa, ang lahat ng mga bansang pumirma rito ay
kailangang sumunod sa mga probisyon nito. Kung kaya ang ating gobyerno ito
man ay national o kaya'y local government ay may obligasyong kilalanin ang
mga karapatan ng mga bata.

1.2.2. Mga Karapatan ng Bata ayon sa UNCRC


COURSE CONTENT/Abitria 2

• Ang bawat bata ay may karapatang mabuhay. (Survival Rights)


⁃ Kasama sa karapatang ito ang mga sumusunod na mga karapatan:
karapatan sa buhay at sa maayos na pamumuhay sa kalusugan, sa
pagkalinga ng magulang atbp.
• Ang bawat bata ay may karapatang umunlad. (Development Rights)
⁃ Kasama dito ang mga karapatan sa edukasyon, impormasyon, kultura at
relihiyon at ang karapatang makapaglaro.
• Karapatang makilahok. (Participation rights)
⁃ kasama rito ang karapatan sa sariling opinyon, karapatang malayang
magpahayag ng saloobin, karapatan sa malayang pakikipag-ugnayan.
• Karapatang maprotektahan o mapangalagaan. (Protection Rights)
⁃ kasama rito ang karapatan sa sariling, pangalan, nationality at identity,
karapatan sa privacy, karapatang di maabuso at mapabayaan, karapatang
di ma-exploit, karapatang ligtas sa mga kalamidad.

1.2.3. Mga Prinsipyo ng UNCRC


• Non discrimination
⁃ na ang lahat nang karapatang nasasaad sa UNCRC ay dapat na
pinapakinabangan ng lahat ng bata kahit anu pa man ang kanyang kulay,
kapansanan, kasarian, nationality o estado man sa buhay.
⁃ Na ang lahat nang karapatang nasasaad sa UNCRC ay dapat na
pinapakinabangan kahit pa ng mga batang 'matigas ang ulo', 'pasaway' o
'sakit sa ulo ng barangay'
⁃ Mahalaga na maunawaan na kaya mayroong Juvenile Justice and
Welfare Act ay upang siguraduhin na maibibigay ng mga duty-bearers sa
isang batang nanganganib lumabag sa batas o sa mga batang lumabag
sa batas ang 1.2.2 - Mga Karapatan ng Bata ayon sa UNCRC.
• Best interest of the child
⁃ na sa lahat ng pagkakataon ang mga duty bearers ay dapat palaging
iniisip ang kapakanan ng kabataan.
⁃ Ang best interest of the child ay ang pinakamagandang sitwasyon at na
COURSE CONTENT/Abitria 3

makakatulong na mabuhay ang bata, maproteksyonan ang bata,


maramdaman ng bata na siya ay ligtas at mga sitwasyon na
makakahikayat sa kanyang pisikal, sikolohikal at emosyonal na pag-unlad.
⁃ Minsan, ang best interest of the child ay tumutukoy din sa mga sitwasyon
na mangangalaga at magpoprotekta sa pag-unlad ng bata na magdudulot
ng pinakamaliit na negatibong epekto sa kanya.
• Right to life, survival and development
• Right to be heard
⁃ Na ang bawat bata ay may karapatang pakinggan lalong lalo na kung ito
ay tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kanya.
⁃ Samakatwid, mahalaga na sa pagpapatupad ng mga intervention program
para sa mga bata ayon sa Juvenile Justice and Welfare Act, mahalaga
namapapakinggan palagi kung ano ang opinyon ng bata.

1.2.4. Ano ang kahalagahan ng UNCRC sa barangay?


Ang UNCRC ay pinirmahan ng Republika ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng
pagpirma sa UNCRC, nangako ang pamahalaan na pangalagaan at itaguyod ang mga
karapatan ng mga bata. Ang pamahalaang pambansa ay inako ang pananagutang ito
sa pandaigdigang pamayanan.
Dahil sa pananagutang ito ng ating bansa, lahat ng nagtatrabaho sa gobyerno
pati na ang barangay ay may pananagutang pangalagaan at itaguyod ang mga
karapatan ng bata.
Higit sa pandaigdigang pananagutang ito, mahalaga ang UNCRC upang lubos
na maipadama ng barangay ang pangangalaga at pagkalinga nito sa kabataang
kanilang nasasakupan - kabataang pag-asa ng bayan.
COURSE CONTENT/Abitria 4

2.: ANG JUVENILE JUSTICE WELFARE SYSTEM

2.1. Ano ang Juvenile Justice and Welfare System?


• Ang Juvenile Justice and Welfare System o ang (Sistema ng Katarungan at
Kagalingang Pambata) ay isang sistema upang
⁃ iadya ang mga kabataan sa paggawa ng krimen;
⁃ pigilan ang juvenile delinquency sa pamamagitan ng maagap na mga
intervention;
⁃ papanagutin ang mga batang nagkasala sa pamamaraang nararapat sa
kanilang edad at pangangailangan.
• Ito ay isang sistema ng katarungan na hiwalay at iba sa sistemang kriminal para
sa mga adult;
• Ito rin ay sistema ng kagalingang pambata dahil nakasaad din dito kung paano
aayusin ang buhay ng mga kabataang saklaw nito.
• Ang basehang legal ng Juvenile Justice System sa Pilipinas ay ang Republic Act
No. 9344 (2006) na inamyendahan ng Republic Act No. 10630 (2012)

2.2. Bakit Mahalaga ang Juvenile Justice?


• Base sa napag-usapan sa 1. - CHILD SENSTIVITY, napakahalaga ng isang
hiwalay na sistema ng katarungan para sa mga kabataan dahil:
⁃ ang bata ay iba sa isang adult at ang bata ay hindi dapat pinapanagot
katulad ng isang adult.
⁃ ang bata ay may mga karapatan at ang mga karapatang ito ay hindi
nawawala kahit pa nagkasala ang isang bata. Obligasyon ng gobyerno na
pangalagaan ang mga karapatang ito.
⁃ Ang pagdidisiplina ng bata at ang pagtuturo ng leksyon sa kanya ay hindi
dapat lumalabag sa kanyang mga karapatan.

2.3. Mga Mahahalagang Termino sa Juvenile Justice


• Sino ang Bata?
⁃ Sa Juvenile Justice and Welfare Act ang bata ay sinumang hindi pa
umaabot ng 18 taong gulang.
COURSE CONTENT/Abitria 5

• Paano ba pinapatunayan ang edad ng isang bata?


⁃ Ang Certificate of Live Birth ang pinakamabisang ebindensya para
patunayan ang edad ng bata.
⁃ Kung walang Certificate of Live Birth, maaaring gamitin ang mga
dokumento kung saan nakalagay ang kaarawan ng bata o kaya ang
kanyang edad. Halimbawa: Baptismal Certificate, Certificate of
Dedication, School Records, Health Records atbp.
⁃ Kung walang Certificate of Live Birth, at walang mga dokumento,
maaaring gamitin ang mga testimonya ng mga taong nakakaalam ng
kanyang edad.
• CAR versus CICL
⁃ Ang CAR o Child at Risk ay ang mga batang nanganganib pa lang maging
CICL
⁃ Ang CICL o child in conflict with the law ay mga batang napagbintangan,
inakusahan o kaya nama'y napatunayang nagkasala sa batas
⁃ Mahalagang malaman na magkaiba ang CAR at CICL dahil magkaiba ang
turing sa dalawa. Iba rin ang kanilang pangangailangan. Samakatwid, iba
rin dapat ang tugon ng BCPC sa bawat isa sa kanila.
• DANA
⁃ Ang ibig sabihin ng DANA ay Dependent, Abandoned, Neglected at
Abused. Matatagpuan ang mga depinisyon nito sa PD 603.
⁃ Ang "Dependent" na bata ay yung mga batang nakadepende sa
pamayanan para mabuhay. Sila yung mga nanlilimos sa lansangan at
humihingi ng pagkain at maiinom.
⁃ Ang mga "Abandoned" naman ay yung mga batang iniwan na ng kanilang
magulang ng higit anim (6) na buwan.
⁃ Ang mga "Neglected" na bata ay yung mga batang napapabayaan ng
magulang.
⁃ At ang mga "Abused" na bata ay ang mga batang naaabuso ayon sa
batas katulad ng RA 7610 at iba pang mga batas na nagpoprotekta sa
COURSE CONTENT/Abitria 6

mga kabataan.
⁃ Tanging ang korte lamang ang makakapag-deklara na DANA ang isang
bata ayon sa rekomendasyong ng LSWDO. Subalit, mahalagang alam ng
barangay at ng BCPC kung ano ang DANA dahil, ang barangay ang mag
"rerefer" ng kaso ng bata sa social worker upang mairekomenda nitong
ideklarang DANA ang isang bata.
• Discernment
⁃ Ang discernment ay ang kakayahan ng isang bata na malaman ang
pagkakaiba ng tama at mali pati na rin ang mga epekto ng kanyang mga
ginagawa.
⁃ Ang social worker ang unang magtatantiya kung may discernment ang
isang bata.
⁃ Ang pag tantiya ng discernment ay hindi madaling gawin. Kailangan ng
social workers ang sapat na panahon para sa pagtantiya nito. Pitong
araw ang kadalasang kailangan ng social worker para matantiya ang
discernment ng isang bata.
COURSE CONTENT/Abitria 7

3.: MGA KASANAYAN SA PAG-HAWAK NG CAR AT CICL

3.1. Pag-Interview ng Bata


Mga tips sa pag interview ng bata:
• Siguraduhing may sapat na privacy ang lugar nang pag-iinterbyuhan
• Kung papayag ang bata, mas mainam kung dalawa ang mag-iinterbyu, isang
taga sulat at isang taga-tanong
• Simulan ang interbyu sa magaang pag-uusap at sa personal na mga usapan.
• Ipaliwanag kung bakit siya iniinterbyu
• Magtanong ng mga open ended questions
• Wag masyadong mahaba ang pag interbyu ng bata
• Wag hahawakan ang bata kung di naman kailangan
• Wag huhusgahan ang bata
• Ipaliwanag ang mga technical terms
• Makinig ng mabuti
• Tanungin ang bata kung hindi maunawaan ang sinabi nito
• Mag pahinga sa interbyu kung kinakailangan
• Wag mangangako kung hindi kayang tuparin
• Wag takutin ang bata

3.2. Pag-Document ng Kaso


• Ang documentation ay kahit anong nakasulat na pwedeng magbigay
impormasyon o pwede maging ebidensya.
• Ang documentation ay mahalaga dahil ito ay maaaring magpatunay na tunay nga
ang mga pangyayaring nakasaad dito.
• Ang magandang documentation ay tumpak, maikli at nababasa. Dapat
malalaman din kung kailan ito ginawa at sino ang gumawa nito.
• Mahalaga ang documentation sa usaping Juvenile Justice, dahil ang BCPC ay
dapat may documentation sa bawat kaso ng CAR at CICL na dinadala sa
barangay.
• Dapat, may documentation din kung ano ang ginawa ng BCPC sa bata upang
COURSE CONTENT/Abitria 8

siya ay mag bago.


• Dapat may documentation din sa kung ano na ang nangyari sa bata matapos
tulungan ng barangay.

3.3. Pag-Archive ng mga Dokumento


• Ang archiving o ang pagsasaayos ng mga dokumento ay mahalagang
kasanayan na dapat mayroon ang BCPC members.
• Sa pagsasaayos ng dokumento ng CAR at CICL, kailangang sundin ang mga
sumusunod ng BCPC:
⁃ Lahat ng dokumento na may kinalaman sa CAR at CICL ay confidential
lalong lalo na kung mayroong mga nakalagay na detalye tungkol sa
pagkatao ng bata.
⁃ Ang bawat CAR at CICL ay dapat may folder kung saan nakalagay ang
mga dokumento tungkol sa kanila.
⁃ Ang bawat folder ng CAR at CICL ay dapat may tatak na "CAR" o "CICL"
at dapat may nakalagay na "CONFIDENTIAL".
⁃ Ang mga folder ay dapat nakatago at mabubuksan lamang ng mga taong
dapat magbasa nito.
• Ano ang mga ilalagay sa folder ng bata:
⁃ Intake Form
⁃ Kopya ng blotter report
⁃ Medical Certificate
⁃ Kopya ng ebidensya ng edad
⁃ Kopya ng initial investigation report
⁃ Kopya ng assessment ng pangangailangan ng bata
⁃ Kopya ng mga referral letters
⁃ Kopya ng mga feedback reports
⁃ Kopya ng Dete rmination of Discernment na ginawa ng LSWDO
⁃ Mga kasunduan na pinirmahan ng bata at kanyang magulang
⁃ Progress reports
⁃ Mga ebidensya na nagpapatunay na natupad ng bata ang mga obligasyon
COURSE CONTENT/Abitria 9

nya sa kasunduan.
⁃ Pangalan at contact information ng case managers.

3.4. Referral System


• Ang referral system ay ang sistema ng pagpasa ng kaso ng CAR at ng CICL sa
isang propesyonal o ahensya na makapagbibigay ng sapat na tulong sa bata.
• Mahalaga na malaman ng bawat barangay na hindi lahat ng serbisyo at
programa upang matulungang magbago ang isang CAR o CICL ay pwedeng
gawin ng BCPC.
• Mahalaga na ang bawat barangay ay may mga listahan ng mga propesyonal at
ahensya na maaaring tumulong sa pagbabago ng CICL. Dapat napag-usapan
din ng BCPC kung kanino ipapasa ang kaso kung sakaling makita nila na may
pangangailangan ang bata na hindi nila kayang tugunan.
• Mahalaga ring maunawaan ng BCPC, na hindi lahat ng kaso ng bata ay dapat
ipasa, kailangang malinaw sa BCPC kung ano ang mga tulong na maaari nilang
ibigay sa bata at ano naman ang hindi nila kaya.
COURSE CONTENT/Abitria 10

4.: TAMANG PAG HAWAK NG CHILDREN AT RISK

4.1. Ano ang CAR


Ano ang CAR
• Ayon sa batas, may tatlong uri ng Children at Risk o Batang Nanganganib
maging CICL.
• Ang unang grupo ng CAR ay yung mga batang kumikilos o may pag uugaling
maaaring masaktan ang sarili nila o makasakit sa iba pati na rin yung mga
batang nanganganib mapilitang gumawa ng krimen o nanganganib gamitin ng
iba para gumawa ng krimen dahil sa mga sitwasyon sa kanilang personal na
buhay, sa kanilang pamilya o sa kanilang pamayanan. Halimbawa:
⁃ Mga batang pisikal, emosyonal o sikolohikal na inaabuso;
⁃ Mga batang ginagamit para pagkakitaan;
⁃ Mga batang dependent, abandoned, o neglected
⁃ Mga bata sa isang pamilyang di gumagana (dysfunctional)
⁃ Mga bata sa pamilyang hiwa-hiwalay (broken family)
⁃ Out of school youth
⁃ Mga batang lansangan
⁃ Mga batang kasapi sa Gang
⁃ Mga batanga namumuhay sa isang depressed area
• Ang pangalawang grupo ng CAR ay ang mga batang lumabag ng mga ordinansa
na ang layunin ay pangalagaan ang mga bata. Halimbawa:
⁃ Mga ordinansang napaparusa sa
⁃ Curfew
⁃ Truancy
⁃ Pagsuway sa magulang
⁃ Paninigarily at pag-inom ng alak
⁃ Pati na rin mga magagaang paglabag sa batas tulad ng:
⁃ Disorderly conduct
⁃ Public scandal
⁃ Harassment
COURSE CONTENT/Abitria 11

⁃ Drunkenness
⁃ Public intoxication
⁃ Criminal nuisance
⁃ Vandalism
⁃ Pag susugal
⁃ Panlilimos
⁃ Littering
⁃ Loitering
⁃ Public urination
⁃ Trespassing
• Ang huli at pangatlong grupo ng CAR ay yung mga batang gumawa ng mga
gawaing dinecriminalise ng RA 9344 as amended. Halimbawa:
⁃ Mga batang prostituted (Art. 202 - RPC);
⁃ Mga batang nanlilimos (P.D. 1563);
⁃ Mga batang nagsisinghot ng rugby (P.D. 1619).

4.2. Ano ang Dapat Gawin sa mga CAR


• Ayon sa batas, dapat bigyan ng barangay (sa pamamagitan ng BCPC) ng
secondary intervention program ang mga CAR.
• Ano ang SECONDARY INTERVENTION PROGRAM?
⁃ Ang secondary intervention program ay mga gawain o programa na
ibinibigay ng barangay sa bata upang matugunan ang mga sanhi kung
bakit siya nagiging CAR.
• Mga halimbawa ng Secondary Intervention Program na maaaring ibigay sa mga
magulang kung sila ang sanhi kung bakit nanganganib maging CICL ang
kanilang anak:
⁃ Parent Effectiveness Seminar (PES)
⁃ Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT)
⁃ Livelihood program for CAR and their families
⁃ Family therapy to the family of the children at risk Skills training
• Mga halimbawa ng Secondary Intervention Program na maaaring ibigay sa mga
COURSE CONTENT/Abitria 12

bata:
⁃ Life Skills Training
⁃ Provision of developmental activities:
⁃ sports,
⁃ leadership skills,
⁃ theater arts,
⁃ character building,
⁃ religious activities, etc.
⁃ Accessing to formal and alternative learning education
⁃ Psychosocial intervention

4.3. Ano ang tamang proseso sa paghawak ng CAR


COURSE CONTENT/Abitria 13
COURSE CONTENT/Abitria 14

5.: TAMANG PAG HAWAK NG CICL

5.1. Ano ang CICL


• Ang Child in Conflict with the Law o CICL ay isang bata na pinagbibintangan,
inaakusahan o kaya nama'y napatunayang gumawa ng bagay na labag sa batas.

5.2. Ano ang pananagutan ng CICL


• Kapag ang CICL ay 15 years old pababa nung araw na nagawa ang krimen,

CRIMINAL
CIRCUMSTANCES CIVIL LIABILITY INTERVENTION
LIABILITY

Committed a Intensive
SERIOUS None Mandatory Institutional
OFFENSE Intervention

Intensive
Community Based
Repeat Offender None Mandatory Intervention |
Institutional
Intervention

Institutional
DANA None Mandatory
Intervention

Community Based
All other Cases None Mandatory
Intervention
COURSE CONTENT/Abitria 15

Kapag ang CICL ay lagpas 15 years old nung araw na nagawa ang krimen:

CRIMINAL
CIRCUMSTANCES CIVIL LIABILITY INTERVENTION
LIABILITY

Without
None Mandatory 15 and BELOW
Discernment

Intervention to be
With Discernment Criminal Liability to
Civil Liability to be decided by Court:
More than 6 years be decided by
decided by Court Rehabilitation
imprisonment Court
Center

1. Diversion
With Discernment Programs included
Included in the Included in the
Not more than 6 in Diversion
Diversion Contract Diversion Contract
years imprisonment Contract
COURSE CONTENT/Abitria 16

5.3. Kung ginamit ang bata ng matanda


• Kapag ang bata ay ginamit ng isang adult sa paggawa ng krimen, ang adult ay
paparusahan din.

5.4. Pananagutan ng Magulang


• Ang magulang at ang pamilya ng bata ay maaaring isama sa intervention
program.
• Ang magulang na nagpabaya sa bata kaya ito nakagawa ng bagay na labag sa
batas ay mananagot sa pagbayad ng mga danyos sa biktima.
COURSE CONTENT/Abitria 17

6.: RESTORATIVE JUSTICE

6.1. Ano ang Restorative Justice


• Ang restorative justice, katulad ng retributive justice, mediation at arbitration ay
isang pananaw para maayos ang epekto ng krimen.
• Ang restorative justice ay ang proseso kung saan lahat ng partido na may
kinalaman sa nangyaring krimen ay nagtatagpo tagpo upang sabay sabay nilang
pag-usapan kung paano nila haharapin ang epekto ng krimen, at ang mga
kahihinatnan nito sa hinaharap.1
• Mga elemento ng Restorative Justice2
⁃ Ang restorative justice ay nakatutok sa resulta ng pag-uusap matapos na
akuin ng may sala ang kanyang pananagutan. Hindi nakatutok ang
restorative justice sa paghanap kung sino ang sisihin. Sa restorative
justice na pananaw, hinihimok na akuin ng may sala ang kanyang
pananagutan.
⁃ Palaging binibigyan ng pagkakataong makapagharap o makapag-usap
ang tatlong partido sa krimen. Ang tatlong partido sa krimen ay ang
biktima, may-sala at ang pamayanan.
⁃ Hindi katulad sa retributive justice na nagiging testigo na lamang ang
biktima, sa restorative justice, ang biktima ay may aktibong gampanin sa
pagsasaayos ng epekto ng krimen.
⁃ Hindi katulad sa retributive justice, impormal lamang ang pag-uusap sa
restorative justice. Layon nito na makapagpahayag ang bawat partido.
⁃ Layunin ng restorative justice na papanagutin ang may-sala
⁃ Layunin din ng restorative justice na matulungang gumaling o maka-
recover ang biktima.
• Ang Restorative Justice ay tungkol sa mga pangangailangan at gampanin ng
bawat partido3
Pangangailangan ng Obligasyon ng May-sala Obligasyon ng Pamayanan
biktima
COURSE CONTENT/Abitria 18

Impormasyon tungkol sa Magsabi ng totoo Siguruhin na ang proseso


nangyari ay maghihikayat sa may-
sala na magsabi ng
katotohanan
Empowerment Panagutan ang nagawang Suportahan ang biktima na
kasalanan muling maibalik ang lakas
at tiwala sa sarili
Restitution/Vindication Panagutan ang nagawang Siguraduhing
kasalanan mapapanagutan ng may
sala ang kanyang
kasalanan
Pangangailangan ng May- Obligasyon ng Biktima Obligasyon ng Pamayanan
Sala
Mapanagutan ang nagawa Tanggapin at irespeto ang Tulungan ang may-sala na
ginagawa ng May-sala mapanagutan ang ginawa.
Magbago Tanggapin at irespeto ang Tulungan ang may sala na
pagsisikap ng may-sala magbagong buhay sa
pamamagitan ng iba't
ibang program at suporta.
Makabalik sa pamayanan Matapos na panagutan ng Tulungan ang may-sala na
may-sala ang kasalanan, makabalik sa pamayanan
magbigay ng pagkakataon at tuluyan ng magbagong
para sa lahat. buhay.

Pangangailangan ng Obligasyon ng May-sala Obligasyon ng Biktima


pamayanan
Pagkilala sa pamayanan Panagutan ang kasalanan
bilang biktima sa pamayanan.
COURSE CONTENT/Abitria 19

Pagkakataong makatulong Tanggapin ang tulong Tanggapin ang tulong


sa mga apektado ng
krimen
Maniguro na hindi na Magbagong buhay
mangyayaring muli ang
pagkakasala
• Buod ng Restorative Justice

6.2. Ang Restorative Justice conferencing


• Ang restorative justice conferencing ay ang pamamaraan upang ang pananaw
ng restorative justice ay maisakatuparan.
• Ang Restorative Justice Conference ay isasagawa lamang kapag nakausap na
ng facilitator ang lahat ng partidong may kinalaman sa pagsasaayos ng krimen at
kapag handa na sila.
• Hindi dapat minamadali ang pag-uusap ng mga partido. Minumungkahi na gawin
ang Restorative Justice Converencing pagkatapos ng hindi baba sa limang araw
pagkatapos ng pangyayari.
• Script ng Restorative Justice Conference4 para sa mga facilitator.
COURSE CONTENT/Abitria 20

STEP 1: Magandang araw, ako si (pangalan ng facilitator), at ako ay


Panimula naatasang magfacilitate ng meeting na ito. (Ipakilala ang bawat isa).
Nakausap ko na kayong lahat tungkol sa pangyayari noong
(magbigay ng buod ng pangyayari). Inamin na ni (pangalan ng may
sala) na siya ang may pananagutan. Nandito tayo ngayon para pag-
usapan kung paano natin haharapin ang mga epekto ng
pangyayaring iyon.
Nais ko kayon paalalahanan na nandito tayong lahat para pag-
usapan yung nangyari at hindi ang pagkatao ng bawat isa. Mamaya,
aanyayahan ko kayong magsalita kung paano kayo naapektuhan ng
mga nangyari. Matutulungan nito ang lahat upang malaman nating
lahat kung ano ang dapat nating gawin at paano natin maitatama ang
mga pagkakamali.
(Magdagdag ng mga alituntunin na nais nyong sundin sa pag-uusap)
STEP 2: Nais kong magsimula sa pagtatanong kay (pangalan ng may-sala)...
Paglalahad • Ano ang nangyari at paano ka nasama sa mga pangyayari?
ng may-sala (Ipakwento ang buong nangyari)
• Ano ang nasa isip mo habang ginagawa mo yun?
• Matapos ang nangyari, ano mga naglaro sa isipan mo?
• Paano nakaapekto sa iba ang mga ginawa mo?
• May nasaktan ka ba?
• Ano ang pinakamahirap para sa iyo?
STEP 3: Nais ko naman tanungin si (pangalan ng biktima)...
Paglalahad • Ano ang nangyari at paano ka nasama sa mga
ng biktima pangyayari? (Ipakwento ang buong nangyari)
• Ano ang nasa isip mo habang ginagawa mo yun?
• Matapos ang nangyari, ano mga naglaro sa isipan mo?
• Paano ka naapektuhan ng mga nangyari?
• Nasaktan ka ba? Ano pa ang naramdaman mo?
• Ano ang pinakamahirap para sa iyo?
COURSE CONTENT/Abitria 21

STEP 4: Nais ko namang tanungin ang ibang mga tao na naaepektuhan ng


Paglalahad mga nangyari (magsimula sa magulang ng may-sala, magulang/
ng iba pang supporter ng biktima, at iba pang mga dumalo sa pagtitipon)
mga dumalo
STEP 5: Babalikan ko lang si (pangalan ng may sala)...
Mga muni- • Ngayong narinig mo na kung paano naapektuhan ng iyong
muni ng ginawa si (pangalan ng biktima) at ang iba pang mga
may-sala nandirito...
⁃ Nararamdaman mo ba ang sakit na naidulot mo sa
kanila?
⁃ May gusto ka bang sabihin sa kanila ngayon?
⁃ Sa tingin mo, may kailangang gawin para maitama ang
mga nangyari?
STEP 6: Ano naman sa tingin mo ang dapat mangyari, (pangalan ng biktima)?
Mga muni-
muni ng
Biktima
STEP 7: Ano ang masasabi mo sa mungkahi ni (pangalan ng biktima)?
Balik sa
May-sala
STEP 8: • Ano ang pakiramdam ninyo sa mga nasabi dito ngayon?
Balik sa • Ano ang gusto ninyong makita pagkatapos ng pagtitipon na
Biktima at ito?
lahat ng mga
dumalo
STEP 9: • Ano ang pakiramdam ninyo sa mga nasabi dito ngayon?
Balik sa
may-sala
STEP 10: GUMAWA NG KONTRATA NG LAHAT NG MGA NAPAG-USAPAN
Kontrata
COURSE CONTENT/Abitria 22

STEP 11: • Sa tingin mo ano ba ang dapat mong ginawa noon?


Pag proseso • May mga pwede ka ba sanang gawin noon?
sa lahat ng • Ano ba ang mga natutunan mo sa meeting ngayon?
kasali.
STEP 12: Bago natin tapusin ang pagpupulong na ito, nais kong itanong kung
Huling mayroon pang gustong magsalita?
pananalita
STEP 13: Maraming salamat sa oras ninyo at sa pagdalo sa pagtitipon na ito.
Pagtatapos Nawa, ang pagtitipon na ito ay makatulong sa ating lahat na harapin
ang mga epekto ng pangyayaring ito.
COURSE CONTENT/Abitria 23

7.: DIVERSION

7.1. Ano ang Diversion


• Ang "diversion" ay isang pambatang proseso na hindi na dumadaan sa korte
para malaman ang pananagutan ng isang CICL, pati na rin kung paano siya
tutulungan at susuportahan base sa nakagisnan nyang pamayanan, kultura,
kabuhayan, pag-iisip at edukasyon.
• Mga prinsipyong sinusunod sa pagsasagawa ng diversion
⁃ Pagpapatupad ng restorative justice na pananaw at paggamit ng
restorative justice conferencing kung pwede.
⁃ Paggamit ng positibong mga pamamaraan
⁃ Paggamit at pagpapagalaw ng mga resources o yaman na available sa
barangay
⁃ Best interest of the child

7.2. Sino ang maaaring sumalalim sa diversion sa Barangay


• Mga CICL na may edad lagpas 15 taong gulang. Ang batang 15 taong gulang
pababa ay di sumasailalim sa diversion dahil sila ay walang kriminal na
pananagutan.
• Mga CICL na may discernment. Ang CICL na walang discernment ay walang
kriminal na pananagutan.
• Ang paglabag sa batas ay may kaparusahang hindi lalagpas ng anim (6) na
taong pagkabilanggo.
• Inako ng bata ang kanyang pananagutan. Kapag hindi inako ng bata ang
kanyang pananagutan, hindi pwede magkaroon ng diversion.

• Dapat ring tandaan na hindi kailangan ang pagsang-ayon ng biktima upang


isagawa ang diversion. Kahit hindi sang-ayon ang biktima sa diversion, tuloy pa
rin ang diversion.

7.3. Sino ang namumuno sa diversion sa barangay


COURSE CONTENT/Abitria 24

• Ang mangangasiwa sa diversion ay ang Diversion Committee na pamumunuan


ng Punong Barangay bilang tagapamuno ng Lupong Tagapamayapa.
• Ayon sa batas, ang diversion ay isinasagawa sa loob ng Katarungang
Pambarangay.
• Ang mga kasapi sa diversion committee ay:
⁃ Local Social Welfare and Development Officer (LSWDO);
⁃ Barangay Kagawad (Chairperson of the Committee on Children, Women
and Family)
⁃ Member of the Lupong Tagapamayapa;
⁃ Member of the Barangay Council for the Protection of Children;
⁃ Chief Tanod;
⁃ Member of Task Force on Child and Youth Development in the Barangay;
⁃ NGO Representative;
⁃ PTA President; and
⁃ Representative of a faith-based organization.
• Mga tungkulin ng Diversion Committee
⁃ Magtalaga ng facilitator at documenter sa gagawing diversion
conferencing
⁃ Magtalaga ng case manager sa kaso ng bata
⁃ Magtalaga ng kinatawan ng pamayanan sa diversion conferencing
⁃ Alamin kung nararapat ang diversion
⁃ Alamin kung bakit naging CICL ang bata at alamin kung ano ang mga
pangangailangan ng bata para hindi na maulit ang pangyayari.
⁃ Alamin kung anu-anong mga tulong at suporta ang maaaring ibigay sa
bata upang matugunan ang mga sanhi ng kanyang pagiging CICL.
Alamin din ang mga nararapat na program para sa bata para siya ay
magbago.
⁃ Alamin ang mga pangangailangan ng biktima at alamin din kung paano
matutulungan ang biktima.

7.4. Ang Diversion Proceedings


COURSE CONTENT/Abitria 25

• Mga steps sa diverison proceedings:


1. Matapos na ipasa sa diversion committee ang kaso ng bata, alamin ng
diversion committee kung nararapat ang diversion ayon sa 7.2 - Sino ang
maaaring sumalalim sa diversion sa Barangay.
2. Interbyuhin at kausapin ang bata upang malaman kung ano ang sanhi ng
paglabag nya sa batas. Alamin din kung ano ang mga pangangailangan
ng bata upang siya ay matulungang magbago.
3. Tanungin kung payag ang CICL at ang kanyang magulang na sumailalim
sa diversion. Kapag pumayag, iset ang diversion conference sa angkop
na araw at lugar.
4. Interbyuhin at kausapin ang biktima upang malaman kung ano ang nais at
ano ang kailangan ng biktima para matulungan itong makarecover mula
sa krimeng nangyari. Kung pumayag, anyayahang dumalo sa araw at
lugar kung kailan naiset ang diversion conferencing.
5. Sa araw at lugar na itinakda, isasagawa ng facilitator ang diversion
conferencing gamit 6.2 - Ang Restorative Justice conferencing.
6. Kapag nagkasundo na ang diversion committee at ang CICL at ang
kanyang magulang, pirmahan ang diversion contract.
• Mga dapat ilagay sa diversion contract
1. Ang mga kasunduan sa diversion proceedings;
2. Mga pananagutan ng CICL at ng kanyang magulang sa biktima;
3. 7.5 - Mga Diversion Programs na pwede sa barangay na pagdadaanan ng
CICL at ng kanyang magulang;
4. Sa tuwing kailan magrereport ang CICL sa case manager;
5. Gaano katagal ipapatupad ang Diverison Contract.
• Mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng diversion proceedings
⁃ Siguraduhin ang confidentiality ng proseso.
⁃ Siguraduhing pambata ang proseso.
⁃ Siguraduhing nauunawaan ng bata ang proseso
• Kailan natatapos ang diversion proceedings
COURSE CONTENT/Abitria 26

⁃ Kapag napirmahan na ang diversion contract, tapos na ang diversion


proceedings; o kaya
⁃ Kung sabihin ng CICL at ng kanyang magulang na ayaw na nilang
ipagpatuloy ang diversion; o kaya
⁃ Kung nakalipas na ang 45 na araw ay hindi pa rin nagkakasundo ang
diversion committee at ang CICL at ang kanyang magulang.
• Flowchart

7.5. Mga Diversion Programs na pwede sa barangay


• Pagbabalik ng bagay na kinuha;
• Pagsasaayos ng bagay na nasira;
• Pagbayad sa halaga ng bagay na hindi na maibalik o maisaayos;
• Pagbayad sa mga danyos perjuicios;
• Paghingi ng tawad sa biktima;
• Care, guidance at supervision orders;
• Counseling para sa CICL at para sa kanyang pamilya;
• Pagpunta sa mga trainings at seminars tungkol sa:
⁃ Anger management;
⁃ Pag-ayos ng problema;
COURSE CONTENT/Abitria 27

⁃ Paghubog ng pagpapahalaga;
⁃ Iba ibang mga kasanayan na makakatulong sa bata sa pagharap sa mga
sitwasyon na maaaring magtulak sa kanya na bumalik sa pagiging CICL.
• Paglahok sa iba't ibang programa sa pamayanan pati na sa community service.
• Paglahok sa mga programang pang edukasyon, pangkabuhayan pati na rin sa
life skills.

7.6. Pagpapatupad ng Diverison Contract


• Matapos mapirmahan ang diversion contract, kailangang alalayan ng diversion
committee at ng case manager ang bata upang matupad ang diversion contract.
• Kapag natupad ang diversion contract, isasara na ng diversion committee ang
kaso at makakapagsimula nang muli ang bata.
• Kapag hindi naman natupad ang diversion contract, at ito ay pinatunayan ng
LSWDO, maaari ng ituloy ng biktima ang pagsampa ng kaso sa korte laban sa
CICL.
COURSE CONTENT/Abitria 28

8.: PAANO GUMAWA NG INTERVENTION

8.1. Credits
Ang session na ito ay hango sa module ng Humanitarian Legal Assistance
Foundation, Inc. na binuo sa tulong nina Jun Tumamao, RSW, Luis Singgangan, RSW,
Juanito S. Vinluan, RSW at Claudette Averilla Almadin, RSW.

8.2. Ang paghawak ng kaso ng CAR at CICL


• Mga layunin sa paghawak ng kaso
⁃ Tugunan ang epekto ng problema
⁃ Ayusin ang mga nasirang relasyon
⁃ Paunlarin at palakasin ang mga kasanayan
⁃ Siguraduhin ang kaligtasan ng pamayanan
• Mga prinsipyo sa pag hawak ng kaso
⁃ Dapat tanggapin ng case manager ang bata at ang kanyang sitwasyon.
⁃ Siguraduhin ang confidentiality ng kaso.
⁃ Kilalanin ang pagkakaiba iba ng mga bata kaya iba iba din ang programa
para sa kanila.
⁃ Huwag husgahan ang bata.
⁃ Kontrolin ang sariling emosyon at wag magpaapeto sa trabaho
⁃ Palabasin ng may layunin ang pakiramdam ng bata
⁃ Hikayating magpasiya ang bata at irespeto ang kanyang desisyon kung ito
ay para sa kanyang ikabubuti.

8.3. Ang proseso ng paggawa ng Intervention


1. Pagkuha ng mga datos tungkol sa bata.
⁃ Interbyuhin ang bata
⁃ Interbyuhin ang kanyang magulang at mga taong malapit sa kanya
2. Alamin kung ano ang problema ng bata.
⁃ Alamin kung ano ang sanhi bakit siya naging CAR o kaya'y naging CICL.
⁃ Alamin kung may mga karapatan sa survival, development, protection at
participation ang bata na nalabag.
COURSE CONTENT/Abitria 29

⁃ Alamin kung ano ang problema sa pamilya at sa pamayanan.


⁃ Alamin kung kaya ng barangay matugunan ang problema ng bata.
3. Kung kaya ng barangay matugunan ang mga problema ng bata, gumawa ng
"Helping Plan" o plano kung paano matutulungan ang CAR o CICL
⁃ Ang helping plan ay dapat tutugon sa mga problemang natukoy ayon sa
mga datos na nakalap sa bata at sa kanyang pamilya.
⁃ Dapat ang helping plan ay holistic at rights based.
⁃ Dapat kasali ang bata sa pagdedesisyon kung anong mga programa ang
pwede nyang pagdaanan.
4. Ipatupad ang helping plan.
5. I evaluate ang pagpapatupad ng helping plan.
⁃ Mahalagang kasama ang bata sa pag evaluate kung nakatulong nga ang
programa sa kanya.
6. Kung malalim ang problema ng bata at hindi kaya ng barangay ito matugunan,
ipasa ang kaso ng bata sa tamang ahensya na makakatulong sa bata.

1. {Marshall, 1996 #240}


2. {Daly, 2007 #237}
3. {Zehr, 2003 #223}
4. http://www.rain-norfolkschools.org.uk/wp-content/uploads/2011/downloads/
RA_conference_script.doc

You might also like