You are on page 1of 148

Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council

Office of the Vice Mayor

Katatagan Kontra
Droga sa Komunidad
Resilience Against Drugs:
Intensive Outpatient Program
MODULE 1
• ORYENTASYON
NILALAMAN:
• Ang Programa
• Panuntunan at mga inaasahan sa kalahok
• Dahilan ng paggamit at pagkalulong sa droga
• Yugto sa paggamit ng droga at palatandaan ng adiksyon
PAGBATI:
Magandang umaga/hapon. Malugod namin kayong
tinatanggap sa programang pinamagatan
naming Katatagan Kontra Droga sa Komunidad.
Isinasagawa ang programang ito bilang suporta
sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
para mabigyan kayo ng mga kasanayan na
nawa'y makatulong sa inyo sa pagiging matatag
sa inyong pagbabagong buhay.
PAGPAPAKILALA:
Sasabihin ng bawa't isa ang pangalan nila at isang
paborito pwedeng (artista, pagkain, gawain etc)
HILIMBAWA: Ako si ____paborito ko ang ____.
Pagkatapos, ang susunod ay sasabihin ang pangalan at
paborito mo at ang pangalan at paborito niya.
HALIMBAWA: Ikaw si _____ paborito mo ay _____. Ako
si ___ paborito ko ay _____. Ituloy lang ang
pagpapakilala hanggang nakapagpakilala na ang
lahat.
Salamat po sa pagdalo ninyo ngayon. Ang
programang ito ay para sa mga nais
matuto na umiwas na sa droga. Nais ninyo
bang mabuhay ng malaya sa Droga?

BALANGKAS NG PROGRAMA:
KKDK Intensive Outpatient Modules
MODULE 1 - Oryentasyon
MODULE 2 - Epekto ng Droga sa Utak at Katawan
MODULE 3 - Epekto ng Droga sa Tao at Kapaligiran
MODULE 4 - Kahalagahan at Kahandaang Magbago
MODULE 5 - Kakayahang Labanan ang Pananabik sa Droga
MODULE 6 - Pag-iwas sa Tukso sa Kapaligiran
MODULE 7 - Kakayahan sa Pagtanggi
MODULE 8 - Pag-iwas sa Pagkadulas at Muling Pagkakulong
MODULE 9 - Kalusugan
MODULE 10 - Kalooban – Pakiramdam
MODULE 11 - Kalooban – Paniniwala
MODULE 12 - Pagkilala sa Landas Tungo sa Droga at Pagplano kung Paano
Maiwasan Ito
KKDK Intensive Outpatient Modules
MODULE 13 - Pakikipagkapwa: Epektibong Pakikinig
MODULE 14- Pakikipagkapwa: Asertibong Komunikasyon
MODULE 15 - Pagbabalik Loob
MODULE 16 - Kalutasan
MODULE 17 - Kalakasan
MODULE 18 - Kabuluhan at Kinabukasan
FAMILY MODULES:
MODULE 19 - Paglilinaw at Pag-unawa sa Problemang dulo’t ng Droga
MODULE 20 - Kakayahan sa Pakikipagkomunikasyon
MODULE 21 - Usapang Pamilya
MODULE 22 - Pamilya at Paggamit ng Droga
MODULE 23 - Tunguhin sa Hinaharap
MODULE 24 - Paghakbang sa Pamilyang Bumabangon
TANONG:
- Sa tingin ninyo ba ay makakatulong ang
mga sumusunod na modyul sa inyo?
- Gusto ninyo pa bang ipagpatuloy ang
pagdalo sa programang ito?
Maliban sa maari nating matutunan mahalaga rin ang
magiging papel ng grupong ito sa inyong buhay dahil ang
mga kasamahan ninyo ngayon ay maaaring maging
suporta ninyo.
Gayun din, isa sa maari nating maging kasangga ay
ang ating mga kapamilya. Ang mga kapamilya ay may
gagampanan ring papel sa programang ito.
Halimbawa, may mga pagkakataon na aatasan ang mga
kalahok na makipag-usap sa kanilang pamilya tungkol
sa paggamit ninyo ng droga. Gaya rin ng naipaliwanag
na balangkas ng programa, iimbitahin muli ang mga
kapamilya na dumalo sa mga modyul na pampamilya.
Pangalang ng Grupo:

Ngayon naman, pag-uusapan natin ang ilang


alintuntunin habang tayo ay nasa online session.
Mahalaga sa ating mga sesyon na matuto tayong
makinig sa isa't isa.
TANONG:
1. Paano ninyo ba nalalaman kung kayo ay di
pinapakinggan?
2. Ano ang pakiramdam?
3. Paano ninyo ba nalalaman kung kayo ay
pinapakinggan?
4. Ano ang pakiramdam?
MGA ALITUNTUNIN:
1. Oras ng pag-uumpisa
2. Pagsuot ng facemask at faceshield sa lahat
ng oras.
3. Pagdadala ng sariling pansulat/ballpen..
4. Pagsusuot ng maayos na damit(bawal ang
short, tsinelas, sando, jersey).
Dahil magsasama tayo ng ilang buwan,
kilalanin ang isa't isa. Maaari ninyo bang
ikwento ang nangyari sa buhay ninyo
kung bakit kayo napagamit ng droga at
nakulong?
TANONG:
Base sa inyong mga karanasan, ano ang
dahilan kung bakit gumagamit at nalululong
ang tao sa droga?

SHARING:
Iba't - iba nga ang mga dahilan kung
bakit nalululong o gumagamit ng droga
ang mga tao. Alamin natin ang iba pang
kadahilanan.
Mga rason kung bakit gumagamit at
nalululong ang mga tao sa DROGA?
URI NG DROGA
Ang mga droga tulad ng SHABU ay malakas makalulong dahil sa dulot
nitong “high” na di mapantayan ng natural na pamamaraan.

KAPALIGIRAN
• Kakayahang makakuha ng droga
• Pamimilit ng kaibigan
• Paggamit ng droga sa pamilya
• Magulong pamilya, kawalan ng pinuno, hindi maayos na pagpapalaki sa anak
• Karanasang may kaugnayan sa pang-aabuso o trauma
• Patong-patong na problema
KATANGIAN NG TAO
• Edad ng gumamit
• Kasarian
• Pagkabagot
• Kawalan ng kakayahang humarap sa problema sa buhay at
pakikipagkapwa
• Kawalan ng koneksyon o suporta mula sa pamilya, kaibigan, Diyos
o anumang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay
• Katangian
• Genetiko
• Sakit sa pag-iisip
Mga Yugto sa Paggamit ng Droga
At Palatandaan ng Adiksyon
Mga Palatandaan ng Adiksyon
1. Paggamit ng higit sa mas madami o pagamit ng
mas matagal.
2. Patuloy na pagnanais tumigil pero walang
kakayanang kontrolin ang paggamit.
3. Paglaan ng madaming oras sa pagkuha,
paggamit o paggaling mula sa epekto ng droga.
4. Pagnanais gumamit/giyang.
5. Kawalan ng kakayahang ganapin ang mga
responsibilidad sa trabaho, pamilya o paaralan
dahil sa paggamit ng droga.
Mga Palatandaan ng Adiksyon
7. Patuloy na paggamit kahit na may masamang
epekto ito sa mga relasyon.
8. Pagtalikod sa mga mahahalagang panlipunan,
pangtrabaho, o panlibangan na aktibidad dahil
sa paggamit ng droga.
9. Tuloy-tuloy na paggamit kahit may panganib na
dulot nito.
10. Patuloy na paggamit kahit may pisikal o
sikolohikal na problema na maaaring idulot o
palalain nito.
11. Pangangailangang gumamit ng mas madami
para makamit ang inaasahang epekto/high.
12. Pagkakaroon ng mga pisikal na sintomas o
withdrawal kapag hindi gumagamit.
TANONG:
Bago tayo magtapos, ano ba ang natutunan
ninyo sa ating sesyon ngayon?

SHARING:
BUOD:
SUSUNOD NA SESYON,
tatalakayin natin ang epekto ng droga
sa utak at katawan.
PAGTATAPOS

Paano ninyo gustong tapusin ang


ating online session?
Maraming Salamat sa
Pagdalo!
MODULE 2
EPEKTO NG DROGA SA
UTAK AT KATAWAN
MAGANDANG ARAW!
Kamusta kayo ngayon?
MALIKHAING PAGSASANAY SA
PAGHINGA
• Humanap ng kumportableng posisyon
• Maaaring ipikit ang mata
1. Kamusta kayo?
2. Ano ang napansin ninyo sa inyong katawan,
damdamin o pag-iisip pagkatapos ng
pagsasanay?
3. Paano kaya makakatulong sa inyo ang
paggawa ng pagsasanay sa paghinga?
Ang pagsasanay sa paghinga ay isang paraan ng paghahasa sa
sarili para sa sesyon. Ito rin ay nakakatulong upang mas maging
aware o magkaroon ng higit na kamalayan sa nangyayari sa
ating kalooban - pagpansin sa isip, damdamin, at
nararamdaman sa katawan. Ang pagpansin sa ating kalooban
ay maaaring makatulong upang mas makontrol natin ang ating
mga reaksyon. Kung kaya't mula sa sesyon na ito hanggang
matapos ang programa ay sisimulan natin ang bawat sesyon sa
pagsasanay na ito sa paghinga. Maaari din ninyong gawin ang
pagsasanay na ito sa labas ng sesyon, sa mga pagkakataon na
nais ninyong pansinin ang inyong kalooban o kaya ay marami
kayong iniisip at gusto ninyong bigyan ang inyong sarili ng
“break” upang ihanda ang inyong sarili para sa susunod na
gawain. Maaari din niyo itong gamitin upang kumalma.
Ngayong araw pag-uusapan natin ang
epekto ng droga sa utak at katawan.
NUGGETS!
Ngayong araw pag-uusapan natin ang
epekto ng droga sa utak at katawan.
NUGGETS!
TANONG:
1. Ano ang reaksyon ninyo sa palabas?
2. Base sa napanood ninyo at inyong
karanasan, bakit nalululong ang tao sa
droga?
Alamin natin ang epekto ng droga sa utak.
Alam ba ninyo na isa sa mga pangunahing tungkulin ng
ating utak ay ang pagpapadala ng mga mensahe sa ibat-
ibang parte ng katawan?
Ang ating utak ay may mga maliliit na mensahero na ang
tawag ay “nerve cells” na siyang nagdudugtong-dugtong
para maipasa ang mga mensahe. Itong mga mensahe ang
nagbibigay hudyat sa ating katawan sa iba't-ibang mga
aktibidad tulad ng pagkain, pagtulog, at paggising. Ang
mga nerve cells din ang nagpapasa ng mga mensaheng
kaugnay sa ating mga emosyon tulad ng saya, lungkot o
kaya takot.
May mga kemikal ang utak natin na nag-iimpluwensya ng ating emosyon o
mga galaw. Halimbawa, ang dopamine ay nagdudulot ng kasiyahan.
Kapag binigyan ka ng 1 bola na may dopamine-saya ang nagiging pakiramdam
mo ay masaya.
Ipakita ang saya:
Ang droga ay nakakaapekto sa ating utak kapag nagpapalabas ito ng
maraming dopamine. Ang shabu at cocaine ay nagpapalabas ng
madaming dopamine kaya gising na gising at masayang masaya ang isang
tao at di nakakaranas ng gutom. Sa umpisa, tulad ng bola na ibinigay sayo,
maaaring pakonti-konti lamang ang paggamit ng droga. Pero pagtagal,
maaaring mas maparami ang paggamit ng droga.
Kapag binigyan ka ng 4 na bola ng dopamine - saya.
Ipakita ang sobrang saya:
Sa simula, ang epekto ay maaaring okay lang, ngunit, dahil ang
droga ay hindi natural o galing sa ating katawan, nililinlang nito
ang ating utak sa pag-aakalang ang presensya ng droga ay
normal. Ito ay mapanganib sapagkat kung wala na ang droga,
makakaramdam ang isang tao ng kakulangan o hindi pagiging
normal ng katawan. Gaya ng maraming bola, maaaring mag-
udyok na gumamit nang gumamit ng mas maraming droga
upang makuha ang bagong normal na pamantayan ng katawan,
o para maranasan ang pagiging “high”. Ito ay isang senyales ng
adiksyon.
Ang GABA naman ang siyang nagpapakalma sa ating utak at
katawan.
Halimbawa: Kapag binigyan ka ng 1 bola na ang pangalan ay gaba
ang nagiging pakiramdam mo ay kalmado.
Ipakita ang kalmado:
- Kahit hindi siya bawal, ang alcohol ay mayroon ding epekto na
tulad ng illegal na gamot. Ang alkohol naman ay nagpapalabas
ng parehong Dopamine at GABA na nagpapakalma pero
nagdudulot ng kawalan ng kontrol o di magandang epekto sa
kakayanan. Alamin natin kung anu-ano ang mga kakayanang
naapektuhan ng pag-inom ng alkohol o paggamit ng droga.
Halimbawa:
1. ala-ala 2. pag-iisip 3. konsentransyon 4. pagkilos 5. paningin 6.
pangdinig, panglasa, pangamoy.
Maliban sa utak, may epekto din ang droga sa katawan.

Ngayon naman ay magdikit kayo ng masking tape sa bahagi ng


katawan na naapektuhan ng droga.
SHARING:

“Epekto ng Droga”
EPEKTO NG DROGA SA UTAK AT KATAWAN
• Tuyong bibig • Pinsala sa pag-iisip
• Problema sa ngipin • Pagkasira ng bait
• Kawalan ng gana • Pinsala sa utak

• Balisa • Sakit sa puso


• praning • Pagtaas ng presyon
• Sakit sa bato
• Sakit sa baga
• Pakikipag-away • Sakit sa atay
• Pagkabayolente • Sakit sa tiyan
• Krimen • Pagkabaog
• Problema sa relasyon / • HIV
hiwalayan • Kalusugan ng sanggol
• Pabaya sa responsibilidad

• Malnutrisyon
• Kawalan ng trabaho • Kulubot na balat
• Walang pera • Panginginig
TANONG:
Ngayon na nakita ninyo ang epekto ng droga at nadagdagan
ang inyong kaalaman tungkol sa droga, ano ang inyong
reaksyon?

SHARING:
Alam namin na hindi madali ang pagtigil sa paggamit ng
droga. Kaya kayo nandito sa programa para matulungan
kayo na madebelop ang inyong kakayahan na tumigil sa
paggamit ng droga.

PABAONG GAWAIN:
Magtanong sa pamilya kung ano ang nakita nilang pisikal na
epekto ng droga sa inyo. Isulat ito sa papel.
SUSUNOD NA SESYON, tatalakayin natin ang iba pang epekto
ng droga.
PAGTATAPOS

Paano ninyo gustong tapusin ang


ating online session?
Maraming Salamat sa
Pagdalo!
MODULE 3
EPEKTO NG DROGA SA
TAO AT KAPALIGIRAN
MAGANDANG ARAW!
Kamusta kayo ngayon?
MALIKHAING PAGSASANAY SA
PAGHINGA
• Humanap ng kumportableng posisyon
• Maaaring ipikit ang mata
BALIKTANAW SA NAKARAANG MODULE
PABAONG GAWAIN:
Magtanong sa pamilya kung ano ang nakita nilang
pisikal na epekto ng droga sa inyo. Isulat ito sa
papel.

SHARING:
Ngayon naman pag-uusapan natin ang iba pang epekto ng
droga. Pero bago natin gawin ito, panoorin natin itong
video.

TAGHOY SA DILIM
TANONG:
1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa
palabas?
2. Meron bang bahagi na tulad din ng
iyong karanasan?

SHARING:
Isang rason ng paggamit ng droga ay dahil sa
benepisyo na naidudulot nito. Tulad ng nakita natin
sa video, ginagamit nila ang droga dahil nakatulong
ito na sila ay makalimot. pumayat, at magpalakas.
TANONG:
Kayo, ano ang naging benepisyo sa inyo ng droga?
SHARING:
Ngayon naman, pag-usapan natin ang di
nakabubuting epekto ng droga sa ating buhay.

'EPEKTO NG DROGA'
EPEKTO NG DROGA
PANANDALIANG EPEKTO PANGMATAGALANG EPEKTO
• Di-magandang pakiramdam o • Pinsala sa utak at mga ugat
pagsusuka • Pinsala sa pag-iisip
MEDIKAL • Pananakit at problema sa tiyan • Sakit sa puso, diyabetes at
• Pinsala sa ulo dala ng kanser
pagkahulog • Nakakahawang sakit
• Iba pang aksidente at pinsala • Problema sa pagtulog at sa
• Pagkalunod ngipin
• Di-sinasadyang overdose
PANANDALIANG EPEKTO PANANDALIANG EPEKTO

• Pakikipagtalo • Problema sa pamilya


• Pakikipag-away • Problema sa asawa
SOSYAL • Karahasan sa • Problemsa sa trabaho
pamilya • Napabayaang mga anak
• Pang-aabusong • Kawala ng pagkain sa
sekswal bahay
• Pang-aabuso sa bata • Problema sa pag-aaral
PANANDALIANG EPEKTO PANANDALIANG EPEKTO
• Pagkalango • Pagkakulong dahil sa
• Pinsalang kriminal pagtataglay ng droga
• Pagmamaneho nang • Hindi pagbabayad ng mga
LEGAL lango sa droga bayarin
• Pananakit • Pagbebenta ng droga
• Di-sinasadyang pagpatay
PANANDALIANG EPEKTO PANANDALIANG EPEKTO

• Pagkaubos ng kita • Pagkatanggal sa trabaho


EKONOMIK • Hindi kailangan na • Gastos sa ospital
O gastos • Pagkawala ng ari-arian
• Pagbebenta ng sarili
EPEKTO NG DROGA SA AKIN
(Worksheet)

Kalusugan

Relasyon

Trabaho

Pinansyal

Legal

Spiritwal
May dalawang kolum na makikita sa worksheet.
Makikita ninyo ang kolum na may 'thumbs up'.
Isulat kung anu-ano ang mabuting naidulot sa
inyo ng paggamit ng droga. Ilagay ang mga sagot
sa hilera kung ito ay epekto sa katawan natin, sa
ating mga relasyon, atbp.
Makikita naman sa kabila ang 'thumbs down'.
Isusulat kung anu-ano ang hindi mabuting
naidulot sa inyo ng paggamit ng droga. Ilagay ang
mga sagot sa hilera kung ito ay epekto sa katawan
natin, sa ating abilidad na magtrabaho, at sa ating
relasyon, atbp.
SHARING:
TANUNGIN:
Ano ang nakikita ninyo tungkol sa mga
positibo at negatibong epekto ng
droga sa inyo?

SHARING:
TANUNGIN:

Ano kaya sa tingin ninyo ang mangyayari


kung di na gagamit ng droga?

SHARING:
Ngayon naman, talakayin natin ang mga
paniwala sa paggamit ng droga.
Isulat sa papel kung “tama o mali” ang
paniniwala ninyo sa aking babasahin
sa paggamit ng droga.
Mga Maling Paniniwala tungkol sa Paggamit
ng Droga

MALING PANINIWALA TAMANG PANINIWALA


1. Lahat ng gumagamit ng droga ay adik HINDI lahat ng gumagamit ng droga ay
adik.

2. Sapat na ang kagustuhang tumigil sa Kapag hindi pa lulong ang tao, maaari
paggamit upang huminto ang isang tao silang tumigil ng mag-isa. Pero kapag
sa paggamit ng droga. umabot na sa adiksyon, maaaring wala
nang kontrol ang tao dahil naaapektuhan
na ng droga ang kanyang pag-iisip.
MALING PANINIWALA TAMANG PANINIWALA
3. Kapag naging adik habang buhay Maraming taong lulon sa droga ang
nang adik. nakakapag-bagong buhay. Kailangan lang ng
wastong pagtulong sa kanila.

4. Kailangan munang sumayad o masira Hindi kailangan umabot ng tao sa pagkasira ng


ang buhay bago makapagbago. buhay upang magbago. Ang iba’t-ibang
treatment ay makakatulong sa pag-iwas sa
adiksyon o muling paggamit ng droga.

5. Lahat ng gumagamit ng droga ay Ang mga nangangailangan ng tulong ng


kailangan ng tulong ng propesyonal propesyonal ay ang nag-assess ng moderate at
(hal, doktor, sikolohista, atbp.) severe risk na users. Ang low at mild risk users
ay maaaring tulungan sa komunidad ng trained
facilitators.
MALING PANINIWALA TAMANG PANINIWALA
6. Makasalanan, walang prinsipyo a Ang paggamit ng droga ay dulot ng maraming
walang pagpapahalaga ang bagay tulad ng hindi magandang karanasan sa
gumagamit ng droga. pagkabata, impluwensya ng barkada, problema sa
pamilya, personalidad, uri ng droga, atbp.

7. Kabiguan kapag nanumbalik ang Ang daan sa pagbabago ay HINDI DIRETSO


paggamit sa droga AT MADALI. Ang lapse ay nangyayari talaga
sa 40-60% ng mga nagbabagong buhay. Ang
mahalaga ay ang patuloy na pagsusumikap at
pagtuto kung anong maaring gawin upang
maiwan ang pagdulas muli.
Anong mga tanong o reaksyon ninyo sa
ating tinalakay?

SHARING:
Ano ba ang natutunan ninyo sa ating
sesyon ngayon?

SHARING:
PABAONG GAWAIN:
Magtanong sa inyong mahal sa buhay kung ano ang
naging epekto ng paggamit mo ng droga sa kanila?
Isulat ito sa papel.

SUSUNOD NA SESYON, tatalakayin natin ang


kahalagan ng pagbabagong buhay para sa inyo at
kung ano ang mga posibleng makatulong sa inyo.
PAGTATAPOS

Paano ninyo gustong tapusin ang


ating online session?
Maraming Salamat sa
Pagdalo!
Mga Maling Paniniwala tungkol sa Paggamit ng Droga

MALING PANINIWALA TAMANG PANINIWALA


Lahat ng gumagamit ng droga ay adik HINDI lahat ng gumagamit ng droga ay adik.

Sapat na ang kagustuhang tumigil sa paggamit upang Kapag hindi pa lulong ang tao, maaari silang tumigil ng mag-isa. Pero kapag umabot na sa adiksyon,
huminto ang isang tao sa paggamit ng droga. maaaring wala nang kontrol ang tao dahil naaapektuhan na ng droga ang kanyang pag-iisip.

Kapag naging adik habang buhay nang adik. Maraming taong lulon sa droga ang nakakapag-bagong buhay. Kailangan lang ng wastong pagtulong sa
kanila.

Kailangan munang sumayad o masira ang buhay bago Hindi kailangan umabot ng tao sa pagkasira ng buhay upang magbago. Ang iba’t-ibang treatment ay
makapagbago. makakatulong sa pag-iwas sa adiksyon o muling paggamit ng droga.

Lahat ng gumagamit ng droga ay kailangan ng tulong ng Ang mga nangangailangan ng tulong ng propesyonal ay ang nag-assess ng moderate at severe risk na
propesyonal (hal, doktor, sikolohista, atbp.) users. Ang low at mild risk users ay maaaring tulungan sa komunidad ng trained facilitators.

Makasalanan, walang prinsipyo at walang pagpapahalaga Ang paggamit ng droga ay dulot ng maraming bagay tulad ng hindi magandang karanasan sa pagkabata,
ang gumagamit ng droga. impluwensya ng barkada, problema sa pamilya, personalidad, uri ng droga, atbp.

Kabiguan kapag nanumbalik ang paggamit sa droga Ang daan sa pagbabago ay HINDI DIRETSO AT MADALI. Ang lapse ay nangyayari talaga sa 40-60%
ng mga nagbabagong buhay. Ang mahalaga ay ang patuloy na pagsusumikap at pagtuto kung anong maaring
gawin upang maiwan ang pagdulas muli.
MODULE 4
KAHALAGAHAN AT
KAHANDAANG MAGBAGO
MAGANDANG ARAW!
Kamusta kayo ngayon?
MALIKHAING PAGSASANAY SA
PAGHINGA
• Humanap ng kumportableng posisyon
• Maaaring ipikit ang mata
BALIKTANAW SA NAKARAANG MODULE
PABAONG GAWAIN:
Magtanong sa inyong mahal sa buhay kung ano ang
naging epekto ng paggamit mo ng droga sa kanila?
Isulat ito sa papel.

SHARING:
TANONG:
1. Ano ang nakatulong sa inyo upang gawin
ito?
2. Ano ang natutunan ninyo sa pakikipag-usap
sa inyong mahal sa buhay?
Noong nakaraang sesyon, tinalakay natin ang
epekto ng droga sa tao at kapaligiran. Sa
sesyon ngayon pag-uusapan naman natin ang
inyong kasalukuyan at pinapangarap.
Ang inyong karanasan sa paggamit ng droga ay
katulad ng isang paglalakbay. Maaaring
nadapa tayo ngunit hindi dito natatapos ang
buhay.
WORKSHEET
Ang Pinapangarap Kong Buhay at Buhay ko
Ngayon Dahil sa Droga
(Worksheet)

ANG AKING PINAPANGARAP NA BUHAY ANG AKING BUHAY DAHIL SA DROGA


Sa kaliwang papel ay iguhit ninyo ang
buhay na inyong pinapangarap.
Sa kanang papel ay iguhit ninyo ang
inyong buhay dahil sa droga.
Maglagay din ng mga salita sa ibaba
ng drawing.
SHARING:
TANONG:
1. Kung paghahambingin ninyo ang buhay na
inyong pinapangarap at ang inyong buhay noong
kayo ay gumagamit ng droga, ano ang
pagkakaiba?
2. Alin sa dalawa ang mas mahalaga para sa inyo?
3. Ano ang buhay na mas gusto ninyo?
Ngayon naman ay pag-uusapan natin ang kung
ano ang gusto mong marating sa buhay.
1. Gaano kahalaga para sa iyo na tumigil sa
paggamit ng droga?
2. Anu-ano ang dahilan ng iyong pagbabago?
3. Para kanino ka mababago?
Isulat ito sa isang papel?
KAHALAGAHAN NG PAGBABAGO
(Worksheet)

GAANO KAHALAGA SA IYO ANG MAGBAGO?

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Mula 0 hanggang 10, lagyan ng bilog kung gaano kahalaga sa inyo ang
magbago. 0 bilang sobrang hindi mahalaga ang magbago at 10
sobrang mahalaga ang magbago.
GAANO KATAAS ANG IYONG TIWALA SA IYONG
KAKAYANAN MAGBABAGO KA SA NGAYON?

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Mula 0 hanggang 10, lagyan ng tsek kung gaano kalaki ang tiwala
ninyo sa inyong sarili na kakayanin ninyong magbago sa ngayon.
0 bilang sobrang walang tiwala sa sariling magbago at 10 bilang
sobrang tiwala sa sarili na magbago.
GAANO KA KAHANDANG MAGBAGO?

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Mula 0 hanggang 10, lagyan ng tsek kung gaano ka kahandang


magbago ngayon. 0 bilang sobrang hindi handang magbago at 10
bilang sobrang handang magbago.
SHARING:
1. Ibahagi sa grupo ang inyong sagot
at kung bakit ito ang inyong sagot?
2.Paano ninyo nasabing __ at hindi 0 ?
TANONG:
Kung mayroon pa kayong mga alinlangan,
ano sa tingin ninyo ang makakatulong sa
inyo?
Ano ba ang natutunan ninyo sa ating
sesyon ngayon?

SHARING:
BUOD SA KANILANG SAGOT:
PABAONG GAWAIN:
Magtanong sa mahal sa buhay kung gaano
kahalaga sa kanila na kayo ay tumigil sa paggamit
ng droga?
SUSUNOD NA SESYON:
Tatalakayin kung paano labanan ang mga
pananabik gumamit ng droga. Sa tingin
ninyo ba makakatulong ito sa inyo?
PAGTATAPOS

Paano ninyo gustong tapusin ang


ating online session?
Maraming Salamat
sa Pagdalo!
MODULE 5
KAKAYAHANG LABANAN ANG
PANANABIK SA DROGA
MAGANDANG ARAW!
Kamusta kayo ngayon?
MALIKHAING PAGSASANAY SA
PAGHINGA
• Humanap ng kumportableng posisyon
• Maaaring ipikit ang mata
BALIKTANAW SA NAKARAANG MODULE
PABAONG GAWAIN:
Magtanong sa mahal sa buhay kung gaano kahalaga
sa kanila na kayo ay tumigil sa paggamit ng droga?
SHARING:
Anong sinabi ng iyong mahal sa buhay ng tinanong
ninyo sila kung gaano kahalaga para sa kanila na
kayo ay magbagong buhay?
TANONG:
1. Anong sinabi ng iyong mahal sa buhay
ng tinanong ninyo sila kung gaano
kahalaga para sa kanila na kayo ay
magbagong buhay?
2. Ano ang natutunan mo?
Noong nakaraang nating sesyon ay tinanggap ninyo ang
hamon ng isang buhay na walang droga. Bagamat lahat
tayo ay may kagustuhan na mangyari ito, alam din natin
na hindi ito magiging madali. Sa ating paglalakbay
patungo sa ninanais nating kinabukasan, marami
tayong balakid at hamon na makakasalubong.
Samodyul na ito, tutukuyin natin kung ano-ano ang mga
puwedeng gawin upang labanan ang pananabik sa
droga. Sisimulan natin ang sesyon na ito pamamagitan
ng isang laro.
Ang tawag sa larong ito ay “Ilang beses ka..
Sa larong ito, mahalaga na tayo ay maging tapat
sa ating mga sagot. Walang tama o maling
sagot, mahalaga lamang na ipakita natin ang
totoo. Mahalaga rin na irespeto natin kung ano
man ang sagot ng ating mga kasamahan. May
mga tanong ako na sasabihin. Sa isang papel
Isusulat ninyo mula 0-7 o higit pa kung ilang
beses ninyo ginagawa o nararamdaman ang
bagay na aking babanggitin.
1. Sa isang linggo, ilang beses kang naliligo?
2.Sa isang araw, ilang beses ka kumakain ng gulay?
3. Sa isang araw, ilang beses kang tumatawa?
Sa isang linggo, ilang beses kang gumagamit ng cellphone?
Sa isang lingo, ilang beses ka nayayayang uminom ng alak?
Sa isang linggo, ilang beses kang nakakaramdam ng
pananabik o kagustuhang gumamit muli ng droga?
TANONG:
Naalala ninyo ba kung ano yung mga nabanggit
kong mga gawain o bagay kaninang naglalaro
tayo?

Ano ang napansin ninyo tungkol sa mga bagay na


tinanong ko?
Dahil ang paggamit ng droga ay
nakasanayan o nakagawian na ng katawan,
natural din na magkaroon ng tukso o udyok
na muling balikan ito. Natural sa isang taong
sumubok tumigil sa paggamit ng droga ang
makaranas ng matinding pananabik na
gumamit muli. Ito ang tinatawag na “craving”
o pananabik.
Ito ay normal at pansamantalang reaksyon na
dumarating at lumilipas din. Ngunit minsan,
maaaring madala pa rin ng pananabik sa droga.
Hindi ibig sabihin, bigo na sa kanyang paglalakbay.
Ibig sabihin lamang, kailangan pang tulungan upang
mapatibay ang ibang mga kasanayan. Parang isang
bata na nadapa habang natututong maglakad,
kailangan lamang siyang bumangon at matuto.
Dalawa ang maaaring pagmulang ng
sinasabing “udyok o matinding pagnanasa.”
Ito ay maaaring mula sa panloob o panlabas na
mga bagay. Sa modyul na ito, tutukuyin natin
ang mga panloob na pinagmumulan ng udyok.
TANONG:
Simula nang sinubukan ninyong lumayo sa
droga, mayroon bang mga pagkakataon
na nakaramdam kayo ng pananabik at
muli kayong gumamit?

SHARING:
Mayroong pagkakataon na ang pananabik gumamit
ng droga ay nagmumula sa nararamdaman ng
katawan. Ilan sa mga halimbawa ng pakiramdam ng
katawan ay naglalaway, nanginginig at nag-iinit o
nanlalamig ang katawan.
TANONG:
Anu- ano ang naramdaman ng katawan ninyo
noong kayo ay nagiyang o nanabik gumamit ng
droga?
Mayroong mga tao na nakakaramdam ng
pananabik kapag sila ay malungkot, pagod, o
kaya ay nababagot. O kaya, kapag naiisip nila
ang kanilang mga dating kasama na
gumagamit ng droga, o kung muli nilang
naalala ang mga malulungkot na bagay, o kaya
pag naiisip nila “minsan lang naman ulit titikim
ng droga”.
TANONG:
Noong huli kayong gumamit ng droga, ano ang
inyong naramdaman noong panahon na yun?
Mayroon din bang mga pagkakataon na
nalabanan ninyo ang pananabik na gumamit?
Ano ang inyong ginagawa kapag nagkakaroon
kayo ng mga damdamin o nakakaisip kayo ng
mga bagay na nagdudulot ng pananabik na
gumamit muli?
SHARING:
Maliban sa mga nabanggit, pag-uusapan natin
ang iba pang mga pamamaraan upang
matugunan ang pananabik sa droga.

Ang mga istratehiya na ating pag-uusapan


ay tinatawag na Apat na “M”:
Ang APAT (4) na “M”

MAGDESISYON MAGLIBANG MAGPALIPAS MAGPIGIL/MAGPALIT


NG INIISIP
Ipaalala sa sarili ang:
- Mga benepisyo ng
hindi
paggamit ng droga
- Masamang epekto ng
droga
MAGDESISYON - Kahalagahan na ikaw
ay huminto
- Pangarap mo sa buhay,
atbp
- Gumawa ng bagay na
paglilibangan tulad ng
ehersisyo, kumain,
panonood ng TV, atbp.
- Kumausap ng kaibigan o
kapamilya
MAGLIBANG
TANONG:
- Anu-ano ang mga nakakalibang na gawain
ang maari ninyong gawin?
- Sino sa inyong pamilya o kaibigan ang
maaari ninyong makausap upang hindi
maisip ang pananabik sa droga?
- Palipasin ang pananbik sa
droga sa pamamagitan
ng pagpokus sa paghinga
o pampakalmang
paghinga

MAGPALIPAS
TANONG:
- Ano ang mga naramdaman ninyo habang
ginagawa natin ang pagsasanay?
- Ano ang pakiramdam ninyo pagkatapo?
- Pitikin ang sarili
- Mag-isip ng nakakatawa
- Mag-isip ng larawan o
simbolo na maaaring
makapalit sa kasalukuyang
iniisip o paniniwal
MAGPIGIL / MAGPALIT - Mag-isip ng pangkontrang
NG INIISIP paniniwala
Ano ang mga bagay na pwede ninyong isipin
upang matanggal sa isip ninyo ang pananabik
sa droga?

Minsan mahirap magpigil lang ng iniisip. Isa


pang istratehiya na maari nating gamitin
ay ang palitan ito ng ibang pag-iisip o
paniniwala.
Karaniwang Negatibong Pag-iisip
(Worksheet)
Ang Parati naman
Minsan
minsan ay ako
lang pinagdududahan
nagiging
naman , gawin ko na
parati kaya?

Di ko na
kaya

Tao lang
ako na
natutukso
Ang mga ulap sa kaliwa ay may halimbawa ng
negatibong pag-iisip o paniniwala. Sa kanan ay
subukang palitan ang mga paniniwala at isulat
ito sa katapat nitong ulap.
Sa mga blangkong ulap sa kaliwa, maglagay ng
sariling mga naiisip tuwing nakakaramdam
ng pananabik at subukang palitan ito.
HALIMBAWA:
“mahirap man
ako, kinakaya
ko”

“hindi ko kaya”
“mahirap pero
negatibong pag-iisip o paniniwala kakayanin”

pagpapalit ng paniniwala
(thoughts substitution)
Ngayon nabanggit at nagawa natin ang iba't-
ibang istratehiya kapag nakakaranas ng
pananabik. Mayroon pang istratehiya nais kong
ibahagi.
1. Bigyan pansin ang paghinga.
2. Makisali sa mga gawaing mapagkakaabalahan
3. Kausapin at humingi ng tulong sa mga mahal sa
buhay.
4. Pag-alala sa mga dahilan ng paghinto sa paggamit ng
droga.
5. Pag-alaala sa ninanais na hinaharap
TANONG:
Anu-ano ba ang ating natutunan sa modyul na ito? Mula
sa Apat na “M” na ating pinag-usapan, anong
stratehiya ang tingin ninyong pinakamakakatulong sa
inyo?

SHARING:
PABAONG GAWAIN:
Subukan ninyong gamitin ang Apat na M, at
tingnan kung alin ang pinaka- epektibo, at
alin ang hindi gaanong nakakatulong.
Isulat ito sa isang papel.
BUOD: 4 “M”
SUSUNOD NA SESYON:
Tatalakayin naman natin ang tukso sa
kapaligiran na pinagmumulan ng pananabik.
PAGTATAPOS:

Paano ninyo gustong tapusin ang


ating online session?
Maraming Salamat sa
Pagdalo!
MODULE 6
PAG-IWAS SA TUKSO SA
KAPALIGIRAN
MAGANDANG ARAW!
Kamusta kayo ngayon?
MALIKHAING PAGSASANAY SA
PAGHINGA
• Humanap ng kumportableng posisyon
• Maaaring ipikit ang mata
BALIKTANAW SA NAKARAANG MODULE
PABAONG GAWAIN:
Subukan ninyong gamitin ang Apat na M, at tingnan
kung alin ang pinaka- epektibo, at alin ang hindi
gaanong nakakatulong. Isulat ito sa isang papel.

SHARING:
Noong nakaraan nating sesyon, tinalakay
natin ang mga panloob na aspeto na nagiging
udyok sa paggamit ng ilegal na droga - tulad
ng damdamin at mga nasa isip. Pinag-usapan
natin kung ano ang iba't ibang mga bagay na
maaari nating gawin kapag nakaramdam tayo
ng pananabik na muling gumamit ng droga.
Ngayon naman, pag-uusapan natin ang mga
panlabas na bagay na nagiging tukso o nag-
uudyok na muling bumalik sa paggamit ng
droga - tulad ng mga tao, lugar, bagay at
pangyayari.
Simulan natin ang ating modyul sa
pamamagitan ng isang laro.
1. Ang layunin ng larong ito ay pumasok sa maze at
makalabas sa dulo nito. Tingnan ninyo kung saan
kayo papasok at saan lalaba.
2. Magsuot ng piring. Maaaring tingnan muna ang
daan ng 10 segundo bago magsuot ng piring.
3. Game!
Ngayon naman tanggalin na ang piring.
Imulat ang inyong mata. Subukan natin ulit na
lumabas sa maze na walang piring na suot at
nakamulat ang mga mata.

Dito nagtatapos ang ang ating laro.


TANONG:
1. Ano ang pagkakaiba noong ginawa ninyo ang
maze ng may piring at noong walang piring?
2. Alin ang mas mahirap/madali?
3. Ano ang dahilan kung bakit mahirap/madali
ito?
Ano kaya ang pagkakapareho ng karanasan sa
maze na ito sa paglalakbay ninyo patungo sa
kinabukasan na ninanais ninyo?
SHARING:
Kadalasan, mas nagiging malakas ang hatak ng
udyok kapag hindi tayo alisto o kaya ay ikinakaila
natin at nagbubulag-bulagan tayo tungkol dito.
Upang mabuhay nang walang droga, kailangang
malaman natin kung ano ang mga bagay na
nagiging balakid sa ating kagustuhan na hindi na
muling gumamit ng droga. Kapag tayo ay alisto,
mas madali tayong makakalayo sa tukso. Ito ang
gagawin natin sa susunod na bahagi ng sesyon.
Kumuha ng papel at itupi ito sa apat na parte.
Sa itaas sa kaliwang bahagi ay isulat ang salitang
“TAO”.
Sa ibaba naman nito ay ang salitang “BAGAY”.
Sa kanang bahagi ng papel ay isulat ang salitang
“LUGAR” .
Sa ibaba ay ang salitang “PANGYAYARI”.
Kagaya ng halimbawang slide
PAGSUSURI SA IYONG KAPALIGIRAN
(Worksheet)

TAO LUGAR

BAGAY
PANGYAYARI
Sino ang mga TAO na
nagiging udyok na kayo ay
muling gumamit ng droga.
Sa inyong papel, isulat ang
pangalan ng mga taong ito
TAO (maaaring gumamit ng
palayaw oa nickname.
Ano ang mga LUGAR na
pinagmumulan ng udyok
na muling gumamit ng
droga?

LUGAR
Ano ang mga BAGAY na
pinagmumulan ng udyok
na muling gumamit ng
droga?
BAGAY
Ano ang mga pangyayari
na pinagmumulan ng
udyok na muling
gumamit ng droga?
PANGYAYARI

SHARING:
Ngayon na alam na natin ang mga
kadalasang dahilan ng udyok na muling
gumamit ng droga, ano naman ang inyong
kasalukuyang ginagawa upang makaiwas sa
mga ito?
SHARING:
TANONG:
1. Ano ang pwedeng gawin upang maiwasan ang
mgaTAO na nag-uudyok?
2. Ano ang pwedeng gawin upang maiwasan ang mga
LUGAR na nagiging udyok?
3. Ano ang pwedeng gawin para maiwasan ang mga
BAGAY na nagiging udyok?
4. Ano ang pwedeng gawin para maiwasan ang
PANGYAYARI na nagiging udyok?
5. Sino kaya ang makakatulong sa inyo na umiwas sa
udyok?
5. Sino kaya ang makakatulong sa inyo na
umiwas sa udyok?
6. May mga bagay o grupo kaya na maaring
makatulong?
7. Alin o sino?

SHARING:
TANONG:
Ano ang inyong natutunan sa sesyon
ngayon?

SHARING:
PABAONG GAWAIN:
Gumawa ng kanta, motto, slogan o tula na
maaari ninyong bigkasin sa tuwing
nakakaramdam kayo ng udyok. Isama ninyo
sa inyong pagbuo ang mga pinagmumulan
ng udyok, kung paano makaiwas sa mga ito,
at sino o ano ang maaaring makatulong.
Ipraktis ang natutunan. Isulat sa papel ang
mga tao, bagay, lugar o pangyayari na
inyong iniwasan upang di matukso.
Sa susunod na sesyon, pag-uusapan natin
ang iba pang mga paraan ng pagtanggi sa
droga.
PAGTATAPOS:

Paano ninyo gustong tapusin ang


ating online session?
Maraming Salamat sa
Pagdalo!

You might also like