You are on page 1of 6

Hagupit Ng Droga

Ni Aila Marie Pernia


Drogang sayo ay nakapaligid,
Tinutukso kang sila ay hithitin.
Sa unang gamit ikaw ay nasarapan,
Nang masarapan ay di na tinigilan.
Drogang kinaadikay pinamahagi sa iba,
Pati sa kapatid na sayoy mas bata pa.
Inakalang itoy isang mabuting gawi
Ngunit ang di nawariy dulot nitoy pighati.
Sa paglipas ng araw ikaw ay nagsisisi
Nang makita ang inang nagdadalamhati.
Epekto ng droga sa bunsoy tumalab,
Nang siyay pumanaw, galit sa sariliy nag-alab.
Di diyan nagtatapos ang lupit ng buhay.
Pamamalagi sa mundoy nawalan ng kulay.
Pagkat sa hagupit ng droga, ikay di-makawala,
Pamilyang kinagisnan, iniwan kang bigla.
Sa isang lugar ikay kanyang ikinulong,
Palayo sa lipunang sayo sanay tutulong.
Naisin man ng puso, isip namay taliwas.
Kaya subukan mang tumakas, ikay di na makaalpas.
Kaya bago mangyari ito sa iyo
Huwag nang patukso sa drogang ito
Nang maisalba buhay nila at sayo
Upang di matali sa madilim na mundo

Kung Buhay ay Masaya Walang Droga


Jeannelle Atienza

Mga kabataang lulong sa droga


Sanhi nga ba ng problema sa pamilya
O impluwensiyang nagmula sa barkada
Buhay nilay di alam kung san pupunta

Drogay di sagot sa kanilang problema


Maaaring may hatid ng panandaliang ligaya
Ngunit may masamang epekto sa iba
Pati na rin sa taong nakapaligid sa kanya.

Masamang epekto nitoy dapat ipaalala


Upang alam nila kung san nagkasala
Mapag-isipan kung saan ulit dapat magsimula
Dahil buhay nilay pwedeng mawala.

Bansa natiy magiging mapayapa


Kung hindi natin hahayaang may madapa
Pag-iwas sa droga ang unang hakbang
Upang lhat ay maging kapaki-pakinabang

Upang maabot ang mga pangarap,

Kailangan nating magsumikap


HUwag susuko sa hamon ng buhay
Hanggang maabot ang rurok ng tagumpay.

Iwas Droga
John Maberick Matienzo

Droga, droga, droga, droga


Masamang bagay na dapat alam mo na
Sumisira sa mundo lalo na sa buhay ng tao
Kamatayan, kabaliwan maaaring hantungan mo.

Mga bata, matanda, at kapuwa tulad mo


HUwag hahayaang gumamit nito
Para sa pangkahalatang kabutihan at sayo
Para na rin sa kapakanan ng kapaligiran mo.

Pag-aaral ang dapat atupagin


Iwas droga para makamit mga hangarin
Pagiging lulong wakasan at tigilan
Para sa isang matagumpay na kinabukasan.

Pagtutulungan ang dapat pairalin

Ang tamang landas ang dapat tahakin


Normal na buhay sayoy naghihintay
Kung sa drogay hindi magpapaalalay

Gisingin ang bawat isa, imulat ang mata


Dahil tayo rin ang solusyon at pag-asa
Pagsugpo ng pagkalulong sa droga
Shabu, cocaine, rugby marijuana ay dapat isantabi na.

Panata Kontra Droga


Serina Mae P. Redondo

Ako ay isang mabuting mamamayang Pilipino


Tungkulin kong sundin ang mga batas at gawin ang mga bagay na
makatutulong. Sa pag-unlad ng aking bansa.
Dahil dito, ako ay nanganagakong hindi gagamit ng anumang ipinagbabawal na
gamot
dahil ito ay labag sa batas at kinauukulan.
Bukod pa rito, ito ay may masamang epektosa akin, hndi lamang sa kalusugan
Kundi sa aking pag-iisip. Malaki rin ang magiging epekto nito sa mga tao sa
Aking paligid, maaari ko silang maimpluwensiyahan sa paggamit ng ipinagbabawal
na gamot. Magkakaroon ako ng sapat na kaalaman tungkol sa droga upang
maimulat ko
ang aking isip sa masamang epekto nito. Nangangako ako na ibabahagi ko ang
aking

kaalaman sa iba upang sila ay mahikayat na huwag subukan ang paggamit ng


droga.
Dahil ako ay isang mabuting mamamayang Pilipino, sisikapin kong makatulong
sa bansa sa pamamagitan ng pagsugpo saipinagbabawal na gamot.
Sa harap ng bawat Pilipinong naririto, ako ay taos-pusong nanunumpa.

You might also like