You are on page 1of 18

Ilan na ba ang mga batang nakita mo na halos patapon na ang buhay?

Mga batang hindi lang kinabukasan ang nasira halos ang sarili nilang pag-iisip ay nasira
narin?
Mga batang lumihis ang landas at napunta sa madlim na mundo?
Mga batang lapitin ng gulo,nag-uumpisa ng gulo dahil sa impluwensiya ng bawal na gamot?
Alam ko na hindi ka bulag kayat nakaka-siguro ako na hindi lang ako ang nakakita ng
katulad nila.
Alam ko na hindi ka manhid para hindi mo maramdaman ang nararamdaman ko.
Nalulungkot ka rin.at nanghihinayang hindi ba? Katulad ko, nalulungkot ako para sa kanila
at higit sa lahat para sa mga magulang nila. Nanghihinayang ako sa magandang
kinabukasan na maari sana nilang makamit.Kung hindi lang sana sila naligaw ng landas
malamang maipagmamalaki na rin sila sa ating lipunan.
Sa tuwing akoy naglalakad sa daan, may nakakasalubong ng batang halos wala pang
muwang sa mundo.Mga batang halos bagsak na ang katawan butot balat at may hawakhawak na supot ng rugby. Mga batang tumitirik ang mata, lasing at nakahithit ng kung
anong klase ng ipinagbabawal na gamot.
Akoy napapailing at napapaisip ano na ang nangyari? Nasaan na ang kasabihan na,

Ang kabataan ay pag-asa ng bayan,


Kung ako ikaw, hindi ka ba magdadamdam? Naisip mo ba kung ano talaga ang tunay na dahilan
kung bakit sila nagkaganyan?
Para sa mga kabataan na naliligaw ng landas, kung kaya ko lang iabot ang aking mga
kamay upang kayo ay magabayan sa tamang landas, ginawa ko na.Kung kaya ko lang
ituwid ang daan sa isang kisap-mata lang, wala na sanang pagala-gala sa daan.

Kung kaya ko lang mailayo kayo sa landas ng kasamaan, ginawa ko na. Hindi ko kayang gawin
ang mga naiisip kong gawin, kaya sa paraang ito, nais ko lamang ilabas ang aking hinaing.
Huwag na ninyong subukan ang masamang bisyo, upang ang utak nyo ay hindi na mabulok.
Huwag na ninyong pairalin ang tigas ng ulo sundin nyo ang inyong mga magulang upang
kayoy hindi matawag na DURUGISTA.

HINDI LANG KAYO GUMAGAMIT NG DROGA, DUMUDUROG PA SA PUSO NG


INYONG MGA MAGULANG.
Kung ang kabataan ay pag-asa ng bayan, ang droga ay salot sa lipunan.

Sa mga magulang huwag nating hayaan na maligaw ng landas ang ating mga anak.Hayaan
natin silang lumipad at matuto sa kanilang pagkakamali subalit huwag nating hayaan na
mauwi sa wala ang ating mga pinaghirapan.
Ano na kaya ang mangyayari sa ating inang bayan kung ang mga durugusta ay patuloy na
dumarami? Ano na kaya ang kinabukasan ng ating mga anak at anak ng ating mga anak
kung ang droga ay hindi pa tuluyang napupuksa?
Sa mga drug lord na patuloy na nagbebenta at nagpapayaman, mahiya naman kayo sa
inyong sarili! Imulat nyo ang inyong mga mata. Ilan pa kayang mga kabataan ang nais
niyong sirain ang kinabukasan?
Diyos na ang huhusga sa inyong kasamaan.

Ang tanging magagawa ko lamang ay ang ipinagdasal ang mga batang walang muwang na
napadpad sa madilim na mundo sa ating lipunan..

Narito ang isang artikulo o sanaysay (essay) tungkol sa bawal gamot na sinulat ko noong
akoy nasa ikaanim na baitang pa (Grade 6). Maaari niyong kopyahin ito pero kailangan
bigyan niyo ng kredito o atribusyon ang pinagkukunan niyo ng sanaysay sa pamamagitan ng
pag-copy sa URL or link ng sanaysay na ito.

Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot


ni Khen
Gamot. Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas
sa sakit. Ito'y medisina upang madaling mawawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay
makapagbibigay sakit kapag inaabuso.
May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay
nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba't iba sa kanila ay
may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man sa iba na ito'y
makakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumamit. Ang ganitong
sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na
ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng
paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing
masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.
Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling
malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan
nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga
mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa
kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling

sa pumasok sa iba't ibang bisyo lalo sa paggamit ng bawal na gamit dahil iniisip nila na
mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.
Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong
sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring
trabaho o negosyo lang ang palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras
para sa kanilang mga anak.
Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak na malulong sa
ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila ay magdudulot ng malaking
puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga gumagamit ng bawal na gamot ay maaaring
matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa paggawa ng masama
hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng bawal na gamot.
Sa mga tungkulin, mga magulang gisingggg! Anak sa katotohanan...hoy gisingggg!!!!

Pagkalulong sa bawal na gamot


Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Isang taong gumagamit ng bawal na gamot sa pamamagitan ng paghitit o paglanghap nito.

Ang pagkalulong sa bawal na gamot o drugadiksiyon ay ang pagkakaroon ng


pagkahumaling, pagkaadik, o adiksiyon ng isang tao sa mga pinagbabawal na gamot. Isa itong uri
ng katayuan o karamdaman na mahirap tanggalin at iwasan ng isang taong nasa ganito nang
kalagayan, o ng taong nagumon na sa pagkasanay sa paggamit ng ganitong mga uri ng gamot;
sapagkat matindi na ang kanyang pagkasugapa o pagkahaling sa masasamang mga gamot o bisyo.
Maaaring isang biktima ang taong adiko adikto ng pangangalakal ng mga ito, o dahil na rin sa
kanyang sariling pagpapasyang dala ng hindi makayanang mga suliranin o katayuan sa buhay.[1][2]
Mga nilalaman
[itago]

1Epekto sa tao

2Mga pinsalang dulot

3Pag-alam at pagkilala

4Katungkulan ng mga magulang


o

4.1Ugnayan ng magulang at anak

4.1.1Sa anak na hindi pa gumagamit ng bawal na gamot

4.1.2Sa anak na gumagamit na ng bawal na gamot


5Prebensiyon

5.1Sa tahanan at mag-anak

5.2Sa pagamutan

5.3Sa botika

5.4Sa pamayanan at lipunan

6Rehabilitasyon

7Tingnan din

8Mga sanggunian

9Mga kawing panlabas

Epekto sa tao[baguhin | baguhin ang batayan]


Nakapagdudulot ang bawal na gamot ng pansamantalang ginhawa at pag-inam ng pakiramdam sa
tao dahil sa epekto ng gamot na ito sa panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan. Ngunit
nasusundan ang kaginhawahang ito o pakiramdaman ng ganting-kilos o tugon o reaksiyon mula sa
sistema ng nerbiyos, na kinabibilangan ng pagkalungkot o depresyon, o kawalan ng kaginhawahan
at hindi mapakali. Dahil sa reaksiyong ito, nabubuo o nahuhubog ang patuloy na paggamit ng bawal
na gamot na nagiging isa nang siklo o pag-uulit at panay na paggamit. [1]
Sa kalaunan, naaapektuhan ang sistemang panunaw ng tao, ang kaniyang pagtulog, nagkakaroon
ng pagka-iritable ng sistemang nerbiyos o pagkabugnutin. Humahantong rin sa pagkabaliw o
pagkasira ng isipan at utak ang adiksiyon sa gamot. Namamatay rin ang tao dahil sa pagkalason sa
gamot, o dahil sa pagkitil niya ng sariling buhay.[1]
Magkakaiba ang mga epekto ng pinagbabawal na gamot sa ibat ibang mga tao. Kabilang sa mga
batayan ng antas ng pagkakaapekto sa katawan at isipan ng tao ang kundisyon ng kanyang
katawan, kasama na ang laki, timbang, kalusugan, katauhan, huling oras o panahon ng pagkain,
mga inaasahan niya sa gamot na ininom, pati na ang dating karanasan sa paggamit ng masamang
gamot.[2]
Kasama pa ring batayan ng epekto sa tao ang mismong mga katangian ng ininom o ginamit na
gamot. Kabilang dito ang dami ng gamot, ang katapangan ng timpla ng gamot, ang paraan ng
paggamit maaaring hiniti, ininom, o kaya ininiksiyon o itinurok sa balat , at pati ang
pagsasabayan o pagtatambalan ng mga ginamit na bawal na gamot. [2]
Nakakaapekto rin sa tao ang sarili niyang kapaligiran. Kabilang dito ang pagiging nag-iisa ng tao,
ang pagkakaroon niya ng mga kaibigan kasama at mapagkakatiwalaan, at kalagayan niya sa
kaniyang lipunan at tahanan.[2]

Mga pinsalang dulot[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol sa pagkakaroon ng
problema sa katawan, sa kalusugan, sa mga relasyon sa kaibigan, mag-anak, at maging sa
pamayanan. Maidaragdag din dito ang pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa
paggamit ng bawal na gamot, pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon.
Humahantong din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at
lipunan.[2]
Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao,
at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao. [2]
Kaugnay pa rin ng kanilang pagkaadik, humahantong sila sa pagsisinungaling at pagnanakaw mula
sa kapwa o kamag-anak upang matugunan ang kanilang pangangailangan. [1]

Pag-alam at pagkilala[baguhin | baguhin ang batayan]


Mahirap malaman kung gumagamit ng bawal na gamot ang isang tao dahil sa pagkakaiba-iba ng
epekto nito sa isang indibiduwal. Bagaman walang mga pagbabagong pangdamdamin o
pangkatawan, maaaring mapuna ang hindi pagiging karaniwang kilos ng isang tao sa loob ng
mahabang panahon. Ngunit dapat na tandaan na maaaring bahagi lamang ng buhay at paglaki ng
isang tao, partikular ng kabataan o mga nagbibinatat nagdadalagang tao, ang mga pagbabagong
ito.[2]
Naririto ang ilan sa mga babalang palatandaan o sintomas ng paggamit ng isang tao ng bawal na
gamot: pagkakaroon ng panghihina, mapapansing pagbabago sa gawi sa pagkain, labis na
pagkasumpungin, may silakbo o bugsong damdamin at pagkagalit, paglabas ng bahay sa kabuoan
ng magdamag, madalas at biglaang pagpapalit ng mga kaibigan o kabarkada, kataka-takang
pagkakaroon ng pangangailangan ng salapi, pagkakaroon ng labis na bilang ng pera, pagkawala ng
mga mahahalaga at mamahaling mga kagamitan, at pagkakaroon ng suliraning may kaugnayan sa
pulisya.[2]

Katungkulan ng mga magulang[baguhin | baguhin ang batayan]


Ugnayan ng magulang at anak[baguhin | baguhin ang batayan]

Mahalaga ang mabuting pakikitungo at ugnayan sa pagitan ng mga magulang at mga anak upang maiwasan
ang paggamit ng ipinagbabawal na mga gamot.

Sa anak na hindi pa gumagamit ng bawal na gamot[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa pagharap sa suliraning paggamit ng bawal na gamot ng anak, o pag-alam kung gumagamit nga
ba ito o hindi, kabilang sa tungkulin at dapat gawin ng magulang ang pagsasagawa ng tamang gawi
sa pakikipag-usap sa anak. Pangunahing kabilang din dito ang pagbibigay ng kunsiderasyon sa

kaligtasan ng anak at ng ibang tao, kabilang ang mga sarili. Iminumungkahi ng mga dalubhasa ang
maingat na pakikipag-ugnayan sa anak dahil sa kaselanan ng paksa, na may kasamang pag-alis ng
takot, pagpapakita ng malasakit, at pagpapadama ng pagmamahal sa anak, at walang
pagdedebate. Dapat maipahatid sa kinakausap na anak na dahil sa kanilang pagmamahal kaya
ayaw nilang mabulid sa paggamit ng masasamang gamot ang kanilang anak . [2]
Sa anak na gumagamit na ng bawal na gamot[baguhin | baguhin ang batayan]
Kung gumagamit na nga anak ng bawal na gamot, imumungkahi ng mga dalubhasa ang
pagtanggap ng mga magulang sa suliraning kinakaharap. Kabilang sa kalutasan ng pagpapagaling
sa anak ang tulong at suportang nagmumula sa mga magulang. Hindi dapat ikatakot o ikahiya ang
paghingi ng propesyunal na tulong, partikular na ang mula sa larangan ng panggagamot. Hindi
dapat sisihin ng mga magulang ang kanilang sarili sapagkat hindi kabiguan ang suliraning
kinakaharap. Isa sa mga dahilan ay ang pagiging likas na bahagi ng buhay ng mga kabataan ang
sumubok o mag-eksperimento, kabilang ang pag-inom ng alak at pagsisigarilyo, bukod sa paggamit
ng bawal na gamot. May mga kabataan din na nadadala lamang ng kagipitan sa buhay kayat
gumagamit ng bawal na gamot. Pagkaraan ng kanilang mga suliranin, may posibilidad na tumigil na
sila sa paggamit ng masamang gamot.[2]

Prebensiyon[baguhin | baguhin ang batayan]


Mayroong mga kaparaanang maisasagawa upang maiwasan ang pagkalulong sa mga bawal na
gamot. Pinakamahalaga at nangununa sa mga ito ay ang mismong pag-iwas na makasanayan ng
isang tao o pasyente ang pagkakaroon ng pagkahumaling sa mga ito. [1]

Sa tahanan at mag-anak[baguhin | baguhin ang batayan]


Kabilang ang mga sumusunod sa mga bagay na maisasagawa ng mga magulang upang maiwasan
o mabawasan ang pagkakaroon ng posibilidad na gumamit ang anak ng bawal na gamot: ang
pagiging mabuting huwaran (hindi paninigarilyo, hindi pag-inom ng alak, at hindi paggamit ng bawal
na gamot), ang pagiging maalam sa mga paksang may kaugnayan sa bawal na gamot upang
magkaroon ng kakayahang makapagpaliwanag sa anak ukol sa masasamang mga maidudulot nito,
ang pagiging bukas at pagkakaroon ng katapatan hinggil sa paksa, at ang hindi pagtatangkang
takutin lamang ang anak hinggil sa bagay na ito. Mahalaga rin ang tamang pakikipag-usap at
pakikinig sa anak, na kinasasangkutan ng pagdinig at pag-unawa sa kanilang mga problema at mga
alalahanin, ang hindi pagkakaroon ng labis na reaksiyon, ang hindi pagbabalewala sa mga sinasabi
ng anak. Sa pakikipag-usap, kinakailangan ang pagpapalitan ng mga opinyon at pananaw. Hindi
lamang ukol sa bawal na gamot ang huwarang tinatalakay ng mga magulang at anak, kasama dito
ang mga pang-araw-araw na mga paksang katulad ng kaugnay ng pangyayari sa paaralan, musika,
at palakasan. Sa pagiging bukas sa ganitong mga paksa, mas magaang mapag-usapan ang hinggil
sa bawal na gamot.[2]
Kabilang pa rin sa katungkulan ng magulang upang maiwasan ng anak ang paggamit ng bawal na
gamot ang paggawa ng mga patakaran at pagpaplano. Iminumungkahi ng mga dalubhasa ang
pagturo sa anak hingil sa katanggap-tanggap na gawi sa pamumuhay, at pagpapangaral kung
paano lulutasin ang mga pagsusulangatan o hindi pagkakaintindihan. [2]
Naaangkop din kilalanin ng mga magulang kung sino ang mga nagiging kaibigan ng kanilang anak,
pati na ang mga magulang ng mga kabarkadang ito. Magagamit ding pang-iwas sa masasamang
mga gamot ang paghimok at pagtuturo sa anak ng mga mas makalusugang paraan ng pagrerelaks
o pamamahinga at mga mabubuting kaparaanan sa pangangasiwa ng mga suliranin sa buhay.[2]

Sa pagamutan[baguhin | baguhin ang batayan]


Kalimitang inilalaan lamang sa mga kamay ng mga kuwalipikadong mga manggagamot, dentista, at
siruhanong mga beterinaryo ang paggamit at pagtatago ng mga gamot na bawal ngunit ginagamit sa

larangan ng medisina. Ibinibigay lamang nila ang mga ito sa pasyente sa pamamagitan ng
pagrereseta.[1]
Sa kaso ng mga pasyenteng may paulit-ulit o kronikong mga karamdaman, pinapalitan ng mga
manggagamot, hangga't maaari, ang nakakaadik na mga gamot ng hindi nakakalulong na mga uri. [1]

Sa botika[baguhin | baguhin ang batayan]


Pagkaraang maresetahan ang pasyente, ang botikaryo o drugista (ang tagahanda o tagatimpla ng
gamot) ang nagbibigay o nag-aabot sa tao ng niresetang gamot. Itinatabi ng parmasyotiko ang
reseta upang hindi na muling makakuha ng gamot ang pasyente ng higit pa sa sinasaad ng
manggagamot na nagreseta. Sa gayon, kinakailangan makipagkitang muli ang pasyente sa duktor
upang kumonsulta.[1]

Sa pamayanan at lipunan[baguhin | baguhin ang batayan]


May mga lehislayong inihanda at ipinatupad ang mga bansa upang mabigyan ng regulasyon at
matabanan ang pamumudmod o pamimigay ng mga bawal na gamot sa madla. [1] Isang halimbawa
ng batas laban sa mga ipinagbabawal na gamot ang Komprehensibong Batas sa Mapanganib na
Gamot ng 2002 (Batas Republika 9165) ng Pilipinas.[3][4]

Rehabilitasyon[baguhin | baguhin ang batayan]


Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o hindi, isa sa mga
pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente sa isang institusyon para sa mga
adikto o drogadiko. Partikular na ang sa loob ng isang pagamutang hindi makakakuha ng bawal na
gamot ang pasyente. Pinananatili ang pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong
pangrehabilitasyon sa loob ng sapat na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang
kalagayang hindi umaasa sa nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang
magkaroong muli ang pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa sarili, at maging
respeto sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang kanyang adiksiyon. Kapag umalis ang
pasyente na may pakiramdam na parang bilanggo, isa itong tanda na hindi ganap o tama ang
natanggap niyang paraan ng panggagamot.[1]
Ganito rin ang ginagawa sa mga pasyenteng may umiiral na alkoholismo o pagkaadik sa iba pang
mga gamot.[1]
Maraming kabataan ngayon ang nagamit ng bawal na gamot, Pero ano nga ba ang dahilan kung
bakit ang mga kabataan ay nalululong dito? Ayon sa aking nakikita at naririnig sa mga balita ang
pangunahing dahilan ng mga kabataan ngayon ay problema sa pamilya at kawalan ng sapat na
edukasyon. Ilan lamang yan sa maraming dahilan ng kabataan kung bakit sila nagamit ng droga.

Ngunit alam ba nila kung anong masamang dulot ng droga sa kanilang kalusugan? Marahil ay hindi
nila alam ang masamang dulot nito, kaya sila gumagamit ng droga. Kaya kailangan nating
maimulat ang mga mata ng mga kabataan na ang paggamit ng droga ay nakakasama sa ating
kalusugan. Ito ay nakakasira sa kanilang munting isipan at nagdudulot din ito ng masamang
epekto sa kanilang pangangatawan.

Ang panahon ng paggising ay ngayon. Ang droga ay isang salot sa ating lipunan. Kailan pa kayo

magbabago pag huli na ang lahat? Kaya kailangan nating itanim sa ating mga isipan na ang
paggamit ng droga ay isang malaking pagkakamali na gagawin mo sa iyong buhay. Tandaan po
sana natin na ang DROGA ay isang problema na hindi mo dapat papasukin sa iyong buhay.
P O S T E D B Y - - " 1 - I " - - AT 1 : 3 1 AM

Masasamang Bisyo ng Kabataan, Paano Mapipigilan?

Pagsusugal, paninigarilyo, pag-inom ng alak, paggamit ng droga at iba pang ipinagbabawal na


gamot. Ilan lamang ito sa mga masasamang bisyo na kinahuhumalingan ng ilan sa ating mga kabataan
ngayon. Bakit nga ba nahuhumaling ang karamihan sa mga bisyong ito? Bilang isang estudyante at
kabataan, ano ang magagawa natin upang sila ay mapigilan at mailigtas sa hudyat na kapahamakan?

MASASAMANG BISYO NG KABATAAN

PANINIGARILYO

Ayon sa survey, paninigarilyo ang una sa mga bisyong kinahuhumalingan ngayon ng maraming
kabataan. Halos kalahating porsyente sa bilang n gating mga kabataan sa ngayon ang nakatikim o
nakaranasan nang manigarilyo. Dito sa ating bansa, ang mga kabataan ay nagsisimulang manigarilyo sa
edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.
Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang
paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health,
isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang
paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba.
Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.
Ano nga ba ang masamang epekto ng sigarilyo sa buhay ng isang chain smoker ng marami
nating kabatan sa ngayon, o may mabuti bang idudulot ang paninigarilyo sa kanilang sarili at sa kanilang
buhay?

Marahil marami sa atin ang nag-iisip at nagtataka kung paano ba nahuhumaling ang isang
kabataan sa sigarilyo? Ano ba ang napupulot nila dito? May kasiyahan bang dala ang sigarilyo sa
kanilang pang-araw araw na buhay? Ilan lamang ito sa mga tanong n gating mga kabataan sa kanilang
isipan na hindi pa nararanasan ang ganitong bisyo. Dito pumapasok ang salitang curiosity, ang pagiging
curious ng kabataan ang magsisilbing hudyat sa kanilang isipan upang subukan ang isang bagay gaya ng
paninigarilyo at dahil na din sa masasamang ehemplo ng kanilang kaibigan o kabarkada. Bilang isang
kabatan, sumagi din sa isip ko ang mga katanungang iyon. Una kong tinanong ang aking mga kaibigan at
aking mga kakilala kung mayroon ba talagang ligayang hated ang paninigarilyo sa kanilang buhay? Bakit
ba nila ito ginagawa? Pampatanggal ng kaba o pampakalma, pampalipas oras o isang libangan,
tingining astig at macho, ito ang karamihan sa kanilang mga kasagutan. Ito daw ang sarap o ginhawang
dala sa kanila ng yosi o sigarilyo. Ngunit kung ating mapapansin, dibat puro pansariling kasiyahan
lamang ang kanilang nararanasan? Sa pangkalahatan,madalas natin nararanasan ang tinatawag na
climate change o global warming o ang pag-init ng klima ng mundo. Ang usok ng sigarilyo ang isa sa
dahilan ng pagkabutas ng ating ozone layer dahilan kung bakit sobrang init ang ating nararanasan
ngayon. Hindi lang ang tambutso n gating mga sasakyan ang nagdudulot ng polusyon sa ating paligid
kundi pati usok ng sigarilyo rin. Kung ating susuriin, hindi bat ang usok ng sigarilyo ay hihihitit at
ibinubuga mo rin na maaaring makaapekto sa kalusugan mo at ng ibang tao na makakalanghap nito. Ang
usok ng sigarilyo na naiinhale o naaamoy ng mga taong nakapaligid sa naninigarilyong tao ay tinatawag
na second hand smoke. Ito ay mas mapanganib kesa sa usok na hinihithit mo sa sigarilyo mismo sa
dahilang ito ay kung baga nakadaan na sa baga ng taong naninigarilyo bago maamoy ng mga tao sa sa

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.

tabi ng taong naninigarilyo. Hindi ba nakakakonsensya na parang pumapatay tayo ng kapwa natin
habang tayo ay naninigarilyo? Ayon sa mga pag-aaral, maraming epekto ang sigarilyo sa kalusugan at
buhay ng isang taong gumagamit o humihitit nito. Ito ay ang mga sumusunod:
Pinaluluha ang mga mata at pinababaho ang buhok.
Nagtataas ng presyon ang dugo at pinabibilis ang puso.
Pinabababa ang temperatura sa mga daliri ng kamay at paa.
Pinatataas ang peligro ng gangrene dahil sa mahinang sirkulasyon.
Pinahihina ang panlasa at pang-amoy.
Minamantsahan ang mga ngipin at mga daliri.
Maaaring magdulot ng maagang pagtanda, tuyong balat at pangungulubot ng balat.
Pinatataas ang peligro ng atake sa puso at stroke.
Maaaring magdulot ng mga atake ng hika at pinalalala ang hika sa mga hikain.
Nagdudulot ng paghihingal, pag-ubo, sipon, pulmunya, hindi gumagaling sa bronchitis.
Maaaring magdulot ng kanser sa baga, lalamunan, larynx at windpipe.
Nagdudulot ng paninikip ng mga daluyan ng dugo at paninigas ng mga arterya.(arteriosclerosis)
Maaaring magdulot ng pagkabulag.
Maaaring magdulot ng emphysema.
Nagpapaigting sa mga panginginig ng mga kamay.
Lumilikha sa pagdepende sa nikotina.

Marahil marami na sa ating mga kabataan ang nakaranas na ng mawalan ng mga mahal sa
buhay dahil sa sakit na dala ng sigarilyo. Tulad nyo ako ay nakaranasan din ng sobrang kalungkutan at
sobrang pag-iwas sa sigarilyo simula nang mamatay ang aking pinakamamahal na lolo. Tanging sigarilyo
lang ang kanyang bisyo. Malakas ang loob ko sa inaakalang hindi ikakamatay ng lolo ko ang paninigarilyo
dahil nga ito lang ang nag-iisa nyang bisyo. Ako ang tagabili ng kanyang sigarilyo sa kadahilanang
ayokong malungkot ang aking lolo dahil sabi nya ay ito lamang ang kanyang libangan. Pagkaraan ng
ilang taon, naooperahan ang aking lolo sa katarata. Sabi ng doktor ang katarata daw ay nakukuha sa
labis na usok ng sigarilyo na tumatama sa kanyang mata. Dahil dito,nangako sya sa amin na ititigil na nya
ang paninigarilyo dahil sa nakita nya at naranasan ang masamang dulot nito sa kanyang kalusugan at
lubos syang nagsisisi. Tinigil nga ng lolo ko ang paninigarilyo ngunit huli na ang lahat, pagkaraan lamang

ng ilang buwan sa di inaasahan ay binawian sya ng buhay. Masasabi ko pong ang aking lolo ay isang
chain smoker dahil sa daming sigarilyo na nauubos nya sa isang araw. Kahit kelan ay hindi sumagi sa
isip ko na ang sigarilyo pala na pinabibili sa akin ng aking pinakamamahal na lolo ang babawi ng kanyang
buhay. Dito ko lalong naunawaan ang epekto ng sigarilyo sa ating buhay at mismo sa ating sariling
kalusugan.

Noong taong 2007, nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of
2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng
paninigarilyo. Subalit hindi pa rin nasupil ng gobyerno ang paninigarilyo ng maraming kabatan sa ating
bansa. Noong nakaraang taon, naramdaman natin ang pagtaas ng presyo ng sigarilyo sa ating bansa.
Ngunit hindi rin naisakatuparan ng gobyerno ang layunin nitong bawasan ang dami ng naninigarilyo sa
bansa bagkus ay dumami pa ang gumagawa nito at lalong dumami ang naghihirap sa bansa.
Sa palagay ko hindi po natin dapat sisihin ang gobyerno, tayo po sa sarili natin ang gumagawa
na ikakapahamak natin. Tayo ang dapat kumilos kapwa ko kabatan. Mismong sarili natin an gating dapat
kontrolin sa ganitong bisyo. Huwag natin hayaan na dumating ang oras na pagsisisihan natin ang lahat.
Magbago po tayo. Tulungan natin ang ating sarili at ating kapwa. Iwasan po ang paninigarilyo upang
maging maayosat masugpo ang polusyon sa ating paligid.

PAG-INOM NG ALAK

Ano nga ba ang kahulugan ng pag-inom ng alak sa ating mga kabataan? Ayon sa aking mga naririnig at
sa aking mismong karanasan, ito ang ginagawa ng maraming kabataan upang makalimot sa kanilang
problema at upang magkaroon ng lakas ng loob kung sila man ay may kaaway, o may gustong sabihin sa
nililigawan, kaibigan at maging sa kanilang pamilya. Paano nga ba natin malalaman kung sobra na ba
ang alak na iniinom ng isang tao? Bagamat ibat iba ang dami ng alak sa kailangan sa ibat ibang tao
upang malasing, maaaring magsilbing gabay ang sumusunod. Ayon sa mga ibat ibang himpilan, ay
pinakamarami ngunit katanggap-tanggap parin na pag-inom ay 1-2 bote ng beer kada araw ngunit hindi
lalampas ng 7 bote ng beer sa isang linggo. Sa hard drinks naman gaya ng gin, vodka, rum, o brandy na
may 40% alcohol, hanggang 4 na shot (25 ml x 4 = 100mL) bawat araw ngunit hindi lalampas ng 14 na
shot sa isang linggo.
Ngunit marahil marami sa atin ang hindi nakakaalam na ang paglalasing at pagiging manginginom ay
maraming masamang epekto na naidudulot sa ating katawan at maging sa ating buhay. Marahil marami
sa atin na ang alam ay nakakalaki lamang ng tiyan ang alak. Ngunit kung ating pag-aaralan,marami din
epekto ang pag-inom ng alak at paglalasing sa ating kalusugan at pamumuhay.
1.

ANG TAONG LASING, NANLILIGAW SA DISGRASYA.

Alamin muna nating ang masamang epekto ng alak habang ang isang taoy lasing. Ang alcohol sa
katawan ay nakaka-apekto sa ating kakayahang magdesisyon. Dahil dito, maraming mga katangahan
ang maaaring magawa habang lasing, kagaya ngpagmamaneho habang lasing, na isang pangunahing
sanhi ng aksidente at kamatayan sa Pilipinas. Maaari ring mapaaway ang mga lasing na pwede ring
magbigay-daan sa aksidente. Importante rin, ang kalasingan ay maaaring magdulot sa high-risk sexual
behavior dahil inaalis nito ay hiya o inhibisyon sa mga tao.
Habang lasing, sira rin ang kakahayan na balansehin ang katawan. Maaaring matumba, madapa,
matapilok, omakaranas ng ibat ibang aksidente habang lasing.
2.

ANG PAGLALASING AY NAKAKASIRA SA ILANG PARTE NG KATAWAN.

Dumako naman tayo sa mga pangmatagalang epekto ng patuloy na paglalasing at sobrang pag-inom
ng alak. Ang epekto ng alak sa atay ay ang pinakamabigat. Dahil ang alcohol ay isang lason sa katawan
at ang atay ang pangunahing bahagi ng katawan na tiga-linis ng mga lason at ibat ibang kemikal, kapag
sobra ang nainom mong alak, hindi kinakaya ng atay na linisin lahat ng alcohol sa katawan, at itoy
namamaga at nasisira. Kapag tuluyang nasira ang atay isang kondisyong tinatawag na cirrhosis
maaaring magtuloy-tuloy ang isang tao sa pakasira ng bato, coma, o kamatayan.
Hindi lamang atay ang apektado ng sobrang pag-inom ng alak. Pinakaganit ng alak ang mga
ugat ng dugo, na maaaring magdulot ng high blood at sakit sa puso. Marami pang epekto sa katawan ang
alak, gaya ng pagkasira sa utak ng mga brain cells, pagkasira ng pancreas, bangungot, at iba pa.
3.

ANG PAGLALASING AY NAKAKASIRA NG BUHAY.

Bukod sa mga epekto ng alak sa katawan, ang paglalasing ay nakakasira rin sa buhay. Ang pagigingadik ay umuubos sa panahon at pagkakataong makapag-aral, makapagtrabaho, at maging
kapakipakinabang na miyembro ng pamilya at lipunan.
Hihintayin pa po ba natin na maging ganito ang katawn natin? Huwag magpa-alipin sa alak lalo
na tayong mga kabataan upang hindi masira ang ating pag-aaral! Kung ikaw o isang kakilala mo ay sa

palagay moy adik sa pag-inom ng alak (alcoholic), huwag mag-atubiling lumapit sa doktor para
makahingi ng tulong at malampasan ang problemang ito.

PAGGAMIT NG MGA IPINAGBABAWAL NA GAMOT

Ang pagkalulong sa bawal na gamot (drug addiction) o ang pagkahumaling, pagkaadik, o adiksyon
ng isang tao sa mga pinagbabawal na gamot. Isa itong uri ng katayuan o karamdaman na mahirap
tanggalin at iwasan ng isang taong nasa ganito nang kalagayan, o ng taong nagumon na sa pagkasanay.
Ang epekto ng labis na paggamit ng droga sa mga kabataan ngayon, ay pagdami ng mga krimen, mga
minor de edad na ang mga gumagawa ng kaharasan ngayon, dumarami rin ang mga kabataan ang
nasisira ang kinabukasan dahil sa paggamit ng droga. Ito ay nakakasira din sa ating katawan dito maaari
tayong magkasakit ng malubha at nauuwi sa pagkamatay ng tao, at sa mata ng Diyos kasalanan ang pag
aabuso
sa
atin
katawan,
nagbibigay
ito
ng
mga
suliranin
sa
ating
buhay.

sa aking kaalaman nasa magulang parin ng kabataan ang kanilang kinabukasan kung nabibigyan sila ng
sapat na atensyon hindi maliligaw ang mga kabataan sa paggamit ng droga.
Dahil sa masamang epektong dinudulot ng droga, hinihikayat ko po ang mga kabataan na tigilan na
ang paggamit ng ganitong mga ipinagbabawal na gamot at makisapi o dumalo sa mga programang
inilulunsad ng ating gobyerno sa mga kabataan para sa pagsugpo at pag-alis ng mga drogang
pumapasok at lumalabas sa ating bansa. Hinihikayat ko rin po na ang mga kabataan na lubos na
nakakaunawa ay gumawa ng hakbang upang matulungan ang ating gobyerno sa pagsupil nito. Maaaring
gumawa po tayo o sumali sa mga organisasyon ng mga kabataan na naglalayong maiwasan ang
paggamit ng droga sa ating bansa. Tulungan po natin ang ating mga kapwa na kasalukuyang nalululong
sa ganitong bisyo. Iligtas po natin ang kanilang sarili sa kapahamakan.

KONKLUSYON

Maraming dahilan kung bakit nalululong ang mga kabataan sa masamang bisyo. At ang pangunahing
dahilan nito ay kahirapan. Dahil sa hirap ng buhay, walang trabaho, walang pagkakakitaan, hindi
makapag-aral at walang pagkakaabalahan matututo silang gumamit ng droga para pansamantalang
makalimutan ang kanilang mga problema. Maaari din nila itong gamiting pampalakas ng loob para
gumawa ng krimen o panandaliang pagkakakitaan tulad ng panghoholdap at pagnanakaw.
Nandyan din ang kawalan ng suporta mula sa pamilya. Kulang sila sa atensyon, pag-aalaga at
pagmamahal mula sa magulang at sa lipunan. At hahanapin nila ito sa paggamit ng droga para takasan
ang sakit ng kalooban.
Isa ring dahilan ay ang pagsama sa maling barkada o itinuturing na mga kaibigan. Sila ang
naglulugmok sa mga walang muwang na mga kabataan. Kaya marapat lamang na kilalaning mabuti at
piliin ang mga taong sinasamahan at kinakaibigan. Paggabay ng magulang at lipunan ay mahalagang
kailangan ng bawat kabataan.

PAANO MAIIWASAN NG MGA KABATAAN ANG MGA MASASAMANG

BISYO?
Sa akin pong palagay, dapat nating patibayin ang samahan at pagmamahalan sa pamilya.
Tamang impormasyon galing sa gobyerno kung saan sinasabi ang masamang epekto at dulot ng
masasamang bisong mga nabanggit. Kailangan din nilang sugpuin at ipairal ang kamay na bakal sa mga
kapulisan at batas para mawala na ang droga. Piliin ang mga sasamahang barkada o kaibigan.
Maghanap ng makabuluhang pagkakaabalahan tulad ng isports at pagsali sa mga programa ng bayan
gaya ng Clean Air Act, Sagit Dagat at iba pang programang nakakatulong sa bayan at mga tao.

KAPWA KO KABATAAN KUMILOS PO TAYO HUWAG TAYONG MAGPADALA SA TUKSO NA


NAGBIBIGAY NG MASASAMANG EPEKTO SA ATING BUHAY HUWAG NATIN HINTAYING
HUMANTONG SA PINAKAMALALANG KUNDISYON AT MASIRA ANG ATING BUHAY AT MAUWI SA
KAMATAYAN... HUWAG TAYONG MATAKOT...MAGBAGONG BUHAY TAYO...IPAKITA NATIN SA ATING
HENERASYON NA NAGSISILBING ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG ATING BAYAN. SA ATING
PAGBABAGO AT KUNG ANO MAN ANG ATING TATAHAKIN SA ATING BUHAY, HUWAG PO NATING
KALIMUTAN ANG MAGDASAL KILOS KABATAAN!
Ano nga ba ang droga?At ang masamang epekto nito sa tao?Ang droga,isang ipinagbabawal na gamot,na
sadyang mapanganib.isipin!Droga ay di solusyon sa mga suliranin.

Ilan sa ating mga tao,ay kung ano pang ipinagbabawal ay sya pa din ang patuloy na ginagawa. Tulad ng
droga, tinatawag ngang "bawal na gamot" ngunit bakit bakit patuloy pa din lumalaganap ang nasabing bawal
na ito? na kung tutuusin lamang ay di dapat problemahin dahil napakadali lamang ng solusyon kung
sadyang bawat isa ay mula't ang isipan, Iwasan! subalit, bakit ganon? Isa ang droga sa malalaking suliranin
ng ating bansa. Ginagawan nga ng solusyon ng mga ahensya ng ating gobyerno. Ngunit, ilan buhay pa ba
ang masisira?
Alam ba ninyo ang epekto ng droga? sa mga taong gumagamit nito? sinasabing kapag ito'y iyong natikman,
mararating ang langit. Subalit anong kalokohang langit ang sinasabi? Sa totoo lang ay impyerno ang iyong
patutunguhan, Masisira ang iyong buhay, at magiging masalimuot sa iyo ang bawat oras. Ipagpapalit mo ba
ang iyong mga pangarap sa isang gamot na ipinagbabawal?
Adik!!... Iyan ang bansag sa mga taong gumagamit ng droga kabilang na din ang ilang ipinagbabawal na
gamot. Tulad ng Coceine,Marihuwana,Syrup at iba pa, na sadyang napakasama ng maidudulot sa pag-iisip at
kalusugan ng mga taong makikitid ang isipan na patuloy na gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot na
ito.
Kaya nga mga kababayan, Iwasan ang salot na Droga! at iba pang ipinagbabawal na gamot. papayag pa ba
tayong kumalat at magkalat ang mga adik? Tama na! Sobra na! Mga adik sukpuin na! .Droga ay lipunin
na!......... "Droga: ang ipinagbabawal na gamot".
Akda ni: Michelle P. Morta

+++++++
____________

You might also like