You are on page 1of 6

Epekto ng bawal na gamot

Alam mo ba na sa bawal na gamot, hindi lamang nito pinipinsala ang mga mismong gumagamit
nito, kundi pati na yaong lahat ng mga tao na konektado sa kanya ay masasaktan din? Kasama
sa mga taong masasaktan kapag ikaw ay gumamit ng bawal na gamot ay ang iyong asawa o
kasintahan, mga anak at iba pang mga kapamilya at mga kaibigan. Ang paggamit ng droga ay
nakapananakit sa mga tao, kahit ano pa man ang iyong pinanggalingan, estado sa buhay maging
ikaw ay mayaman o mahirap.

Ang paggamit ng bawal na gamot ay magdudulot ng iba’t ibang problema tulad ng:

 Problema sa pera
 Problema sa eskwela
 Suliranin sa trabaho, na pwedeng ikawala ng hanap-buhay
 Problema sa mga relasyon
 Pag-abuso at pagpapabaya sa mga bata
 Aksidente sa kalsada
Kung ikaw o ang isa sa iyong mga mahal sa buhay ay gumagamit ng droga, ang pang-arawaraw
na pamumuhay ay magiging napakahirap anupa’t mararamdaman mo na ang buhay ay hindi mo
na makontrol. Ang paggamit ng droga ay nagbibigay ng malalang problema sa mga magulang,
mga kapatid, lolo at lola at sa ibang myembro ng pamilya.

Kapag adik sa bawal na gamot ang isang kapamilya…

 Hindi mo maaasahan na gagawin niya ang sinabi niyang gagawin niya


 Makakalimutan niyang gawin ang importanteng mga bagay dahil siya ay nakapokus sa kung
paano makakakuha at makakagamit ng bawal na gamot
 Siya ay magsisinungaling o magnanakaw para lang makabili ng droga
 Minsan, hindi siya uuwi ng gabi
 Gagawa siya ng masasamang mga bagay na malamang na hindi niya gagawin kung hindi
siya nag dodroga.
Ang mga kapamilya ng adik ay palaging mag-aaway dahil sa mga problemang dala ng paggamit
ng droga. Ang mga taong gumagamit ay maaaring makapagsalita o makagawa ng masama na
maaaring ikagalit ng mga kaibigan o kapitbahay. Ang pamilya ay maaaring magmukhang kahiya-
hiya.

Ang ilan sa mga taong lulong sa ipinagbabawal na gamot ay maaaring hindi maniwala sa
katunayan na sila ay may sakit at wala sa sarili kaya hindi sila nakararamdam ng
pangangailangan na maghanap ng lunas sa kanilang adiksyon. Kahit gaano pa kalala ng
problemang kanilang dinadala sa pamilya, hindi nila ito nakikita! May iba namang alam na
kailangan nila ng tulong, ngunit nagagalit at nalilito sa kung paano o saan sila hihingi ng tulong.
Epekto ng droga sa katawan

Ang paggamit ng bawal na gamot ay maaaring makapinsala sa katawan at maaaring maging


dahilan ng mga sakit na hindi na nagagamot.

Ang paggamit ng droga, kasama na ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng mga sakit na
maaari mong ikamatay, tulad ng:

 Sakit sa puso
 Pagkastroke o ang pinsala na dala ng pagbabara ng ugat sa utak
 Cancer
 HIV o AIDS
 Hepatitis
 Sakit sa baga
Karagdagan pa, ang isang tao na lango sa bawal na gamot ay mas malamang na maaksidente sa
sasakyan papuntang trabaho, bahay o kasiyahan.

Ang paggamit ng bawal na gamot ay maaaring tumulak sa isang tao na maging bayolente.
Maaari niyang saktan ang sarili at ang ibang mga tao.

Kung ikaw ay nakararanas ng depresyon, mag-iwas ka sa droga dahil ito ay nakapagpapalala ng


depresyon – ito ay isa pangunahing dahilan ng pagpapatiwakal lalo na sa mga kabataan.
Ang paggamit ng bawal na gamot ay nakamamatay. Maraming kaso ng pagabuso sa droga ay
humahantong sa mga sakit tulad ng sakit sa puso o highblood.

May mga droga na nakapipinsala sa baga. Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng kanser at
impeksyon. Ang paghithit ng marihuwana ay nagdudulot ng hindi mawala-walang ubo.

Ang mga drogang tulad ng heroine at pain killers ay maaaring magpahinto sa iyong paghinga.
Ito ay mapanganib!

Ang bawal na gamot ay nakasisira din ng mga bato o kidney. Kung minsan, ang sakit sa bato na
nakukuha sa paggamit ng drugs ay napakalala anupa’t pwede itong mangailangan ng dialysis
linggo linggo. Kapag huminto na ang iyong bato sa pagtrabaho, pwede mo itong ikamatay.

Ang pagabuso sa alak ay maaaring magdulot ng sakit sa atay.

Ang pagturok ng bawal na gamot sa katawan ay maaaring makapinsala sa mga ugat. Ito ay
maaari ring maging sanhi ng pagkahawa ng AIDS o HIV o ng alin mang sakit na nakakahawa
kung gagamit ka ng gamit at maruming karayom.

Mahigit sa kalahati ng adik sa bawal na gamot ay may sakit sa emosyon tulad ng:

 Depresyon, na dahilan kung bakit sila napakalungkot at pagod.


 Kabalisahan, dahilan kung bakit sila balisa at takot.
 Bipolar disorder, dahilan kung bakit pabago bago ang mood nila. Minsan, masigla, galit,
malungkot at takot na takot.
Ano ang epekto ng bawal na gamot? Sira-sirang buhay kung ikaw ay gagamit nito!

Epekto sa isip at emosyon

Bakit ba gumagamit ng marihuwana ang mga tao? Ang paggamit kasi nito ay nagpaparamdam
sa kanila na abot kamay na nila ang langit.

Pero alam mo ba na nag paggamit ng marihuwana ay may masamang epekto rin sa emosyon at
pakiramdam?

Narito ang ilan sa masasamang epekto nito sa isip ng tao

 Hindi mo na alam ang oras


 Di ka makapag-iisip ng maayos
 Matinding pagkabahala
 Depresyon
 Pagiging makakalimutin
Panganib na dala ng marihuwana

Palagi nating naririnig na ang marihuwana ay nakaka-adik. Sinasabing isa sa bawat sampung
tumikim nito ay magiging adik dito. May mga nagsasabi rin na ang paggamit ng marihuwana ay
nag-udyok sa ilan na subukan ang mas matatapang na droga tulad ng cocaine o heroine.

Maaari ring magdulot ng maraming sakit ang marihuwana kung may dati ka nang
nararamdaman sa atay, ikaw ay lowblood o may diabetes.

Kung ikaw ay lalaki na adik sa marihuwana, maaaring maaapektuhan nito ang dami ng
testosterone mo sa katawan na maaari mong ikabaog. Baka mawalan ka rin ng kakayahang
makipagsex.

May bagong mga pag-aaral na nagsasabing ang paggamit ng marihuwana ay maaaring may
kinalaman sa pagkakaroon ng depresyon, pagpapatiwakal o pagkabaliw. Hindi malinaw kung
ang marihuwana ang sanhi ng mga sakit na ito, ngunit alam ng mga dalubhasa na ito ay
nakapagpapalala ng sakit sa isip.

Maraming tao ang nag sasabi na ang pinakanakakatakot na epekto ng marihuwana ay ang
pagiging gateway drug nito, isang uri ng droga na siyang sinimulang gamitin ng isang adik
hanggang matuto siyang gumamit ng mas matapang at mapanganib na bawal na mga gamot.
Pero tandaan na ang marihuwana ay sadyang nakakaadik at nakapinpinsala tulad din ng iba
pang bawal na gamot. Kung ikaw ay maaadik sa bawal na gamot na ito, mahihirapan kang alisin
ito sa buhay mo. Ang mga adik sa produktong ito ay pinahihirapan ng withdrawal symptoms
kung kaya kahit ayaw na nilang gumamit, napipilitan parin silang magpatuloy.

Kung ikaw ay nag-aaral pa, ang marihuwana ay makapagpapahina ng iyong kakayahan sap ag-
aaral. Nakasisira din ito ng mga relasyon tulad ng sa pamilya at sa mga kaibigan. Kung sa tingin
mo ay isa sa iyong mga kaibigan ay naaadik na sa paggamit ng marihuwana, huwag kang mag-
atubiling maghanap ng paraan para tulungan siya.

May mga propesyonal na serbisyo namang makukuha ang mga taong llulong sa ipinagbabawal
na gamot ngunit gustong magbagong buhay. Kung ikaw ay nasa Pilipinas, makipagtulungan ka
sa pamahalaan na tulungan at baguhin ang iyong buhay. Tandaan na sa droga, ikaw ang talo!

EDITORYAL - Matindi pang giyera vs illegal na droga

(Pilipino Star Ngayon) - July 25, 2018 - 12:00am


KUNG ang unang drug war ng Duterte administration ay matindi, mas patitindihin pa ito
ngayon. Hindi magbabago ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga sa kabila na maraming
bumabatikos. “Your concern is human rights, mine is human lives,” sabi ni President Duterte sa
kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. Mas magiging maigting at
diniin pa ng Presidente, “Illegal drugs war will not be sidelined. Instead, it will be as relentless
and chilling, if you will, as on the day it began.’’

Mula July 2016 na sinimulan ang giyera laban sa illegal na droga, hanggang sa kasalukuyan,
umaabot na sa 4,354 ang mga namatay sa kampanya. Ayon sa Philippine National Police (PNP)
karamihan sa mga drug suspect ay napatay sa operasyon nang lumaban ang mga ito habang
inaaresto. Bukod sa mga napatay, marami ring nahuli, tinatayang 102,630 mula Hulyo 1, 2016
hanggang Hunyo 30, 2018.

Binatikos ang unang giyera laban sa droga sapagkat marami umano sa mga napatay ay
napagkamalan lamang. Mayroong sumusuko na pero pinagbabaril pa rin. Mayroong tinaniman
lamang umano ng shabu at saka inaresto na.

Mayroong menor-de-edad na inaresto ng mga pulis sa Caloocan City dahil sa pagiging runner
daw pero makaraan ang ilang minuto, natagpuang patay ang bata. May mag-ama na sumuko sa
mga pulis dahil inakusahang nagtutulak ng shabu sa Pasay pero makaraan ang ilang sandali,
pinagbabaril na ang mga ito dahil nanlaban daw. Patay ang mag-ama.

Ang unang giyera laban sa droga ay pinagkakitaan ng mga corrupt na pulis na naka-assign sa
drug enforcement unit. Tinataniman ng shabu ang mga suspect at saka peperahan. Mayroong
mga pulis na na-videohan habang sinasalakay ang isang establishment at tinataniman ng shabu
ang mga bag na gamit ng empleado at saka nila kokotongan.

Kung magiging ganito na naman ang mas pinatinding giyera laban sa droga sa mga darating na
araw, marami na naman ang mamamatay at maraming mabibiktima ng mga corrupt na pulis.
Kailangang maging maingat ang PNP para hindi mabatikos. Ilagay sa ayos at nasa batas ang
giyera sa illegal drugs.
EDITORYAL - Mas matinding giyera laban sa illegal na droga

(Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2019 - 12:00am


NAGBABALA noong nakaraang linggo si President Duterte na ang nalalabi niyang tatlong taon ay
mas lalo pang magiging mabagsik laban sa drug dealers. Sinabi ito ng Presidente kasunod nang
pagkakasagip ng bloke-blokeng cocaine sa karagatan sa maraming bahagi ng bansa. Sunud-
sunod ang pagkakasagip sa mga inaanod na droga na umaabot na sa 230 kilos na ang halaga ay
umaabot na sa P1.32 bilyon.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Presidente sapagkat hindi pa nasosolb ang problema ng


illegal drugs na una na niyang ipinangako noon na aabutin lamang ng anim na buwan. Mula
nang maupo siya noong Hunyo 2016, sunud-sunod na ang police operation laban sa drug
pushers at maging sa drug users. Umabot na sa 5,000 ang napatay sa police operations.

Sabi pa ng Presidente, narito na sa bansa ang international drug syndicates na kinabibilangan ng


Sinaloa cartle ng Mexico at ang Asian Bamboo Triad. Ang Sinaloa ang tinuturong nasa likod ng
mga inaanod na cocaine sa mga dalampasigan ng bansa. Ayon sa Presidente, sa barko umano
ang ginagawa ang cocaine at saka ihahagis sa dagat. Madali lang umanong makita ng sindikato
kung saan napadpad ang mga bloke-blokeng cocaine sapagkat mayroong nakakabit na global
positioning system (GPS) ang mga ito.

Banta ng Presidente magiging mapanganib para sa mga drug lord at iba pang sangkot sa illegal
drugs ang huling tatlong taon ng kanyang termino. Wala raw siyang pakialam kahit pa ang drug
lord ay nagmula sa China, Taiwan o Malaysia. Kapag nagtungo raw sa Pilipinas ang drug lords,
papatayin niya ang mga ito.

Magiging mas madugo ang giyera laban sa drug traffickers sa nalalabing tatlong taon. Sana
naman, hindi mga pipitsuging drug pushers ang titimbuwang kundi mga big time drug lord.
Maraming naghahangad na maging drug free ang bansa pero dapat unahin ang
pinanggagalingan ng droga at wasakin ito. Kahit pa araw-araw at may mapatay na maliit na drug
pushers, balewala sapagkat ang source ay nananatili pa rin. Unahin ang ugat.

You might also like