You are on page 1of 2

PAANO SUMULAT NG MAAYOS AT MAGANDANG TALUMPATI

Paano sumulat ng isang talumpati sa loob ng 10 minuto Karamihan sa atin ay hindi masyadong binibigyang halaga ang pag-sulat ng talumpati. Kung bibigyan man ng pansin kung kailan gahol na sa oras. Inaamin ko ganyan ako. Isinasaad dito kung paano sumulat ng talumpati sa loob ng 10 minuto na mabisa at detalyado 1. Ano ang iyong palagay? Ayon kay Steven Coveys 2nd habit, it is critical to have the end in mind. Sa pag -sulat ng talumpati, tanungin mo ang sarili mo kung anu ang nais mong ipahayag. Ikaw ba ay kapani-paniwala para sang-ayunan ang bagong proyekto? Naaakit mo ba na magtrabaho bilang isang team ang iyong mga katrabaho? Nahihikayat mo ba ang mga parokyano na bilin ang iyong produkto? Anuman ang nagawa mong talumpati, gaano man kahaba o kaikli, ang mahalaga ay may nilalaman kang nais ipabatid. Paalala: Kung ang talumpati ay maiksi, bigyang halaga at pagtuonan ng pansin ang isang paksa nang sa gayon madali itong matatandaan ng mga tagapakinig. 2. Tatlong punto por punto Ano ang tatlong dahilan bakit mahalaga ang proyektong ito para sa pag-unlad ng inyong kumpanya? Ano ang tatlong pamamaraan upang bigyang pansin ang kanilang sinasaloob? Ano ang tatlong problema na maaaring malutas ng iyong produkto? Sa bawat paksa na magagawa mo patibayan ito ng halimbawa o magsalaysay ng isang kwento upang masuportahan ang iyong punto. 3. Maghanda ng mga icebreaker o pantawag pansin. Ang unang 30 minuto ang pinakamahalagang bahagi ng iyong talumpati kung saan ito ang maghuhudyat kung ang iyong tagapakinig ay mahihiyakayat na makinig sa iyo sa mga susunod na minuto. Maging handa na makuha ang atensyon ng iyong tagapakinig sa simula palang ng iyong talumpati. Heto ang ilang halimbawa na maaring magamit para makuha ang atensyon ng mga tagapakinig. Nakakagulantang na katotohanan Pahayag mula sa mga dalubhasa Quotation o mga presiyo Makatotohanang galaw

Panretorika o patalumpating tanong Videoclip o bahagi ng isang pelikula o palabas Biro o katatawanan Anekdota Napapanahong mga kaganapan Aktwal na pagpapatunay Paborito ko ang panretorika o patalumpating tanong dahil nahihikayat nitong mag-iisip ang mga tagapakinig. Nasubukan ko minsang magbigay ng isang pananalita na nahikayat ko ang mga tagapakinig. Sinimulan ko ang pananalita sa pamamagitan ng tatlong katanungan. Kalian ka huling umupo at nakatanaw ng paglubog ng araw? Kailan mo huling nalasahan ang iyong paboritong pagkain? Kailan mo huling nakausap ang iyong ina at sabihin sa kanya kung gaano mo siya kamahal? Dito kaagad nagsimula ang aking pananalita. Sa aking palagay, karamihan sa kanila matagal na panahon ng hindi naranasan ang tatlong bagay na iyon. Sa pag-gamit ng mga panretorika o patalumpating tanong nakukuha mo ang kanilang atensyon at nagiging interesado sila kung anu ang susunod kong sasabihin. Kaagapay ng iyong icebreaker ay ang kasagutan sa mga tanung na Bakit kailangan akong pakinggan ng mga manunuod? o Anung meron dito para sa kanila? Ito ang magtataya sa kanila para manatiling nakatutok at maging interesado sa iyong talumpati. Pinakahuli Practice makes Permanence! I cannot emphasize the importance of practice! Subukang isagawa ang mga paraan ng paulit-ulit hanggang sa dahan-dahang maging bihasa. Samahan pa ng konting tiyaga, mapapaunlad at mapapaganda ang iyong talumpati pati mahubog ang iyong kakayanan. Sa pagpupunyagi hindi malayo na maging isa kang mahusay taga-pagsalita.

You might also like