You are on page 1of 1

Sumpang Kasal

Arranged marriage. Ito ay isang napagkasunduang kasalan na plinano ng dalawang


pamilya para magkaisa ang dalawang napili sa kanilang pamilya. Bakit nga ba ito nangyayari?
Ito ay dahil kulang sa pera, dahil sa relihiyon, o dahil sa tradisyon. Ngunit meron din ang
tinatawag na child marriage. Ito naman ay saan ikinakasal ang isang bata sa matanda o sa isa
pang bata.

Isang kasalanan ito sa mga bata, lalo na’t hindi dapat ikinakasal ang mga bata, hindi ito
nararapat na oras para aksayain ang kanilang buhay sa bagay na hindi naman importante sa
kanilang edad. Ang dapat na ginagawa ng mga bata ay magaral, magsikap para sa kanilang
pangarap, maglaro, maglibang, at magsaya kasama ang mga kaibigan nila. Bilang isang
kinse-anyos na babae, hindi ko maisip na nasa ganoon akong sitwasyon. Masasayang lamang
ang aking buhay kung ako ay basta bastang ikakasal sa taong hindi ko pinipilli na makasama at
lalong lalo na kung hindi ko minamahal. Ang mga magulang na pumapayag ipakasal ang
kanilang mga anak sa murang edad ay walang awa. Kung sino man ang taong may kayang
ipagpalit ang kanilang anak sa bagay na pansamantala lamang ay kulang sa pagmamalasakit.
Anong klaseng magulang ka kung iyon lang ang gagawin mo sa anak mo? Hindi ko
maintindihan kung ano ba ang magandang maidudulot ng child marriage sa mga magulang at
mga bata. Kung mayroong kapalit, hindi ibigsabihin iyon lang ang halaga ng kanilang anak.
Dahil walang bagay ang lalapit sa halaga ng isang bata.

Ang arranged marriage ay dapat lang sa mga matatanda at parehong may permiso sa
mga ikakasal. Hindi dapat dinadahilan ang relihiyon o tradisyon sa ganitong bagay dahil minsan
hindi ito nakakabuti sa mga taong pilit na kinasal. Habang tumatagal na din ang panahon, dapat
matuto na tayong ihiwalay ang hindi magandang asal kahit na sa tradisyon ito. Kung alam natin
na mali, hindi na dapat ito ituloy para na din sa kinabukasan ng ibang tao.

You might also like