You are on page 1of 4

Kabanata I

“Lihis na respeto ng kabataan sa makabagong henerasyon ngayon”


Paksa

Pagpapakilala
Maraming kabataan ang nawawalan ng respeto sa kanilang mga magulang sa panahon
ngayun.Nakakalungkot mang-isipin ,binabalewala na nang-ilang kabataan ang mga pangaral ng
kanilang magulang sakanila at marami naring nalilihis ng landas sa pagkat hindi nagagabayan ng
mabuti ng kanilang magulang .May ilang kabataan ang mayroong bisyo tulad ng
alak,sinarilyo,kaadikan sa “online games” at maramipang iba at kung lumaki ay maaaring pati sa
droga sila ay maging adik din .Nagsisimula ang kawalan ng respeto sa magulang sa pagsagot-
sagot sa kanila at sa pag hindi pag sunod sa mga bilin nito .

Paano nga ba maiiwasan ang ganitong problema?.Ano ngaba ang dahilan kung bakit ilan
sa kabataan ang wala nang respeto sa kanilang magulang .

Ang ating magulang ay nandiyan upang tayo ay gabayan sa buhay ,upang tayo ay hindi
lumihis ng landas o sa madaling salita nandiyan sila para ituro sa atin ang tama at mali para
malaman natin kung tama bang gawin ang isang bagay at upang makagawa tayo ng disisyon na
hindi natin pagsisihan kalian man dahil nandiyan an gating magulang upang tayo ay tulungan.
Mga kabataan, kung igagalang ninyo ang inyong mga magulang, mamahalin ninyo sila,
irerespeto, magtatapat sa kanila, magiging maunawain sa kanila, at magpapahayag ng
pasasalamat sa kanila, at magpapamalas ng lahat ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng
pagsunod sa kanilang payo sa kabutihan

Alamin natin kung ano ang opinion ng ilang tao tungkol sa ating paksa at kung bakit nga ba
kailangan nating irespeto ang ating magulang.

“Kung talagang iginagalang natin [ang ating mga magulang], hahangarin nating tularan ang
kanilang pinakamahuhusay na katangian at tuparin ang kanilang pinakamatataas na mithiin para
sa atin. Para sa mga magulang, walang regalong binili sa isang tindahan ang makatutumbas sa
halaga ng ilang simple at taos-pusong mga salita ng pagpapasalamat. Wala tayong maibibigay
sa kanila na mas mahalaga kaysa sa mabuting pamumuhay ng bawat anak” (The Teachings of
Spencer W. Kimball, in-ed. Edward L. Kimball, Salt Lake City: Bookcraft, 1982, p. 348).

Backgroud ng pagaaral
Ayun kay Airish Mae Ramirez,Sa panahon ngayon,tila yata nagiiba ang basehan ng mga tao
pagdating sa pag-ani ng reaspeto mula sa iba. Para sa iba ang pinaka mainam na paraan ng
pag-ani ng respeto mula sa iba ay sa pamamagitan ng kanilang tapang,lakas, o sa madaling
salita,sa pagiging siga.Para bang sa tingin nila ay rerespetuhin sila ng mga tao kung magiging
siga sila.Pero kung iisiping mabuti,para atang hindi respeto ang kanilang naaani kundi takot.

Marahil nagtataka ang ilan sa inyo kung bakit kailangan kong pagtuunan ng pansin ang simpleng
bagay na ito.Nais ko lamang na mabigyan ng liwanag ang iba pagdating sa pag ani ng
respeto.Ang respeto po ay inaani at hindi pwersang kinukuha.Hindi porket siga o matapang
ka,nirerespeto ka marahil may mga natatakot sa yo pero hindi yun makokonsidera na respeto.

Malaki ang pagkakaiba ng respeto at takot.Kung gusto nating respetuhin tayo ng ibang
tao,matuto tayong rumespeto at huwag manakot o manindak.Magsilbi sana itong gabay sa ating
batayan patungo sa respeto.Isa itong napaka importanteng aspeto ng ating pagkatao.

Ang taong nirerespeto ay magaling makipag kapwa-tao.Ang respeto ay may nakalaang


pundasyon sa bawat nilalang.Ito'y batayan sa taong merong prinsepyong sinusunod at kung
gusto talaga natin na tayo ay respetuhin matuto rin sana tayong rumespeto sa ating kapwa
tao,hindi lang sa tao kundi sa lahat ng bagay na nakapaligid sa akin may buhay man oh wala
dahil ang pagrespeto ay walang pinipiling kahit na ano man.Ang respeto ay parang salami. kung
ano ang pinapakita mo sa iyong kapwa yun din ang ipapakita nila sa iyo.

Ang paggalang ay ang pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa


sarili. Kailangang mayroon itong lalim ng integridad, tiwala, mga komplementaryong
pinapahalagaang kaugaliang wagas, at kasanayan.

Dinadagdag ng paggalang ang pangkalahatang tiwalaan sa pakikipag-ugnayan sa lipunan.


Tinutulot nito ang mga tao na magsama-samang gumawa sa isang komplementaryong gawi, sa
halip na palagiang unawain o sang-ayunan ng bawat tao ang isa't isa. Mahalaga ang paggalang
sa mga pamayanan dahil tumutulong ito sa mga tao na makibagay sa ibang mga tao.

Samantala, ang pakundangan ay isang salita na nagpapahayag ng antas ng panggalang. Ang


salitang ito ay nahahati sa dalawa at ito ang "paki" at "dangan" na ang una ay nagpapahayag ng
paggalang at ang ikalawa ay nagsasabi ng may mabuting dahilan o katuwiran. Kung gagamitin
ang salitang ito, mag-iisip muna ang isang tao kung itutuloy niya ang gagawin sa kaniyang
kapuwa dahil may pakundangan siya.

Kabaligtaran ng paggalang ang paglapastangan na may kahulugang "kawalan ng pagrespeto".

Pahayag ng problema

 Ano nga ba ang dahilan ng pagrerebelde ng anak?

Limang Dahilan Kung Bakit Nagrerebelde Ang Isang Anak:*


1. Pagkukumpara sa mga kapatid.- palaging inihahambing ang mga nagawang achievements ng
mga kapatid sa kanya na nagdudulot ng pakiramdam na walang nagagawan tama ang anak na
nagiging sanhi ng pagrerebelde.

2. Hindi pagbibigay atensyon ng magulang.- hindi pagpansin sa ano mang ginagawa ng anak
kaya ang pakiramdam ng anak ay hindi siya importante para sa kanyang mga magulang kaya
nagrerebelde sila bilang daan para mapansin.

3. Masamang impluwensya ng kaibigan - mga anak na mas inuubos ang oras kasama ang mga
kaibigan kaysa ang pamilya kaya lumalayo ang loob sa mga magulang nagreresulta sa kawalan
ng respeto sa magulang at pagrerebelde sa pamamagitan ng pag inom o pag bibisyo.

4. Hadlang ang magulang sa relasyon ng anak - hindi pag sang ayon ng magulang sa relasyon
ng kanilang anak na nareresulta sa pagrerebelde kagaya ng pag lalayas o pakikipag tanan.

5. Hindi sang ayon ang anak sa naging desisyon ng magulang - pagdedesisyon ng magulang sa
mga bagay bagay ng walang pagsabi sa kanilang anak. Halimbawa ay ang pagpili ng kukuning
kurso ng anak, ito ay nagreresulta sa pagrerebelde ng anak

 Ano nga ba ang Respeto?

Partikular na pagdating sa matatanda. Simpleng pagbigkas lang ba ng po at opo? Pagmamano?


Pagsunod sa kanilang kagustuhan ng walang kwestiyon?

Mukang lumuluma na ang kahulugan ng respeto. Hindi na siya naaangkop na kasalukuyang


panahon. Sa gawa lang ba talag naipapakita ang respeto? Respeto ba talaga ang pagsunod na
walang kwestiyon? Po at opo: dito lang ba mababase ang respeto pagdating sa pananalita?

Kung iisipin natin, ang kahulugan ng respeto ay dapat nang magbago.

Ngayon, hindi lang dapat matatanda ang binibigyang respeto, hindi lang bata ang nagbibigay-
respeto.

2-way na masasabi ang respetuhan kung nagnanais tayo ng kagalang-galang at umuunlad na


lipunan.

Ibig sabihin nito, may karapatan ang mga bata na magtanong ng “bakit?” bago nila gawin ang
pinapagawa ng nakakatanda.

Dapat din, bigyang halaga ang sinasabi ng bata, lalo na sa pamilya, hindi lang nanay o tatay ang
bibigyang otoridad na magdesisyon para sa pamilya; hingin dapat nila ang opinyon ng kanilang
mga anak lalo na kung ito’y may saysay.

Hindi tinuturo sa eskwelahan ang mambastos, ngunit tinuturo sa eskwelahan ang mag-isip at
magtanong; may pagkakaiba po sa kanilang dalawa. Kung gusto niyo hong sumusnod na lamang
nang sumunod ang inyong mga anak, eh patigilan niyo na po sila ng pag-aaral.
Ang respeto ay pagbibigay galang sa nais maging ng isang tao sa kaniyang paglaki. Sino ka para
pigilan siya na tumungo sa landas na inilaan ng Diyos sa kaniya? Siya lang ang makakapagsabi
kung ano ang gusto niya!
Ang po ay opo ay isang tradisyon na magandang gawin kahit sa modernong panahon. Tunay na
nakakakiliti sa tenga’t puso ng matatanda ang pagbigkas ng mga ito.

Definition of terms
 RESPETO – isang paraan ng paggalang sa sino man matanda man o bata.

 Paggalang - nararapat na matanggap ng mga nakakatanda sa atin.

You might also like