You are on page 1of 1

Maagang Pagbubuntis

Bakit kaya mayroong mga kabataang maagang nabubuntis? Ano kaya ang mga dahilan ng
maagang pagbubuntis? Ano-ano ang maaaring maging dulot ng maagang pagbubuntis?
Marami sa panahon ngayon ang mga kabataang maagang nabubuntis. Dahil sa katigasan
ng kanilang mga ulo at hindi nila sinusunod ang mga payo ng kanilang magulang kaya naliligaw
sila ng landas. Walang magulang na nagnanais mapahamak ang kanyang anak. Ang nais lamang
ng ating mga magulang ay ang makabubuti para sa atin. Kaya dapat tayong sumunod sa ating mga
magulang. Ang pagsuway ay may kapalit na bagyo sa buhay ng isang tao.
Ang maagang pakikipagkatipan ay isa sa dahilan ng maagang pagbubuntis ng isang
kabataang babae. Kapag lagging magkasama ang isang babae at isang lalaki na magkatipan,
magiging magkatulad ang kanilang mga ugali sapagkat silay nagiging isa. Isa rin sa dahilan nito
ay ang pagiging malibog ng mga kabataang babae. Sabik silang maranasan ang pakikipagtalik sa
isang lalaki, subalit hindi pa ito dapat gawin ng mga kabataan. Ang pakikipagtalik ay para lamang
sa mga mag-asawa.
Ang maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng abortion. Dahil sa mura pa ang isipan
ng isang kabataan at hindi pa niya kayang gampanan ang mga responsibilidad sa pagkakaroon ng
sanggol sa kanyang sinapupunan kaya ipalalaglag na lamang nya ito. Sa mga kababaihang naririto
kapag nagyari na ito ay huwag na ninyo itong ipalaglag pa. Ang pagpapalaglag ay isang malaking
kasalanan sa Diyos sapagkat para ka na ring pumatay ng isang taong walang kalabanlaban. Ang
maagang pagbubuntis ay nagdudulot ng pagiging matured ng mukha ng isang kabataang babae.
Maaari rin itong humantong sa maagang paghihiwalayan dahil hindi pa nila lubos na kilala ang
isa’t isa.
Sa lahat ng ito, huwag tayong gumawa ng mga bagay na ikasasama natin upang hindi tayo
magsisi sa huli. Dapat pag-isipan muna ang isang bagay bago ito gawin.

You might also like