You are on page 1of 3

Titulo ng Pelikula: 3 Idiots

” Life is either a daring adventure or nothing”

Karamihan sa mga tao ay hindi naaabot ang kanilang mga pangarap hindi dahil sa
pagkabigo, karamihan sa mga tao na hindi naisasabuhay ang kanilang mga pangarap
ay dahil pinili nilang sumuko. Laging tandaan na ang magtagumpay ay ang hindi pag
tigil sa pag-abot ng minimithing pangarap dahil sa isang kabiguan.

Sinabi nga nila "Ito ang aking layunin at gagawin ko ang anumang kinakailangan
upang makamit ito. Matututo ako sa aking mga kamalian at magtatrabaho ako ng mas
matalino at hindi ako hihinto hanggang sa maging isang katotohanan ang aking
pangarap.” At iyon ang pagkakaiba sa pagitan ng tagumpay at kabiguan. Hindi
madaling abutin ang mga pangarap, in fact walang madali sa lahat ng aspeto ng
buhay. Lahat dapat paghirapan, dugo’t pawis ang dapat ipuhunan. Marami tayong
pagdadaanan at marami tayong pagsubok na haharapin. Isipin mo kung natakot si
Michael Jordan ay natakot tumira ng bola at na takot na baka hindi ma I- shoot ito.
Hindi siya kailanman magiging sika na basketbolista. Isipin mo kung natakot si Steve
Jobs na baka hindi nagustuhan ng mga tao ang kanyang produkto. Edi sana walang
Iphone ngayon. Nakikita mo, kung mahal mo ang tagumpay, walang makakapigil sa
iyo.

Nandito tayo sa paaralan ngayon, bakit? Dahil bukas gusto natin maging isang tao
na mas higit kaysa sa taong tayo ngayon. Dahil nakikita natin ang ating mga sarili na
umaahon, nagtatagumpay, mayroon tayong isang pangitain, may pangarap tayo at
kailangan nating gumawa ng isang hakbang para maisakatuparan ito. Sa buhay
kalangan nating mag take ng risk. Subukan ang lahat ng possibilidad. Hindi kailangan
na maging perpekto ang lahat at okay lang ang magkamali, dahil ang mga
pagkakamaling ito ang siyang magsisislbing leksyon para tumapang tayong hamonin
ang buhay, maging wais at matalino sa pag buo ng desisyon, mas matatag at mas
hihimok kaysa dati. Dahil sa huli ang buhay ay alinman sa isang mapangahas na
pakikipagsapalaran o wala. Tandaan All iz Well!

You might also like