You are on page 1of 2

Ang Teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng isang kababaihan ay isa sa mga

isyung panlipunang kinahaharap ng ating bansa. Maraming kabataan o menor de edad ang
apektado sa isyung ito, dahil na rin sa mga nakakasalamuha nila sa kanilang kapaligiran. Dahil
dito, labis na apektado ang kinabukasan ng kabataang apektado ng teenage pregnancy, marami
sa mga ito ang hindi na nakakapagaral dahil sa panahong inuukol na lamang sa pagaalaga ng
batang kanilang dinadala. Ang isang menor de edad ay alam nating marami pang dapat gawin sa
buhay ngunit kapag ang ganitong klase ng problema ay dumating, mahirap pasanin ang
responsibilidad dahil sa sa kulang pa ang nalalaman ng mga ito sa pagpapalaki ng bata. Hindi
lang dahil sa hindi kayang pasanin ang responsibilidad ngunit ang katawan ng isang menor de
edad na kakabaihan ay hindi pa angkop dahil sa baka hindi ito kayang pangalagaan lalo na’t ang
isang menor de edad ay nagaaral pa.

Sa adbokasiyang aming isinisigaw at pinapalaganap, naririto ang ilan sa mga layuning aming
isinasagawa:

 Layunin ng adbokasiyang ito ang magpalinang ng papanaw ng bawat kabataan o menor


de edad.
 Layuning mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat kabataan tungkol sa isyung kagaya
ng Teenage Pregnancy.
 Layuning maituro ang tamang pagiingat at pagiging alerto ng bawat kabataan lalo na ng
mga kababaihan.

Ang adbokasiyang ito ay target ang bawat kabataang babae, gayon din ang lalake na
naghahatid ng tukso, dahil marami nang nagpapadala sa tukso at nagiging dahilan ng pagiging
mapusok. Kailangang matigil na ito sapagkat, lumalaki na ang populasyon sa Pilipinas at kapag
tumuloy ito at hindi natigil, maaapektuhan ang bawat sanggol na ipapanganak kada taon.

Sa pagsasagawa ng mga programa, ang mga hakbang na ito ay nakatutulong sa paglinang


ng isip ng kabataan. Una, magpahayag o magpresenta ng mga bagay tungkol sa teenage
pregnancy. Pagkatapos ay nagpapahayag kami ng paalala o tips sa kabataan upang
makapagingat at maging alerto sa paligid. At sa huli, nagpapanood kami ng mga pelikulang may
kinalaman sa teenage pregnancy na nagpapahayag din ng kamalayan at alerto sa bawat
kabataan. Sa pagbuo ng adbokasiyang ito, katuwang naming ang DSWD Secretary Rolando
Joselito Bautista, World Health Organization at DOH para mabigyan din kami ng tamang
kaalaman tungkol sa mga isyung kagaya nito. At upang matulungan at suportahan kaming
mapalaganap at maihayag ang gustong iparating ng adbokasiyang ito. Kaya sa mga kabataang
ayaw pang maranasan ang responsibilidad na kaakibat ng kapusukan, tandaan. “Ang hindi
marunong maghintay madalas ay maagang nagiging nanay.”

You might also like