You are on page 1of 2

Bulaklak ng aking Buhay

Totoo ngang makulay ang buhay ngunit may iba’t ibang kulay na pinagdadaanan ang
tao, gaya na lamang ng bulaklak na may kulay itim, may pula, may puti at iba pa. Ngunit ang
aking sarili ay maihahalintulad o maihahambing ko sa isang bulaklak na puno ng kasiyahan at
positibong pananaw sa buhay walang iba kundi ang kulay dilaw na Rosas. Kay gandang
pagmasdan ng isang bulaklak kapag umousbong at naaalagaan ng maayos. Ngunit sa kabila
ng lahat ang isang magandang bulaklak ay nalalanta din kapag hindi na naarawan gaya ng
aking buhay na masaya ngunit pagdating na ng gabe ay unti unti ng nawawalan ng sigla,
pagod doon pagod dito. Halos buong katawan ay pagod sa pagtatrabaho kung kaya’t nais
natin ng pahinga at alaga kapag tayo ay pagud na. Ang isang halaman o bulaklak kapag
nalalanta ay kailangan ng diligan upang maging masigla muli at upang nagbibigay tuwa sa
mga tao kapag namumukadkad lalong lalo na sa umaga na nagpapahiwatig na mayroon pang
bukas at pag-asa ang isang halamang nalanta tulad ko na naghahatid ng saya sa aking
pamilya, kailangan ko ng lakas upang sa mga susunod na bukas tayo lalaban muli sa buhay
upang bumangon muli.
Ang isang bulaklak ay nagsimula sa buto hanggang sa lumaki at nabuhay ng may
ginagampanan sa mundo. Gampanin na maipakita ang kagandahang namuukadkad na hatid
ng may kapal. Katulad ko bilang isang tao na nagsimulang mangarap noong ako’y maliit pa
lamang hanggang sa makatungtung sa koleheyo at naghahangad na makatapos upang ang
aking mga pinaghirapan ay umosbong upang makapagbigay ng inspirasyon at motibasyon sa
mga taong naapaligid sa akin.
Ang halaman kapag mali ang iyong tinaniman ay hindi magiging masaya kapag mali
ang lupang iyong tinataniman at kapag ito’y iyong inilipat sa maayos na lugar ay mabubuhay
ito ayon sa kapalaran ng iyong tanatanim. Parang buhay ko maraming kurso at paaralan ang
aking pagpipilian sa mga panahong ako ay magkokolehiyo pa lamang ngunit ay dito ako
dinala ng aking kapalaran. Marahil ay nais ng may kapal na gamitin ko ang aking mga
nalalaman at malalaman upang makapagbahagi sa mga bagong usbong na kabataan. Mula ng
tumongtong ako dito at nagsimulang pag-aralan ang kursong ito ay muli akong nangarap na
nais kong maging isang mahusay na guro sapagkat alam kong hindi lamang laman ng nasa
aklat ang aking maibabahagi sa kanila kundi pati na rin ang kahalagahan ng buhay.
Tulad sa mga bulaklak na may ibat-ibang kulay ang makikita dito tulad din ng aking
buhay na may ibat-ibang pinagdaanan pero lumaban din ako, ngumiti sa bawat yugto ng ating
tatahakin kaya’t huwag nating hayaang lunurin tayo ng problema na kahit gaano man kalaki
ang dumating, ngitian nalang at maging isang taong positibo sa lahat na bagay. Gaya nga ng
isang bulaklak darating din ang panahon na ang buhay ko naman ang magkakaroon ng kulay
at maraming tao ang makakakita ng aking halaga sa kanilang buhay.
Maraming hadlang ang pumipigil sa aking mga pangarap ngunit patuloy ko parin
itong tutubo. Gamit ang aking mga napagdaanan sa buhay nais kong maging isang gabay sa
mga kabataang nangangarap dahil walang imposible sa mundo. Nais kong maghatid ng
inspirasyon sa mga kabataa na sa kabila ng hirap ng buhay ay huwag tayong mawalan ng
pag-asa, maraming paraan upang patuloy na mangarap sa buhay ika nga nila libre lang ang
mangarap basta’t haluan lang ng pagsusumikap. Kagaya kong isang mag-aaral lahat ng aking
mga pangarap ay aking aabutin upang Makita nila mula sa akin na isa ako sa mga taong
matatag at may lakas ng loob upang maging matapang sa kahit na anomang laban. Maging
tulad na isang bulaklak, maging isang masiyahin at positibo sa buhay dahil ang taong may
magandang pananaw ay may magandang paruruonan.

You might also like