You are on page 1of 10

Wedding Dance by Amador Daguio Tagalog version Script

Monday, 22 April 2019

Wedding Dance

by Amador Daguio

Script translated by MsFutureEd

Introduction

Ang bansang pilipinas

Mayaman at saganang likas

Kultura at tradesyon ang mamamalas

Nagmula pa sa mga ninunong nagsipag wakas.

Isa sa paniniwalang ito

Kahit ngayon ay mamamalas niyo

Ngayong hapong ito, inyong tunghayan

Ang isang kasaysayang pag-iibigan

Na hindi man pinalad magpatuloy

Ngunit ang pag-ibig sa mga puso’y nananaghoy.

Scene I

Awiyao:

Ako’y mapalad sapagkat aking kabiyak ang pinakamahusay na mananayaw ng tribu. Hindi na ako
makapaghintay pa na bumuo ng pamilya kasama ka, aking asawa.
Lumnay:

Gayon din ako, aking mahal. Hindi matutumbasan ng ginto, ng lupain, at ani ang ating pag-ibig. Pag-
sisilbihan kita, aalagaan, ibibigay ko sa iyo ang pamilyang pinapangarap mo.

Awiyao:

Dito, dito ko itatayo an gating bahay. Payak man ito pero pupunuin natin ito ng pag-ibig at magandang
alaala. At doon, nakikita mo ba ang malawak na lupain na yon? Pupunuin ko ito ng mga tanim. Hindi ko
hahayaan na magutom ka. Hindi ko hahayaan na magutom ang ating mga supling.

Lumnay:

Magiging saksi ang araw at mga bituin sa ating pag-ibig- pag-ibig na kasinglakas ng agos ng ilog, sing puro
ng tubig sa bukal, sing tatag ng tradisyon ng ating tribu…

Scene II (Tribu)

Pitong taon!

Pitong taon na ang lumipas!

Pitong taon na ang lumipas matapos mag-isang dibdib sina Lumnay at Awiyao.

Subalit wala! Wala!

Subalit hindi! Subalit hindi nagbunga ang kanilang pag-ibig.

Hindi namukadkad ang mga talulot.

Hindi nahukay ang mga ugat.

Hindi namunga ang mga punong kahoy.

Subalit wala. Walang buhay na nabuo, sa pitong taong pag-ibig.

Scene III (Panalangin ni Lumnay)


Lumnay: (Nakaluhod at nagdadasal)

Kabunyan, dinggin mo ang aking matagal nang panalangin. Buong puso ko itong isinasamo sa iyo. Nawa’y
pagbigyan ang hiling ko. Ginawa ko ang lahat upang ako’y maging karapat-dapat. Upang hindi ako
magkulang bilang asawa, subalit may nais ang aking kabiyak na hindi ko mapunan.

Kailangan ko ang maging ina. Biyayaan mo ang aming pagsasama ng anak, na magpapatuloy sa aming
nasimulan. Tanggapin mo ang mga prutas na ito bilang handog upang dinggin mo ang aking panalangin.

Scene IV (Ang tradisyon)

Awiyao:

Lumnay, aking asawa, narito ang matandang pinuno ng ating tribu. Nais tayong makausap.

Pinuno:

Ikinalulungkot ko ang sinapit ng inyong pagsasama. Sampung taon na ang lumipas at hindi nagbunga ang
inyong pag-ibig. Hindi lingid sa inyong kaalaman ang tradisyon ng ating tribu na matagal na
pinangalagaan ng ating mga ninuno. Dangal, kayamanan at tungkulin ng lalaki ang magkaroon ng anak.
Kung hindi man ito maibibigay sa unang asawa, ay kailangan niyang humanap ng kabiyak na tutulong sa
kanya na gampanan ang tungkuling ito – tungkulin sa ating tribu, tungkulin sa ating tradisyon. Kaya
isinama ko si Madulimay.

Madulimay:

Narito ako upang ika’y paglingkuran, mga pagkukulang aking pupunan.

Awiyao:

Hindi ko kayang iwan ang aking mahal na asawa.

SC#1:
Ngunit ayon sa tradisyon na ating kinagisnan, kailangan mong makasal sa iba upang magkaroon ng
tagapagmana.

Pinuno:

Kaya’t si Madulimay ang aming napili upang ika’y tulongan at gampanan ang tungkuling ito. Sa gabing ito
gaganapin ang inyong pag-iisang dibdib ni Madulimay.

Awiyao:

Pinuno, hayaan niyo muna kaming makapag-usap ng aking asawa.

SC#2:

Ipagpaumanhin mo Lumnay, ngunit ito lamang ang nararapat gawin upang si Awiyao ay magkaroon ng
anak.

Pinuno:

Kung gayon kami ay aalis na upang kayo ay makapagsarilinan. At ika’y maghanda na sa gaganaping kasal
niyo ni Madulimay.

Scene V (Pag-iisang dibdib ni Awiyao at Madulimay)

Awiyao:

Ikinalulungkot ko na kailangan ‘tong mangyari. Patawarin mo ako. Ngunit, wala na tayong magagawa.

Bakit hindi ka lumabas? At sumali sa sayawan ng mga kababaihan? Dapat kang sumali sa kanila, na – na
parang walang nangyari.

Kung hindi mo talaga ako kinasusuklaman sa hiwalayang ito, sumali ka at sumayaw sa labas. Malay mo,
makahanap ka ng lalaking para sayo.

Lumnay:
Hindi ko gusto ng ibang lalaki, hindi ko nais ang kahit sino pang ibang lalaki.

Awiyao:

Batid mo rin naman na ayoko rin ng kahit sino mang babae. Alam mo yan hindi ba?

Lumnay:

Oo, batid ko iyon.

Awiyao:

Wala akong pagkakamali, hindi mo ako masisisi, naging mabuting asawa ako sa’yo.

Lumnay:

Hindi mo rin ako masisisi.

Awiyao:

Naging mabuti ka sakin. Naging mabuti kang asawa. Wala na akong masasabi sa’yo. Kailangan lang
talaga ng lalaki na magkaroon ng anak. Ang pitong gapasan ay sadyang napakatagal para hintayin.

Oo, ang tagal-tagal nga nating naghintay. Kailangan pa natin ng isa pang pagkakataon bago pa mahuli ang
lahat sa ating dalawa.

Lumnay:

Alam mong ginawa ko ang lahat! Taimtim akong nagdasal kay kabunyan, nag-alay ng napakaraming
manok sa aking pagsamo.

Awiyao: Oo, alam ko yun.

Lumnay:
Naalala mo ba? Kung paano ka nagalit noong kinatay ko ang isa sa mga baboy ng walang paalam?
Ginawa ko iyon para malugod si kabunyan!

Dahil sa mahal kita!

Dahil sa gusto kong magkaanak!

Dahil gusto kitang bigyan ng anak!

Pero anong magagawa ko!

Awiyao:

Hindi tayo nakatadhanang biyayaan ng anak ni kabunyan.

Pumunta ako rito upang sabihin sayo na ikasal man ako kay Madulimay, ay wala ng makahihigit pa sayo
Lumnay, hindi siya kasing galing mo, mahina siya sa pagtatanim ng mga buto, mabagal siya sa
paghuhugas ng mga banga, at hindi siya gaano magaling sa paglilinis ng bahay, hindi gaya mong magaling
sa lahat ng bagay, isa ka sa pinakamahusay na asawa dito sa ating nayon.

Lumnay:

Ngunit hindi sapat ang pagiging asawa lang, kahit ako man ang pinaka mahusay. Hindi ito sapat kailangan
kong manging ina. At hindi ko kayang ibigay iyon sayo.

Awiyao:

At sana’y ito’y iyong maunawaan, Lumnay, itong bahay na ito ay sa iyo na, itinayo ko ito para sa iyo, kaya
pagmamayari muna ito, manirahan ka dito hangga’t gusto mo. Igagawa ko na lang bahay si Madulimay.

Lumnay:

Hindi ko kailangan ng bahay.

Awiyao:

Ibibigay ko sa iyo ang aking bukid na hinukay mula bundok nong unang taon ng ating pagsasama. “Alam
mong ginawa ko iyon para sa’yo. Tinulungan mo akong gawin iyon para sa ating dalawa.
Lumnay:

Wala akong paggagamitan sa ating bukid.

Lumnay:

Bumalik kana sa sayaw, hindi tama ang pagpunta mo rito, magtataka sila kung na saan ka at baka
sumama ang loob ni Madulimay sa iyo. Kaya bumalik kana.

Awiyao:

Mas gagaan ang aking pakiramdam kung ikaw ay dadalo at sasayaw sa huling pagkakataon.

Lumnay:

alam mo na hindi ko magagawa iyon.

Awiyao:

Lumnay… Lumnay, alam mong ginawa ko ito para magkaroon ng anak at alam mong walang silbi ang
buhay kong wala kang anak. Isa itong kahihiyan para sa akin, alam mo iyon.

Lumnay:

Alam ko, ipapanalangin ko na biyayaan kayo ni kabunyan.

Lumnay:

Awiyao, Awiyao, aking asawa. Ginawa ko ang lahat para magkaanak. Tumingin ka sa akin! Tumingin ka sa
aking katawan, ito’y puno ng pangako. Kaya kung sumayaw, kaya kong magtrabaho ng mabilis sa bukirin,
kaya kong umakyat sa bundok ng mabilis. Ikamamatay ko ang Makita kang may kasamang iba.

Awiyao:
Hindi mo iyon gagawin. Hindi ka mamamatay.

Lumnay:

Wala akong pakialam sa mga bukirin, hindi ko kailangan ng bahay, wala na akong kailang kundi ikaw, ikaw
Awiyao, wala ng iba.

Awiyao:

Maging ako ay walang ninanais pang iba. Kundi ikaw lamang aking sinta, pero wala tayong magagawa
sapagkat ito ang pasya ng lahat.

Lumnay:

Babalik ako sa aking ama, mamamatay ako.

Awiyao:

Pakatapos ay ano? Ako’y iyong kamumuhian? Lumnay, aking iniirog, isipin mo ang panahong lumipas, na
tayong dalawa ang bumagtas, nawa’y ito’y maging insperasyon para buhay mo’y magpatuloy.

Kung hindi ko susubukan sa pangalawang pagkakataon, nangangahulugang ito na mamamatay ako.


Walang magmamana ng aking mga bukirin na aking inukit mula sa mga bundok, walang sino mang
susunod sa akin.

Lumnay:

Kung, kung mabigo ka sa pangalawang pagkakataon. Ako’y balikan, ika’y bukas palad kong tatanggapin.

Awiyao:

Kung mabigo man ako, babalik ako sa iyo, sabay tayong mamamatay, sabay nating lisanin ang mundo.

Lumnay:
Ang aking kwentas, Awiyao, hayaan mo akong itago ang aking kwentas.

Awiyao:

Itatago mo ang kwentas, matagal na panahong nagdaan, sabi ng aking lola iyon ay galing pa sa hilaga
mula sa mga taong nakatira sa ibayong dagat. Itago mo ang kwentas Lumnay.

Lumnay:

Itatago ko ang kwentas, sapagkat ito ay simbolo ng iyong pagmamahal sa akin. Mahal kita, mahal kita at
wala na akong maibibigay pa.

SC#3:

Awiyao! Awiyao! O Awiyao, hinahanap ka na nila sa sayaw.

Awiyao:

Hindi ako nagmamadali.

SC#3:

Ang mga matatanda ay magagalit sayo, kaya’t mabuti pa’y pumunta kana.

Awiyao:

Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa aking magiging maayos ka sa aking paglisan.

Lumnay:

Paalam, Awiyao.

Awiyao:
Paalam

Lumnay:

Awiyao!

Posted by Ms Future Ed at 06:33 No comments:

Email This

BlogThis!

Share to Twitter

Share to Facebook

Share to Pinterest

Home

View mobile version

Subscribe to: Posts (Atom)

About Me

Ms Future Ed

View my complete profile

You might also like