You are on page 1of 4

Script

Ang alamat ng saging


Bata : hmmmm ang sarap ng saging
Ina: oo nak, masrap at masustansiya talaga ang saging
Bata: nay san po ba nagmula ang saging?
Ina:May kuwento tungkol sa alamat ng saging na nagpasalin salin mula pa sa ating mga ninuno
Nak: talaga po ba nay? Puwede niyo po bang ikwento?
Ina: noong unang panahon, may isang magandang dilag ang nakatira malayo sa kaharian. Hindi siya pinapalabas ng
bahay ng kanyang ama.Nananatili siya sa kanilang bahay at doon tanging gawaing bahay ang pwede niyang
gawin.pangarap ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang mayaman na lalaki tulad na lamang ni don Felipe.kahit na
ganun ang kanyang buhay, lumaki siyang mabait at masunurin na dalaga.

(Music)
(nagkakanlong ng mga damit si juana)
Ama: Ano ka ba naman juana?Bakit ikaw ang gumagawa niyan?hayaan mo nang ang tatay ang kumuha ng
sinampay.Anak naman
Juana:tatay patapos na po
Ama:anak, hindi bagay sa isang prinsesa ang nagsasamsam ng mga sinampay.
Anak: tatay(hahahakdog) hindi nmn po ako prinsesa
Ama: Hindi ba? Hindi ka pa prinses pero malapit na. Kapag napangasawa mo si don felipe, para ka na ring prinsesa.
Juana: opo, tay kung iyon po ang pangarap ninyo para sa akin
Ama: pag nakita ni don felipe ang natatangi mong ganda sigurado ako ikaw ang pakakasalan niya mabuti na lang talaga
at nag mana ka sa nanay mo
(papasok sa bahay)
(may kulog at kidlat)
Ama: pakiusap anak pumasok kana sa bahay baka makagat ka ng lamok dito. Ala sige ikandado mo ang pinto.
Juana: opo tatay
(aakyat sa hagdan)
Ama: wag na wag kang lalabas.
(ikinandado ni juana ang pinto)
( umalis ang ama)

Ina:At umalis ang ama upang hanapin si Don Felipe.Ngunit sa kasamaang palad ang kanyang kabayo ay biglang nagwala
at nahulog siya sa kalesa.Muntikan ng madaganan ang ama ngunit may isang binatang biglang humila sa kaniya .Ang
binatang ito ay nagngangalang, Aging.

(umuulan sa bahay nina juana)


Scene:sa loob ng bahay, habang may hawak na libro si juana kasama ang pusa
Juana:oh bakit?ginugulo mo na naman ako(sumampa kay juana)
Pusa:hindi ka ba nananabik sa buhay sa labas?ayaw mo bang makakita ng mga lugar na nababasa mo sa libro?
Juana:syempre naman.gusto kong makakita ng iba’t ibang lugar pero sa ngayon,dito lang ako.Dito lang tayo dahil yun
ang sabi ni tatay.hintayin daw natin na makilala ko si don felipe(pabulong).
(magiinat ang pusa sa kandungan ni juana)
Pusa: nakakainip ditto.pagod na pagod na ako
Pusa: tayo na lang ang humanap kay don felipe kaysa maghintay tayo dito
Juana:hindi pwede,narinig mo naman ang tatay diba? Hindi pwedeng lumabas, dito lang tayo sa loob ng bahay, tahimik,
ligtas, hindi natin alam anong panganib ang naghihintay sa labas (may kalabog, biglang magugulat ang pusa at biglang
dadamba kay juana.
Juana: Ano yun? (uungot ang pusa, biglang hahawakan ni Juana ang tsinelas)
Pusa: Bakit lalapit ka pa riyan?
Juana: Sisilipin ko lang(pabulong)(bubuksan ni juana ang pinto at tatangkaing ihampas ang tsinelas sa tao na nasa labas
ngunit napigilan ito)sino ka?Bitawan mo ako!(takot na takot)(napatingin si Juana tapos bigla silang nagkatitigan)
Juana: Sino ka? Bitawan mo ako(Nagpupumiglas) Bitawan mo ako! Ano ba?
Aging: Hindi kita sasaktan, kalma lang.
Juana: Ano ba?
Aging: Pinapunta ako dito ng tatay mo, ni Mang Julio.
Juana: At bakit? Nasan ang tatay ko?
Aging: Nasa hacienda na siya ni Don Felipe.

(Naglalakbay si Mang Julio gamit ang isang kalesa kasama si Aging)(Biglang bababa si Aging mula sa kalesa)
Don Felipe: Ikaw ba ang nagdisenyo ng mga tukador? gusto kong palitan mo lahat ng tukador sa mansion ko ngayon din.
Hulyo: opo, mahal na Don Felipe, pero mayroon po akong anak na naiwan, hindi po ako makakagawa ng mga tukador.
Malayo po sa akin ang anak ko.
Don Felipe:Sunduin sya at dalhin ditto

(balik sa scene ni juana at aging)


Juana: Kung galing ka talaga sa hacienda patunayan mo
Aging: dala ko ang kabayo ng tatay mo at pinagbilin niya na ingatan kita, kaya iingatan kita
Juana: sumama ka na sa akin, hindi kiya pababayaan
(sumama si juana kay aging. Habang naglalakbay, biglang nagsalita si juana)
Juana: tumigil muna tayo, nagugutom ako
Aging: nagdala ako ng iyong makakain, juana (sabay abot ng pagkain)
Juana: pero hindi naman ako pwede kumain ng hindi ka kasalo, hindi yun tama
Aging: (buntong hininga) sige dun tayo sa batis. Hindi ligtas tumigil dito
Juana: batis? Makakakita na ako ng batis
Pusa: yahoo!

Sunod na pangyayari: nakatulog si juana sa balikat ni aging. Inalalayan ni aging si juana para makababa. Uminom si juana
ng tubig mula sa batis pagkababa ng kalesa)
Juana: sarap ng tubig! (sabay tingin kay aging na nasa kalesa)
Aging: ngayon ka lamang nakatikim ng tubig sa batis?
Juana: ngayon lang. ngayon lang ako nakatikim ng tubig mula sa batis. Sa libro ko lang ito dati nakikita. (lumapit sa isat
isa at naghawak kamay)
Juana: salamat! Salamat aging!
(lumublob si juana)
Juana: samahan nyo na ako dito. Takot ba kayo sa tubig? ( winisikan ni juana ng tubig si aging na nagiihaw ng isda)
(umupo si juana sa bato at binigyan ni aging si juana ng tinapay)
Juana: bakit mo ba ako pinagsisilbihan?
Aging: naninilbihan ako kay don felipe kaya kung anong gusto nya ay iniingatan ko
Juana: iniingatan mo ako para sa kanya? Napakaganda ng iyong mga kamay
Aging: salamat. Ito ang pinakaimportanteng bahagi ng aking katawan
Juana: bakit parang nagliliwanag ang mga kamay mo?
Aging: May angking mahika ang mga yan. Kaya nilang gumuhit, magtanggol, magsilbi, magalaga
(hahawakan ni juana ang kamay niya)
Juana: ang mga kamay na ito ang nagligtas sa aking ama, nagpalaya sa akin sa selda at nagdala sa akin dito. Ang mga
kamay mo ang nagdulot sa akin ng abot langit na kasiyahan

(sa hacienda)
(tumatakbong naiyak ni Julio si juana)
Julio: juana napakasaya kong makita ka
Juana: tatay salamat po sa pagpapadala sa akin kay aging. Napakasaya ko po
Julio: aging, inalagaan mo ba ang aking anak?
Aging: opo mang Julio, tiniyak ko pong ligtas at Masaya siya
Julio: Juana, dun ka na sa iyong magiging silid, wag ka nang lalabas para makipagusap kahit kanino maliban na lang sa
don felipe na nagpatawag sayo
(magkahawak kamay)
Juana: akala ko pa man din ay magiging malaya na ako dito, yun pala ay itatago din ako ng tatay, sa bagong kulungan nga
lang
Aging: Gusto kang itago ng iyong ama para si don felipe lamang ang makakita sa iyo dahil…
Juana: Dahil pangarap ni tatay na maging isa akong prinsesa
Aging: Ikaw? Yun din ba ang gusto Mo? Ang maikasal sa mayaman?
Juana: dati, kung anong gusto ni tatay para sa akin ay yun din ang gusto ko. Ngayon, may iba na akong pinapangarap.
Ngaton, may namumuong tanong sa aking isipan na paano kung mamuhay ako na ayon sa aking kasunduan hindi lamang
naghihintay na maikasal sa lalaking mayaman
(umakyat si aging)
Aging: paano kung alipin lang ang nasa palad ko? Paano kung gusto kong magsimula kasama ka?Ipagpapaalm kita sa
iyong ama baka nga pag nalaman niyang marangal ang aking intensyon piliin na nya ko na ako ang iyong makasama hindi
nmn ako mayaman ang mga kamay ko ang tagapagtanggol at magsisilbi.
(nakitang magkasama si aging at juana)
JULIO: Magnanakaw!!! Don Felipe parusahan niyo ang alipin nyong magnanakaw
Don Felipe: (lalapit kay aging at juana) Aging, pinagkatiwalaan kita
Aging: Don felipe wala po akonng ninakaw. Hindi ko alam ang sinasabi niyo
Don felipe: Alam mo dito sa aking lupain ang kaparusahan sa pagnanakaw ay pagputol ng kamay
(lalapit ang mga tauhan ni Don Felipe sa pagfinger snap nya)
(kukunin si aging ng mga tauhan)
Aging: ano to?
Ama: Isa kang magnanakaw!
Aging: wala akong ginawa sa inyo.
Ama: Wala kang ninakaw sa akin pero sa anak ko meron. Ninakaw mo ang puso ni Juana,ninakaw mo rin ang pag-asa
niyang maging prinsesa. Dapat lang putulin ang iyong mga kamay. Isa kang magnanakaw! (may hawak na martilyo at
pamputol ng kamay).
(itinali ang kamay ni Aging at ipinatong sa isan kahoy na tila sangkalan)
Juana: Tatay! Parangawa na po. Pakawalan nyo po si Aging. Wala po siyang kinuha sa akin na hindi ko handang ibigay.
Mahal ko po siya… sa kanya ang aking puso.
(pinutol ng ama ang kamay ni Aging)
(sisigaw si Aging sa sobrang sakit)
Ina: at ganoon na lamang, nauwi sa kasawian ang pagmamahalan ni aging at ni juana.
Anak:ina’y talaga naman po palang napakasama nang nangyari kay aging
Ina:Oo, anak.
Anak:Ano naman po ang nangyari nanay?

Aging(background sound):Pinutol nila ang mga kamay ko. Pero ang puso ko, patuloy na iibig kay Juana.(kinuha ni Juana
ang mga kamay ni Aging at kinuha si Juana ng mga tauhan)(kinulong siya). Magkakaroon ng palatandaan ang
pagmamahal ko sa kanya at makikita ito ng lahat. Malalaman ng lahat ang pagmamahal ko sa’yo, Juana.
Juana:(inililibing sa lupa ang kamay ni Aging na nasa baul) Paalam. Kung nasan ka man, Aging, sana magkaroon ako ng
matatanganang ala-ala mo.hanggang sa magkasama tayo muli.(umiiyak)

Next scene: Nasa tabi ng bintana si juana at makakakita ng isang puno


Juana:Anno ito?Dito ko inilibing ang mga kamay ni aging.
Pusa:Kakaibang halaman.
Juana:malagintong mga daliri, parang kamay ni aging(kukuha ng bunga ng saging at iiyak). Aging, nagbalik ka na! Aging!!!
(mapapaluhod)
(pinapanuod sa malayo ng ama at ni don felipe)
Juana:Aging, kalian ka ba babalik sa akin?kahit nasaan ka man aging, hihintayin pa rin kita

Aging(puno):nasawi man ang kuwento ng aking pagibig, napatunayan ko naman ang tamis ng aking pagmamahal na
walang hanggan.Hadlangan man at kasawian ang aking matanganan,habang buhay naman kitang hawak sa aking puso at
isipan.Aking ipinapanalangin na sa susunod nating pagkikita sana’y wala ng hadlang at delubyo na haharapin nang sa
gayon ikaw ay tunay na mapasakin.Mahal na mahal kita, Juana

Ina:Natapos ang kanilang pagsasama, hindi naman mawawala sa puso ni juana ang pagibig na nadama kay
aging.Representasyon ng pagiibigan na ito ang prutas na hugis kamay ni aging.Kinalaunan, kumalat ang kuwento ng
pagmamahalan ni aging at juana. Tianawag nila ang prutas na saging, galling sa pangalan ni aging.At dito natapos ang
kuwento ng alamat ng saging.
Anak:ahhhhh isa po palang napakagandang kuwento ng alamat ng saging.
Ina:Sige na anak at ako ay madami pang gagawin.

You might also like