You are on page 1of 6

PAMAGAT: FATHERS’ DAY

FADE IN
INT. SALA – GABI

Papasok ng sala si Eda. Pipindutin ang switch pero walang ilaw.


Pakapa-kapa itong pumasok ng bahay at hinanap ang kanilang mga
kandila at pansindi.

EDA
Kiraz, anong nangyari? Bakit wala tayong ilaw?
Brownout ba?

KIRAZ
Hindi ate, may dumating kanina na mga tao para
putulin yung linya natin. Tatlong buwan na raw
tayong hindi bayad.

EDA
Ano? Pano nangyari yun e nagpa gcash ako ng bayad
kay Aling Nena?

KIRAZ
Hindi ko rin alam, ate. Pero parang may kinalaman
si papa.

EDA
Kiraz, wala tayong tatay, baka nakakalimutan mo.
SCENE 2
EXT. LABAS NG BAHAY – GABI

Dali dali ang paglakad ni Eda. Sunud sunod rin ang ginawa niyang
pagkatok sa sarado ng tindahan.

EDA
Aling Nena! Aling Nena! Saan napupunta yung
iniaabot ko sayong pambayad ng kuryente namin?
Naputulan kami! Mahal pa namang magpakabit ulit.

Pumasok sa tindahan si Aling Nena at Binuksan ang bintana nito.

ALING NENA
Aba naman, Eda. Gabi na, wag mo kong
pinagtataasan ng boses. Baka nakakalimutan mo,
malaki pa ang utang ninyo sa akin.

EDA
Aling Nena naman, hindi ba may usapan na tayo na
iba ang bayad ko sa mga bayarin sa bahay at iba
rin sa mga utang? Kababayad ko lang ilang araw
ang nakalipas?

ALING NENA
Hindi mo ba alam? Panay ang utang ng magaling
mong ama. Kapag siningil mo, matapang, pag naman
hindi pinautang, siya din ang matapang.
Pagbantaan ba naman ako, porket dating pulis,
napaka yabang! Baka akala niya, parehas lang
naman tayong squatter dito! Ang mabuti pa,
itanong mo dun sa kabit niya, baka iyon ang
pinagkaka gastusan!
SCENE 3
EXT: UMPUKAN NG MANGINGINOM- GABI

EDA
Anong ginawa mo sa pera? Nilustay mo na naman sa
babae mo? Sa sugal? O sa inom para magmukha kang
astig sa mga kaibigan mong walang silbi?

MANGINGINOM
O pare, eto pala yung anak mo e. Ang sexy! Hoy
Eda, patikim naman!

Tumayo ang isa sa mga manginginom at nag akmang naglakad


papalapit kay Eda pero binato na siya ng babae ng bote ng
gin kaya’t hinimatay ito.
TATAY
Eda naman, maliit na halaga, palipasin mo na.

EDA
Maliit palang halaga, edi ikaw ang magtrabaho!
Lahat na lang ng gawin mo, pinapahirapan ako.
Subukan mong Ipakita ang pagmumukha mo sa bahay,
makikita mo. Makikita mo!

SCENE 4
INT: BAHAY – UMAGA

Bagong gising si Eda at pagewang gewang pa papunta ng salas.

EDA
Alas nuebe na pala! Hindi mo ako ginising, Kiraz!
Late na ako, iaawas pa sa sweldo ko!

Sumilip ang kanilang ama sa may pintuan.


EDA
Hindi ba’t sinabi ko na sayong huwag mong
ipapakita ang pagmumukha mo dito?

TATAY
Iaabot ko lang naman ito kay Kiraz, regalo ko.

EDA
At ano yan? Nagpapanggap kang magpaka ama? Ang
daming araw sa isang taon, ngayon mo lang
naiisip? Ano, para magmalaki? Para sabihin mo sa
sarili mong matino kang ama?

KIRAZ
Ate, tama na. Pa, akin na po.

Aabutin ni Kiraz ang paperbag na dala ng kanilang ama.

EDA
Hindi, Kiraz, ibalik mo yan!

KIRAZ
Ayoko, ate!

TATAY
Eda, ama mo pa rin ako. Bigyang galang mo ako
kahit papaano. Kung ayaw mo sa akin,, hayaan mo
man lang makita ko si Kiraz.

EDA
Walang karapatang maging ama ang mga lalaking
kagaya mo! Alam mo kung gaano kasakit ang
pakiramdam na nariyan lang ang ama mo pero hindi
mo ramdam na minahal ka niya. Alam mo kung gaano
kasakit na makitang awayin ng sarili mong ama ang
nanay mo na akala mo utang na loob pa niya sayong
siya ang babaeng pinili mong pakasalan. Na kung
itrato mo ay parang basura.

Wala kang karapatang humingi sakin o kahit kanino


sa aming magkakapatid ng kahit na ano dahil lang
sa ikaw ang ama namin. Baka nakakalimutan mo,
tatay ka namin pero hindi ka nagpaka ama.
Kaya wag kang umasa ng Pagmamahal. Dahil wala
kang karapatang hingin ang bagay na pinagkait
mong ibigay o iparamdam samin o sa mga kapatid ko
kahit na minsan.

TATAY
Kung wala ako, wala rin kayo!

EDA
Oo, ganyan nga! Tutal, iyan rin lang naman ang
kaya mong ipagmalaki, hindi ba? Na dahil sayo
kaya kami nandito. Pwes, kung wala ka, hindi rin
mawawala si mama! Para mo na rin kaming Pinatay
noong nawala ang nag iisang magulang na nagmahal
sakin.

Hahablutin ni Eda ang paperbag mula kay Kiraz. Masisira ito at


mahuhulog ang lamang dress. May kasama itong pangalan kung para
kanino ang mga ito gayundin ang isang maliit na papel na may
liham.

EDA
Paanong… sinusundan mo ba ako?

TATAY
Hindi ba’t gusto mo yan? Pinag ipunan ko para
ibigay ko sayo ngayong araw ng Fathers’ Day. Kaya
lang kinulang ako sa pera kaya’t nangutang ako
kay Aling Nena. Alam kong hindi ito sapat para sa
lahat ng pagkukulang ko sayo, anak. Pero gusto
kong maiparamdam sayo kahit minsan na may ama ka
pang nagmamahal sayo.

EDA
So, anong gusto mo, matuwa ako na ibinili mo ko
gamit ang pera ko?

TATAY
Hindi sa ganoon, anak, pero—

EDA
Wala akong pakialam! Sa susunod, galing-galingan
mo naman yang pagpapalusot mo para mauto ako.
Hindi yung maggagawa ka na nga lang ng exuses,
halata pa.

SCENE 4
EXT. LABAS NG BAHAY PAPUNTANG KALSADA – UMAGA
Dala ng tatay ang bestidang asul na regalo niya.

TATAY
Anak, sige na o, tanggapin mo man lang. Tapos
kung gusto mo, magpapakalayo layo na lang ako.

EDA
Mabuti pa nga. Mas maganda nga kung mawala ka na
lang tuluyan. Baka sakaling mapapayapa ako. O
baka sakaling mapapatawad kita.

Tatawid ng kalsada si Eda. Susunod ang tatay niya pero mababangga


ng truck. Hindi makakagalaw si Eda at matutulala sa mga
pangyayari. Mahuhulog mula sa pagkakahawak niya ang asul na
Bestida.

FADE OUT

You might also like