You are on page 1of 5

MUNTING BAYANI

Lea: Uy… Alam nyo, ang bago nating kaklase, ang ganda-ganda nya no. ang suot? Ang gara-gara, siguro…
ah, alam ko na, anak-mayaman siya no?Kaya pala ang arte-arte nya, akala mo kung sino.

Ana: Hoy! Kayo ano ang tinitingin-tingin nyo. Tiyak, ako ang pinag-uusapan nyo no? Bakit, sino ba
kayo? Tingnan nyo nga ang mga sarili nyo, parang basahan ang suot, ang baho-baho… Heh.

Lea: Grabe ka naman. Ang sakit-sakit mo naman magsalita, Ana. Kahit ganito lang kami may mabuti rin
namang puso.

Ana: Ay naku! Ang sabihin nyo… naiinggit lang kayo sa akin. Kasi lahat ay nasa akin na. Maganda,
matalino at mayaman pa. O ano kuha nyo?!

Iyan si Ana, ang bagong lipat naming kaklse. Kung anong ganda nia ay siya ring sama ng ugali
niya. Minsan galing sa eskwela ay nadatnan niyang nakahiga sa kama ang kanyang ina.

Ana: Inay, magandang gabi po, nandito na po ako.

Inay: O anak, dumating ka na pala. Nandito ang tita Vinesse mo.

Ana: Mano po. Inay, tita. Gutom na gutom na po ako, nay.

Inay: O siya magbihis ka na at ipaghahain na kita.

Tita: Bakit ba ate ultimo pagkain niya ay ikaw pa ang naghahanda. E ang laki-laki na niya para di magawa
ang mga bagay na iyun ah.

Inay: Hayaan mo na Vinesse. Ang mahalaga ay nag-aaral siyang mabuti at hindi niya ito pinababayaan.

Tita: Naku ate ha, baka kung saan na mapunta ang sobrang pagmamahal mo na iyan. Baka abusuhin nya
yan.

Inay: Wag kang mag-alala. Hindi naman siguro yan magagawa ni Lea.

Minsan nakatanggap ng isang imbitasyon si Lea mula sa dating kaklase na isa nang abogada.

Lea: Naku, dapat makadalo ako sa kasayahang iyun.Kaso, wala akong bagong damit. Hmmmm… Teka
mapuntahan nga si Inay.

Inay. Inay.

Inay: Ano yun Lea?

Lea: Inay dumating na pala yung kaibigan ko noong high school. At imbitado po ako sa kaarawan niya.

Inay: Talaga anak, inimbitahan ka? O, e di puntahan mo para makapagkwentuhan naman kayung
dalawa.

Lea: Kaso Nay, may problema po ako.

Inay: Ano yun anak?


Lea: E wala po akong maisusuot na magandang damit. Dapat ay magara ang suot ko nun para d naman
kahiya-hiya sa mga bisita.

Inay: Ganun ba. Paano kaya to, wala tayong pambili ng ganung klaseng damit anak.

Lea: E di hindi na lang po ako dadalo kesa mapahiya lang.

Inay: E, … o siya sige na anak gagawa ako ng paraan para makapunta ka dun.

Lea: Talaga Inay? Yehey. Ang bait-bait talaga ng nanay ko. Sabi ko na nga ba at di ngo ako matitiis eh.
Salamat po nay.

Inay: Sige na umalis ka na at mahuhuli ka na sa klase mo.

Lea: Alis na po ako, nay. Siya nga pala, samahan niyo na rin po ng alahas ha.

Inay: Ha, alahas? Pati ba naman alahas. Kailangan pa ba yun e di ko na nga alam kung saan ako kukuha
ng ganung damit eh hihirit pa ng alahas?

Sa gabi ng okasyon, maraming bisita ang napansin ni Lea na nagsipagdatingan.

Lea: Wow! Ang gagara ng mga suot nila. Hay, ganito pala ang pakiramdam ng mayayaman. Talagang
lutang ang ganda mo sa lipunan.

Boses: Uy Lea. Ikaw na ba yan. Wow ang ganda ng suot mo ah. Bagay na bagay sa iyo. At ang mga alahas
mo, ….lalong nagkikislapan sa suot mo. Siguro …..ang yaman nyo na ngayon ano.

Lea: Hmmm, hindi naman masyado nakapag-Abroad lng naman ang Daddy at si Mommyay nasa Canada.
Abala sa negosyo namin dun.

Boses: Kaya naman pala eh. O halika na at ipakikilala na kita sa mga kaibigan ko.

Lalong humanga si Lea sa mga bisitang dumarating. Pero Hindi siya nagpahalata. Sa suot niya at
mga alahas ay tiwalang-tiwala na siya at kahit saglit ay kinalimutan niya ang tunay na siya.
Nakipagsiyahan siya,kwentuhan at palitan ng halakhakan sa mga kaibigan ni Vinesse. Nang may
napansin siyang isang ale na patungo sa kanila.

Lea: Teka, si Inay ba yun? Naku, nabisto na. Kabilin-bilinan kong huwag akong puntahan sa mga ganitong
pagtitipon eh. Mapuntahan nga.

Lea: Inay, ano ginagawa nyo rito. Bakit kayo naparito?

Inay: Lea, anak. pasensiya ka na. Batid kong ayaw mo akong patunguhin dito… pero anak, ang bunso
mong kapatid ay inihatid namin kanina sa hospital dahil lumala ang sakit niya. Pinuntahan kita rito kasi
ikaw ang hinahanap niya. Gusto ka nyang makita, anak.

Lea: Ang kapatid ko? Naku, paano ba to. Patay ako nito sa mga kaibigan ko.

Nang may biglang lumapit na isang ginang.

Gng:O ikaw pala Aling Maring. Halika, pasok ka muna. Ano sana ang sadya nyo rito?

Lea: A eh, Ginang Melendrez, si yaya Maring po.


Ginang: Ganun ba? Siya pala ang yaya mo.

Lea: Magkakilala po kayo?

Gng: Sa akin siya naglalabada eh. Naku alam mo ang bait-bait nitong yaya mo. Lahat gagawin para sa a

Gie: Si Lea? E kung ganun po, siya ang pinaglaanan nyo ng magandang damit at alahas na hiniram nyo sa
akin kahapon?

Inay: Ganun na nga, Bea. Ayaw ko namang maging katawa-tawa siya sa ganitong okasyon at heto at
napakarami ngang talaga ang mga bisita. Kung hindi lang sana importante e di hindi na sana ako
pumarito.

Lea: Inay… ay, Inay Maring. Bakit kayo naparito. Sana tinawagan nyo na lang ako para ako na lang po ang
umuwi.

Inay: Pero anak di ba lam mo namang wala akong cellphone

Lea: Psshhh. Wag kang pahalata inay. Baka mapahiya ako rito.Siya nga pala ang yaya ko Bea. Si Inay
Maring.

Bea: Ay ganun ba akala ko kasi siya ang nanay mo. Kasi anak ang sabi nya kanina eh.

Lea: Oo. Ganun naman talaga si yaya sa amin eh. Turing nya sa amin ay mga anak na rin niya. Di ba yaya
Maring?

Inay: O…Oo. Tama nga siya. Mga anak na kasi ang turing ko sa mga alaga ko eh.

Lea: Ano ka ba naman inay. Sabi ko wag nyo akong pupuntahan sa mga ganitong lugar eh. Sige na mauna
na kayo ay susunod na ako. Magpapaalam lang ako sa may kaarawan.

At Pssshhhh. Sumakay ka na lang kasi inay. Ayokong mapahiya rito. Mamaya na lng tayo mag-usap sa
bahay. Mauna na po kayo dun at susunod na lang ako. Di pwebeng mabisto nila ako dito.

Pagdating sa bahay

Ano ba naman kayo inay. Sana hindi nyo na ako pinuntahan dun. Nakakahiya tuloy sa mga bisita.

Inay: Teka anak, kanina pa ako naguguluhan sa iyo eh. Ano ba talaga ang nais mong sabihin? Na ayaw
mong mabisto ka nila.

Lea: Opo nay, ayaw kong mabisto nila kasi ang buong paniniwala nila ay isa akong anak mayaman. Kaya
naman naglihim ako sa kanila sa tunay nating kalagayan.

Inay: Ano? Ganun ang ginagawa mo sa skul mo, lea? Pinagbibigyan kita sa mga kagustuham mo ha, kahit
alam mong iniwan na tayo ng ama mo, tinataguyod ko pa rin ang pag-aaral mo.

Lea: Inay naman. Di ko naman yun nakalilimutan eh.pero sana sundin nyo na lang yung sinasabi ko na
wag kayong pamunta sa mga ganoong okasyon.

Inay: Ikaw Lea ha. Bakit ba ikinahihiya mo ako.Bakit ayaw mong ipaalam sa kanila ang tunay nating
kalagayan. Ganyan ka na ba talaga. Mag-isa na nga akong nagtataguyod sa pag-aaral mo eh. Tapos
ganyan pa ang isinusukli mo sa akin. Sobra na yang ginagawa mo sa akin, anak.
Lea: Hay…. (Hikab) Inaantok na po ako nay. Bukas na lang tayo mag-usap.

Kinabukasan, araw ng linggo. Patungo na sa banyo si Lea upang maligo nang may naulinigan siyang nag-
uusap sa loob ng kwarto ng nanay niya.

Tita: O ano ate, nagkamali ba ako sa mga sinabi ko sa inyo noon tungkol sa pagbibigay mo sa mga
kapritso ni Lea?

Inay: Wag mo na akong sisihin ate. Nais ko lang naman ipadama sa kanya ang pagmamahal ko.

TiTa: Pero, sobra na ang mga ipinakita mo, te. Sukdulang mangutang ka ng pambili ng damit niya para
,.lng may maisuot sa gabing iyon.. at… yung alahas niya, alam ba niyang hiniram mo lang yun sa anak ni
iyun ni Gng. Melendrez kapalit ng singsing na matagal mo ng iniingatan dahil pamana pa yun sa iyo ng
yumao nating ama? Sobra na y n ate.

Inay: Alam mo naman na kahit ano Neng ay ibibigay ko para lng sa kaisa-isa kong anak na iyan eh.

Tita: Oo nga te, kaso mali na eh. Sumusobra na siya. Tingnan mo, umabot na sa sukdulan, pati pagiging
nanay mo ay itinatwa pa niya sa harap ng mga kaibigan ha. Anong klase siyang anak. Yan ba ang
inalagaan mo ng ilang taon?

Inay: Yaan mo na ate. Dapat siguro ay hinintay ko na lang siya rito kagabi sa bahay. HUHUHU. Hindi pa
siguro nangyari ang lahat ng ito sa amin.

Ate: Hay naku. Ang sabihin mo… nababaliw na siya. Pasosyal-sosyal pa siya…Akala mo kung sino,
nagkandakuba ka na sa pagtataguyod sa kanya eh. Kung bakit naman kasi hindi mo pa sinasabi sa kanya
ang katotohanan.

Inay: Wag naman ate. Masaya na akong nakikita siyang ganyan at ginagamit yung isa kong mata.

Lea: A… a…A….no, totoo po ba yung narinig ko, inay? Tita? Na kaya kayo nabulag ay dahil ibinigay nyo sa
akin ang isa nyong mata?

Titra: Oo. Totoo lahat ng narinig mo Lea. Kaya yan nabulag ang ina mo, kaya isa na lang ang mata niya
dahil sa ibinigay nya sa yo ito. Nagkasakit ka nang malala noong sanggol ka pa at kung hindi ka
maooperahan agad ay maaari kang mabulag. Kaya mas pinili ng ina mo na siya ang mawalan ng isang
mata. Ganyan ka kamahal ng inay mo Lea.

Lea: Sorry po Inay. Huhuhuhuhu 2x Hindi ko po alam. Nais ko lang naman pong matikman kung ano ang
pakiramdam ng may mga kaibigang mayayaman. Kung paanong dumalo sa mga kasiyahan ng isang
mayaman.

Tita: pero lea mali ang pamamaraan mo, kung gusto mo talaga ng karangyaan, magsikap ka sa pag-aaral
mo para makahanap ka ng magandang trabaho at magkaroon ka na rin ng pagkakataong maging
marangya sa buhay kung maabot mo na ang mga pangarap mo.

Lea: opo tita. Sorry po talaga. Inay sorry po. Anlaki ng kasalanan ko sa inyo. Nakakahiya naman sa mga
kaibigan ko. Anak pa pala yun ng pinaglalabadahan nyo ang may-ari ng suot kong alahas.

Inay: di bale anak, nangyari na yun. Ang mahalaga ngayon ay nagbago ka na.
LeA: opo nay, magbabago na po ako. Hinding-hindi ko na po yun uulitin. At mula po ngayon, magiging
kuntento na po ako sa buhay kung anong meron tayo.huhuhuhuhu huhuhuhu

You might also like