You are on page 1of 2

Pamilyang Ladesma

Mga Tauhan

Nanay, Tatay, Anak (ate) , Anak (bunso), Lola, Lolo, Kasambahay, Kapitbahay, Anak nang kapitbahay

Tagapagsalaysay: Ang Pamilya Ladesma ay katulad lang ng iba ngunit para sa kanilang mga kapitbahay
sila naata ang pinakamabait na pamilya sa barangay.

Ate: Yaya, pwede ba ‘to kainin? Nagugutom na ako eh.

Kasambahay: Nako para sa kapatid mo yan! Kakain na naman ng hapunan eh. Sandali nalang.

May tumama sa bubong

Bunso: Ate narinig mo yung tumama sa bubong?

Anak: ‘Wag kang magaalala baka kahoy lang yan na nahulog dahil sa lakas ng hangin. May kakatok sa
pintuan

Lola: Ate may kumakatok ata. Baka tungkol sa bagay na bumagsak sa bubong natin iyan. Paki tignan
monaman kung sino. Pagbubuksan ng pintuan

Ate:Ano po yun?

Kapitbahay: Nako pasensya na po. Yung anak ko po kasi naglalaro ng bato ngayon dahil sa lakas ng
hangintumama siya sa bubong ninyo. Di ko po alam kung may nasira.

Ate:Manang, sila mama nalang po ang kausapin ninyo diyan. Mamayang gabi ho sila makakauwi.

Kapitbahay: Sige babalik nalang ako mamaya. Paki sabi nalang ang tungkol dito sa kanila. Salamat.

Sa loob ng bahay

Lolo: Sino daw iyon, apo?

Ate: Tama po si lola, tungkol nga sa pagtama sa bubong ito. Babalik nalang daw siya pag dumating na
silamama.

Bunso nakadungaw sa bintana

Bunso: Nandiyan na sila mama!

Papasok ang magulang

Tatay: Mga anak nandito na kami. Tamang-tama lang ang dating namin para sa hapunan.

Papasok sa loob

Nanay: Oh siya kain na tayo

May kakatok
Bunso: Ako na!

Bubuksan ang pintuan

Bunso: Sino po sila?

Kapitbahay (kasama ang kanyang anak): Ako po ang kapitbahay Ninyo. Natamaan po ng anak ko ang
inyong bubong dahil sa kakulitan niya. Pwede bang makausap ang magulang mo tungkol dito?

Bunso: Sige po, pasok po.

Sa kainan

Nanay: Ukol saan po ang gusto ninyong sabihin?

Kapitbahay: tungkol po sa bubong ninyo, natamaan po ng anak ko, di ko pa nakikita kung may nasira
man o nabutas ngunit babayaran ko naman ito.

Tatay: Nasabi nga po ng aking anak yan sa akin. Titingnan ko po kung nasira ang bubong naming ngunit
di naman ito nabutas dahil sa hindi naman malakas ang tama.

Kapitbahay: Nako pasensya na po. Magkano po ba kailangan kong bayaran?

Nanay: Hindi na po kailangan. Hindi naman malakas ang tama kaya’t hindi naman kami mapapamahal.
Sainyo na lang ang para sa pampagawa niyo sana sa aming bubong.

Kapitbahay: Nako marami pong salamat. Sa totoo nga po kailangan ko ang pera para sa pagpapagawa sa
inyong bubong. Anak humingi ka ng tawad at magpasalamat.

Anak ng kapitbahay: maraming salamat po. Pasensya na sa nagawa ko.

Lolo: Okay lang iyon iho. Basta wag paglalaruan ang mga bato sa susunod ha.

Tagapagsalaysay: Kitang kita nga naman ang pagiging mabait sa kapwa ng pamilyang Ladesma kaya’t sila
ang tinatawag na pinakamabait sa kanilang barangay.

You might also like