You are on page 1of 16

Lhen8's Blog

Dulaang Bagetz
lhen8
9 taon ago
Advertisements
Ang dulaang ito ay ginawa ng mga skolar ng FRANCO FOUNDATION…

Mga 3rd year level na hawak ko …. na tuwing linggo ginaganap ang katesismo sa Tandang Sora,
Quezon City

Nagkaroon kami ng paksa tungkol sa 10 utos ng diyos at binigyang diin ko ang pang apat na
utos…ang

“Igalang mo ang iyong ama at ina”

Minabuti kong bigyan sila ng aktibidades sa pamamagitan ng pag gawa ng maikling dula batay sa
paksa …at nangakong madaragdagan ang kanilang puntos sa darating na pagsusulit(plus 10)…

Kaya naisip kong isama sila sa blogosperyo upang ilathala ang gawa ng mga bagetz na ito…ang
magiging hurado ay hindi ako….kundi kayong mga mambabasa….

Bigyan ng grado ang mga kabataang ito mula 1-10 at bigyang komento ang gawa ng bawat
grupo…(hindi kasama ang pag bigay ng grado sa larawan…ako lamang ang gumawa…laman ng
dula lamang ang maaring bigyan ng grado)

hindi ko ginawang ako ang pipili sa dahilang iniiwasan kong may maisip ang iba sa kanila na may
paborito ako…..

Nais kong punan nyo ang laman ng dulang kanilang ginawa….

UNANG GRUPO: “MUSTARDIAN”

SI RAPRAP AY ISANG NARRATOR AT ISANG MATANDANG LALAKI


SI RAPRAP AY ISANG NARRATOR AT ISANG MATANDANG LALAKI

GROUP 1 (Mustardian)

MUSTARDIAN GROUP

INTRODUCTION: Sa buhay ng tao hindi nawawala ang probleama…Ngunit sa kabila ng


problema ay may nakalaan namang solusyon….

CHARACTER: Joseph- tatay


Elizabeth- nanay

Joseph _ Seph (bunsong anak) at amo o boss ni rielle

Mariel – rielle (panganayna anak)

RapRap- Narrator ., matanda na ama ng boss ni riell at tinulungan ni rielle, director…..

NARRATOR: Sa isang palayan, sa kubo naroon ang isang pamilyang sama sama at masayang
namumuhay. Ang pamilyang ito ay bagamat mahirap ngunit hindi nawawalan ng pag asa maging
maunlad….

SCENE1 : Sama sama silang naghahapunan sa kanilang mesa nang biglang nagsalita ang
panganay na anak ..

RIELLE : Nay, tay gusto ko pong ipagpatuloy ang pag aaral ko ..

NANAY: Naku anak pasensiya kana ., hindi ka naming matutulungan ng tatay mo kase medyo
wala pang naiipon ang nanay nyo at may sakit pa ang tatay niyo…

TATAY: Hayaan mo anak makakatapos ka din may awa din ang diyos

RIELLE: Gagawa po ako ng paraan, maghahanap po ako ng trabaho…Kapag nakatapos na ako


matutupad nap o ang mga pangarap ko?…Balang araw hindi na po kayo mahihirapan sa trabaho at
kayo na rin po an gaming pagsisilbihan….

SEPH: Tama po si ate nay, tay

NARRATOR: (Kinaumagahan maagang gumising si rielle para maghanap ng trabaho at laking


tuwa niya na natanggap siya…)

RIELLE: Nay, tay natanggap po akong chamber maid door sa mayamang pamilya!!! Makakaipon
na rin ako sa atin at sa aking pag aaral…

NANAY: Hay!!! Salamat sa Diyos

TATAY: Pagsikapan mo anak at magtatagumpay ka

RIELLE: Sana nga pot ay…

NARRATOR: Sa mainit na lansangan, habang naglalakad si rielle sa daan papaunta sa kanyang


pinagtratrabahuhan ay may nakita siyang matanda at biglang nadapa….

RIELLE: Ayo slang po ba kayo/..

LOLO: Salamat ina, ayos lang ako…

SCENE2: Tinulungan ni rielle ang matanda at sinamahan hanggang sa pupuntahan ng matanda….

LOLO:Dito na lang ako inay, maraming salamat

RIELLE: Walang anuman po

LOLO: Masuwerte ang mga magulang mo sa iyo…

RIELLE: Mahal na mahal ko po sila. Sige po malalate na po ako

SCENE: Habang nalilinis si rielle ay dumating ang kanilang amo…sakay sakay ng kotse.
Pinagbuksan ni rielle ng pinto…

NARRATOR: Lingid sa kaalaman ni rielle ay yaong matandang kanyang tinutulungan ay ang amo
ng kanyang amo…

RIELLE: Magandang tanghali po

SIR/AMO: Magandang tanghali din

NARRATOR: Nakita ni rielle na kasama ng kanyang amo ang ama nito at iyon ay walang iba
kundi ang matandang kanyang tinulungan…

RIELLE: Kayo po? Kayo po ba ang ama n gaming amo?…

LOLO: Oo ako nga iha salamat ulit sa pagtulong mo sa akin

NARRATOR: Pinatawag ng amo si rielle upang kausapin

RIELLE: Sir., pinatawag nyo daw po ako?..

SIR/AMO: Oo nakuwento sa akin ng daddy kona tinulungan mo daw siya nung makasalubong
kayo sa daan

RIELLE: ganun nga po


SIR/AMO: Dahil sa iyong kabaitan, bibigyan kita ng gantimpala . Ano ba ang gusto mo?…

RIELLE: Naku sir!!! Hindi ko na po kailangan iyan…. Ang nais ko lang po ay makatapos at
matulungan ang aking mga magulang

SIR/AMO: Kung ganun tapusin mo ang iyong pag aaral. Bibigyan kita ng scholarship…

RIELLE: Naku salamat po sir!!!

SIR/AMO: Basta pag igihan mo ah

RIELLE: Opo…

NARRATOR: Tuwang tuwa umuwi si rielle sa kanilang bahay…

SCENE4: After 6yrs. Natapos ni rielle ang kanyang pag aaral. Hanggang sa naging tanyag na siya
at sya na rin ang nagpapatakbo sa kanyang kompanya… Ngunit hindi panagtatapos ang dagok sa
kanyang buhay… Ang kanyang ama ay naaksidente.. Komlikado ang lagay ng kanyang ama… sa
hospital, pumunta si rielle sa simbahan upang magdasal… Sa kanayang panalangin sinabi nya na
“Huwag nyo po sanang pababayaan ang aking itay…. Mahal na mahal ko po ang aking mga
magulang. Sana po bigyan nyo po sila ng mahabang mahabang buhay…Amen”…

NARRATOR: Nang matapos nang magdasal si rielle ay pumunta na siya sa hospital. Laking
pasasalamat niya sa diyos at umayos na ang kalagayan ng kanyang ama…

RIELLE: Salamat po sa diyos!!!

SEPH: Ate mabuti na lang at maayos na ang kalagayan ng ating ama!!!

NARRATOR: Dahil sa nangyaring yon ay nagsimba ang buong pamilya upang magpasalamat sa
diyos. Namuhay na silang pamilya ng Masaya buo at matatag….

PANGALAWANG GRUPO: “FISHician”

GROUP2_FISHICIAN
GROUP_FISHICIAN

GROUP II (FISHician)

TITLE: PAGBABAGO … tungo sa tunay na pagmamahal


CHARACTER: Maria –liezel

Anna- Marissa

Joaquin – Blaisdelle

Elizabeth – Sarah

Narrator – Sarah Jane

SETTING: Sa isang munting tahanan

Narrator: Sa panahon ngayon, kapuna – puna ang mga taong naghihirap, nagdurusa’t
nagpapakasakit, para sa kanilang buhay… at mga minamahal. Ang mga aspetong ito ang siyang
naglilinaw o nagpapaunawa sa atin kung ano ang dapat at hindi ang siyang tama at mali.

Sa isang lugar na naghihirap ay may isang tahanang munti na pinaninirahan ng isa ring munting
pamilya. Ang haligi’t ilaw nito’y tunay na nagmamahala’t nagtutulungang gawing lahat lahat
upang mapanatiling nakatindig ang kanilang tahanan, ngunit may mga pangyayari talaga na
susubukan ang tibay ng kanilang tahanan.

ANNA: Hay grabe nakakapagod talaga ang pang araw araw nating Gawain diba mahal?..

JOAQUIN: Oo nga mahal. Pero lagi nating isipin na ginagawa natin ito para sa ating
pinakamamahal na anak na si Maria. Gawin natin siyang inspirasyon sa bawat Gawain natin siya
tingnan mo miibsan ang ating pagod sigurado iyan.

ANNA: Alam mo ba napasin ko rin na kapag pagod ako’t naaalala ko an gating anak ay
nawawala ang aking pagod, kung di sana tayo nag madali magpakasal noh?…di sana’y nabigyan
pa natin siyang mas magandang buhay….

JOAQUIN: Naiintindihan kita mahal ko … Hayaan mo kaya natin ito

MARIA: Inay….!!! Inay!!!

ANNA: Bakit anak?.!!

MARIA: Tapos na po ba kayong magtrabaho?..

ANNA: Oo anak.

MARIA: Kailangan ko pong bayaran yung project naming sa science at may practice po kami sa
bahay ng kaklase ko. Kailangan kop o ng pera.
ANNA: Ngayon na ba anak?..?

MARIA: Opo now na..

ANNA: o sige anank ibibigay kolang sa iyo ang naipon kong pera na pambili sana ng regalo ko sa
itay mo para sa kanyang kaarawan.

MARIA: Maraming Salamat po!!

NARRATOR: At umalis na nga si Maria na hindi lamang nainda sa sitwasyon ng kanyang mga
magulang. Ngunit sa pangyayaring iyon ay nanatili pa ring nakangiti ang mag-asawa dahil alam
nilang para naman ito sa kanilang anak….

….At pagdating sa eskwelahan…

ELIZABETH: O Maria andyan kana pala!! May pera ka na ba?..

MARIA: Syempre ako pa?…!!! matitiis ba ako ng mga magulang ko?..!!

ELIZABETH: Wag muna tayong pumasok ng 1st period para makapunta tayo

MARIA: O sige dating tambayan?..

ELIZABETH: Oo naman

NARRATOR: At hindi nga lubos naisip ni Maria kung ano ang ginawa niya. Tuluyang hindi siya
nakapasok kasama ang kanyang kaibigan at sila’y ginabi..

ANNA: Ang tagal naman ni Maria nag-aalala na ako

JOAQUIN: Teka pupunta ako sa mga kamag-aral niya baka sakaling alam nila kung nasaan si
Maria

ANNA: O sige tatawagan ko naman ang iba

NARRATOR: Hindi malaman ng mag-asawa ang gagawin…Wala silang alam kung nasaa si
Maria… Hindi nila tanto ang tunay na mga pangyayari

ANNA: Ano ang gagawin natin?..

JOAQUIN: Huminahon ka hindi ako mamamahinga para lamang mahanap siya gagawin ko ang
lahat….
ANNA: Hindi ko kayang mawala siya mahal na mahal ko siya

JOAQUIN: Gagawa ako ng paraan magtatanong-tanong ako.., ipapakalat ko ang kanyang mga
larawan, iapapagbigay alam ko rin sa pulisya, mananawagan ako sa istasyon ng radio…

MARIA: Tama na po itay!!!

NARRATOR: At dumating na nga si Maria at naringgan ang lath ng usapan . Ang usapang it, ang
diskusyon ng kanyang mga butihing magulang ay nagbigay linaw sa kanyang nagdidilim na pag-
iisip. Napagtanto niya na wala siyang karapatang lokohin at saktan ang kanyang mga magulang

ANNA:@JOAQUIN: Anak!!!

ANNA: Saan ka galing alam mo bang lubos kaming nag alala

JOAQUIN: Akala ko kung napano kana

ANNA: Salamat sa diyos at ligtas ka

MARIA: Patawarin nyo po ako

JOAQUIN@ANNA: Kahit ano man ang kasalanan mo ay kalimutan mo na

ANNA: Dahil kung iisipin mo pa iyan baka mahirapan ka lang …

MARIA: Maraming salamat po…Nangangako po akong aalagaan ko po kayo

NARRATOR: At dahil sa pangyayaring iyon nagbago ang pananaw ni Maria. Tinupad niya ang
binitawang pangako niya sa kanyang mga magulang

MARIA: Nay alis nap o ako!!

ANNA: Teka yung baon mo o…

MARIA : Wag nap o inay may natira pa po akong pera dito kasya pa poi to idadagdag nyo na lang
po iyan sa ipon ninyo para sa preparasyon ninyo sa inyong kaarawan. Pwede nyo po iyang ibili ng
damit o ipanghanda ng pagkain

JOAQUIN: Sandali lang anak hindi ba’t may bayarin pa kayo sa inyong paaralan…

MARIA: Ayo slang poitay may pinagkakaabalahan naman po ako sa eskwelahan na kasabay nun
ay kumkita pa ako…
ANNA: Ano naman iyon ?..

MARIA: Tumutulong po ako sa kantina kapag oras na ng recess

ANNA: Hindi ka ba nahihirapan?..

MARIA: Hay naku po inay!!! Kung kayo nga po ay subsob sa trabaho sa buong maghapo’y kaya
niyo…Ako pa!!! at saka simpleng paraan ding itoy kahit papaano makatutulong ako sa inyo…

JOAQUIN@MARIA: Tama na napaiyak na ang inay mo!!!

MARIA: Si itay naman!! Lagi niyo lang po tandaan mahal na mahal ko po kayo

JOAQUIN@ANNA: Kami rin ay gayun din

NARRATOR: Sina Anna at Joaquin ay naging tunay na mapagmahal na magulang kay Maria>
Ang kanilang pagsasakripisyo’t pagmamahal sa kanya ang nag bukas sa saradong pinto ni Maria
at magbigay daan sa liwanag papunta sa madilim na pag iisip niya…

Laging tanda at isaisip at isapuso …..

Tanging mga magulang lang natin ang tunay na kaibigan natin bukod kay Hesus…

Ipakita sa dula-dulaang ito ang mga dahilan kung bakit mahalagang pahalagahan an gating mga
magulan……..

……………….salamat sa matiyagang pagbabasa…………………. 🙂

Advertisements
Kategorya: 1
Mga Marka: 3rd year high school.,foundation,kabataan,katesismo.,magulang,skolar.
Mag-iwan ng Puna
Lhen8's Blog
Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.

Bumalik sa itaas
Advertisements

Play Script
THURSDAY, AUGUST 30, 2012
Filipino Play Script
Filipino play
Part 1
Scene 1
Narrator: Isang mahirap na bata na nagngangalang Bruno ang nakatira sa isang barong-barong na
bahay dahil sa kahirapan at nakakakuha lamang sila ng pera dahil sa paglilimos ni Bruno. Minsan
ay sinasaktan sya nga kanyang mga magulang kapag kunti lang ang kanyang nalimos. Dumating
siya sa bahay nila at naabutan niya ang kaniyang ina na nagsusugal.
Gab: Inay! Narito na po ako.
Gab: Mano po, Inay.
Elisha: Oh! Sha.. nasaan na ang nalimos mo?
Inay: Pasensya na po pero... (Biglang sinabunutan si Bruno)
Elisha: Sa susunod, ramiramihan mo ang paghingi ng limos kundi hindi kita papakainin! Wala ka
talagang pakinabang! Walang kwenta!
Gab: Pasensa na po Inay! Tama na po! Pakiusap!
Narrator: Habang umiiyak si Bruno ay dumating na ang kanyang tatay na lasing.
Gab: Mano po tay.
Josh: Ano! Umiiyak ka nanaman, lumayo ka nga sa akin, ayoko sa mga bakla!
Narrator: Habang umiiyak si Bruno ay sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya paaapi kahit
kanino.
Gab: Hindi na ako magpapaapi kahit kanino, makikita nila.
Narrator: At doon nagsimula ang pagbago ng ugali ni Bruno.
Part 2
Scene 1
Narrator: Si Fery lou naman ay iniinsulto ng kanyang mga kaklase dahil sa kahirapan niya.
Tinatago niya ang kaniyang baon na isang piraso ng tinapay lamang dahil alam niya na kapag
nakita ito ng kaniyang mga kaklase ay mapapahiya nanaman siya.
Loren: Hahaha! Isang piraso ng tinapay lamang ang kaniyang baon.
Paola: Hahaha! Kawawa naman! Hahaha!
Narrator: Si Fery lou ay palaging nag-iisa sa paaralan at wala siyang kaibigan. Isang araw ang
nakaisip sya ng paraan.
Narrator: Si Nemo ay isang batang papel na ginawa lamang ng isang estudyante para sa isang
proyekto sa kanyang paaralan na gumawa ng isang gamit na galing sa isang bagay o mas
tinatawag nating Recycled Materials.
Danica: Aking mga kaklase dahil absent si Ma’am ay ako ang in-charge sa inyo bilang
presidente. Meron daw tayong bagong proyekto. Gagawa tayo ng isang recycled material.
Clemente: Yes! May bagong proyekto. Sana hindi makagawa ang isa dito ng proyekto sa
pagkakataon ngayon.
Narrator: At pagkatapos ng klase...
Frivaldo: Kaya ko to may na-isip na ako. (Pabulong na sabi ni Fery lou)
Scene 2
Narrator: Gumawa si Fery lou ng proyekto na isang batang papel at pinangalanan itong Nemo.
Pinag-isipan nya rin kung ano ang sasabihin nya sa kanyang mga magulang.
Frivaldo: Yehey! Tapos na rin ako. Alam ko na kong anong sasabihin ko sa aking mga kaklase.
Scene 3
Narrator: Hindi ipinakita ni Fery lou ang kanyang proyekto at baka tuksuhin nanaman siya.
Fery lou: Ipapasa ko ito agad kay Ma’am (Ipinasa ang proyekto ni Fery lou sa kanyang guro)
Narrator: Pagkatapos niyang ipasa ang kanyang proyekto ay pumunta sya sa kanyang mga
kaklase.
Frivaldo: Alam nyo ba na ma sandaang damit ako?
Loren: Weeee! Ba’t di mo dala?
Frivaldo: Dahil ayaw kong madumihan iyon.
Narrator: Sinabi ni Fery lou kung ano ang uri ng kanyang sandaang damit. Iginuhit nya ito at
sinabi nya kung anong uri ng tela ang ginamit para mabuo ang kanyang sandaang damit.
Scene 4
Narrator: Minahal siya ng kaniyang mga kaklase mula noon, Hangang sa may mahangin na araw.
Narrator: Hindi muling nakita si Fery lou, at siya ay naging palaboy.
Narrator: Sa parehong oras na mahangi ay nahanginan rin ang proyekto ni Fery lou na si Nemo at
doon nagsimula ang paglalakbay ni Nemo at Fer lou.
Part 3
Scene 1
Narrator: Dalawang bata na ininiwan ng kanilang mga magulang dahil sa matinding kahirapan nila
na bumuhay ng kahit isang tao at may utang pa sila sa isang mayaman na tumutulong sa kanila
para mabuhay ang anak nila at hindi pa nila nababayaran sila.
Audrey: Mahirap na talaga ang buhay Nikko.
Nikko: Pero kawawa naman ang ating mga anak.
Audrey: Iwanan muna natin sila sa bahay ampunan para doon sila mabuhay ng maayos.
Audrey: Gumawa ako ng sulat sa mga madre doon, para walang umampon sa kanila maliban sa
atin.
Nikko: Ito lang ang maiibigay ko sa kanila. (Iniabot ni Nikko ang kuwintas kay Audrey) Gumawa
pa ako ng isa para rin sa atin.
Audrey: Halika na umalis na tayo.
Narrator: Umalis na sila at idinala ang kanilang dalawang anak sa ampunan.
Audrey: Mga anak, Sana mapunta kayo sa mga mabubuting kamay. Heto na ang kuwintas ninyo.
Huwag sana mawala ito sa inyo.
Scene 2
Narrator: Hindi ang mga madre na nakatira sa bahay ampunan ang nakakuha sa bata. Isang
matandang babae na nag-iisa ang nakakita sa mga sanggol, naawa ito kaya kinuha nito ang mga
bata.
Corinne: Kawawa naman ang mga batang ito, bata palang iniwan na. Halika papalakihin kita ng
mabuti.
Narrator: Nakita ni Corinne ang sulat pero itinago ito dahil baka kong anong mangyaring masama
pag-iniwan nya rin ito.
Corinne: Ano ba to? (Binasa nya at itinago sa bulsa)
Narrator: Pinalaki sila ng mabuting matanda at tinuruan ng mabubuting asal, tinapat nya rin sa
bata na ampun lang sila para hindi sila masaktan pagnalaman nila sa ibang tao ang totoo at
ikinuwento ng matanda kung ano ang nangyari sa mga magulang nila.
Corrine: Mga bata, buhay pa ang mga magulang ninyo. Hindi nila kayo kayang buhayin dahil sa
kahirapan, sana hindi kayo magalit sa kanila.
Jericho: Opo lola, para po sayo gagawin namin ito.
Corinne: Hindi para sa akin mga bata, para sa mga magulang ninyo.
Marian: Opo, lola.
Scene 3
Narrator: Isang araw ng malalaki na ang mga bata ay namatay ang kawawang matanda dahil
nahimatay sa init at pagkawalan ng pera.
Jericho: Lola, huwag ka munang mamatay kailangan pa namin ikaw, hahanapin namin kung sino
ang mga tunay naming magulang para sa kanila basta mabuhay ka Lola! Lola! Lola!
Marian: Opo, lola, gagawin namin ito para sa kanila! Lola!
Narrator: Napakalungkot ng mga bata, tanging pag-alala ng mga salita ng kanilang lola ang
pumukaw sa kanila para mabuhay parin kahit wala na ang kanilang lola.
Jericho: Ano na ba ang gagawin natin, sana nandito si lola para gabayin tayo.
Marian: Oo, nga sana nandito si lola.
Scene 4
Narrator: Naging palaboy ang mga bata. Nakakakain lang sila dahil sa paglimos, minsan ay ayaw
ng mga tao na lumapit sa kanila.
Marian: Ate, pwede po palimos naman po kami.
Loren: Umalis ka nga kayo dito ang baho-baho ninyo at lalapit kayo sa akin ano kayo! Heto! Ang
pera saksak ninyo sa baga ninyo, mahiya naman kayo! Halika ka na nga Paola.
Paola: Oo nga, punta na tayo sa shop.
Narrator: Minsan rin ay kinukuha ni Bruno at ang kanyang mga kaibigan, ang nalimos nilang pera.
Gab: Hoy, bata sa amin na nga ang pera mo kung ayaw mong masaktan.
Jericho: Heto na ang pera, huwag ninyo siyang sasaktan.
Marian: Salamat aking kapatid.
Jericho: Walang ano man, basta mag-ingat ka sa kanila, ha. Halika na.
Scene 5
Narrator: Isang araw hindi mapakali si Jericho at Marian dahil nagdadalawang isip sila kung
hahanapin parin nila ang kanilang mga magulang na umiwan sa kanila dahil sa galit na iniwan sila
ng mga magulang nila kahit sanggol pa lamang, pero napagisip-isip nila ang sinabi ng kanilang
lola sa kanila kaya hinanap nila ang kanilang mga magulang.
Jericho: Nagdadalawang isip ako kung hahanapin parin natin ang ating mga magulang o hindi.
Marian: Ako rin nagdadalawang isip sa paghahanap sa kanila. Pero kailangan rin natin silang
hanapin para sa ating pangako kay lola.
Jericho: Sa Bagay tama ka. Tanging ito lang kuwintas na ito ang ibinigay na alala nila.
Marian: Dapat natin itong ingatan.
Jericho: Halika ka na, simulan nating maghanap sa kanila.

Scene 6
Narrator: Nang hinahanap nila ang kanilang mga magulang, nakahanap rin sila ng mga bagong
kaibigan sa kalye.
Frivaldo: Sino ba kayo?
Marian: Ako si Marian at siya naman ang aking kapatid si Jericho, at sino ka naman?
Frivaldo: Ako nga pala si Ferry lou, masaya sana ako noong nakuha ko ang loob ng aking mga
kaklase at hindi na nila ako sinasaktan dahil sa pagsabi na may sandaang damit ako, pero namatay
ang aking mga magulang.
Marian: Pasensya na Fery lou, ayos lang yan, kami rin naranasan namin iyan pero hindi namin
niloko ang aming mga kaklase. Pero ganito kami, hinahanap namin ang aming mga magulang.
Frivaldo: Pasensya na kung narinig ko ito.
Marian: Ayos lang yun.
Frivaldo: Hali kayo, doon tayo sa lugar kung saan ako nagpapahinga para rin makapagpahinga
kayo sa paghiga sa mga masasakit na bato.
Jericho: Salamat Ferry lou, ha.
Frivaldo: Walang ano man tumutulong lang ako sa mga kagaya ko para makaiwas sa batang si
Bruno.
Jericho: Sino ba si Bruno?
Frivaldo: Si Bruno ay kumukuha ng pera ng mga batang katulad natin lalo na si Adong.
Scene 7
Narrator: Dinala ni Ferry Lou si Jericho at si Marian sa isang lugar kung saan siya nagpapahinga,
pero hindi kanais-nais ang nakita nila.
Gab: Adong! Tatakas ka pa. Ibigay mo na sa akin ang limos mo o masasaktan ka!
Jorge: Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!
Gab: Aah! Lumalaban ka na! Itong sayo!
Marian: Tama na nga yan, malapit tayo sa simbahan at nakikipag-away ka.Tatawag ako ng pulis
kong hindi ka titigil.
Narrator: Natakot dito si Bruno kaya nagpasya sya na umalis.
Jorge: Salamat ha, ako nga pala si Adong, sino naman kayo?
Marian: Ako si Marian at siya naman ang aking kapatid na si Jericho.
Jorge: Salamat uli ha. Halika kana Fery lou, Pumunta na tayo sa ating lugar para makakain na,
naghihintay na si Nemo doon.
Fery lou: Sasama sila sa atin kung pwede lang.
Jorge: Oo, Syempre, hali na kayo.
Narrator: Dinala ni Fery lou at Adong si Jericho at Marian sa kanilang lugar.
Felix: O, nandito na pala kayo at sino naman sila?
Fery lou: Sila nga pala si Marian at Jericho.
Felix: Nasan na ba yung pagkain naghihintay na rin ang aking mga kaibigan.
Jorge: O, heto na ang pagkain mo.
Felix: Salamat ha.
Scene 8
Narrator: Nagsama-sama sila sa isang lugar na matutulugan nila. Isang araw nang naglilimos sila
nakita nila na ninanakaw ng mga kasama ni Bruno ang cellphone ng babae. Nakilala ni Fery lou
yung mga nanakawan kaya nagtago ito.
Paola: Tulong! kinuha nila ang cellphone ko!
Narrator: Hinabol nila ito at nabawi ang cellphone ng babae at ibinigay pabalik ito.
Felix: Tara habulin natin.
Jorge: Hoy! Tigil!
Jericho: Sa akin na nga yan! (Kinuha ni Jericho ang celllphone nang babae sa magnanakaw)
Paola: Nasaan na ang cellphone ko?!
Jericho: Heto po ang cellphone nyo.
Paola: Heto ang pera ninyo, mga palaboy, wag nakayong mahiya dahil wala naman kayong hiya.
Paola: Ayaw nyo, kunin nyo! (Tinapon ni Paola ang pera.)
Felix: Ang sama naman ng babaeng iyun. Kunin na nga natin ang pera kakailanganin pa natin ito.
Scene 9
Narrator: Isang gabi ng tumutulog na ang mga kasama ni Jericho at Marian ay hindi sila
makatulog at malungkot. Naisip nila ang kanilang mga magulang hawak-hawak ang kuwintas na
ibinigay ng kanilang mga magulang.
Jericho: Ang saya-saya nga dito sa kalsada kasama ang ating mga kaibigan ay wala naman ang
ating mga magulang.
Marian: Oo, nga hindi ko na kayang matiis na wala sila sa ating piling.
Jericho: Mabuti naman ay nandito ka, kahit papaano hindi ako nag-iisa sa pamilya.
Marian: Salamat rin at nandito ka kasama ko.
Scene 10
Narrator: At sa mga magulang nila umuutang parin sila sa mayamang pinag-uutangan nila na
patay na, kaya ang pinag-uutangan na lang nila ay ang dalawang anak nito.
Audrey: Madam, pautang naman po kailangan po namin maawa po kayo sa amin!
Paola: Ang mga magulang mo kasi anak ng anak kaya mahirap kayo.
Falcon: Tama, dapat sisihin ang mga magulang ninyo.
Nikko: Tatanggapin namin kahit anong masasakit na salita, kailangan talaga namin ng pera.
Paola: O! Ito, isaksak mo sa baga mo!
Nikko: Salamat po!
Scene 11
Narrator: Dahil sa kalakihan ng halaga nito ay naisip nila na idiposito ang pera sa Banko hanggang
sa mataas na ang halaga nito dahil sa interest. Iginastos nila ito sa pagnenegosyo para makaahun
sa hirap at mampon ang kanilang dalawang anak.
Audrey: Salamat sa Diyos! Binigyan nya tayo ng pagkakataung mabuhay ng masagana at
maaampun na rin natin ang ating dalawang anak.
Narrator: Aampunin na sana nila ang dalawang anak nila, kaya lang napagtanto nila na hindi
nakuha ng madre doon, ang kanilang mga anak. Kaya hinanap nila ito sa kung saan-saang lupalop.
Scene 12
Narrator: Nang palakad si Jericho at Marian papunta sa kanyang mga kaibigan nila ay
nakasalubong nila ang mga batang masasama na hinabol nila. May dala itong baril dahil nais
nilang bumawi sa kanila sa ginawang pagbawi ng cellphone at nasis rin nitong makuha ang
itinatagong pera nila na bigay ng babae na tinulungan nila. Dumating ang mga kaibigan nila at
nakita nila ang dala ng mga masasamang bata, natakot sila pero hindi sila makatakas. Binigyang
pagkakataong mabuhay ang bata kung ibibigay sa kanila ang lahat ng pera nito o tumakas sa
sampung sekundo lamang.
Gab: Bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay bata, kung ibibigay mo ang lahat ng perang tago
ninyo o tumakas sa loob lamang ng sampung sekundo.
Jericho: Ano ba ang desisyon natin tumakas o ibigay natin ang pera.
Jorge: Tumakas na lang tayo, pinaghirapan naman natin ito eh.
Marian: Sana walang masaktan sa atin kahit isa.
Frivaldo: Sangayon ako kay Felix.
Jericho: Simulan na natin isa, dalawa, tatlo, takbo!
Gab: Hoy! Sandali.
Scene 13
Narrator: Tumakas nga sila pero natamaan ng bala si Jericho. Kinalaban ng mga kaibigan ni
Jericho ang mga masasamang bata, dahil wala nang ipuputok pa ang baril nila dahil isa lang ang
bala nito. Natalo ang mga masasamang bata at humingi sila ng tulong na ikarga si Jericho
papuntang ospital.
Frivaldo: Ang sama ninyo!
Marian: Kailangan natin ng tulong!
Jorge: Bilis, halina kayo!
Scene 14
Narrator: Naging papel muli si Nemo kasama ang kanyang mga kaibigan sa kalye ng humiling
sila.
Felix at ang iba pa: Bituin, bituin, tuparin ngayon din lahat kami ay gawing batang masayahin.
Narrator: Nakita ni Audrey at Nikko si Jericho papuntang sa ospital. Naawa sila kay Jericho kaya
tinulungan nila ito dahil sa pag-alala ng kanilang iniwang anak.
Nikko: Kawawa naman ang batang iyon.
Audrey: Halika tulungan natin meron pa naman tayong pera para sa anak natin.
Scene 15
Narrator: Tinulungan nga ni Audrey at Nikko na manumbalik ang lakas ni Jericho at may
naramdaman sila na kakaiba kay Jericho at Marian sa pagtingin palang ng kuwintas na suot nila.
Audrey: Halika Nikko, pumunta tayo sa isa sa mga kuwarto dito para mag-usap tungkol sa ating
anak.
Audrey: Si Jericho at Marian ang ating anak.
Nikko: Paano mo naman mapapatunayan.
Audrey: Naroon sa kanila ang kuwintas na ibinigay nila at tama ang edad nila.

Scene 16
Narrator: Narinig at nakita ito ng bata dahil sa nakalimutang isarado ng mabuti ang pintuan.
Nagalit nito ang bata, pero sumama parin ito sa magulang nya hindi dahil mahal nya sila kundi ay
naaawa sya sa kanila.
Jericho: Ano po, anak ninyo kami?
Audrey: Oo, anak.
Jericho: Bakit ninyo kami iniwan kahit sanggol pa lamang kami?! Mga walang puso!
Marian: Tama na!
Audrey: Patawarin mo ako anak. Hayaan mo babawi ako sayo.
Jericho: Hindi na po kailangan, masaya naman kami sa buhay namin sa kalsada.
Marian: Tama na aking kapatid!
Audrey: Patawarin mo ako anak, Patawarin mo ako anak!. Hindi ko kaya ang kahirapan kaya ko to
nagawa may plano rin naman kami ng ama mo na kunin ka kapag nakaahun kami sa hirap.
Jericho: Sige, sasama kami hindi dahil pinapatawad kita kundi dahil naaawa kami sayo!
Audrey: Ayos lang yan sa aking anak, basta makasama kayo.
Scene 17
Narrator: Ginawa ng mga magulang ang lahat para mapamahal ang anak nila sa kanila.
Narrator:Isang araw napag-alaman ng bata na ginawa ng mga magulang nya ang mga ito dahil sa
kahirapan pero hindi nila kinalimutan sya maliban lang ng naaksidente sila.
Jericho: Alam na namin po ang lahat ng nangyari, mahal nyo rin pala kami.
Audrey: Oo anak mahal ko kayong dalawa.
Narrator: Tinulungan ni Jericho ang kanyang mga kaibigan na makaahun rin sa kahirapan sa
pamamagitan ng pag-ampun sa kanila at pinalago pa nila ang negosyo nila.
Frivaldo at Jorge: Salamat Jericho! Salamat rin Marian!
Jericho: Walang ano man, hali na kayo para kumain.
Marian: Ito ooh! Masarap to
Narrator: Nakaahon na rin sina Ferry lou at Adong sa kahirapan at nakatakas na rin si Adong sa
mabangis na lungsod at naging batang masayahin narin si Nemo. At dito nagtatapos ang storya ng
mga uri ng kahirapan. Salamat po!

Props Needed
1. 2 necklace
2. Laruang baril
3. Six set 10 pesos Bam-Bam- to be prepared before scene 12 / before the play
4. Higaang bato
5. Banig para sa mga batang kalsada
6. 2 baby doll, 1 boy 1 girl
7. Hihiram na lang po tayo ng table
8. Background ng ospital, 2 kalsada, Loob ng bahay (pammahirap),at bahay ampunan
kailangan na kita ang pintuan, Banko, Simbahan, paaralan.
9. Sa Classroom na lang po kukunin ang mga chairs
10. Play money lang po kung gusto o totoong money dapat malaki ang halaga
11. Baraha
12. Can
13. Ketchup
14. Background ng ating Play
15. 4 na Batang papel
16.

Theme songs
1. Pangako by Regine Velasquez
2. Minsan Lang Kita Iibigin by Juris Fernandez
3. Kailangan Ko’y Ikaw by Regine Velasquez
4. Kailangan kita by Jovit Baldivino
5.
Jericho at 5:49 AM
Share

4 comments:

all UnitsJanuary 7, 2016 at 4:10 AM


Tae ni babalu!!!!!

Reply
Replies

UnknownMarch 11, 2018 at 5:58 AM


hahahaa

Reply

Buzz TutorialDecember 4, 2016 at 5:31 AM


Magulo ang kwento. Hindi malinaw

Reply

tee-r baldejeraMarch 11, 2018 at 6:00 AM


ok naman siya.pero dag-dagan ng effects at acting kasi parang may magulong nangyayari na hindi
malinaw.ok naman siya out of five stars 4 stars lang kayo.ok nayan
keep up the good work

Reply


Home
View web version
ABOUT ME
Jericho
View my complete profile
Powered by Blogger.

You might also like