You are on page 1of 7

-------------------------------------

Ang Pamilyang Mahirap.

Ivan: Inay! Nasan na po ang uniporme ko?

Inay: Nandyan anak sa--

Kara: Nay, bukas na po exam namin ha? Dalawang buwan na po tayong di nakapag- babayad.

Inay: Ay. Naku anak, bukas na iyon?

Kara: Oo inay. Kailangan na pong mag- bayad. Di ako makapagte- test.

Inay: Osig--

Bunso: Nay. Ang sapatos ko po.. Sira na.

Inay: Ha? Sira nanaman? Paayos mo nalang anak sa itay mo.

Ivan: Inay.. Male- late na ho ako! Ang uniporme ko po.

Inay: Ah. Oo nga pala. Nandyan anak sa loob ng kwarto mo.

Nakita naman ni Inay na lumabas ng kwarto si Itay na handa nang pumasok sa trabaho.

Inay: Oh. Ayan na pala ang itay nyo. Osige anak, paayos mo na ang sapatos mo nang makapasok
ka na. Maaga pa naman.

Bunso: Opo. Inay.

...

Di-naglaon.. Nakaalis na rin ang mga anak nila at nakapasok na sa eskwelahan.. Naiwan ang mag-
asawa sa bahay. At nagsimulang magsalita si Itay.

Itay: Naku, pano yan inay? Wala pa kong sahod, sa susunod na linggo pa ang sweldo ko? Bukas na
pala ang exam ni Kara.

Inay: ... (nakatungo lamang si inay)

Itay: Si Bunsoy pa, ang sapatos nya. Mahigit isang taon na iyon. At ngayo'y sira- sira na. Kawawa
naman ang bata.
Inay: ...

Napansin naman ng Itay na kanina pa walang imik ang asawa nya. Kaya naman ito'y kinamusta
nya.

Itay: Oh, tila di ka yata nagsasalita? Bakit?

Habang palapit ito kay Inay, napansin nitong namumutla ang asawa.Hinawakan nito ang leeg at
noo..

Itay: May lagnat ka. Tsk, tsk. Wag ka muna pumasok sa trabaho. Magpahinga ka muna sa ngayon
at baka lumala pa yan. Eto, gamot para sa lagnat mo, inumin mo ya--

Inay: Hindi.

Itay: Ha? Anong hindi? Kailangan mo uminom ng gamot at magpahinga.

Inay: Ayoko. Kailangan ko magtrabaho.

Itay: Pero..

Inay: Ayoko. Makikiusap ako sa amo ko. Ipapa-aga ko ang sweldo ko. Kailangan na natin ng pera.

Sabi ni inay na tila kumbinsidong- kumbinsido sa sinasabi nya.

Itay: Osya. Ikaw bahala. Basta magpahinga ka ha? Sumusobra na yata ang pagtatrabaho mo.
Tapos uminom ka ng gamot. Papasok na ko sa trabaho. Paalam. Tandaan mo, makararaos din
tayo.

At pagtapos nun, umalis na si Itay.

Si Inay ay isang inang mapag-aruga, mapag-alaga at mapag- pasensya. Sya ang laging kumikilos sa
bahay nila. Nagtatrabaho sya bilang isang labandera. Ang itay naman, isa syang kargador. Mayron
silang tatlog anak, ang panganay na si Ivan, na nasa kolehiyo na. Ang dalaga nilang si Kara na 4th
year student na. At ang grade 5 nilang anak na bunso. Mahirap ang buhay ngunit pinagtyatyagaan
na lamang nila. Pinaka- pangunahing problema nila ay ang pera. Mahigit tatlog buwan na silang di
nakapag babayad sa tinitirahan nila. Kaya naman sunud- sunod ang bayarin.

Nang makarating si Inay sa bahay na pinagtatrabahuan niya..

Amo: Oh. Nandyan ka na pala. Buti naman at dumating ka na. Aalis kasi kami ng mga anak ko.
Kung maaari sana'y ikaw muna ang umasikaso dito. Wala sila Inday.. Dayoff nila. Kaya ikaw lang
ang maiiwan dito. Pagpasensyahan mo na ha. Hayaan mo dadagdagan ko sweldo mo.
Inay: Naku, ma'am yun nga po ang pinunta ko rito.

Amo: Oh, bakit?

Inay: Kasi po ma'am. Bukas na po ang exam ng anak ko, tapos sinisingil na rin po kami sa bayarin
sa bahay. Eh kaso ang asawa ko po, sa susunod na linggo pa ang sweldo. Eh hanggang ngayong
week nalang po ang mga bayarin.

Amo: Ah..

Inay: Eh nahihiya man po akong magsabi sainyo, ngunit nagbabakasali lang po akong kung maaari
ay ngayon ko po makuha ang sweldo ko, kahit magkano lang po. Basta makapag- bayad lang ako
sa amin.

Hiyang hiya nitong nagtapat sa amo.

Amo: Ah.. Eh magkano ba kailangan mo?

Anak ng Amo: Mommy! Tara na!

Di lamang pinansin ng amo ang anak nya, at patuloy na naghintay sa sagot nya.

Inay: Naku, kayo po ang bahala. Nakakahiya po talagang humingi ng may--

Amo: Haha. Sige na. Magkano ang kailangan mo. Mahigit apat na taon ka nang nagtatrabaho dito.
At malaki ang naitulong mo sa bahay pati sa pamilya ko. Kaya binabalik ko lang ang pabor.
Magkano ba talaga?

Sabi nito na nakangiti. Mabait ang amo ni Inay. Mapagkumbaba at maraming kaibigan. Walang
niisang taong minaliit nya kahit katulong lamang ito sa bahay nila.

Inay: Naku, eh sa totoo lang po 36,000 po eh. Kasama na po ang lahat ng utang namin sa
nirerentahan.

Amo: Ah ganun ba? Oh, etoh. 50,000. Ang matitira, sayo nalang. Sa susunod na buwan may
sweldo ka pa.

Inay: Naku! Maraming salamat po! Malaking tulong po ito.

Amo: Haha. Ayos lang. Basta wag mo kaming iiwan ha?

Pagbibiro nito.
Amo: Kailangan ka rin namin dito! Hahaha.

Inay: Napaka- bait mo po talaga Ma'am.

Amo: Naku.. Masaya lang akong makatulong sa ibang tao. Minsan rin kaming naging ganyan kaya
tumutulong ako.

Inay: Ah ganun po ba? Salamat po.

Amo: Walang anuman. Osige, mauna na ko. Atat nang gumala ng mga anak ko. Haha. Maiwan na
kita ha? Uuwi din kami dito mamayang hapon.

Inay: Sige po. Mag- ingat po kayo, ma'am!

Amo: Ikaw rin.

Nakangiting nagpaalam sila sa isa't isa. Sobrang pasasalamat ni Inay at nagkaroon sya ng Amo na
handang tumulong sa pamilya nya. Nang maiwan sya sa bahay nito, nilinis nya ang bawat sulok ng
bahay. Naglaba, atbp. Hanggang sa dumating ang pamilya ng amo nito.

Amo: Oh. Kamusta naman? Pasensya na kung natagalan ka samin ha?

Inay: Naku, ayos lang po.

Amo: Walang dudang swerte ang pamilya mo sa'yo. Masipag at mapag-aruga.

Inay: Ginagampanan ko lamang po ang papel ko.

Amo: Ahaha. Hindi na nila kailangan ng ibang tao para mag alaga sa kanila. Dahil nandyan ka
naman.

Inay: (natuwa naman ito at napangiti)

Amo: Osige na. Baka hinihintay ka na ng asawa mo't mga anak. Gutom na yun siguro.

Inay: Naku, baka nga po!

Amo: Gerald! Anak! Nasan na?

Gerald: Opo! Eto na po.

Sabi nito habang naglalakad palapit sa kanila.

Gerald: Eto po oh.


Inaabot nito ang isang plastik na may mga ulam.

Inay: Naku, ano yan iho?

Gerald: Pagkain po.

Amo: Pasalubong namin pra sa'yo. Hindi ba't kaklase ito ng anak mo?

Inay: Tama po kayo.

Amo: Eh kanina nang sunduin ko si Gerald, magkausap sila ni Ivan.

Gerald: Opo. Eh nakwento nya po sakin na nakita nya na nahihirapan na kayo kanina bago sila
pumasok. Tila magkandarapa ka na raw po sa sobrang daming inaatupag. At narinig nya raw po
ang napagusapan nyo ng asawa mo. Kaya naman nung uwian na po namin, niyaya namin syang
isabay pauwi. Sabi nya ayaw na raw po.

Inay: Naku, bakit daw?

Gerald: Kailangan nya raw po magtrabaho para makatulong sa inyo. Part-time Job daw po.

Sa sinabi ni Gerald, halos mangiyak- ngiyak na si Inay. Hindi nya akalaing sa araw na ito,
napakaraming nangyaring hindi inaasahan.

Amo: Oh, ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na. Alam kong pagod ka na.

Inay: Naku. Maraming maraming salamat po ha?

Amo: Osige. Magkita nalang tayo bukas.

Inay: Sige po.

Umuwi si Inay sa bahay at nadatnang nandon na ang dalaga nya't ang bunso pati ang Itay.
Pumasok sya sa bahay at napansing wala ang panganay nya.

Mga anak: Mano po, Inay.

Inay: Oh, nasan ang kuya nyo?

Kara: Di po namin alam eh. Kanina pa ang uwian nya.

Inay: Ah ganun ba? Osige, etoh kumain na tayo.


Itay: San mo naman nabili yan?

Inay: Naku, eh pasalubong sakin ng amo ko. At alam nyo ba, makapag babayad na rin tayo ng mga
bayarin natin!

Natutuwa nitong sabi.

Itay: Talaga? Eh san galing ang pera?

Inay: Pinakiusapan ko ang amo ko. Sobrang bait talaga nya't pati ang pangbayad sa tuition ni Kara
at sa bahay natin ay binigay nya.

Bunso: Nanay, ang bait nila.

Inay: Oo anak. Kaya dapat kayo wag kayong magiging madamot. Osige tara na't gutom na siguro
kayo.

Itay: Halina.

...

Nang matapos kumain ang pamilya.. Kinagabihan wala parin ang panganay nila. Si Itay, si Kara at
ang bunsong kapatid at tulog na. Si Inay naman ay lumabas ng bahay. Nahihilo man at inaantok
na ang Inay ay hinintay parin nito si Ivan na pumasok sa gate nila.

Di naglaon ay dumating na nga. May dala itong supot. At nagmano sa kanya.

Inay: Oh, bakit ngayon ka lang dumating?

Ivan: Inay, pasensya na po kung late na akong nakauwi. Eto po ang gamot oh.

Inay: Para saan yan?

Ivan: Inay, alam ko pong kahapon ba kayo may sakit. Hindi mo lang pinahahalata. Kaso kaninang
umaga po, di na kinaya ng katawan nyo.. Tapos, nag trabaho pa kayo. Malala na ang sakit nyo.
Kaya eto po, inumin nyo nang maagapan agad yan.

Wala nang ibang ginawa ang Inay kundi yakapin ang anak at pasalamatan ito. Kinaumagahan ay
isa nanamang panibagong araw. Maraming pagbabago, pero ito naman ay para sa ikinabuti ng
pamilya nila.

Lesson:
Ang kwentong ito ay nagpapatunay na ang pagmahal Ng isang magulang ay walang kahit anong
makapapantay. Tunay na Kayang gawin Ng isang magulang ang LAHAT para SA kanilang pamilya
kahit mahirap. Kayang kalimutan Ng isang magulang ang kanyang sarili, mauna Lang ang para SA
ikabubuti Ng anak.
Hindi talaga mapapantayan ang pagmamahal meron ang aking mga magulang. Sa tatay na
nagtatrabaho upang mayroong makain ang pamilya at sa nanay naman na walang sawa sa pag-
aaruga sa amin. Ginagawa nila ang lahat upang maibigay sa mga anak ang mga pangangailangan.
Ang kwentong ito ay nagbibigay kasi-yahan at aral sa mga kabataan na maging masunurin,
mapagmahal at maalagang anak sa magulang.

You might also like