You are on page 1of 2

Carla: Oh? ba't biyernes santo mga mukha ninyo? Hindi pa ba kayo sanay?

sanayin niyo na mga sarili


ninyo sa mga pangakong napapako, at sanayin niyo na rin ang mga sarili ninyo na wala tayong katulong
dito.

Michael: Ate, Tama na.

(pumunta si carla sa kusina)

Carla: Tortang talong lang? hindi bale kapag nagpadala ulit ng pera, marami na ulit tayong ulam, at hindi
lang ulam ha, pati T-shirts pabango,bags, sapatos

Kuya: Ate Tama na, sabi eh.

Josie: Michael! Michael dalhin mo na si Daday sa kwarto, .sige na, anak sumama ka na sa kuya Michael
mo. pasok na sa kwarto, sige na anak.

Carla: pwede ba! Tigilan mo na nga ang pagtawag sa kanila ng anak! Ma-miss pa ni Dada yan, mawawala
ka rin naman.

Josie: ikaw lang naman ang hindi kumikilala sa aking ina eh.

Carla: ows? isa dalawa tatlo apat lima, anim na lingo,tignan natin kung hindi si Tita Lorna ulit ang maging
nanay niyan.

Josie: ano ba talaga gusto mo Carla ha? hindi ba ito ang gusto mo? pinagtutulakan mo kong umalis.

Carla: Oo! At sana huwag ka ng bumalik!

Josie: bastos ka talaga noh?!

Michael: Nay! Ate! Tama na po!

(nagwalk-out si Carla tapus ay nag impake ng gamit niya)

Josie :Ano?! Lalayas ka naman?! ha?! sige! Lumayas ka! Layas!

Carla: talagang lalayas ako!

Josie: Sige! Tuluyan mong sirain ang buhay mo! Sige layas! Magpakabaliw ka sa bisyo mo! Dun ka sa mga
lalaki mo!

Carla: Oo!! Gagawin ko talaga yun!

Josie: sige lumayas ka!

Michael: Ate! Nay! Tama na po! Naririnig kayo ni Daday!

(naiyak na si Daday)
Josie: sige! Magpakabuntis ka ulit! tignan ko lang kung rerespetuhin ka ng anak mo! Kapag asin na lang
inuulam niyo! At binibenta mo na katawan mo para lang may pagkain kayo! sige ituloy mo! Alam
mo...nagpapasalamat ako sa diyos dahil hindi sinilang ang mga bata na galling sa katulad mong babae na
iresponsable! At makasarili tulad mo!

Carla: kung magkaka-anak man ako! Sisiguraduhin ko na magkasama kami sa hirap at ginhawa.hindi ko
siya ipagpapalit dahil sa pera!

Josie: ang kapal ng mukha mo! wala kang utang na loob!ikaw ang sumira ng buhay mo! Ang kapal ng
mukha mo!

Josie: Kung ayaw mo sa akin! Ayaw ko rin sayo! Sana hindi na lang ako ang nagging ina mo, sana di rin
kita nagging anak. Sana maisip mo rin! Na ilang beses kong ginusto na hindi kayo pinanganak! Para hindi
niyo maranasan ang hirap dito sa mundo. pero nandito na ‘ko at nandiyan kayo! kahit saang lupalop ng
mundo, dala dala ko ang obligasiyon ko sa inyo na bigyan kayo ng magandang buhay dahil magulang
niyo ko!

Carla: hindi mo ko naiintindihan! Hindi ko hiningi ang binigay niyo lahat sa akin!kayo ang may gusto non!
hindi ako!

Josie: dahil mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayo. ngayon sabihin mo sa akin, sinasabi mo na hindi
kita naiintindihan? bakit Carla? ako ba inintindi kahit minsan, sana kahit minsan binigyan mo ng halaga
ang lahat ng pag-hihirap ko sa inyo, lahat ng sakripisyo ko, sana tuwing umiinom ka ng alak, habang
ginagastos mo ang pera na binibigay ko, sana maisip morin kung ilang pagkain ang tiniis ko na hindi
kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera dito. Sana maisip mo rim kahit kunti! kung gaano
kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang di ko kaano-ano samantalang kayong mga anak ko hindi ko
man lang maalagaan! Alam mo ba yun kung gaano kasakit yun sa akin bilang ina? alam mo ba kung
gaano kasakit iyon? Kung hindi mo kayang ituring ako bilang isang ina, respetuhin mo na lang ako bilang
isang tao. Yun lang ang kailangan ko, yun lang Carla, yun man lang!

You might also like